• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 12th, 2021

Mayor Sara ‘out’ na sa presidential race

Posted on: October 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may malaking oportunidad pa na naghihintay kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio lalo na at bata pa naman ito.

 

 

Ito ang pahayag ng pangulo kasabay ng kanyang pakikipagkita sa kanyang spiritual adviser na si Pastor Apollo Quiboloy kagabi kung saan agad itong umuwi ng Davao matapos ang kanyang pag-indorso sa senatorial slate ng administrasyon sa Comelec Pasay City.

 

 

Sinabi nito na totoo si Mayor Sara sa kanyang desisyon na muling kakandidato bilang alkalde ng lungsod.

 

 

Naniniwala ang nakakatandang Duterte na marami pang magagandang mangyari sa alkalde kahit na hindi na hindi sa pagiging presidente ng bansa.

 

 

Samantalang sinabi rin ng punong ehekutibo na pinili ng PDP-Laban sa last minute kahapon si Sen. Bato dela Rosa dahil walang “ulo” ‘yong kanilang partido o walang kandidato sa pagka-pangulo.

 

 

Naniniwala rin siya sa kakayanan ni Sen. Bato at mas mabuti umano na may isang “military man” na mamamahala sa bansa.

 

 

“Inday is definitely out as she has said earlier,” ani Pres. Duterte. “She was just true to her words. Alam mo, Inday is young and there are always some opportunities in the future for her. Not necessarily the presidency but well one of those options in her life especilly the imponderables of life.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mga bagong botanteng nagparehistro, halos 8M na– Comelec

Posted on: October 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30.

 

 

Kung maalala dahil na rin sa hirit ng dalawang kapulungan ng kongreso ay napilitan ang Comelec na palawigin ang registration.

 

 

Ito ay sa pamamagiyan ng Resolution 10720 na napagdesisyunan ng Comelec en banc para bigyang daan ang ating mga kababayan na makarehistro matapos maipit sa mga hard lockdown dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Ang voter registration ay magsisimula mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa kanilang mga Comelec offices at mga mall.

 

 

Mula naman sa dating target ng Comelec na apat na milyong bagong botanteng magrerehistro ay halos nadoble na ito.

 

 

Sa huling data ng Comelec, ang nakarehistro ngayong mga bagong botante ay nasa kabuuang 7,994,821. (Daris Jose)

Queen of Pop Madonna Regrets Turning Down A Role In ‘The Matrix’ And Catwoman In ‘Batman Returns’

Posted on: October 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE Queen of Pop regrets saying no to a role in The Matrix, though she didn’t specify which role.

 

 

Madonna revealed the news on NBC’s The Tonight Show to host Jimmy Fallon.

 

 

“I turned down the role in The Matrix, can you believe that?” she said to Fallon.

 

 

“I wanted to kill myself. That’s like one of the best movies ever made,” she added.

 

 

“A teeny-tiny part of me regrets just that one moment in my life.”

 

 

The Matrix, released in 1999, follows a computer hacker named Neo (Keanu Reeves), who gets stuck in a simulation and learns about the true nature of his reality. Laurence FishburneJoe PantolianoHugo Weaving, and Carrie-Anne Moss also star in the film. The film grossed $171,479,930 domestically and $463,517,383 worldwide, leading to two sequels, The Matrix Reloaded and The Matrix Revolutions, both released in 2003. A fourth movie in the franchise, The Matrix Resurrections will be released in theaters and on HBO Max on December 22, 2021.

 

 

Madonna also revealed to Jimmy that she turned down Catwoman in Batman Returns (that went to Michelle Pfeiffer) and a leading role in Showgirls.

 

 

“I saw them both and I regret that I turned down Catwoman, that was pretty fierce,” Madonna said.

 

 

In addition, Madonna is working on directing a movie about her own life. To date, she has directed two other films: Filth and Wisdom (2008) and W.E.(2011).

 

 

Studios previously attempted to produce movies about the accomplished singer’s life, but none of the films met her expectations.

 

 

“I’m thinking, ‘Why would these people want to make a movie about my life?’ There’s nothing true in the script,” she told Fallon, adding that a director behind one of the proposed films “had no appreciation for women.”

 

 

In September 2020, Madonna revealed she would produce her own movie about her life.

 

 

“I said, ‘There is nobody on this planet that can write or direct [or] make a movie about me better than me.’ It’s just the truth,” the pop superstar told Fallon.

 

 

A name and release date have yet to be announced. In the meantime, Queen of Pop fans can watch her new concert film, Madame X, which is now available to stream on Paramount+. (source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

ANGEL, tuturuan ng tamang paraan ni MARIAN after makita ang post ng ‘epic fail’ na pagluluto ng spaghetti

Posted on: October 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGABOT pa sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Angel Locsin sa GMA Network, bago ito lumipat sa ABS-CBN.

 

 

Pero nanatili ang friendship nila, kahit hindi naman sila madalas nagkikita, dahil may social media naman.

 

 

Kaya nga nakita ni Marian ang IG story ni Angel, na nag-aral palang magluto ng spaghetti para sa hubby niyang si Neil Arce.  Pero hindi naging successful si Angel sa timpla ng sauce niya dahil maasim daw ito.

 

 

Kaya nag-message si Marian kay Angel na tuturuan niyang magluto ng spaghetti si Angel.   Sagot ni Angel, “Please Marian, parang awa mo na!”  Sabi naman ni Marian, “sige, sabihin mo lang kung kailan, tuturuan kita.”

 

 

***

 

 

STARTING today, October 11, finale week na ng May-September love story na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

 

 

Ang first teleserye ni Beauty Gonzalez bilang Kapuso, na everyday ay nakakakuha ng mataas na rating sa GMA afternoon prime.

 

 

Nag-click nga ang tambalan nina Beauty at young actor na si Kelvin Miranda, at kahit May-December affair ang story nila, nagustuhan ito ng mga netizens.

 

 

Kaya naman may request sila kay Direk Adolf Alix at sa GMA na sana ay magkaroon ito ng book 2, magpapasalamat daw sila kapag pinagbigyan sila ng GMA.

 

 

Ang pinakahihintay ngayon ng mga netizens, kung paano maso-solve ang problema nina Bridgette (Beauty) at Marcus (Kelvin) at maging sila na ang forever.

 

 

Napapanood ang serye pagkatapos ng Nagbabagang Luha.

 

 

***

 

 

MAHIRAP daw palang kaeksena ang mahusay na actress-director na si Gina Alajar, pero ang gandang panoorin na kasama siya ng mga mahuhusay ding artista,  comments ng netizens sa nag-trending na eksena ng Nagbabagang Luha. 

 

 

Tinaon pa ng GMA-7 na ipalabas noong Saturday after Eat Bulaga,  ang eksenang nabuko na ang pagsisinungaling ni Cielo (Claire Castro) na buntis siya, kaya tinutukan ito ng mga viewers.

 

 

Ang eksena ay baby shower ni Cielo sa anak daw nila ni Alex (Rayver Cruz) pero nalaman na ng Ate Maita (Glaiza de Castro) niya ang totoo kaya kahit anong pagsisinungaling ni Cielo ay buko na siya at nalaman na rin ni Calida (Gina) at Alex.

 

 

Gulat ang mga kaeksena ni Calida sa tuhog na eksena nang bigla niyang sampalin at hilahin si Cielo at ingudngod sa isang red cake.

 

 

Parang hindi kasi sila handa sa magaganap na eksena at kita ang gulat sa mga faces nina Glaiza, Rayver, Mrytle Sarrosa at Mike Tan.

 

 

Nag-post si assistant director Barry Barrientos na wala raw double si Claire napaka-professional ng young actress sa paggawa ng eksena.

 

 

Ang netizens, galit man sa character ni Cielo, ay pinuri naman nila dahil nakaya niyang makipagsabayan sa acting ng mga kasama niya.  Si Claire ay anak ng mga dating Kapuso stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

 

 

Last two weeks na lamang ang Nagbabagang Luha at aabangan pa raw ng netizens kung magpapatalo na si Cielo sa pagiging obsessed niya kay Alex.

 

 

At patatawarin pa ba siya ni Maita?

(NORA V. CALDERON)    

Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela

Posted on: October 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at Joel Casuple alyas “Belok”, 42 ng Modesto St, Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa inuupahang bahay ni Bataller sa No. 3072 Apartment Building, Unit C2, JB Juan St. Brgy. Ugong.

 

 

Nagpanggap na buyer si PCpl Maverick Jake Perez kung saan nagawa nitong makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Perez na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na sina PCpl Isagani Manait at PCpl Robbie Vasquez saka inaresto ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P81,600, buy-bust money, P750 cash, 2 cellphones at 2 coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

CARLA, bumiyahe sa New York para mabili ang dream wedding dress sa kanyang dream designer

Posted on: October 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY na ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil pinayagan na siyang bumiyahe to New York para makuha na niya ang kanyang dream wedding dress.

 

 

Dahil sa magkasunod na trabaho, tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss sa GMA Network bago mapayagang mag-abroad para mabili ang dream wedding dress mula sa kanyang dream designer.

 

 

Emosyonal na pinasalamatan ni Carla ang GMA Network sa permisong ibinigay nito para makaalis ng bansa si Carla.

 

 

“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I’m so happy,” sey ni Carla sa kanyang vlog.

 

 

Para raw nabunutan ng tinik sa dibdib si Carla dahil napadali na ang isang parte ng kanyang wedding preparations.

 

 

“I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo. Gumaan na ‘yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinadasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw but it’s really my dream, so finally tuloy na siya,” sey ni Carla.

 

 

Kasama ang kanyang nanay, lumipad si Carla patungong New York.

 

 

Nag-quarantine muna sila ng tatlong araw, bago namalagi ng dalawa pang araw sa New York para sa hanapin ang wedding shoes at gown ni Carla.

 

 

***

 

 

NAG-OPEN up ang Kapuso actress na si Klea Pineda na dumaan siya sa matinding depression dahil sa pag-body shame sa kanya ng ilang haters sa social media.

 

 

Matagal daw siyang hindi nagbukas ng kanyang social media accounts dahil masasaktan lang daw siya sa mga mean comments ng ilang netizen tungkol sa kanyang katawan.

 

 

Naging dahilan daw ang depression niya sa pagkawala ng kanyang confidence sa sarili.

 

 

“Ang hirap sa totoo lang na makabasa ng ganun. Humahanap sila ng butas para hilahin pababa ‘yung kapwa babae nila or kapwa tao nila. Bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa isa’t isa?

 

 

Nitong mga nakaraang months, nawala ‘yung parang self-esteem, self-confidence, nawala ‘yun, nawala ‘yun sa akin,” diin ni Klea.

 

 

Ngayon daw ay gumawa ng paraan si Klea para muling bumalik ang tiwala sa sarili. Imbes nga raw na magmukmok siya, bumalik siya sa pag-workout at unti-unti na raw bumabalik na ang dati niyang alindog.

 

 

“A little progress each day adds up to big results,” post pa ni Klea sa kanyang Instagram account.

 

 

Hindi nag-iisa si Klea sa naging biktima ng body shaming. Naranasan din ito nila Kris Bernal, Gabbi Garcia, Angelica Panganiban, Rita Daniela at ng beauty queen na si Michele Gumabao. 

 

 

***

 

 

NAG-POST si Madonna ng ilang nakakaintrigang photos aa social media para sa promotion ng kanyang Madam X documentary.

 

 

Sa isang photo, suot ng 63-year old singer ang isang all-black ensemble of leather, lace and fishnets na may caption na: “Madame X is giving birth today. ……………. Help her push………….. #madamex streaming on @paramountplus.”

 

 

May mga kuha rin siya na suot ay long black gloves, a crucifix necklace, black leather skirt and bustier, red tights with black heels and fishnet stockings.

 

 

Suot ni Madonna ang naturang outfit noong mag-guest ito sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon. Pinakita ng singer na maalindog pa rin siya habang suot ang sexy leather dress.

 

 

Unang ni-release ni Madonna ang Madam X studio album noong 2019.

 

 

Naunang pinalabas sa MTV in the UK ang Madame X documentary at ngayon ay available na ito sa Paramount+.

(RUEL J. MENDOZA)