AMINADO si Yassi Pressman na nagulat siya sa butt exposure ng leading man niya na si JC Santos sa More Than Blue na paparating na sa Vivamax ngayong November 19, 2021.
Kuwento ni Yassi sa digital mediacon first time daw niyang maka-experience ng ganun sa co-actor kaya, “it’s quite shocking but JC was very comfortable.
“At sa trailer ng movie, papasok ako sa loob ng banyo. Sa blocking, hindi naman sinabi ‘yun, kaya noong take na, pinag-ready na kami, nagulat lang talaga ako ng makita ang eksena sa monitor.”
Muli ngang magkakasama sina Yassi at JC, una silang nagkatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano.
“For the second time, naramdaman ko na, she’s going to be a great actor. Nandun siya sa path na ‘yun and she’s on the right path of maturity. Naramdaman ko na mas malalim siya.
“Actually, kung may lovelife siya ngayon, napakasuwerte ng lalaking yun dahil mapupuno ng pagmamahal ang relationship.”
Dagdag pa ng award-winning actor, “sobrang na-enjoy ko itong journey namin ni Yassi. Umabot kami sa point na magkasama kami and we get emotional, na kahit wala pang eksena. We know na kaya naming buhatin ang isa’t-isa na mapupunta kami sa vulnerable side namin.
“Sobra ‘yung pagtitiwala at ang sarap lang talaga. Kaya na-enjoy ko ng secong na ito, at sana meron pa.”
Ang More Than Blue ay mula sa direksyon ni Nuel C. Naval, ang direktor ng adaptation ng comedy-drama film Miracle in Cell No. 7, isa na naman itong panibagong Philippine remake ng Korean romantic drama film na dudurog sa mga puso nang makapapanood sa Vivamax sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ang More Than Blue ay kwento nina K at Cream na kapwa ulila, nakatira sila sa iisang tahanan pero walang romatikong ugnayan sa kanilang dalawa. Si K ay inabandona ng kanyang nanay nang mamatay ang tatay nito dahil sa kanser, habang si Cream naman ay namatayan ng buong pamilya dahil sa car accident.
Nang malaman ni K na siya ay may taning na dahil sa malalang stage ng cancer, inilihim niya ito kay Cream at tinulak pa niya itong makapag-asawa ng isang mabait at malakas na lalaki.
Kalaunan, nakilala ni Cream si John Louis, isang mayamang dentista na inamin niyang nagugustuhan na niya. Nasaktan ang puso ni K nang malaman ito, ngunit sa isang banda panatag din siya dahil hindi na maiiwanang nag-iisa si Cream.
Ang tunay na pag-ibig ay may kaakibat ngang pagsasakripisyo para sa taong minamahal. Pero sa katayuan nina K at Cream, sapat nga ba ito para higit na maparamdam sa tao na minamahal siya?
Sa Pinoy remake ng romance-drama sensation na ito, ginagampanan ni JC ang role ni K at si Yassi naman bilang si Cream, handa na sila pareho na iparamdam sa mga manonood ang pag-ibig kasabay nang pagluha sa kanilang unang tambalan onscreen.
Excited si Yassi sa kanyang panibagong pelikula. At kahit pa natanggap niya ang parehong Korean at Taiwanese versions nito bilang reference, may pag-aatubili siyang panoorin ito. Sa halip, gusto niyang natural na makabuo ng sarili niyang version ng Cream.
Na ayon kay Direk Nuel, napakahusay nang pagkakaganap nina JC at Yassi, lalo na ang aktres dahil lumabas ang husay nito sa pag-arte. Kaya posible ngang maging contenders ang dalawang bida sa next awards season next year.
Pinagbibidahan din ito nina Diego Loyzaga (Encounter, Philippine TV Series) at Miss Universe Philippines 2013, Ariella Arida na kapwa may mahalagang papel sa makadurog-pusong relasyon ng dalawang soulmates na si K at Cream.
Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300 Million gross sa taong iyon.
Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa mga East Asian countries kabilang ang China, Hong Kong, Malaysia, at Singapore, at nakapagtala ito bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.
Save the date na para sa #WasakPusoDay ngayong November 19, 2021. Panoorin ang Philippine adaption ng More Than Blue this November sa Vivamax, available ito online sa web.vivamax.net o kaya naman ay i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store. Pwedeng manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month lang at P399 para sa 3 buwang mas makakatipid!
Maaaring mag-stream online on VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East and Europe. Magiging available na din ang Vivamax sa USA and Canada ngayong November 19.
(ROHN ROMULO)