• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 15th, 2021

Duque bumanat kay Locsin sa 50 milyong ‘syringe deal’

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tahasang tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na kasinungalingan ang akusasyon ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa umano’y paglaglag muli ng pamahalaan sa isang deal para makabili ng 50 milyong pirasong ‘syringe’ na gagamitin sa ‘vaccination program’ ng bansa.

 

 

“Hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun,” giit ni Duque sa isang panayam ng dzBB.

 

 

Ikinatwiran ni Du­que na umatras ang supplier makaraang hindi sila pumayag sa mataas na presyo na iniaalok nito.

 

 

“Ang gusto ni Locsin, sumunod kami sa gusto ng supplier na presyo. Ay hindi naman pwede ‘yun. Hindi naman kami g*go para gawin ‘yun. Meron ta­yong batas diyan—Republic Act 9184,” ayon kay Duque patungkol sa Government Procurement Reform Act.

 

 

Ito ang ikalawang akusasyon ni Locsin sa DOH. Noong Dis­yembre 2020, inakusahan din niya ang ahensya ng “somebody dropped the ball” o inilaglag ang negosasyon sa Pfizer. Itinanggi rin ito ni Duque at sinabing patuloy ang negosasyon sa Pfizer ng panahong iyon.

 

 

Hindi maiwasan na naglabas ng pagkadismaya si Duque kay Locsin na maaari naman umanong perso­nal na lumapit sa kaniya para pag-usapan ito.

 

 

“Tweet nang tweet ito, hindi man lang ako tawagan. Open naman ang communications namin. Pareho naman kaming nasa administrasyon, ‘di ba? Madali naman mag-usap for clarification, ‘di ba?” ayon kay Duque.

 

 

Nitong Linggo, inihayag ng DOH at ng National Task Force Against COVID-19 na may sapat silang mga hiringgilya para sa vaccination program ng bansa. (Daris Jose)

7 INARESTO SA PANGGUGULO SA TONDO

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PITO katao ang arestado matapos magdulot ng gulo at muntikan nang makabaril ng isang alagad ng batas sa Tondo , Maynila kagabi.

 

 

 

Ayon sa Manila Police District (MPD), kinilala ang mga suspek na sina Vicente Ubias  Palacpac, Ruben Diño , Bañez,  Flaviano Aron  Jr,  Eduardo Ubias, Richard Melo , Agrifino Esteroza Jr  at  Robert Badong.

 

 

 

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng sumbong ang barangay Tanod na si Ronald Cusay ng Brgy.101 kaya humingi ng tulong sa mga awtoridad .

 

 

 

Pagsapit sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd sakop ng nasabing barangay, inabutan ng mga operatiba ang mga suspek na nag-iinuman at nanggugulo.

 

 

 

Habang pinapakalma ni PCpl Marvin Aguilar  ang grupo partikular si Palacpac nang bigla nitong suntukin ang naturang pulis dahilan para matumba at saka tinangkang barilin ngunit hindi pumutok.

 

 

 

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Aguilar na paputukan sa ibang bahagi ng katawan si Aguilar upang hindi na makapanlaban pa.

 

 

 

Agad namang dinala sa ospital ang suspek upang malapatan ng lunas ang tinamong tama ng bala habang ang kanyang mga kasamahan ay binitbit na sa istasyon ng pulisya.

 

 

 

Mahaharap sa kasong  Direct Assault, Attempted Murder, RA 10591, Breach of Peace at RO 5555 ang mga suspek. GENE ADSUARA

‘Tiyakin na nasusunod ang social distancing sa mga kampanya sa 2022 elections’

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (COMELEC) na nasusunod ang social distancing sa mga dumadalo ng campaign rallies sa nalalapit ng 2022 elections.

 

 

Sa kanyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, nagbabala ang pangulo sa pagkakaroon ng recontamination kapag hindi nasunod ang safety protocols ngayong panahon ng kampanya.

 

 

Dagdag pa nito na walang gaanong magiging problema dito kung marami na ang naturukan ng COVID-19 vaccine subalit dahil marami pa rin ang hindi nabakunahan ay mahirap isapalaran ang kalagayan.

 

 

Nararapat na maglabas ang Comelec ng kautusan para sa nasabing pagsunod ng physical distancing.

 

 

Maari aniyang gawin ang pagkampanya sa Luneta Park basta masusunod ang COVID-19 protocols. (Daris Jose)

Susunod na Pangulo ng bansa, walang magiging problema sa COVID-19 vax supply- Galvez

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG sapat na doses ng COVID-19 vaccines ang bansa kahit pa bumaba na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, iniulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 200 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang i-deliver sa bansa sa susunod na taon.

 

“Nakumpleto na po ang ating vaccine up to the middle the year of 2022. Ibig sabihin ang procurement and other donations, ‘yung incoming president po wala na pong problema sa vaccines kasi yung ating ginagamit na vaccine, yung nagdedeliver ngayon para po next year na po yon,” ayon kay Galvez.

 

“Kasi 158 (million) po yun, 108 (million) lang kailangan natin for this year, yung idedeliver natin dun more or less 78 million, ito po malalaman na po natin for next year,” dagdag na pahayag ni Galvez sabay sabing “Makikita na plantsado na po ang ating procurement and other deployment to 2022 year of administration.”

 

Aniya, karamihan sa mga bakuna ay mag-e-expire o mapapaso’ sa 2023.

 

“More or less 200 million po ang darating ngayong year. Malaki ang stockpile na kayang i-hold,” ani Galvez.

 

“Karamihan na darating na vaccine especially sa J&J, nagpapasalamat po kami sa COVAX at ang kanyang expiry date is 2023 pa. Meaning ‘yung ating request ‘yung mas higher ang expiry date, naibigay po satin,” aniya pa rin.

 

Para sa linggong ito, inaasahan naman ng pamahalaan ang pagdating ng 24,473,800 doses ng COVID-19 vaccines.

 

“Here is the breakdown of the vaccines: J&J – 9,316,800 doses; Pfizer – 4,984,200 doses; Moderna – 5,208,900; Sinovac – 2,000,000 at Astra Zeneca – 2,963,900,” ayon may Galvez.

 

Iniulat din ni Galvez na mahigit sa 7 milyong kabataan na may edad na 12 hanggang 17 ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang 2.1 milyon naman ang fully vaccinated.

 

Iniulat din niya na sa Kalakhang Maynila, nakapagtala ng 102% ng elderly population ang fully vaccinated.

 

“Nakita natin, na-break natin ang hesitancy. At the same time, 111% ang first dose. Meaning pati mga bata, nakukuha na niya po at kuha na niya po ang mga elderly niya,”ayon kay Galvez.

 

Dahil sa steady vaccine supply, target anila na palawigin ang deployment ng karagdagang doses sa general population.

 

“We might decide because of steady supply, before the end of the year, we might expand the boostering to the general population,” anito.

 

“As of December 13,” sinabi ni Galvez na may 41 milyong Filipino ang fully inoculated laban sa COVID-19, kung saan 53.20% ng adult population sa bansa. (Daris Jose)

Miss Universe HARNAAZ SANDHU, stand-out at hinangaan sa Q & A: India, muling nagwagi after 20 years

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER 20 years, muling nagwagi ang India ng Miss Universe crown and title at ito ay napagwagian ng 21-year old na si Harnaaz Sandhu.

 

 

Huling nagwagi ang India ng Miss Universe crown ay noong 2000 at si Lara Dutta ang Miss India. Una naman silang nanalo ay noong 1994 with Sushmita Sen representing India sa Miss Universe na ginanap sa Pilipinas.

 

 

Kinabog ni Sandhu ang 79 candidates mula sa iba’t ibang bansa para sa korona ng Miss Universe na ginanap sa Eliat, Israel. Naging kontrobersyal ang Miss Universe ngayong taon dahil may group na gustong ipa-boycott ang naturang pageant at nagkaroon pa ng pangamba sa Omicron variant ng COVID-19.

 

 

Pero walang nakapigil sa taunang inaabangan ng maraming beki at beauty pageant fans. Kinatuwa ng maraming Pinoy sa Israel ang pagpasok ng ating Miss Philippines na si Beatrice Luigi Gomez mula Top 16, Top 10 at Top 5.

 

 

Sa simula pa lang ng pageant ay standout na si Miss India dahil bukod sa ganda nito ay very articulate. Bilang isang public administrator, ang advocacy ni Miss India ay ang “sustainability and limiting one’s carbon footprint.”

 

 

Bukod sa kanyang trabaho, isa rin siyang working model and actress. Bago ang Miss Universe, nakatapos siyang gumawa ng dalawang Punjabi films na Yaara Diyan Poo Baran and Bai Ji Kuttange na parehong ipalalabas sa 2022.

 

 

Nakatapos din si Miss India ng Information Technology and is taking up her Master’s degree.

 

 

Pinahanga ni Miss India ang marami sa sagot niya sa Top 5 question na: Many people think climate change is a hoax. What would you do to convince them otherwise?”

 

 

Sagot niya ay: “Honestly, my heart breaks to see how nature is going through a lot of problems and to all irresponsible behavior. And I totally feel that this is the time to take actions and talk less because each action could either kill or save nature. Prevent and protect is better than repent and repair and this is what I’m trying to convince you guys today.”

 

 

Sa final question sa Top 3, heto ang tanong: “What advice would you give dvice to young women watching on how to deal with the pressures they face today?”

 

 

Sagot niya: “Well, I think the biggest pressure the youth is facing today is to believe in themselves. Let’s stop comparing yourselves to others and let’s talk about more important things that are happening worldwide. I think this the thing you need to do for yourself — come out, because you are the hero of your own. You have a life of your own. I believed in myself and that’s why I’m standing here today.”

 

 

First runner-up si Miss Universe Paraguay Nadia Ferreira, na isang business owner at second runner-up si Miss Universe South Africa Lalela Lali Mswane, na isang vocalist and model.

 

 

***

 

 

NAKAUWI na rin si Wendell Ramos sa kanilang bahay pagkatapos ng 85-day lock-in taping para sa book 2 ng GMA teleserye na Prima Donnas.

 

 

Sabik na sabik ang aktor na makarga ang newly born baby girl niya na si Mary Mardell Ann Ramos na pinanganak noong October 27 habang nasa lock-in taping siya.

 

 

Hanggang sa video call lang daw nakikita ni Wendell ang kanyang bagong baby, kaya noong matapos na ang taping, diretso uwi ang aktor para makita na ng personal ang baby girl niya.

 

 

Sinalubong din si Wendell ng 15-year old daughter niya na si Tanya na isang certified Daddy’s Girl dahil niyakap niya ng mahigpit ang kanyang daddy na na-miss niya for three months.

 

 

Post ni Wendell sa kanyang Instagram: “Happy to see my Unica Hijas #blessedandgrateful #glorytogod”

 

 

Thankful si Wendell na natapos nila ang taping ng buong teleserye bago mag-Christmas. Kaya magiging relax na siya at ang ibang cast ng Prima Donnas sa pagpasok ng 2022.

 

 

***

 

 

LAST James Bond movie na raw ni Daniel Craig ang No Time To Die.

 

 

Puwede na raw silang maghanap ng next James Bond.

 

 

“I’m very happy that I’ve got here and I’m very happy that I got a chance to make one more movie. I’m very proud of it, I’m credibly proud of all of the movies and all of the work we’ve done. But it’s time to move on,” diin ni Craig.

 

 

Tinapos daw nila ang shooting ng movie sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Thankful ang aktor na hindi sila pinabayaan ng buong film production, lalo na kung may ginagawa siyang mabibigat na eksena na buwis-buhay.

 

 

“I don’t get scared because I work with these like, the stunt team that we work with is so professional and brilliant. They look after me. But sometimes I get nervous if I’m standing on the top of a high place, or I have to jump off something, I get nervous. But it’s all good,” sey pa niya.

 

 

Kung maging safe na raw mag-travel ulit, nais ni Craig na magbakasyon ulit sa Pilipinas. Nakarating na siya ng Pilipinas noong 2012 nang samahan niya ang kanyang misis na si Rachel Weisz noong mag-shoot ito ng pelikulang The Bourne Legacy sa Manila at Palawan.

 

 

“My wife was filming in he Philippines and I was with her. Oh it’s a long time ago now. It was beautiful, I had a lovely, lovely time. I would love to come back in the Philippines,” sey pa ni Craig.

(RUEL J. MENDOZA)

WATCH THE FIRST TRAILER OF “FANTASTIC BEASTS: THE SECRETS OF DUMBLEDORE” NOW

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

YOU are invited back to the magic.  Watch the first trailer of “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” only in Philippine cinemas soon.

 

 

YouTube: https://youtu.be/WImIBmuICrQ

 

 

Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/659034998437494/

 

 

 

About “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore”

 

 

 

Warner Bros. Pictures’ “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” is the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.

 

 

 

Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the wizarding world.  Unable to stop him alone, he entrusts Magizoologist Newt Scamander (Eddie Redmayne) to lead an intrepid team of wizards, witches and one brave Muggle baker on a dangerous mission, where they encounter old and new beasts and clash with Grindelwald’s growing legion of followers.  But with the stakes so high, how long can Dumbledore remain on the sidelines?

 

 

 

The film features an ensemble cast led by Oscar winner Eddie Redmayne (“The Theory of Everything”), two-time Oscar nominee Jude Law (“Cold Mountain,” “The Talented Mr. Ripley”), Ezra Miller, Dan Fogler, Alison Sudol, Callum Turner, Jessica Williams, Katherine Waterston, and Mads Mikkelsen.

 

 

 

“Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” was directed by David Yates, from a screenplay by J.K. Rowling & Steve Kloves, based upon a screenplay by J.K. Rowling.  The film was produced by David Heyman, J.K. Rowling, Steve Kloves, Lionel Wigram and Tim Lewis.  Neil Blair, Danny Cohen, Josh Berger, Courtenay Valenti and Michael Sharp served as executive producers.

 

 

 

The film’s behind-the-scenes creative team included director of photography George Richmond (“Rocketman,” “Kingsman: The Golden Circle”), three-time Oscar-winning production designer Stuart Craig (“The English Patient,” “Dangerous Liaisons,” “Gandhi,” the “Harry Potter” and “Fantastic Beasts” films) and production designer Neil Lamont (“Solo: A Star Wars Story,” “Rogue One: A Star Wars Story”), four-time Oscar-winning costume designer Colleen Atwood (“Chicago,” “Memoirs of a Geisha,” “Alice in Wonderland,” “Fantastic Beasts and Where to Find Them”), and Yates’ longtime editor Mark Day (“Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald,” the last four “Harry Potter” films).  The music is by nine-time Oscar nominee James Newton Howard (“News of the World,” “Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald,” “Defiance,” “Michael Clayton,” “The Hunger Games” films).

 

 

 

Warner Bros. Pictures presents a Heyday Films Production, a David Yates film, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” in Philippine theaters 2022.  The film will be distributed worldwide in select theatres and IMAX by Warner Bros. Pictures.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #SecretsOfDumbledore

(ROHN ROMULO)

Locsin, binuweltahan si Duque: ‘Don’t ever question my motives’

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINITA ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. si Health chief Francisco Duque nang pasinungalingan ng huli na nawala ang oportunidad ng Pilipinas na makakuha ng milyong “vaccine syringes” mula sa Estados Unidos.

 

Sinabi ni Duque na ang kasunduan na makabili ang Pilipinas ng 50 milyong syringes mula sa Estados Unidos ay nabasura dahil sa usapin ng overpriced.

 

“Don’t ever, Duque, ever question my motives,” ayon kay Locsin, sa kanyang Twitter, araw ng Linggo.

 

Ani Locsin, “the government, dropped the ball again” nang mabigo itong makakuha ng syringes.

 

Ang sagot naman ni Duque, inalok sila ng P411.5 million para sa 50 milyong syringes kung saan P2.38 ang bawat isang syringe na giit ng Kalihim ay lampas sa inilaang pondo ng pamahalaan.

 

Aniya pa, isang paglabag sa RA 9184 o Government Procurement Reform Act kapag itinuloy ang naturang kasunduan.

 

“Wala, wala ‘yun, hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun. Hindi totoo ‘yan ,” ayon kay Duque.

 

“Ang gusto ni Locsin, sumunod kami sa gusto nung supplier na presyo. Ay hindi naman pwede ‘yun. Hindi naman kami gago para gawin ‘yun. Meron tayong batas diyan: Republic Act 9184,” dagdag na pahayag nito.

 

“Walang katuturan ‘yung sinasabi niya. Unang-una, nag-back out ka kasi hindi nga maka-supply at that budget, bakit naman kami susunod doon, e di ma-ga-graft naman kami,” ang pahayag ng Kalihim.

 

Ang resbak naman ni Locsin, ang alok ng Health Department na 4.7 sentimo kada syringe ay “hallucinatory.”

 

Aniya pa, hindi ipinaliwanag mabuti ni Duque ang kanyang dahilan sa pagtanggi sa kontrata.

 

“Just respond to the offer professionally on the right not junior level, say no and explain why. The offeror answered back devastatingly,” ayon kay Locsin.

 

“I was assured it was being handled professionally and would be disposed of on a factual basis and not by pakiusap or tago ng tago,” aniya pa rin.

 

Matatandaang, hindi man binanggit ang pangalan ni Duque, nasabi na ni Locsin noong Disyembre ng nakaraang taon na mayroong isang tao na nag-“dropped the ball” na makakuha ng delivery ng Pfizer-BioNTech vaccines sa Pilipinas para sa buwan ng Enero.

 

Ang first batch ng Pfizer-BioNTech vaccines sa Pilipinas ay dumating noong Mayo. (Daris Jose)

LUIS, tanggap ang unfortunate accident na nakunan ang private part; proud sa movie dahil nakatrabaho si Direk BRILLANTE

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang newest erotic-drama movie ni Direk Brillante Mendoza na Palitan na nagsimulang mag-streaming noong December 10, 2021.

 

 

For sure, nakadagdag sa mabilis na pagna-number one ng Palitan sa Vivamax ang pinagpipiyestahan sa socmed ang screenshot ng ‘dick slip’ photo ng isa sa bida ng pelikula na si Luis Hontiveros. 

 

 

Wala raw na kamalay-malay ang baguhang aktor na nakunan ng drone camera ang private part niya sa waterfalls love scene kasama sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, at Rash Flores, na parang palaban sa hubaran.

 

 

Pahayag ni Luis nang matanong sa virtual mediacon, “To be honest, hindi planado yun.

 

 

“Not like Rash, I didn’t have the balls, the courage to go all out na walang plaster, but I had plaster on set bago lumusong sa tubig.

 

 

“Dahil nga nasa waterfalls, rushing ang water, malakas yung current, hindi na kinaya ng plaster. Nainitan na siguro, ayun lumangoy, naging entrance fee na lang sa waterfalls.

 

 

“Siya na yung pambayad ng aming pag-u-utilize sa kanyang beauty, ng location.”

 

 

Dagdag pa ng bagong Kapuso star na unang nakilala sa PBB: Lucky 7 ng Kapamilya network, “My reaction to the photo, I didn’t know. It’s not easy, to be honest, it’s not easy.

 

 

“I mean, anyone or unless you’re a pornstar, you’d be completely proud and okay about it.

 

 

“But I’m proud of the film. Kung ano yung naibigay, maibibigay na experience ng aming pelikula, I’m proud of that.

 

 

“That unfortunate accident, let it be something na experience na lang to the viewers. I will leave it at that.

 

 

“Kung mas matuwa sila, that’s good. Kung ano yung maramdaman nila, sa kanila na lang yun. But for me, I kept it professional.

 

 

“Hindi ko na gustong putulin pa, magpa-cut ako kay Direk, iantala pa ang lahat kasi mainit ng araw na yun.”

 

 

Sa pagpapaliwanag niya, nang matanggal nga ang plaster sa kanyang private part, tumalikod siya sa kamera at inilubog ang katawan sa tubig hindi niya alam na may nahagip at nasilip nga ang kanyang tinatago.

 

 

“Unang-una, napakalamig ng tubig so it would be somewhat unprofessional for me to cut off the whole scene just to kabitan na lang ulit ng plaster,” say niya.

 

 

“Ako, I did my best. I just didn’t know, hindi sinabi sa akin na nandoon na pala yung drone sa taas ko kasi may kamera sa likod namin, pahayag pa ni Luis na hindi itinago na nahirapan siya sa mga daring scenes pinagawa sa kanya ni Direk Mendoza.

 

 

Labis naman ang papasalamat si Luis dahil sa first indie film at masuwerteng na-cast siya na latest movie ng 2009 Cannes Best Director.

 

 

Na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang premyadong direktor na kinikilala sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Sabi pa ni Luis, For someone na nagsisimula pa lang somehow sa industry, tapos first indie film ko pa, and then I would be working with a director like him, talagang I’m really blessed and grateful sa tiwala, sa opportunity na ibinigay nila para maipakita ko kung ano yung kakayahan ko sa craft ko sa pelikulang ito.

 

 

“Working with him is not just, hindi lang maganda sa resume ko, ‘ika nga, pero ang dami kong natutunan kay Direk Brillante.”

 

 

Para mapanood ang Palitan, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.

 

 

Mapapanood rin ang number one ngayon sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada na rin ang Vivamax. Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

‘Huling Ulan sa Tag-araw’, best work ni Direk LOUIE: KEN at RITA, palaban sa acting awards

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG Cannes award-winning director Brillante Mendoza is the new addition sa roster of famed directors doing movies sa online platform na Vivamax.

 

 

Ang unang project niya ay Girl Love story na Palitan which features Cara Gonzales, Jela Cuenca, Rush Flores at Luis Hontiveros.

 

 

Bukod sa beautiful cinematography, mahusay ang acting ng apat na artista kahit na sila ay mga bagito sa acting.

 

 

Marami rin sexy scenes kung saan ipinakita ang intimacy ng dalawang couples.

 

 

Maayos ang pagkakalahad ng kwento. We can say that Direk Dante is in his best element.

 

 

May dalawang movies pa na natapos si Direk Dante for Vivamax namely Sisid at Bahay na Pula.

 

 

***

 

 

IN a few days Pasko na at simula ng Metro Manila Film Festival.

 

 

Simula na ang labanan ng walong official entries not only sa awards but sa box-office as well.

 

 

Exciting ang labanan sa awards. Sana lang wag ulitin ng MMFF jurors ang ginawa nila last year na inilabas ang listahan ng nominees bago ang awards night.

 

 

If we recall, nung inilabas ng listahan ng nominees, ito lang ang pinanood ng mga tao online.

 

 

It was very unfair sa mga entries na di nakakuha ng nominations dahil they were robbed of the chance na mapanood ng audience who were turned off na ang mga movies were not nominated.

 

 

Kaya sana ‘wag malmadita ang MMFF na ilabas ahead ang nominees.

 

 

***

 

 

WE were not expecting nung dumalo kami sa preview ng Huling Ulan sa Tag-araw but we we’d like yo congratulate Direk Louie Ignacio for making us feel good and making us shed tears.

 

 

We love the movie. It is the best work of Direk Louie. Hindi ako lavish sa praise pag ‘di ko gusto pero ‘di ko naman sisiraan ang movie if we did not like it.

 

 

Pero ang Huling Ulan sa Tag-araw is one movie i won’t hesitate to recommend sa lahat na panoorin. I hope Rita Daniela and Ken Chan will win acting awards for their heartfelt performances.

 

 

Congratulations for a job well done.

(RICKY CALDERON)

DILG magpapalabas ng guidelines ukol sa pre-campaign period activities

Posted on: December 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng guidelines sa local government units (LGUs) hinggil sa mga aktibidad ng electoral candidates bago pa magsimula ang campaign period sa Pebrero ng susunod na taon.

 

“Ako mismo maglalabas ako ng guidelines para sa mga LGUs ano ‘yung mga panuntunan kapag may caravan at saka merong motorcade diyan sa inyong area at ano ang dapat babantayan natin at hindi papayagan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

 

Maliban kasi sa magdudulot ito ng pagsisikip sa daloy ng trapiko, may mga nagpartisipa kasi sa ilang caravans at motorcades ang naobserbahan na hindi sumunod sa health protocols gaya ng physical distancing.

 

Batay sa calendar of activities na ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec), ang simula ng campaign period ay sa darating na Pebrero 8, 2022 para sa national candidates at Marso 25 naman para sa local candidates.

 

Napagkasunduan aniya na magpalabas ng guidelines na susundin ang motorcades at caravans kung saan ay mayroon lamang isang “designated lanes” na papayagan na ma-okopahan o magamit ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya.

 

Ia-identify din ang assembly area at ang eksaktong take-off time ay dapat na iobserba, walang programa o anumang unnecessary stoppage habang nagsasagawa ng aktibidad.

 

“Tuluy-tuloy dapat (travel) yan, free-flowing yan at hindi kayo mag occupy ng ibang lane na hindi naibigay sa inyo at kung anong oras ang tinakda, doon lang kayo. Hindi pupuwedeng magtatagal at yung lahat ng dadaanan ninyo na ruta dapat alam ng LGU and at anytime kung meron tayong nakitang paglabag pupuwedeng i-stop yan,’’ diing pahayag ng Kalihim.

 

Sa kaso naman aniya ng paglabag sa protocols, hahabulin ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga organizers at “then if no action from the LGU puwede rin natin habulin yung LGU diyan and of course siyempre dapat may accountability din yung mga personality na kumakandidato ” lalo pa’t ang mga ito aniya ang tumatayong principals sa political activity.

 

Sinabi ni Año na ang kanilang gampanin lamang ay ang ipatupad ang umiiral na batas at regulasyon base sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.

 

“So doon tayo sa health protocol aspect pero ang maganda naman nagkaroon na rin tayo ng mga pag-uusap at pagbibigay ng talakayan sa mga political parties na ito at sila naman ay nangako na susunod sa pinag uutos ng batas at ng IATF ,’’ anito.

 

Tinukoy din ng Kalihim na nangako ang mga kinatawan ng political party na magpapatupad ng “self-policing” at “self-restriction” sa panahon ng coordination meetings, idagdag pa na ang tanging magagawa lamang ng Philippine National Police (PNP) at LGUs ay magpatupad ng minimum public health standards.

 

“Sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), LGUs, sa PNP at maraming rules doon na nai-set nila na magpo-protect naman sa mga kababayan natin,” dagdag na pahayag nito.

 

Ayon kay Año, sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, ang outdoor assembly ay pimapayagan lamang sa 70% capacity, iyon lamang ay dapat na sundin pa rin ang minimum health standards. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)