• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 5th, 2022

2 kulong sa baril at P500K shabu sa Malabon

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng baril at mahigit kalahating milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Pierce Joshua Nicholas Pascual alyas “Pasky” at Wendy Roble.

 

 

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-6:10 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Pureza St., Brgy. Tugatog kung saan isang undercover police ang nagawang nakipagtransaksyon sa mga suspek ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 75 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P510,000.00, buy bust money at isang caliber .40 pistol na kargado ng magazine at may laman dalawang bala.

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunation ang kakaharapin pa ni Pascual. (Richard Mesa)

Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at mas madaling maipasa sa ibang tao.

 

 

“I think in about three to four weeks, as predicted, the Omicron will be dominant in terms of 50% to 90% of the cases, overtaking the Delta virus,” dagdag pa niya.

 

 

Sinabi pa ni Vega na ang COVID-19 infections ay magpi-peak pa sa mga susunod na araw, at wala pang katiyakan kung mababawasan ito.

 

 

Paliwanag niya, ang Omicron ay may mas mataas na high transmissibility rate, na nasa 30 hanggang 50%, kumpara sa Delta.

 

 

“We are preparing our health system capacity, our testing, isolation so that we are all prepared in this another ride in the wave of this Omicron virus,” ani Vega.

 

 

Samantala, pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng publiko laban sa napaulat na sakit na Florona, na kumbinasyon umano ng trangkaso at COVID-19 at unang natukoy sa isang buntis sa Israel.

 

 

 

Ayon kay Vega, hindi pa ito concern ngayon sa Pilipinas at maaari lamang itong mangyari kung mahina ang immunity ng isang tao at walang anumang proteksiyon laban sa mga virus.

Ads January 5, 2022

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KRIS, kinumpirmang naghiwalay na sila ni MEL matapos ma-engage last year; humihingi ng respect and privacy

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NOONG Lunes, January 3, kinumpirma ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila former Interior Secretary Mel Sarmiento matapos na sila’y ma-engage last October, 2021.

 

 

Sabi niya, “Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pagusapan pa ang kanyang paghihiwalay?

 

 

“But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, I must end this chapter.

 

 

Ibinahagi nga ni Kris ang screenshots ng last text message ni Mel sa kanya na kung saan tinanggap nito na makipag-break na sa kanya.

 

 

I will just post screenshots of Mel’s last message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left,” say ni Kris.

 

 

“By doing this I only request for some respect for my humanity & privacy now and in the coming months when I fight for my health… because I was BRAVE enough to show you and tell you the TRUTH.”

 

 

Mababasa na bahagi ng text ni Mel, “For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility.   

 

 

“Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble.”

 

 

Dagdag pa niya, “On that note, with a heavy heart I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together.

 

 

“I do love you, but I guess this is goodbye for your life is the greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of.  You will forever be in my heart.

 

 

Post pa ni Kris last Monday tungkol sa plano niyang pag-alis ng bansa para magpagamot ng lumalalang sakit, “I want to spare myself and my loved ones from further rumors & speculation. My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed.

 

 

“Do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88 lbs/40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity. From last quarter of 2018, I’ve long known that my autoimmune conditions could only be treated BUT never cured.

 

 

“I have accepted the TRUTH, many complications from having autoimmune may arise, especially because I am immunocompromised and we have been forced to live with a nearly 2 year worldwide pandemic.

 

 

“My faith in God has taught me I must completely surrender all, to His Will and His Timing.”  

 

 

Ilang naman sa naging reaction ng netizens:

 

 

“This doesn’t surprise me. He was a nice guy but his personality will not match Kris’. Sad for Kris. I am more concerned about her weight. Grabedad yung 88 lbs. Keep strong, Krissy!”

 

 

“Matagal ko ng sinasabi yan. Kris is so payat. While everybody is kilig kilig sa lovelife niya. I am more concern of her health kasi fan niya ako. I want her to be in love and happy but more than anything I want her to live long pa. Best of luck sa flight mo Kris, we all pray for you. Sana talaga you will gain weight and be more healthy.”

 

 

“Be healthy Kris. Un ang importante. We pray for you.”

 

 

“Grabe ang bilis nmn buti di pa sila kasal kundi problema nmn ang divorce. High risk si madam tapos si guy naman e mababaliw lang ng nasa bahay. Ang hirap talaga ng lovelife sa pandemic kasi kelangan both mag compromise.”

 

 

“Sa lahat ng breakup stories, dito ako pinaka nalungkot at napa “aww krissy i wanna hug you” it’s neither party’s fault. Circumstances beyond their control made this happen. Sakit ni Krissy at ang pandemic.”

 

 

“Magpapagamot si Krissy sa abroad kaya naghiwalay. Health reasons…”

 

 

“Nakakaiyak nman. Power hug ms Kris.”

 

“So sad. Mahirap talaga condition ni Kris.”

 

 

“Ang sakit ng puso ko after reading Mel’s text kay Kris..”

 

 

“Ang sad naman. They’re okay pa naman sana. TOTGA feels :(“

 

 

“She’s a good mother to her sons. Kahit ano pang sabihin nila, hindi sya perfect, at inulan ng kontrobersya. Marami sya pinagdaanan. I must say hindi naging boring ang kwento ng buhay niya. Pero sa pagiging ina saludo ako. She deserves to be happy.”

 

 

“This is sad, kala ko pa naman because Mel is mature na, nasa edad na, at alam ang buhay ni Kris, true love ang meron, pro dati pa nya alam sakit ni Kris, sana hndi na sha umeksena tpos will break her heart din pla in the end.”

 

 

“Kris’ rapid health decline is alarming 🙁 I hope she gets well soon. Prayers for you Kris.”

 

 

“Praying for Kris’s Health, deteriorating. SANA makabangon pa din sabi nga nya yung condition nya MAYBE TREATED BUT NOT CURED! For the LOVELIFE, expected ko ng di sila magtatagal OR KAHIT NA SINOPAMAN kasi sa Kundisyon ni Kris! But Definitely HATS OFF to this Lady for being such a Wonderful Mother & A Lady Boss!”

(ROHN ROMULO)

‘Poblacion girl’ hindi idedeklarang persona non grata ng Makati City – Mayor Binay

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Tumanggi ang Makati City na ideklarang persona non grata si Gwyneth Anne Chua, ang Pilipinang tumakas sa kanyang quarantine at nakahawa sa marami sa kanyang mga nakahalubilo.

 

 

Sa halip ay hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga business establishments at mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na ireklamo si Chua matapos itong tumakas sa kanyang quarantine para pumunta sa isang party sa Poblacion, Makati.

 

 

Nabatid na apat sa 12 indibidwal na nahawaan ng COVID-19 kasunod ng superspreader event sa party na dinaluhan ni Chua ay pawang mga empleyado ng isang bar.

 

 

Kahit hindi idedeklarang persona non grata ang tinaguriang “Poblacion girl” sinabi ng alkalde na papanagutin pa rin nila ito.

 

 

Naghahanda na rin aniya ang lungsod ng reklamo laban sa hotel na pumayag kay Chua na makatakas sa quarantine nito.

 

 

Dagdag pa ni Binay, may inihahanda na rin ang Department of Tourism na kanilang sariling rekomendasyon laban sa naturang hotel, na natukoy bilang Berjaya Hotel. (Daris Jose)

ALDEN, nakapag-celebrate pa rin ng 30th birthday sa ‘Eat Bulaga’ kahit nasa Amerika; may teleserye sila ni BEA bukod sa pelikula

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE pa rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng kanyang 30th birthday sa Eat Bulaga last Monday, January 3, dahil that time ay January 2 pa sa San Francisco, California, his actual birthday.

 

 

At nakipagkulitan pa si Alden kina Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K at sa guest co-host na si Kakai Bautista. 

 

 

Taun-taon ay sa EB nagsi-celebrate ng birthday niya si Alden, kaya kahit nasa SanFo siya ay hindi pumayag ang show na hindi nila makasama si Alden sa mismong birthday nito.

 

 

Thankful si Alden na nakapag-join pa rin siya sa show hanggang sa “Bawal Judgmental” at sa “Bida First” segments. Nagbigay din ng tulong si Alden sa mga choices  (contestants) ng “Bawal Judgmental” na apektado ng typhoon Odette ng amount na pampagawa nila ng bubong ng bahay nilang nasira ng bagyo.

 

 

Sa pagbalik ni Alden sa bansa, ang haharapin na raw niya ay ang pagsisimula ng movie na pagtatambalan nila ni new Kapuso actress Bea Alonzo, na susundan din ng isang teleserye na pagtatambalan pa rin nilang dalawa.

 

 

***

 

 

ALMOST 200K views and 1,000 comments ang tinanggap ng Instagram post ni 2020 Miss Universe Philippines and now Kapuso actress Rabiya Mateo, habang nagti-training siya para sa first TV series niya sa GMA Network, ang action-fantasy-drama series na Agimat ng Agila.

 

 

       “Agimat ng Agila Training and Preparation.  To healthier mind, body and spirit this 2022!  Claiming nothing but positivity and abundance in life.  Sharing to you guys my training and preparation for my role as an interpol agent in Agimat ng Agila, sa January 22, 2022 na, post niya.

 

 

Nagpasalamat din si Rabiya sa mga trainors mula sa @tagteamstunts.ph, at sa coach niya at sa @slimmersworldinternational, for helping her build a stronger muscular body.

 

 

Humanga rin kay Rabiya ang mga kapwa niya Kapuso stars at mga netizens, na pinuri siya na sa halip na gumawa ng serye na magpapakita sa kanya bilang isang beauty queen ay isang action series ang tinanggap niya na gumamit siya ng patalim, baril at lakas.

 

 

Bago ang Agimat ng Agila, nakapag-host muna si Rabiya sa All-Out Sundays at sa isang segment ng Eat Bulaga, nai-feature din siya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sa The Boobay And Tekla Show at nag-drama sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales, na naging leading man niya si Kapuso hunk actor Jeric Gonzales. 

 

 

Dito naging close ang dalawa at may mga nag-akala pang naging sila na pero, sabi nila, ‘knowing each other’ pa lamang sila.

 

 

Mapapanood sina Bong Revilla at Rabiya sa Agimat ng Agila sa world premiere nito sa Saturday, January 22, 7:15PM, after ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MADALI naman muling nagkabalikan ang mga Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, after ang balitang nag-break-up ang mag-sweetheart.

 

 

Kita ang saya sa face ni Bianca nang mag-appear siya sa All-Out Sundays last January 2, at sa isang segment ng noontime show na tinatanong nina Pokwang at Pekto ang mga kasama nila sa show ng personal questions.

 

 

Kinumusta ni Pokwang ang puso raw ng young actress.  “Masaya po ang puso ko, mas masaya kaysa noon.”

 

 

Sayang lang at hindi present si Ruru sa show para ma-confirm ang sagot ni Bianca.

 

 

Isa pang nababalitang may maganda nang relasyon ay ang mga young stars ng I Left My Heart in Sorsogon na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

 

 

Sila na bang dalawa? Mabilis na sagot ni Mavy ay ‘yes,’ pero si Kyline, ‘special friends daw sila ni Mavy.’

 

 

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz naman ang nakita ni Pokwang, since single na ulit si Rayver dahil wala na sila ni Janine Gutierrez. 

 

 

Napansin kasi ang closeness ng dalawa habang nagho-host sila ng The Clash. Ready na raw ba muling magmahal si Rayver at itinuro nila si Julie Anne.  Nakangiting sagot ni Rayver, “hinay-hinay muna.”

(NORA V. CALDERON)

IYA, aminado na mas mahirap ang ikaapat na pagbubuntis kaya kailangang maging maingat

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BIGGEST role ng Kapuso actor na si Nikki Co ang pagganap niya as Jameson Chan sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune. 

 

 

Kontrabida si Jameson sa pamilya Chan kaya sa auditions pa lang daw ay ginalingan na niya.

 

 

“Noong nag-audition kasi ako, hindi ko pa alam kung anong role ‘yung makukuha ko. I read the script and they made me do itong si Jameson. Doon pa lang, minata ko na ‘yung character na ‘yun.

 

 

Excited talaga ko, kaya noong nagpre-prepare ako, talagang hinanap ko ‘yung ano bang puwede naming maging relation ni Jameson. Masaya talaga ‘ko sa role kaya very thankful ako.

 

 

“‘Yung role ko kasi very different siya sa akin so ‘yun pa lang, challenge na siya sa akin. I had to really prepare kasi grabe ‘yung extent nung kasamaan ni Jameson,” sey ni Nikki.

 

 

Ikinatuwa pa ni Nikki ang makatrabaho ang mga veteran actresses na sina Ms. Boots Anson-Roa, Maricel Laxa, at Sunshine Cruz.

 

 

“Working with ‘yung mga veteran actors natin, grabe naman po ‘yung pagiging welcoming nila. We created ‘yung chemistry together. Tinutulungan na rin po nila kami in the scenes that we make.

 

 

Very excited ako sa iba pang scenes na gagawin namin. Mayroon na kaming nakunan na medyo mabibigat na eksena which I really felt good with,” diin ni Nikki na produkto ng StarStruck Season 6 at laging gumaganap na best friend ng bida sa ilang teleserye.

 

 

***

 

 

MAS magiging maingat na si Iya Villania sa kanyang mga kinakain ngayon dahil aminado siyang mas mahirap ang ikaapat na pagbubuntis niya.

 

 

Four months preggy na si Iya at boy ang gender ng kanilang ikaapat na baby nila ni Drew Arellano. Biro pa ng host ng Mars Pa More ay dahil sa Work From Home kaya muling nakabuo sila ng baby ni Drew.

 

 

“Akala kasi namin ay last na si Alana. We weren’t really planning for a fourth baby. Pero noong makita ko yung tatlong bata na naglalaro at ang saya-saya nila, sinabi ko kay Drew na gawa pa kami ng isa pa,” sabay tawa ni Iya.

 

 

Nagkataon naman na under construction na ang kanilang pinagagawang bahay kaya mas maraming room na raw kunsaan puwedeng maglaro ang kanilang mga anak.

 

 

“It came at the right moment when we already have our house being built. Doon kasi malaki yung playing ground nila. Makakalaro sila sa garden habang kami ni Drew ay nakaupo lang at pinagmamasdan ang sunset,” ngiti pa ni Iya.

 

 

Kaya sa ika-3rd season ng cooking show nila ni Chef Jose Sarasola na Eat Well, Live Well, Stay Well, makakasama na sa kanilang mga lulutin ay ang mga pagkain na puwede sa mga pregnant women tulad ni Iya. Dahil safe ang ingredients ng Aji-nomoto, wala raw itong side effects sa mga katulad ni Iya.

 

 

“When I’m pregnant kasi, marami akong food aversions. Marami akong ayaw kainin, lalo na on the first trimester of being pregnant. Pero sa mga gagawin namin ni Chef Jose sa kusina, we will make sure na healthy and safe ang lahat ng gagamitin namin,” diin pa ni Iya.

 

 

***

 

 

AFTER two years ay natupad din ang hiling ng Korean model-actress-DJ na si Jinri Park na makapiling ang kanyang mga magulang sa Australia.

 

 

Dumating sa Sydney airport ang parents ni Jinri at agad na pinag-quarantine sila sa isang hotel.

 

 

“Finally. After 2 years, a lot of tears and effort my parents arrived in Sydney. I saw them but they had to go to isolate at a hotel until they got their negative PCR results and it took about 2.5 days to get it since I paid to get the fast result one,” sey ni Jinri.

 

 

Sa Australia na naka-base si Jinri at inamin niyang nahirapan siyang mag-adjust doon kaya kailangan niya ang gabay ng kanyang mga magulang.

 

 

“It was such a rollercoaster ride not knowing if I’ll get to see them still or what would happen. Everything was so unclear and I spent so many nights and days crying thinking i won’t be seeing them again this year.

 

 

It’s been hard living in a foreign country with no friends and family so I’ve missed them even more. They won’t be staying for too long since they both have to go back to work in Korea but I’m so so sooooo happy I finally got to see my parents after 2 years,” sey pa niya.

 

 

Sa isang pinost niyang video, nakalabas na sa pagkaka-quarantine ang kanyang parents at mahigpit na niyakap sila ni Jinri.

 

 

“If you’re with your parents this year don’t forget to give them a BIG hug. Happy new year everyone!! Family is the most important thing in life, don’t ever forget that!!!” payo ni Jinri.

 

 

Tinalikuran na ni Jinri ang kanyang showbiz and modeling career sa Pilipinas at kasalukuyang nagtatrabaho bilang waitress sa Australia.

(RUEL J. MENDOZA)

DOTr: 70 percent maximum kapasidad sa mga PUVs ipapatutupad pa rin

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling 70 na porsiento ang maximum na kapasidad ang ipapairal sa mga public utility vehicles (PUVs) ngayon nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.

 

 

Mahigpit na pinagutos ng DOTr sa mga pampublikong sasakyan sa lupa at sa mga stakeholders na ipatupad ang nasabing batas sa National Capital Region.

 

 

Inutusan ng DOTr ang mga kumpanya ng mga buses at PUV operators kasama ang mga transport terminals sa NCR na mahigpit na ipatupad ang health protocols habang ang Metro Manila ay nasa Alert Level 3 hanggang January 15 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

“The 70 percent maximum passenger capacity would remain in the NCR to keep pace with the demand for public transport services,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Sinabi rin ni Tugade na kung magkakaron ng mga pagbabago sa pinayagang maximum na kapasidad sa pampublikong transportasyon, ang DOTr ay susunod pa rin sa pinatutupad na regulasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

 

“With the continued rise of COVID-19 cases in NCR, the DOTr enjoins our land-based transport operators to remind passengers to strictly observe minimum health protocols and ensure that the maximum allowable passenger capacity is followed,” dagdag ni Tugade.

 

 

Ayon pa rin sa kanya na hindi dapat tayo maging kampante sa pagsunod sa mga pinatutupad ng pamahalaan na minimum health protocol dahil ito naman sa atin rin na ikabubuti. Dapat lang tayo ay maging mapagmatyag upang bumaba ang  kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Kaya nagsimula na naman ang mga police at traffic enforcers na manghuli ng mga hindi sumunod sa nasabing patakaran. Noong Lunes pa pinatupad ang 70 porsiento na kapasidad sa mga PUVs.

 

 

Kamakailan lamang ay may nakitang video habang ang isang jeepney ay pinahihinto ng mga traffic enforcers subalit ito ay kumarepas ng takbo. Ang iba naman mga drivers ng buses, UV Express, at iba pang pampublikong sasakyan ay humihinto habang ang mga inspectors ay tinitingnan kung sila ay sumusunod sa 70 na porsientong kapasidad.

 

 

Sinasabi ng mga ibang drivers na hindi nila alam na 70 porsiento ang pinapayagan lamang na maximum na kapasidad ng mga PUVs.

 

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagbigay ng isang memorandum noong Jan. 2, sa mga land-based transportation stakeholders na dapat nilang subaybayan ang kanilang mga drivers at conductors upang masiguro na sila ay sumusunod sa minimum health protocols lalo na sa 70 na porsiento ng kapasidad ng mga PUVs.

 

 

“We warned that the non-observance of health protocols onboard PUVs or violation of 70% maximum passenger capacity order are considered violations of franchise conditions. Penalties for violating PUV franchise conditions range from hefty fines to the impounding of the involved PUV,” ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra.

 

 

Maaari rin masuspend ang driver’s license kung hindi sila susunod sa nasabing pagpapatupad ng minimum health protocols. LASACMAR

Face-to-face classes sa NCR, sinuspinde

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspinde muna ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang pagsasailalim muli ng pamahalaan sa rehiyon sa Alert Level 3 status dahil sa muling pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ng DepEd na muli na lamang nilang ipagpapatuloy ang limitadong face-to-face classes sa sandaling maibalik muli sa Alert Level 2 ng NCR.

 

 

“Consistent with the recent memorandum of the IATF (Inter-Agency Task Force) for the Alert Level 3 protocols and considering the notable increase of Covid cases in NCR, DepEd, in consultation with DOH (Department of Health), confirms that face to face classes for pilot schools in NCR are  suspended until the alert level reverts to Level 2,” anunsiyo pa ng DepEd.

Keanu Reeves, Donated Most Of His Matrix Salary To Leukemia Research

Posted on: January 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KEANU Reeves, continuing to prove himself as the nicest guy in Hollywood, reports say that the actor donated most of his Matrix salary to leukemia research.

 

 

Reeves, who rose to prominence in the 1990s off the back of his performances in films like Bill and Ted’s Excellent Adventure, Point Break, Bram Stoker’s Dracula, and Speed, was cast in as Neo in 1999’s The Matrix after the role was turned down by Will Smith.

 

 

Considered one of the most influential films of the 20th century, the original Matrix earned multiple awards and was openly praised by big-name filmmakers such as James Cameron, Quentin Tarantino, and Christopher Nolan for its inventive storytelling and groundbreaking visual effects.

 

 

Reeves, who in more recent years has continued his run as a fan-favorite action hero in the John Wick franchise, recently returned to the Matrix franchise in the series’ fourth installment, The Matrix: Resurrections. Despite having his character killed off at the conclusion of 2003’s The Matrix: Revolutions, writer and director Lana Wachowski reunited Reeves with his original co-star, Carrie-Ann Moss, in a new film that takes place 60 years after the events of the original trilogy.

 

 

Since its December 22 release, the franchise’s latest entry has already managed to gross over $105 million in worldwide box office and is also set to release in China later this month.

 

 

Now, new reports currently sweeping the web say that Reeves gave 70 percent of his $45 million salary for playing Neo in the original film to leukemia research. According to Lad Bible (via the NY Post), Reeves received $10 million upfront and a further $35 million after the film’s release, and he later quietly donated $31.5 million out of his Matrix paycheck.

 

 

According to these reports, Reeves had a personal connection with the cause, as his younger sister Kim had been battling the disease since 1991 and had spent a decade undergoing treatment before entering remission in 2001. The star would also go on to quietly set up his own non-profit foundation which supported children’s hospitals and cancer research.

 

 

This latest news of Reeves’ continuing benevolence probably comes as little surprise for fans of the beloved actor. Well known for his generosity and casual manner, Reeves has repeatedly earned himself a reputation as one of the nicest guys in Hollywood with a long list of good deeds to his name.

 

 

From stories of him helping John Wick crew members shift heavy film equipment, to tales of him renting a minibus to help out his fellow stranded passengers, it seems that new accounts of Reeves’ good heart and warm nature make their way out into the world every other day.

 

 

As far from the stereotypical image of Hollywood prima-donna as one could get, probably the best part of this latest story is the simple fact it is only just now coming to light after two decades. Clearly not feeling the need to draw attention to or advertise his donations, the actor’s astounding generosity is matched only by his continued sense of humility.

 

 

Reeves’ enormous fanbase will probably be the first to suggest that for every good news story people hear about The Matrix star, there are probably many, many more which he has chosen to keep quiet. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)