• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 17th, 2022

MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

 

Paliwanag niya, dahil sa pagpapatupad noon ng curfew sa kasagsagan ng hard lockdwon sa NCR ay natuto na raw ang mga taong hindi na lumabas dahil ang naturang virus ay nakakahawa.

 

 

Dagdag ng MMDA chair, pagdating naman daw ng alas-5:00 ng hapon ay halos sarado na rin ang mga malls at pangunahing kalsada sa Metro Manila kaya hindi na kailangan ang curfew.

 

 

Pero una nang nagpatupad ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ng curfew sa mga menor de edad na 17-anyos pababa sa NCR at mananatili ito hanggang sa ngayon.

 

 

Samantala, naniniwala si Abalos na hindi na kailangang itaas sa Metro Manila ang Alert Level 4 dahil na rin sa nakikitang galaw ngayon ng mga taga-NCR.

 

 

Kung maalala hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero ay mananatili sa Alert Level 3 ang NCR.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang establishments ay papayang mag-operate ng hanggang 30 percent indoor venue capacity pero ito ay para lamang sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity kapag lahat ng mga empleyado ay fully vaccinated.

 

 

Ang in-person classes, contact sports, funfairs/peryaa at casinos ay ang mga aktibidad at establisimiyento namang hindi papayagan sa kasalukuyang alert level.

 

 

Sa sandali naman umanong ibaba sa Alert Level 2 o 1 ang NCR ay otomatiko na ring tatanggalin ang pagbabawal sa paglabas ng mga unvaccinated.

HOTEL NA ISOLATION SITES, DADAGDAGAN

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO  ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang  mga isolation site matapos umabot sa 78 porsyento ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) .

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary and Treatment czar Leopoldo Vega na mayroon mataas na bilang ng mga kahilingan para sa isolation at quarantine facilities habang patuloy na tumataas ang kaso Ng coronavirus disease nitong nagdaang mga linggo.

 

 

“Iyong December kasi nasa 15 percent lang yata or mga less than 10 percent ng usage ng ating temporary treatment facilities. So, ang iba ho nito talagang nag-aano na, nag-defunctionalize (Last December, the usage of temporary treatment facilities is 15 percent or less than 10 percent. So, even some of them were defunctionalized),” pahayag ni Galvez sa isang televised  public briefing.

 

 

Dagdag pa niya na ang mga kontrata ng ilang hotel at pasilidad na itinalaga bilang mga TTMF. ay natapos na noong  Disyembre 31, 2021.

 

 

Upang makapagbigay ng naaangkop na mga lugar ng isolation at quarantine para healthcare workers at pangkalahatang publiko, ang mga lokal na yunit ng pamahalaan ay muling inaaktibo ang kanilang mga TTMF.

 

 

Ayon kay Galvez ang utilization kasi ng TTMFs ay nasa halos 78 % na kaya naman  itinataasna rin ang bilang ng isolation at pasilidad  para sa mga health care workers at saka sa general public .

 

 

Nitong Huwebes, nakapagtala ng  34,021 bagong kaso kung saan may kabuuan nang  3,092,409 habang nasa   237,387 na rin ang aktibong mga kaso sa bansa. GENE ADSUARA

Quarantine facilities kailangang mag- provide ng isolation rooms

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang  COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng  isolation rooms.

 

 

Sinabi ni Acting presidential spokesperson t Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng  IATF Resolution 157.

 

 

“The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for hotels used as quarantine facilities to be likewise used as isolation facilities is adopted, subject to specific protocols that may be issued by the BOQ-DOH (Bureau of Quarantine-Department of Health),” ayon sa  IATF resolution.

 

 

“This was done so that individuals who tested positive for COVID-19 while in quarantine will be easily isolated rather than traveling to another facility,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang tumataas na bilang ng  COVID-19 cases sa bansa ay  nagresulta sa RT-PCR COVID 19 test laboratories para dagsain  ng mga specimens na naghihintay na ma-proseso at ang pagkaantala ng  turnaround time para sa pagpapalabas ng  test results.

 

 

“So parang may domino effect itong ano eh, ‘yung dami ng mga nagpapa-test ngayon. Hindi lamang sa mga umaalis kundi pati sa nanunumbalik,”ayon Kay  OWWA Administrator Hans Cacdac.

 

 

Sa kabilang dako, tuluyan nang inalis ng Pilipinas ang mandatory quarantine para sa mga fully vaccinated travelers mula  Green List countries o areas na may low risk of COVID-19 infection, Iyon nga lamang, kailangan na mag-presenta ang mga Ito ng negatibong RT-PCR test na ginawa 48 hours bago ang departure sa bansa kung saan sila nagmula at kailangan na mag- self-monitor para sa kahit na anumang sign o sintomas sa loob ng pitong araw kung saan ang unang araw ay ang petsa ng kanilang pagdating.

 

 

Ang listahan ng Green List countries mula Enero  16 hanggang  31 gaya ng nakasaad sa  IATF Resolution 157-B ay kinabibilangan ng:

 

Bangladesh

British Virgin Islands

Djibouti

The Gambia

Hong Kong

Japan

Montserrat

Oman

Saba (Special Municipality of The Kingdom of the Netherlands)

Sierra Leone

Timor Leste

Benin

China

Equatorial Guinea

Ghana

India

Kosovo

Morocco

Pakistan

Saint Barthelemy

Sint Eustatius

Uganda

Bhutan

Cote d Ivoire

Falkland Islands (Malvinas)

Guinea

Indonesia

Kyrgyzstan

Niger

Paraguay

Senegal, and

Taiwan

 

 

Samantala, nakapagtala naman ang Pilipinas ng  34,021 bagong COVID-19 cases sa isang araw, itinuturing na pinakamataas simula nang magsimula ang pandemiya na tumama sa bansa noong Marso 2020.  (Daris Jose)

RURU, nag-decide na mag-focus muna sa ibang mga bagay dahil matagal ding nahinto ang lock-in taping

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGBABALIK na simula ngayon (January 17), ang highly-anticipated drama na sinubaybayan last year, ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

 

 

Pangungunahan pa rin ng tatlong Donnas, si Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo), as the heiresses of the Claveria family.

 

 

Kaabang-abang ang mga pagbabago sa story that will showcase a different side to the beloved sisters.

 

 

Naroon pa rin sina Katrina Halili as Lilian, Wendell Ramos as Jaime, Chanda Romero as Lady Prima, Benjie Paras as Agaton, James Blanco as Ruben, and the newest addition to the cast na si Ms. Sheryl Cruz as Bethany Howards.

 

 

At siyempre, si Ms. Aiko Melendez as Kendra Fajardo, na patuloy na sumusumpa ng paghihiganti sa mga Claveria.

 

 

At may mga ka-love team na ang mga Donnas, si Will Ashley as Nolan, Vince Crisostomo as Cedrick, Allen Michael Ansay as Fonsie, at Bruce Roeland as Hugo.

 

 

At abangan kung nagbago na ang ugali ni Brianna, si Elijah Alejo, na nagpanggap bilang isang Claveria.

 

 

Sa pagsisimula ng serye this week, from January 17 to 21, the show will take viewers back to the first season with recap episodes, after Eat Bulaga.

 

 

Ang fresh episodes ng Prima Donnas, Book 2 ay magsisimula naman sa January 24 sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MAGSISIMULA na ring mag-resume ang mga nasimulan nang mga bagong teleserye ng GMA Network, dahil sa almost two years na tayong may pandemic.

 

 

Isa rito ang action-drama series  na Lolong na pinagbibidahan ni hunk actor Ruru Madrid, na naka-ilang lock-in tapings na sila nang mahinto sila last August, 2021.

 

 

Nanghinayang ba siya na matagal-tagal na rin itong nahinto?

 

 

     “Hindi po naman, pero talagang nag-train akong mabuti noon, to the point na kahit puyat ako, nagwu-work-out ako, pero kailangan po naming sumunod,” sagot ni Ruru.

 

 

“Pero kahit po na-stop kami, hindi pa rin ako huminto, nag-decide akong mag-focus sa ibang mga bagay, improve myself, hindi lamang sa pagiging artista. 

 

 

Nag-venture ako into business, at the same time, I just launched my YouTube channel called “What Are You Made Of?”

 

 

Hindi naman nawawalan ng guestings si Ruru sa mga shows sa GMA, at every Sunday, napapanood siya sa All-Out Sundays.

 

 

***

 

 

MALAPIT nang magsimula ang isang legal drama series na Artikulo 247 sa GMA Afternoon Prime, na tatampukan nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Kris Bernal, at Mark Herras. 

 

 

Ang serye ay tungkol sa isang babaeng pilit na kumakawala sa consequences ng kanyang nakaraang pagkakadawit sa buhay ng kanyang boss at asawa nito.

 

 

Kaya mabubuo na ang mga series sa afternoon prime, nagsimula na kasing mapanood ang Prima Donnas na sinusundan ng Little Princess ni Jo Berry.

 

 

Ilang shows pa ring aabangan ang The Fake Life, Apoy Sa Langit, Abot Kamay na Pangarap, Frozen Love, Return To Paradise, Underage, Heaven in My Heart, at Nakarehas na Puso.

 

 

Kaabang-abang din ang mga weekend game at variety shows, ang Family Feud, a popular franchise game show, ganundin ang Philippine franchise ng sikat na SBS Korea Original na Running Man Philippines.

 

 

New breed of talented music artists ang nakatakdang ma-discover sa Sing For Hearts. Ang The Best Ka ng Guinness World Records ng “Best of the Best,” sa talent, looks at iba pa.

 

 

At ang isang pinakahihintay, ang pagbabalik ng action-packed adventure top-rating family drama na Agimat ng Agila nina Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Elizabeth Oropesa, Benjie Paras, Gardo Versoza. Betong Sumaya, Kim de Leon, Shanelle Agustin at si Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Lakers umaasang babalik na sa game si Davis bagong matapos ang buwan ng Enero

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA naman ang Los Angeles Lakers na makakabalik na rin sa team ang kanilang big man na si Anthony Davis bago matapos ang buwang ito dahil sa injury sa kanyang kaliwang paa.

 

 

Sa susunod na linggo ay muling sasailalim sa evaluation ng mga doktor.

 

 

Sa ngayon umaabot na sa 12 games na hindi nakakalaro si Davis.

 

 

Kumpiyansa ang Lakers na sa pagbabalik ni Davis ay makakatuwang siya ni LeBron James upang muling mapalakas ang koponan para makahabol sa playoff spots.

 

 

Dismayado ang coaching staff ng Lakers dahil sa huling dalawa nilang talo sa road games.

Naki-share din si RITA na ka-partner sa ‘Lulu’: RHEN, crush na crush pa rin si ANGEL AQUINO at gustong makatambal sa pelikula

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo, inihahandog ng Vivamax ang girl love series na Lulu, na magsisimula na sa January 23, 2022.

 

 

Makikilala na ang unang pagsasama ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) bilang Sophie at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate) bilang Abi.

 

 

Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie. Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.

 

 

Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta. Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo.

 

 

Ngunit nang dumating si Abi sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama. Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band. Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.

 

 

Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano. Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie. Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t-isa.

 

 

May walong episodes ang GL series na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax.

 

 

Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.

 

 

Ibinahagi naman ni Direk Sigrid na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng Lulu. Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.

 

 

Salamat sa Viva Films at Viva TV na bukas sa realidad ng girl love and boy love stories at sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang award-winning writer/director na ibahagi ang kwentong ito na siguradong magugustuhan ng mga open-minded na manonood.

 

 

Sa unang pagkakataon, mapapanood natin ang pagkakalog ni Rhen, malayo sa mga nakaraang roles niya, na unang napansin sa Untrue na mula rin kay Direk Sigrid.

 

 

Ayon pa kay direk, ang Lulu ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pag dating sa lesbian love stories. “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary. And it will come naturally,” tugon ng direktor.

 

 

Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.”

 

 

Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “masayahin din sila”.   Aminado rin ang direktor na mas mahirap gumawa ng series dahil mas mahaba ito, kaya parang gumawa na rin siya ng dalawang pelikula at kailangan na may matinding cliffhanger sa dulo ng mga episodes, para maging interesting at aabangan ng viewers.

 

 

Pareho namang excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi. Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.

 

 

Masaya si Rita na ang kanyang papel na si Abi ay maraming pagkakapareho sa kanya. Bukod sa pagiging tomboy, mahusay na chef rin si Rita at tumutugtog rin sa isang banda

 

 

Samantala, natanong namin ang mga bida ng Lulu kung sino ang female celebrity na malakas ang dating sa kanila at kinakikiligan.

 

 

Wala naman kaabog-abog na sumagot si Rhen ng, “si Ate Angel Aquino talaga ako.

 

 

“Kasi nakasama ko siya sa ‘Ang Probinsyano’ before at sobrang vocal ako kanya, ganun kakapal ang mukha ko.

 

 

“Nakatitig lang ako sa kanya, tapos sabi ko sa kanya, ‘grabe Ate Angel, ba’t ka ganyan?’ Umagang-umaga, wala siyang make-up, sobrang ganda niya.

 

 

“Kaya sobrang vocal ako sa kanya na crush ko talaga siya. ‘Girl crush kita ate’, inamin ko sa kanya ‘yun na walang kaabog-abog.”

 

 

Dagdag pa niya, “gusto ko ngang makagawa ng film na kaming dalawa, parang ang sarap siguro ng feeling nun.”

 

 

Natatawang hirit naman ni Rita na kitang-kitang na kinikilig habang nagsasalita ang ka-partner, “puwedeng maki-share? Kasi si Miss Angel Aquino rin ang answer ko.”

 

 

Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

 

 

Mapapanood din ang Lulu sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA na rin ito.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

PNP, nagbabala ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control.

 

 

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyan ang pagkakakulong.

 

 

Ginawa ng heneral ang pahayag kasunod ng mga napaulat na mayroon daw mga indibidwal na nagpiprisinta ng mga pekeng vaccination cards sa mga checkpoints.

 

 

Binigyan diin ni Calos na ang ginagawa ng ating mga kababayan ay malinaw na paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law.

 

 

Kaya naman, kapag mayrong falsification, tampering o paggamit ng vaccination card ay magmumulta ang mga ito ng P20,000 hanggang P50,000 na multa o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.

 

 

Una rito bases sa post ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ng dalawang larawan ng nakumpiskang vaccination cards na iprinisinta ng dalawang katao sa border checkpoints.

 

 

Naghinala na raw kaagad ang mga otoridad sa naturang vaccine card dahil ay gap sa una at ikalawang dose ay 10 araw lamang.

 

 

Sa ngayon kasi ay madali na lamang malaman ng PNP kung peke ang naturang mga vaccine cards dahil mayroon silang acces sa electronic verification system para i-check kung ang mga indibidwal ay bakunado na o hindi sa pamamagitan ng database ng respective local government units (LGUs) Department of Health (DOH). (Gene Adsuara)

Ex- La Salle player Maoi Roca pumanaw na, 47

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na si Maoi Roca ang dating manlalaro ng La Salle Green Archer dahil sa diabetic complication sa edad 47.

 

 

Naging manlalaro ng La Salle si Roca mula 1994 hanggang 1998 na naging bahagi noong magkampeon ang koponan sa UAAP Season 61 ng mens basketball laban sa Far Eastern University.

 

 

Pinasok rin nito ang pag-aartista noong mid-90 kung saan kasama siya sa ilang gag show ng iba’t-ibang TV stations.

 

 

Naglaro din ito sa Batangas Blades ng Metropolitan Basketball Associatio mula 1999 hanggang 2000.

 

 

Kabilang si Roca sa 2001 PBA draft na pang-32 sa fourt round ng Tanduay subalit hindi na ito nakapaglaro sa liga.

Ads January 17, 2022

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Magsasagawa ng ‘house-to-house’ jabs, paigtingin – Malakanyang

Posted on: January 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan lang na paigtingin ang “house-to-house” vaccination sa vulnerable at senior citizens ng local government units (LGUs) para mas mapapabilis ang COVID-19 vaccination campaign ng gobyerno sa labas ng National Capital Region (NCR) at kalapit-lalawigan.

 

 

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang tagumpay ng vaccination drive ay “really a matter ng pakikipagtulungan natin with the LGUs and the general public.”

 

 

“Isa sa mga nakikita nating effective na ginagawa ng mga LGU ay ang house-to-house na pagbabakuna kasi ang target natin senior citizens at mga vulnerable lalo na sa mga areas outside of NCR Plus,” ayon kay Nograles.

 

 

Giit ni Nograles, ang house-to-house vaccination ay ” very effective” sa pagpapataas ng inoculation campaign laban sa COVID-19 dahil nagpo-promote ito ng accessibility para sa mga nahihirapan na magpunta ng vaccination centers.

 

 

“Para sa hindi makakabiyahe kailangan reach out na lang tayo sa kanila,” ani Nograles.

 

 

Nauna rito, inanunsyo ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na ang ‘goal’ na gawing fully vaccinated ang 70% ng target population ng pamahalan ay nakamit na.

 

 

“As of January 13,  a total of 54,457,863 persons have completed vaccination. This is 70.6% of the target population,” ayon sa NTF. (Daris Jose)