• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 19th, 2022

DOTr, pagmumultahin ang mga lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) line agencies ang mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) kapag napatunayang lumabag sa “no vaccination, no ride policy” sa National Capital Region (NCR), simula araw ng Martes.

 

 

Sa Viber message, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na ang mga traffic enforcers mula sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine National Police (PNP) – Highway Patrol Group (HPG) ay kasalukuyan nang nagbibigay babala laban sa mga violators.

 

 

Gayunpaman, ang mga traffic enforcers sa ilalim ng ilang local government units (LGU) ay nagsimula nang magpatupad ng “fines and penalties.”

 

 

“LGUs are not under DOTr. They are operating and issuing tickets in line with their respective ordinances,” ayon kay Libiran.

 

 

Sa ilalim ng LTFRB, sinabi ni Libiran na ang PUV drivers at operators na lalabag sa mandatory vaccination policy ay pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense at P10,000 para sa second offense at i- impound ang kanilang PUV sa loob ng 30 araw.

 

 

Para sa third offense, ang mga pasaway na drivers at operators ay pagmumultahin ng P15,000 at sususpendihin o kakanselahin ang kanilang prangkisa.

 

 

Ang implementasyon ng mandatory vaccination policy sa public transportation ay opisyal na nagsimula, araw ng Lunes sa pamamamagitan ng joint operation ng I-ACT kasama ang PNP at LTFRB sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR). (Daris Jose)

Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

 

 

Dahil dito ay nagdesis­yon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.

 

 

Sa kabila ng pagkaka­roon ng coronavirus di­sease (COVID-19) noong nakaraang linggo ay patuloy pa rin sa kanyang pag-eensayo si Diaz habang naka-quarantine para paghandaan ang mga Olympic qualifying.

 

 

“Kahit qualifying rounds ito I really need to prepare, then I have to drop weight,” wika ng 30-anyos na national weightlifter na tinamaan pa rin ng virus bagama’t mayroon na siyang booster shot.

 

 

Ang 49kg. division ng Tokyo Olympics ay pinagreynahan ni Chinese lifter Hou Zhihui.

Duterte, itinalaga si Torres bilang bagong Nolcom commander

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., dating Civil Relations Service of the Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) chief, bilang bagong commander ng Northern Luzon Command (Nolcom).

 

 

Pinalitan ni Torres si dating Nolcom commander, Lt Gen. Arnulfo Marcelo Burgos.

 

 

Sa liham kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na may petsang Enero 7, sinabi ng Pangulo na tinanggap niya ang endorsement ng Kalihim na italaga si Torres bilang bagong Nolcom commander.

 

 

“I wish to inform you that, per your letter-endorsement and in accordance with the recommendation of the Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (AFP) and Chairman AFP Board of Generals, pursuant to Republic Act No. 8186, as amended by Republic Act No. 9188, the designation of Major General Ernesto C. Torres Junior O-10054 Philippine Army as Commander, Northern Luzon Command, Armed Forces of the Philippines vice Lt. Gen. Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr. O-9865 PA is hereby approved effective this date,” ang nakasaad sa sulat.

 

 

Bago pa ang kanyang appointment, pinamunuan ni Toress ang Joint Task Force Haribon at naging deputy commander ng Eastern Mindanao Command.

 

 

Si Torres, miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1989. Naging commander din si Torres ng 1003rd Infantry Brigade and Army assistant chief of staff for personnel, o G-1.

 

 

Kinilala naman ang “combat and administrative” n i Torres na may ilang Distinguished Service Stars, Distinguished Service Medals, Meritorious Achievement Medals, Bronze Cross Medals, and Outstanding Achievement Medals, at iba pa.

 

 

Samantala, inaprubahan naman ni Pangulong Duterte ang appointments nina Col. Adonis Ariel G. Orio at Col. Randolph Cabangbang na may ranggong Brigadier General.

 

 

Ang appointments kapwa nina Orio at Cabangbang ay nakumpirma sa liham kay Lorenzana mula Pangulong Duterte na may petsang Enero 16. (Daris Jose)

JOHN, ginawaran ng ‘Natatanging Hiyas ng Sining sa Pelikula’: SHARON at DINGDONG, waging Best Actress at Best Actor sa ‘6th GEMS Awards’

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG na ng GEMS Awards ang mga nagwagi sa ika-6 na taon ng kanilang pagkilala sa mga mahuhusay sa larangan ng print, digital, tanghalan, radio, telebisyon at pelikula.

 

 

Narito ang winners sa TV and movie category ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) Hiyas ng Sining Awards:

 

 

Best News Program – 24 Oras (GMA)

 

 

Best Newscaster  (Male or Female) – Mel Tiangco –  24 Oras (GMA 7)

 

 

Best TV Program (Opinion/Documentary) – The Atom Araullo Specials (GMA 7)

 

 

Best TV Program Host  (Male or Female – Opinion/Documentary ) – Atom Araullo The Atom Araullo Specials (GMA 7)

 

 

Best TV Program (Public Affairs/Public Service) – Healing Galing (UnTV))

 

 

Best TV Program Host (Male or Female – Public Affairs/Public Service) – Dr.  Edinell Calvario – Healing Galing (UnTV)

 

 

Best TV Program (Entertainment/ Variety) – ASAP Natin ‘To (Kapamilya Channel)

 

 

Best TV Program Host (Male or Female – Entertainment/Variety) – Ogie Alcasid  –  It’s Showtime (Kapamilya Channel)

 

 

Best TV Program (Reality/Talent Search) – The Clash (GMA 7)

 

 

Best TV Program Host  (Reality / Talent Search) – Luis Manzano  I Can See Your Voice (KapamilyaChannel)

 

 

Best TV Series Viral Scandal (Kapamilya Channel)

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Male or Female – TV Series) – Dimples RomanaViral Scandal (KapamilyaChannel)

 

 

Best Performance in a Lead Role (Male or Female – TV Series) – Alden RichardsThe World Between Us  (GMA 7)

 

 

Best Performance in a Lead Role  (Male or Female Single Performance) – Aiko Melendez –  “Dalawa ang Aking Ina” of Tadhana (GMA 7)

 

 

TV Station of the Year – GMA 7

 

 

NATATANGING HIYAS NG  SINING  SA TELEBISYON  (Highest Honors for TV) – Michael V – (Aktor, Direktor, Manunulat)

 

 

Natatanging Pelikulang Pangkasarian – Big Night! (The Idea First Company)

 

 

Natatanging Pelikulang Pangkarapatang  Pantao – Lockdown (For the Love of Arts Films)

 

 

Natatanging Pelikulang Pangkalinangang   Pilipino – Kun Maupay Man It Panahon  (Cinematografica)

 

 

Best Film – On the Job:  The Missing 8 (Reality MM Studios , Globe Studios)

 

 

Best Film Director – Erik Matti  –  On the Job:  The Missing 8

 

 

Best Performance in a Supporting Role (Male) – Nico Antonio – Big Night!

 

 

Best Performance in a Supporting Role  (Female) – Jaclyn Jose – The Housemaid”

 

 

Best Performance in a Lead Role (Male) – Dingdong Dantes  –  A Hard Day

 

 

Best Performance in a Lead Role (Female) – Sharon Cuneta – Revirginized

 

 

Espesyal na Gawad sa Kapuri-puring Pagganap Paolo Gumabao – Lockdown

 

 

NATATANGING HIYAS NG SINING SA PELIKULA (Highest Honors for Film) – John Arcilla  (Aktor)

      (RICKY CALDERON)

Willem Dafoe Reveals His Idea for a Sequel to Todd Phillips’ ‘Joker’

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SPIDER-MAN: No Way Home star Willem Dafoe admitted in his interview with GQ, that he’s seriously thought about portraying a version of Batman’s nemesis the Joker in a sequel to Todd Phillips’ Joker.

 

 

“There is something interesting about, like, if there was a Joker imposter,” the actor says.

 

 

“So it would be possible to have not dueling Jokers but someone that says to be the Joker that isn’t the Joker. And that kind of opens up the possibility of an interesting story, particularly if you had Joaquin Phoenix’s Joker, and then you had someone who was either imitating or riffing off what he did.”

 

 

Dafoe further explained that he’s “fantasized about” pitching the story as a sequel, but has yet to talk to anybody about the project in an official capacity.

 

 

No stranger to playing villainous characters, the actor noted that people have been telling him he’s the perfect man to play the Joker for decades.

 

 

However, he’s probably best known among comic fans for portraying Dr. Norman Osborn/The Green Goblin in Sam Raimi’s Spider-Man (2002) and Jon Watts‘ No Way Home (2021).

 

 

The most recent Spider-Man film saw Dafoe’s Green Goblin being resurrected and pulled into the Marvel Cinematic Universe’s Multiverse. No Way Home also marked the debut of a new, more comics-accurate Green Goblin mask, which Dafoe recently said came about following criticism of his costume in the Raimi film.

 

 

“We heard it enough that it was probably a consideration, to change it up a little bit,” he said.

 

 

In his interview with GQ, he spoke about why he seems to be drawn to playing villains, admitting, “I don’t know what that is.”

 

 

The actor’s other notable bad guy roles include Bobby Peru in Wild at Heart, Gas in eXistenZ, Max Schreck in Shadow of a Vampire, Donald Kimball in American Psycho, and FBI Special Agent Paul Smecker in The Boondocks Saints.

 

 

While Dafoe’s involvement in a future Joker-related project remains uncertain, it was reported after the release of Joker that Phillips had already signed on to direct a sequel.

 

 

Phoenix, however, said he didn’t know anything about reprising the role. (source: cbr.com)

(ROHN ROMULO)

WENDELL, na-overwhelm nang makita na ang baby girl nila na si MADDIE after ng three months lock-in taping

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA na last Monday ang GMA Network na ipalabas ang mga bagong teleserye ng GMA Drama at shows mula sa GMA News & Public Affairs. 

 

 

Nauna nga this week ang recap ng Prima Donnas after ng Eat Bulaga.

 

 

Sa Monday, January 24, naman mapanood ang simula ng Book 2 ng Prima Donnas sa direksyon nina Ms. Gina Alajar at Philip Lazaro.

 

 

Pero may hindi malilimutan ang isa sa bida ng serye na si Wendell Ramos.

 

 

Three months na diretso silang naka-lock-in taping ng serye, kaya nagpaka-professional si Wendell na hindi lumabas ng bubble nila nang magsilang ang wife niyang si Kukai ng kanilang baby girl, si Maddie.

 

 

      “Kaya nang finally ay natapos na ang taping namin, at pag-uwi ko ng bahay, una ko talagang ginawa ay makita ang baby girl namin,” wika ni Wendell.

 

 

“Na-overwhelm ako talaga nang makita ko siya, heaven ang feeling. Nakatulong sa akin na parang mga tunay na anak ko na sina Jillian, Althea at Sofia, at masayang-masaya rin sila nang makita ang bago naming baby na ipinadala ni Kukai sa cellphone ko.

 

 

***

 

 

ISA pang serye na bubuo sa GMA Afternoon Prime ang Artikulo 247 nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Kris Bernal at Mark Herras, coming very soon.

 

 

Ang iba pang aabangan ay ang The Fake Life, Apoy sa Langit, Abot Kamay na Pangarap, Frozen Love, Return to Paradise, Underage, Heaven in My Heart, at Nakarehas na Puso.

 

 

Sa GMA Telebabad, pinakahihintay na ng mga netizens ang sequel ng First Yaya, ang First Lady na matapos ikasal si Melody Reyes (Sanya Lopez) kay President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

 

 

Kumpleto pa rin ang pamilya ni PGA na sina Cassy Legaspi, Patricia Coma at Clarence Delgado.  Kasama pa rin sina Pancho Magno, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, Thou Reyes, Thia Thomalia, Glenda Garcia, at si Ms. Pilar Pilapil. Pasok din sa serye ang mahusay na aktres na si Alice Dixson.

 

 

Makakasama naman ng bagong Kapuso actor na si Xian Lim ang versatile actress na si Glaiza de Castro sa False Positive, tungkol sa nagdadalang-taong maybahay na napabayaan ng kanyang husband.

 

 

Matapos nitong humiling sa isang mahiwagang fountain, biglang nabuo ang isang fetus sa tiyan ng kanyang asawa.

 

 

Isa pang aabangang serye ay ang Widows’ Web, isang murder-mystery series tungkol sa tatlong babaeng posibleng may kinalaman sa pagkamatay ng isang lalakeng konektado sa buhay nila.  Tampok dito sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vanessa del Moral at ang veteran actress na si Carmina Villarroel.

 

 

Marami pang aabangan ngayong 2022 sa GMA Telebabad, at isa rito ang action-adventure series na Lolong nina Ruru Madrid, Arra San Agustin at Shaira Diaz. 

 

 

Ganoon din ang groundbreaking project na Voltes V: Legacy na dinirek ni Mark Reyes.

 

 

***

 

 

MAY bago ring aabangan ang sports fans sa new season ng National Collegiate Athletic  Association (NCAA) sa GTV – ang Stronger Together, Buo ang Puso: NCAA Season 97.

 

 

At ang pinakahihintay ng madla, sa paparating na Eleksyon 2022, ang The Jessica Soho Presidential Interviews – ang pinakaunang election-related special ng GMA for 2022 na pangungunahan ni GMA News pillar Jessica Soho. 

 

 

Sa isang serye ng one-on-one interview sa mga presidential aspirant, sisiyasatin ni Ms. Soho ang pinakamahahalagang isyu at usapin na kailangang malaman ng publiko.

 

 

Mapapanood na ang The Jessica Soho Presidential Interviews this Saturday, January 22, 6:15 PM sa GMA-7, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

      (NORA V. CALDERON)    

Serena Williams bumagsak ang ranking sa WTA

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMAGSAK ang rankings ni US tennis star Serena Wiliams sa WTA rankings.

 

 

Base sa inilabas na WTA rankings ay nasa pang-59 na puwesto ang 40-anyos na si Williams.

 

 

Ito ang unang pagkakataon mula noong 2006 na hindi nakasama sa top 50 ang US tennis star.

 

 

Nasa unang puwesto si Ashleigh Barty habang nag-improve naman ang ranking ni Paula Badosa na nasa pang-anim na puwesto mula sa dating pang-67 noong nakaraang taon.

 

 

Noong 2021 ay anim na torneo lamang kasi ang nilaro ni Williams matapos ang maagang pagtigil nito sa Wimbledon dahil sa leg injury.

28 bahay sinira ng 2 tornado sa Florida

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WINASAK ng dalawang tornado ang nasa 28 kabahayan sa Lee County, Southwest Florida.

 

 

Ang nasabing tornadoes ay bunsod ng parehas na storm system na nagdulot ng pag-ulan ng yelo sa ilang bahagi ng East Coast kung saan mahigit 50 milyong mga katao doon ang nasa ilalim ng winter weather alerts.

 

 

Umabot naman sa mahigit 180,000 kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente.

 

 

Ang nasabing tornado ay may lakas ng hangin na aabot sa 118 mph na sumira sa 30 mobile homes malapit sa Fort Myers na ikinasugat din ng apat na katao.

 

 

Inilikas na rin ng mga otoridad sa Charlotte County sa mga mataas na lugar ang mga mamamayan nila na posibleng maapektuhan ng pagbaha.

Malakanyang, ginagalang ang desisyon ng Comelec sa kandidatura ni Marcos

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpalabas ng dessoyon ang COmelec sa naturang usapin.

 

 

Sa maiksing mensahe ni Nograles sa mga mamamahayag, sinabi nito na ginagalang niya ang kalayaan ng komisyon na magdesisyon sa nabanggit na isyu.

 

 

“Comelec is an independent constitutional body,” ani Nograles.

 

 

“We respect the independence of the Comelec,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, ibinasura ng Comelec 2nd Division ang petisyon na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni dating senador Bongbong Marcos dahil sa “material misrepresentation”.

 

 

Ang mismong nagpahayag ng desisyon ng Comelec 2nd Division ay ang petitioner laban kay Bongbong Marcos na si Atty. Theodore Te.

 

 

Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Atty. Te na natanggap nila ang desisyon ng petisyon kaninang 9:50 am, Enero 17.

 

 

Dagdag pa ni Te, hindi nila sinasang-ayunan ang naturang desiyon ng Comelec 2nd division at magpapasaklolo na sila sa En Banc.

 

 

Hindi naman inilatag ni Te kung ano ang kanilang grounds para sa kanilang ihahaing motion for reconsideration.

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Fides Lim na isa sa mga petitioner na humihiling na makansela ang Certificate of Candidancy (COC) ni dating Senador Bongbong Marcos sa pagka-pangulo na ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division ang kanilang inihain na petisyon.

 

 

Ayon kay Lim, bagama’t ibinasura ang kanilang petisyon naghahanda na ang kanilangg kampo partikular ang kanilang abogado na si Atty. Theodore Te ng motion for reconsideration kaugnay sa naging desisyon ng 2nd Division ng COMELEC.

 

 

Dagdag pa ni Lim, maingat ang kanilang mga abogado sa paglalabas ng pahayag pero handa silang gumawa ng mga hakbang para maituloy anh inihaing petisyon hinggil sa pagkakansela ng COC ni Marcos.

 

 

Samantala, ipinagpasalamat naman ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang naging desisyon ng COMELEC.

 

 

Aniya, malaking pabor para sa kampo ng dating senador ang naging desisyon dahilan upang umasa sila na matatapos na rin o maglalabas ng desisyon hinggil sa nasabing isyu.

 

 

Nabatid na hiwalay ang nasabing desisyon ng 2nd Division bukod pa sa 1st Division ng COMELEC kung saan mayroon din dinidinig na petition kontra kay Marcos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumataas na rin

Posted on: January 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMATAAS na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa iba’t ibang parte na ng bansa, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

“Cases in regions outside ‘NCR Plus’ are increasing,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David. “All over the country, we’re starting to see an increase in cases”.

 

 

Kabilang sa mga lugar na may malaking COVID-19 growth rate ay ang Cagayan Valley, Panga­sinan, La Union, Benguet at Bicol region habang tumataas na rin ito sa ibang parte ng Central Luzon o Region III.

 

 

Nakitaan din ng pagtaas ang Tacloban City, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga City and Davao del Sur.

 

 

Samantala, posible naman umano na naabot na ang ‘peak’ o malapit nang maabot ito sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Bulacan.

 

 

Bumaba na sa -1% ang growth rate dulot ng Delta variant sa Metro Manila mula sa 2%. Nabawasan din ang dating 54% na positivity rate na nasa 50% na lamang.

 

 

Hindi pa umano dapat magdiwang ang publiko dahil sa maaaring naabot na ng testing rate ang limitasyon nito kaya posibleng nagkakaroon ngayong ng artipisyal na pagbaba sa mga numero.