SUPER excited nga na pinost ni Megastar Sharon Cuneta ang poster ng concert tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na sa wakas ay matutuloy na sa July 2022
Caption ni Mega, “NANAAAA!!! @reginevalcasid Masosolo na kita abroad sa wakas! I miss you and I love you.
“Get ready North America!
“We are so excited to let you know that “ICONIC” is finally coming your way this July.
“This highly anticipated first ever back to back concert will be at a venue near you soon.
“Watch out for updates here!”
Naka-tag naman sa IG post ni Sharon:
@boldmp @jhett_tolentino @mrreggielee @jeff.g.l @_tessalapradez @lorrainerecto @egan_aileen @aninagayla @bethtamayo21 @cesiboleon6 @jokoy
Marami naman ang natuwang followers nina Sharon at Regine na ngayon pa lang ay nag-congratulate na and hoping na maging successful ang kanilang concert tour.
***
ITATAMPOK ang Pilipinas sa isa sa mga nangungunang documentary film festivals sa Europa, ang Ji.Hlava International Documentary Film Festival (IDFF) sa Jihlava, Czech Republic sa darating na taon, 2022.
Ang kolaborasyon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ng mga organizer ng Ji.Hlava ay pormal nang pinagtibay upang ilatag ang research at film retrospective lineup, ito ang koleksyon ng mga Filipino documentary films na maaaring itanghal sa 26th edition ng IDFF sa ika-25 hanggang 30 ng Oktubre, 2022.
Ipinahayag matapos ganapin ang 2021 IDFF noong Oktubre na ang Pilipinas ay napili bilang country of focus ngayong taon.
Nasa labingwalong pelikula na mula sa Pilipinas ang naipalabas at nakilahok sa iba-ibang kategoryang pangkompetisyon ng IDFF sa nakalipas na sampung taon. Noong 2014, pinarangalan din dito ang itinuturing na Father of Filipino Independent Film na si Kidlat Tahimik, kung saan nakapagbigay rin siya ng isang Masterclass para sa mga kalahok noong taon na iyon.
Nagsimula bilang isang grupo lamang ng high school students noong 1997, lumago ang IDFF upang maging isa sa mga pinakamahalagang pagtitipon ng mahigit 1,000 documentary film professionals sa Central at Eastern Europe sa loob ng 25 na taon.
Ayon kay FDCP CEO & Chairperson Liza Diño, “Ji.Hlava focuses on featuring documentary, hybrid, and experimental documentary films — which I believe to be one of our strong suits. Our country and our talents have a lot to offer in this genre and I’m proud that our country will get special attention in next year’s edition. It is an event worth looking forward to every year.”
Dalawang documentary films mula sa Pilipinas ang lumahok sa IDFF 2021 — ang Santelmo ni Liryc Dela Cruz, para sa kompetisyon na Opus Bonum, kung saan ang mga napiling pelikula ay magtutunggali para sa titulong Best World Documentary Film.
Ang Panambi (Mother’s Land) nina Jane Mariane Biyo, Katya Marie Corazon Puertollano, at Myra Angeline Soriaso naman ay kalahok sa Short Joy Competition, ang kategorya para sa short documentary films.
Malaki rin ang ginampanan ng Pilipinas sa huling edisyon ng festival dahil si Khavn De La Cruz, isa sa mga batikan sa larangan ng local independent cinema, ang nag-disenyo ng kanilang official spot. Bukod sa natatanging paglahok na ito, nakikipag-ugnayan siya sa festival upang pangunahan ang kanilang Academy workshop. Isa rin siya sa mga hurado at may-akda ng kanilang festival diary.
Ang IDFF ay isa sa mga festivals kung saan ang mga nagwawagi ay napapabilang sa pre-selection ng prestihiyosong Academy Awards (mas kilala bilang the Oscars) at European Film Award.
(ROHN ROMULO)