• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 3rd, 2022

SOURCE CODE HAWAK NA NG BANGKO SENTRAL

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang source code para sa automated election system (AES).

 

 

Ang dalawang security boxes ay inabot nina Commission on Elections Executive Director Bartolome Sinocruz at  Atty. John Rex Laudiangco, director ng Comelec  Law Department,  sa mga kinatawan ng central bank sa isang seremonya na ginanap sa BSP complex sa Pasay City.

 

 

Bahagi ng escrow agreement ang opisyal na turnover  na nilagdaan ng mga opisyal ng Comelec  at BSP noong Lunes.

 

 

Sina Sinocruz, Laudiangco ay sinamahan ni BSP Managing Director Rosabel Guerrero, Comelec spokesperson James Jimenez, mga kinatawan mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at mga piling tauhan ng media sa pagdeposito ng source codes sa loob ng BSP vault.

 

 

“Now, we will witness the actual turnover and deposit of the source code for the 2022 national and local elections. It shall be kept in escrow with the BSP as mandated by the automation law,” sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa kanyang virtual speech.

 

 

Ito aniya ay upang matiyak at masiguro ng publiko na ang halalan sa darating na 2022 national at local elections ay magiging malinis.

 

 

Si Casquejo ang pinuno  ng Comelec steering committee para sa 2022 national and local elections.

 

 

Dagdag pa, tiniyak ni Jimenez sa publiko na ang integridad ng halalan ay mapoprotektahan sa gitna ng patuloy na alitan sa pagitan ng mga outgoing  at uupong poll commissioner.

 

 

“The Comelec is very much aware of the current concerns about the credibility of the elections, the integrity of the elections… The source code really is the heart and soul of the automated election system and the fact that we have the source code here where it is protected from all dangers, gives us certainty that the source code that we will be using on the election day is trustworthy,” ani Jimenez

 

 

Sa panig naman ng BSP, tiniyak ni Guerrero sa publiko na tanging opisyal ng Comelec  ang makakapagbukas ng vault na naglalaman ng flash drives para sa source codes. GENE ADSUARA

Pagbibibigay-pugay sa mga co-stars, sinaluduhan ng netizens: DINGDONG, pinahanga nang husto ni DION sa pagiging mahusay na stand-in actor

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULAD ng pinangako ni Dingdong Dantes na gumaganap na kambal na miniseries na I Can See You: AlterNate, ipinakilala niya last Monday ang stand-in Kapuso actor na wala iba kundi si Dion Ignacio, na labis-labis niyang hinangaan.

 

 

At para magawa nang mas maayos ang mga eksena nina “Nate” at “Miguel”, ang aktor nga na unang nakakilala sa batch 1 ng StarStruck ang nagsilbing body double ng Kapuso Primetime King.

 

 

Puring-puri nga ng netizens na halos magkasing-katawan at magkasing-taas, ginaya rin ni Dion ang ayos ng buhok at galaw ni Dingdong, kaya halos swak na swak talaga kahit nakatalikod o naka-side view.

 

 

Say ni Dingdong sa interview niya sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, “Kahit sabihin mong wala sa kaniya ‘yung camera pero ‘yung energy na binibigay niya, ‘yung interpretation niya sa role, really means a lot. Ang dami kong mga nakuha ring tips sa kaniya.”

 

 

Sa IG post naman ni Dingdong, may mga papuri pa siya kay Dion, “The news is finally out! I’m very happy to have co-created #ICSYAlterNate’s “Nate” and “Michael” with @dion_ignacio.

 

“Having been in the industry for a long time, one important lesson I’ve learned is that acting is mostly reacting – reacting to certain stimulus, from ever-changing atmospheres and emotions with your co-actors. Dion delivered more than what this show has asked for him.

 

 

“He was very committed and passionate on his role. He also went through all the steps I had gone through in creating these characters with me. Sometimes I even get tips from him whenever he wears the Nate and or Michael hat.”
Dagdag pa ng premyadong aktor, “I honestly felt like this show is impossible to mount without an actor like him. And I think for a person to succeed in this industry, a good working attitude would trump talent any given day. Dion has both.

 

“So happy to have been his twin and literal “alternate” even in this short period of time. Excited for your future endeavors, bro! @gmanetwork.”

 

 

Marami nga ang natuwa sa mga papuri ni Dong kay Dion, at may nagsabing dapat talagang bigyan pa ng big break ang aktor.

 

 

Say ni Tim Yap, “Love how you pay tribute to your fellow actors. I salute you @dongdantes.”

 

 

Comment pa ng ilang netizens: “Finally someone recognized @dion_ignacio talents!! Always said that this guy is hella good in acting! Thank you @dongdantes for your kind words towards a co/star who’s great as you are!! @gmanetwork.”

 

 

@gmanetwork bigyan nyo uli nang magandang break si Dion.”

 

 

@dion_ignacio so gwapo rin like @dongdantes he was in Amaya with your so lovely & loving wife @marianrivera.”

 

 

“Tama hula ko! Sa umpisa pa lang ng sinabi ni @dongdantes na may ka stand in siya, si Dion Ignacio kaagad naisip ko. Kahawig ang mukha at pangangatawan…congrats sa inyong dalawa. Sobrang galing!”

 

 

“To all gma series, ito lang talaga ang inaabangan ko everynight ’cause napakapowerful at masterpiece ng plot. walang katulad sa lahat! congratsss both of you!”

 

 

At dahil nga magtatapos na ito tomorrow, February 4, marami ang nalulungkot at umaasa na sana magkaroon ng book 2.

 

 

Say pa ng netizen, “Too early to end. Huhuhu. Sana may book 2. Congratulations anyway. From the start till the end di ako bumitaw. @dongdantes.”

 

 

Kasama sa cast si Beauty Gonzalez sa I Can See You: AlterNate, na puring-puri rin ni Dingdong na first time niyang nakatrabaho, ganun din sina Jackie Lou Blanco, Joyce Ching, Bryan Benedict (na produkto ng Protege) at Direk Ricky Davao, na pawang mahuhusay na nagsipagganap.

(ROHN ROMULO)

‘Life, livelihood,’ sentro ng 10-point ‘Bilis Kilos’ economic agenda ni Mayor Isko sa pagkapangulo

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTOK ang 10-point “Bilis Kilos” economic agenda ng presidential aspirant na si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa buhay at kabuhayan ng sambayanang Pilipino.

 

 

 

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng alkalde ng Maynila na ito ang tututukan ng kanyang administrasyon sakali mang siya ang palarin sa pagka-pangulo sa halalan sa darating na Mayo.

 

 

 

Ayon kay Mayor Isko, napakalaki nang epekto ng pandemya sa buhay ng mga mamamayan partikular na sa trabaho at presyo ng mga bilihin.

 

 

 

Sakop ng kanyang magiging guiding principles sa pagpapabuti sa human at economic growth ng Pilipinas ang mga programa para sa pabahay, edukasyon, kalusugan, turismo, imprastraktura at agrikultura, labor and employment, digital information and industry 4.0, good at smart governance.

 

 

 

Aabot sa 1.3 percent ng gross domestic product ang ilalaan sa housing kada taon para makapagtayo ng nasa 1 million disaster-resilient housing units kabilang na ang mga vertical housing projects sa loob ng anim na taon para sa nasa 4.5 million katao.

 

 

 

Tataasan din niya ang “budget-to-GDP ratio” ng edukasyon mula sa kasalukuyang 3.17 percent sa 4.3 percent.

 

 

 

Magkakaroon din ng upgrade sa technical at vocational programs para mahasa ang mga Pilipino sa mga uri ng trabaho sa hinaharap gayong inaasahan na gagawing automatable ang 50% ng mga trabaho sa gobyerno.

 

 

 

Asahan din aniya na magkakaroon ng mas maraming trabaho sa ilalim ng kanyang magiging administrasyon sa pamamagitan nang pagbibigay nang mas marami pang oportunidad sa mga micro, small and medium enterprises, na bibigyan ng hanggang P30 billion na credit availability para sa kanila.

 

 

 

Para mapabuti ang health care system sa bansa, target ni Moreno sa unang 1,000 araw niya kung sakali bilang pangulo na makapagtayo ng karagdagang 107,000 na mga ospital.

 

 

 

Balak din niyang gawing “one doctor per 1,000” Pilipino ang ratio sa buong bansa sa pamamagitan nang pagkakaroon ng 10,000 medical student scholars kada taon.

 

 

 

Target din niya na magkaroon ng sustainable tourism culture sa pamamagitan nang pagtayo ng tourism highways at tourism circuits sa bansa.

 

 

 

Isa rin sa kanyang magiging prayoridad ang pagtatayo ng marami pang power plants, ito man ay conventional at renewable, para matiyak ang pagkakaroon ng stable at affordable na supply ng kuryente para makahikayat ng mas marami pamng foreign investments.

 

 

 

Kasabay nito ay papalakasin niya ang digital infrastructure ng bansa sa pamamagitan nang pagkompleto sa isang national firber backbone, na kokonekta sa mga paaralan, opisina ng gobyerno at iba pang industriya.

 

 

 

Mahalaga rin kasi aniya ito lalo pa at nais niyang itaas budget ng gobyerno para sa research and development, mula sa 0.16 percent ng GDP patungo sa global standard na 2 percent.

 

 

 

Para sa mga magsasaka, sinabi ni Moreno na papababain niya ang cost ng agricultural production, magtatayo ng mga irrigation systems, at pagatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources.

“No vax, no ride” polisia ng DOTr di na ipapatupad

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Simula kahapon, ang “No vax, no ride” na polisia ng Department of Transportation ay hindi na pinatutupad sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila dahil bumalik na sa Alert Level 2 ang national capital region (NCR).

 

 

 

Ayon sa DOTr, ang “no vax, no ride” na polisia ay hindi permanenting ipatutupad sa NCR lalo na at bumalik na sa Alert Level 2 ang status ng NCR. Ipapatupad lamang ito kung may Alert 3, 4, 5 status ang NCR na ang Inter-Agency Task Force For the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) lamang ang siyang makakapag tukoy.

 

 

 

“As mentioned, the no vaccine, no ride policy shall only be implemented while NCR is under Alert Level 3 or higher. Once we de-escalate to Alert Level 2, the policy shall automatically be lifted,” wika ni DOTr assistant secretary Goddes Libiran.

 

 

 

Nilinaw naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi panghabangbuhay ang pagpapatupad nito at kung nasa Alert Level 2 na ang NCR, ito ay awtomatikong aalisin at hindi na ipapatupad.

 

 

 

Nagkaron ng limitasyon sa pagsakay para lamang sa mga mga fully vaccinated na mga pasahero upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus lalo na ang Omicron variant.

 

 

 

Ang taong matatawag na fully vaccinated ay yoon dalawang linggo ng nakalipas ng sila ay nababakunahan matapos ang ikalawang bakuna ng kanilang two-dosed vaccination series tulad ng Pfizer o Moderna na bakuna, o di kaya ay pagkatapos ng dalawang linggo matapos silang maturukan ng single-dose ng Johnson & Johnson.

 

 

 

Pinalalahanan din ni Tugade ang publiko na sumunod sa mga health protocols na pinatutupad ng pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing

 

 

 

Noong nakaraang linggo, nagdesisyon ang pinagsanib na puwersa ng DOTr, Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor (DOLE) na ang walang bakuna at may isa (1) lamang na bakuna na mga essential workers ay hindi puwedeng makasakay sa mga pampublikong transportasyon simula Feb. 25 kahit na kung ang kanilang trabaho ay isang essential na matatawag.

 

 

 

Ginawa ng pamahalaan ang ganitong paraan upang masiguro na ang mga taong fully vaccinated na ay ligtas sa paggamit ng pampublikong transportasyon. Naitala sa datus na ang mga workers na walang bakuna laban sa COVID-19 ay siyang madaling tamaan at magkaron ng sakit.

 

 

 

Samantala, mananatili pa rin na 70 porsiento ang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa gitna ng COVID-19 sa NCR o MM. Dagdag ng DOTr na kung ano ang kapasidad ng pampublikong transportasyon noong Alert Level 3 ay ganon pa rin sa Alert Level 2. Ang IATF lamang ang may karapatang magsabi at magutos kung itataas ang bilang ng kapasidad ng mga public utility vehicles na tumatakbo. LASACMAR

Tom Holland Clarifies What Is Going On For The Future of MCU ‘Spider-Man 4’

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WITH Spider-Man: No Way Home completing the MCU’s first Spider-Man trilogy, Tom Holland chats about his future as Peter Parker.

 

 

2021 ended on a big note for Marvel Studios, as well as Sony Pictures, thanks to their co-produced Spider-Man threequel.

 

 

After the major cliffhanger in Spider-Man: Far From Home, the third installment went all-in as they tackled Peter’s final story in the trilogy. This opened up the Multiverse in a massive way for the MCU as characters from Sam Raimi and Marc Webb’s respective Spider-Man franchises came into the fold.

 

 

Despite being the worst-kept secret in Hollywood, it didn’t stop fans from being excited when Holland shared the screen with Tobey Maguire and Andrew Garfield‘s Spider-Men.

 

 

Even though the pandemic has heavily affected box office results for many films, it couldn’t stop Spider-Man: No Way Home, as it has crossed $1.7 billion worldwide. With that kind of success, it shouldn’t come as a surprise that Sony and Marvel are developing Spider-Man 4as part of a new trilogy. Both Amy Pascal and Kevin Feige assured the fans that they are already committing to telling Spider-Man’s next story, with Holland’s involvement. Luckily, fans won’t have to relive the stress of another temporary divorce between Sony and Marvel that occurred in 2019.

 

 

Despite Feige and Pascal’s previous comments, Holland is now opening up on what is actually going on behind the scenes as far as his Spider-Man future goes.

 

In a new interview with EW, Holland clarified that there have only been conversations so far about the next Spider-Man movie. Stating that they are only in talking phases, it is becoming clear that no script has been written nor is there any formal commitment just yet. That is especially important to take into account as Holland is, as of now, not under contract anymore.

 

 

Holland said: “We’ve had conversations about the potential future of Spider-Man, but at the moment they are conversations. We don’t know what the future looks like.”

 

 

Based on Holland’s statement, it’s becoming evident that a new Spider-Man trilogy has barely begun coming to life. Given how game-changing Spider-Man: No Way Home was, Sony and Marvel would need to find an incredibly strong story worthy of following up with the film’s ending.

 

 

Since Peter is now on his own in a world where no one knows he’s Spider-Man, the creative should take its time in making his next chapter powerful. Whether that includes another Multiverse story or perhaps introducing Miles Morales, there are many directions they can take with Peter’s character arc.

It’s worth noting that even if they finalize plans for the next Spider-Man film, it may take a few years before it hits theaters. As Marvel Studios get further into Phase 4, there are still a number of previously announced projects that would come before a new Spider-Man trilogy starts. Marvel Studios already has projects like BladeCaptain America 4Shang-Chi 2, and Fantastic Four that are in the works. If anything, Peter may not get his own film until Phase 5, which may not start until 2024. However, it’s fair to assume that many would likely prefer to wait for Holland’s Spider-Man to return if that means they get a solid Spider-Man 4. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Top 4 most wanted person ng Valenzuela, timbog sa Pangasinan

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang 16-taong pagtatago sa batas ng isang top 4 most wanted person ng Valenzuela City matapos itong masakote ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan sa Pangasinan.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong akusado na si Michael Reyes, 35 at residente ng Purok 4, Brgy. Nibaliw, Mangaldan Pangasinan.

 

 

Ayon kay Col. Haveria, nakatanggap ang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon mula sa isang impormante hinggil sa pinagtataguan ng akusado sa Pangasinan.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pamumuno ni PLT Robin Santos at Valenzuela Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLT Armando Delima, kasama si PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Col. Haveria.

 

 

Kaagad ikinasa ng mga tauhan ng WSS at SS-6 ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Reyes dakong alas-5:20 ng hapon sa kahabaan ng Rizal Street, Brgy. Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.

 

 

Ani PLT Santos, si Reyes ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong July 24, 2006 ni Hon. Nancy Rivas-Palmores, presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 172, Valenzuela City para sa kasong Rape at walang i-nirekomendang piyansa. (Richard Mesa)

DILG sa mga LGUs: ‘Sabong operations dapat compliant sa lahat ng health protocols’

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINATITIYAK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa mga local government units na siguraduhin na nasusunod ang pagpapatupad ng minimum public health standards ngayong balik na rin ang operasyon ng sabong matapos ibaba ang alert level status ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa .

 

 

Simula  February 1, nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila at ilang mga lugar sa bansa .

 

 

Nais ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na hindi magiging super spreader event ang pagbabalik operasyon ng mga cockpit at ang tradisyunal na sabong dahil nandiyan pa rin ang banta ng Covid-19 Omicron variant.

 

 

Hinimok ni Sec Año ang lahat ng mga provincial governors, city/municipal mayors, at punong barangays na siguraduhing naipapatupad ang batas at nasusunod ang compliance ng health and safety protocols ng management ng mga cockpits at cockfighting activities sa kanilang mga areas of jurisdictions.

 

 

Sinabi ng kalihim na ang maximum venue capacity para sa indoor gatherings ay 50% para duon sa mga fully vaccinated individuals batay sa IATF guideline.

 

 

Dapat ang mga on-site workers/employees ng nasabing establisimiyento ay dapat bakunado rin.

 

 

Kapag pumapasok sa isang sabungan dapat siguraduhin na maayos ang pagsuot ng face masks dapat sundin ang no facemask no entry policy at tiyakin ang physical distancing.

 

 

Inihayag ni Ano na mahigpit na imomonitor at iinspekssyunin ng mga pulis ang mga sabungan.

 

 

Kapag nahuling lumalabag ang isang sabungan agad ito ipapasara at mahaharap sa kaso. (Gene Adsuara)

Kaso ng COVID-19 babagsak sa 5K kada araw – OCTA

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang OCTA Research Group na bababa sa 5,000 na lang kada araw ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon kay OCTA fellow Guido David, base sa kanilang projection, sa kalagitnaan ng Pebrero ay posibleng hindi na umabot sa 10,000 kada araw ang kaso at mas bababa pa sa huling bahagi ng Pebrero.

 

 

Inihalimbawa ni David ang mabilis na pagbagsak ng kaso ng COVID-19 sa South Africa at maging sa Metro Manila.

 

 

Sinabi rin ni David na maging sa mga rehiyon ay mabilis na rin ang pagbaba ng kaso ng impeksiyon.

 

 

Nabawasan na rin aniya ang naitatalang kaso sa Visayas at Mindanao katulad ng Cebu City, Tacloban, Iloilo, at Davao City.

 

 

Naniniwala rin si David na hindi na rin dapat ipag-alala ang pagtaas ng bilang dahil sa BA.2 Omicron sub-variant pero dapat pa rin aniyang mag-ingat dahil hindi rin imposible na magkaroon ng “major resurgence.”

 

 

Dapat aniyang ipagpatuloy ang pagbabakuna kabilang ang pagpapaturok ng boosters shots para hindi magkaroon ng biglang pagtaas ng kaso.

 

 

“Sinasabi lang natin na it’s unlikely na magkaroon ng resurgence, as long as efficacious pa rin iyong mga bakuna natin. Kaya kailangan siyempre patuloy na magpa-booster shots ang mga kababayan natin para tumaas ulit iyong efficacy nila, iyong protection nila against the virus,” ani David.  (Daris Jose)

Patuloy na bina-bash sa pagsuporta kay BBM: Direk PAUL, itinanggi na sinabi niyang okay lang ma-cancel ng minority

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ni Paul Soriano, ang director na mister ni Toni Gonzaga at masasabi sigurong isa sa numerong unong supporter ni Bongbong Marcos na tumatakbo naman ngayon sa pagka-Presidente, na sinabing okay lang sa kanyang ma-cancel ng minority.

 

 

Ni-retweet ni Paul ang lumabas sa isang news na nilinaw niyang wala raw siyang kina-cancel na kahit sino.

 

 

Na kesyo for “unity” raw siya.

 

 

     “There’s no need for me to cancel anyone whether you like me, you love, you hate me. I just wanna get the record straight. I didn’t say that I’m cancelling anyone.

 

 

     “It’s unfortunate what happened online, but I guess it’s part of the society we live in today.”

 

 

      Sa ngayon, kung pagbabasehan namin ang mga comments ng netizens sa stand ni Paul at ng pamilya niya, including Toni and her sister, Alex Gonzaga, oo nga’t marami rin ang dumedepensa sa kanila at natutuwa sa pagiging BBM-Sara supporter nila, mas marami talaga ang tila na-disillusion o nawalan ng paghanga.

 

 

Ilan sa mga comment ng mga netizens, “Give us a break, will ya?! Be square with the people. Hindi kami tanga. Maka-Marcos ka dahil close kayo. Yun yun! Hindi yan dahil unity kuno or whatever insincere message from him! Please lang!”

 

 

      “Salamat sa resibo, Direk! Kakahiya kayo, mga pekeng Kristiyano!”

 

 

      “Make sure na ma-depend niyo yan kay Seve.”

 

 

      ***

 

 

SABI ni Vice Ganda, nag-trending at sunod-sunod daw na mababasa sa online either Ryan Bang then Yeng Constantino.

 

 

Ito nga ‘yung after na mai-open ng dalawa ang naging feelings pala nila noon, 12 years ago sa It’s Showtime.

 

 

Kinamusta ni Vice si Ryan ngayon na tila nakahinga na.

 

 

     “Okay naman ako mommy, siyempre, na-klaro na, e. Kasi, labindalawang taon, gusto ko siyang kausap. Kaya lang, na-awkward kami. Hi, hello lang kami, hanggang ganyan lang.

 

 

      “At least, mas okay na, magaan na ang loob ko. At least, klaro na, ‘di ba? Ako rin mismo sa sarili ko, may natutunan din ako.”

 

 

Pero biniro ni Vice si Ryan at tila tine-threaten na pupuntahan daw ng mister ni Yeng si Ryan at kakausapin ito.

 

 

Sa isang banda, nakarating daw kay Vice na ang daming naka-relate sa kuwento nina Ryan at Yeng. Sa Tiktok daw kasi, nagawan na ng kung ano-anong effets at nalapatan na ng music. Kaya may mga naiyak daw talaga.

 

 

Pero may warning si Vice sa mga nagpapaniwala masyado sa Tiktok. Sey niya, “Nakakatuwa ang Tiktok ha, nakaka-entertain, pero ‘wag kayong masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa at napapanood sa Tiktok. 

 

 

      “Hindi reliable ang mga news at mga report. Maraming hindi reliable at report sa Tiktok, okay?”

 

 

***

 

 

MASUSUNDAN na sana at matutupad ang kahilingan ni Gummy, anak ni Bettina Carlos na magkaroon ng kapatid.

 

 

Nabuntis si Bettina sa kanyang mister na si Mikki Eduardo, pero, nagkaroon siya ng miscarriage.

 

 

Ipinost ito ni Bettina sa kanyang Instagram account. Sey niya, “We were pregnant and then no more.”

 

 

      Pero kahit naoperahan si Bettina, hindi niya sinabi kung anong klaseng surgery, pero posibleng D&C (dilation & curettage) o raspa sa tagalog. Kahit na siguradong nandoon ang pain at siyempre, kalungkutan na hindi natuloy ang pagbubuntis niya, mas lumamang pa rin kay Bettina, bilang isang Christian ang pagpapasalamat sa Panginoon.

 

 

Sey niya, “Lord, you were so gracious in giving to us and You are still good even in taking away. Thank you for the fresh hope and new joy you gave us even for a short while. 

 

 

“Thank you for the assurance that one day, in heaven, we will see and be with our child. Thank you for what You give when You take away. What we gain from this loss.”

 

 

Nagpa-abot naman ng comforting words sa kanya ang ilang mga celebrity moms tulad nina Chynna Ortaleza, Danica Sotto, Rica Peralejo, Miriam Quiambao, Andi Manzano at Nikki Gil.

(ROSE GARCIA)

 

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 21) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SABAY NA  napalingon sina Angela at Bernard kay Janine na nakangiti sa kanila.

 

“Janine, hija, sila ang aking mga apo, si Bernard at ang pinakamamahal niyang asawa na si Angela.”

 

Nakangiting iniabot ni Janine ang kamay niya sa dalawa na magiliw namang tinanggap ni Angela at pagkatapos ay ni Bernard.

 

“Hello po! Madalas po kayong maikuwento sa’kin ni Lola Corazon!”

 

“Talaga ba lola? Naku eh, buti pa maghanda tayo ng makakain para mapasarap ang kuwentuhan natin!” ani Bernard.

 

Sa dining room. Habang kumakain sila ay kinikilalang mabuti ni Angela ang dalaga.

 

“Nasaan ang mga magulang mo?”

 

“Nasa Baguio po sina mama at papa ngayon. Sinusubukang ibangon ang nalugi naming negosyo roon.”

 

“Ah ganon ba. Teka, may boyfriend ka na ba?” tanong pa ni Angela.

 

“Wala pa po. Wala pa sa isip ko ‘yan. Gusto ko munang makatulong sa mga magulang ko.”

 

“Mabuti kung gano’n. Tama ‘yan. At dapat ding masiguro mo muna na maayos ang magiging kinabukasan mo.” Ani Bernard.

 

Matapos silang kumain ay dinala ni Janine si Lola Corazon sa munting garden nito sa likod bahay. Mula sa terrace ay nakamasid sa kanila si Angela. Nilapitan siya ni Bernard.

 

“Sweetheart…anong iniisip mo?”

 

“Si Bela. Kung buhay siya, kasing edad na rin siya ni Janine.”

 

Napahugot ng malalim na paghinga si Bernard bago muling nagsalita. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang asawa.

 

“Huwag ka ng malungkot sweetheart. Kung nasaan man si Bela ngayon, nandito man sa mundo o nasa kabilang buhay, sigurado akong ginagabayan siya ng Diyos.”

 

“Hindi ko lang maiwasan na makadama pa rin ng lungkot. Kasalanan ko kung bakit siya nawala sa atin pati ang baby natin. Kaya siguro hindi na tayo binayayaan pa ng anak…”

 

“Angela, sweetheart, huwag mong sisihin ang sarili mo, napagdaanan na natin lahat ng ‘yan. Nandito tayo para magsimula na ulit at harapin na ang bagong buhay natin dito kasama si Lola Corazon.”

 

“I’m sorry Bernard…I’m sorry!” pagkasabi niyon ay yumakap si Angela sa asawa.

 

Walking distance lang mula sa bahay ni Lola Corazon ang naipatayong restaurant ng mag-asawa. Kapag libre ang oras ay nagtutungo roon si Janine para tulungan si Angela.

 

“Oh Janine, kumusta si lola?”

 

“Nakainom na po ng gamot Ma’am. Nagpapahinga na siya ngayon sa room niya.”

 

“Ah ok. “

 

“Ang galing nyo po magbake!”

 

“Salamat. Isa ito sa mga itinuro sa akin ni Lola Corazon noong naninilbihan pa lang ako sa kanila at marami pa siyang naituro sa akin kahit noong mag-asawa na kami ni Bernard . Lahat ng iyon gagawin kong menu rito sa resto.”

 

“Wow! Pwede po bang turuan nyo rin ako ma’am?”

 

“Sure.”

 

Gabi. Nagbabasa ng libro si Bernard habang nakayakap sa beywang niya ang asawa.

 

“Kumusta ang trabaho sweetheart?” tanong ni Angela.

 

“Ayos naman. Naninibago pero kayang kaya pa rin. Mabuti na lang at tinanggap pa ulit nila ako sa kumpanya.”

 

“Alam kasi nila ang kakayahan mo.”

 

“Ikaw, kumusta ang ating Bela’s Restaurant?”

 

“Ayos lang din. Tinutulungan ako ni Janine. Bukod sa maganda, napakabait at napakasipag niyang bata. Kung buhay ang anak natin, siguro katulad din niya.”

 

Binitawan ni Bernard ang libro at saka humarap sa asawa.

 

“Angela sweetheart, huwag mong masyadong ibuhos ang loob mo sa kanya. Hindi siya si Bela. Hindi siya ang anak natin.”

 

“Alam ko.” pagkasabi niyon ay inalis ni Angela ang yakap sa asawa at saka tumalikod ng higa.

 

Ramdam ni Bernard ang pagtatampo nito kaya’t niyakap niya ito mula sa likuran.

 

“Sweetheart, I’m sorry. Pero sana maging sapat na ‘yung ikaw at ako.”

 

Hindi kumibo si Angela pero idinantay na rin niya ang kamay sa kamay ni Bernard na nakayakap sa kanya.

 

Hatinggabi nang maalimpungatan si Angela. Naisipan niyang bumangon at magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nadaanan niya si Janine na nakaupo sa ikalawang baitang ng hagdanan sa pintuan ng bahay ni Lola Corazon. May kausap ito sa cellphone.

 

“Kung hindi mo na kaya, umalis ka na riyan. Hindi na uso ‘yung langit at lupa na love story, tapos happily ever after ang ending.” Ani Janine sa kausap niya sa cellphone.

 

“O pa’no. matutulog na’ko ha. Maaaga pa kasi akong gigising bukas. Kailangan mas mauna akong magising kay Lola Corazon. Saka tutulong pa’ko kay Ma’am Angela sa restaurant nila.” Pagkasabi niyon ay ibinaba na ni Janine ang cellphone.

 

Kinabukasan. Habang nagba-bake sila sa restaurant ay inusisa ni Angela si Janine tungkol sa kausap niya.

 

“Sino nga palang kausap mo kagabi? Nadaanan kasi kita pagpunta ko sa kusina.”

 

“Ah, si Andrea po ‘yon. Pinakamalapit kong kaibigan. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral kasi namatay sa car accident ang mga magulang niya. Kasambahay po siya ngayon.”

 

“Ah gano’n ba…”

 

“May gusto po siya sa amo niyang binata. Kaso ang sungit sungit naman daw po sa kanya kaya sabi ko huwag na siyang umasa para hindi na lang siya masaktan. Kaso mukhang mahal talaga niya yung ulupong na ‘yon.”

 

Napangiti si Angela.

 

“Alam mo bang ganoon din ang love story namin ni Bernard?”

 

“T-Talaga po?”

 

“Oo Janine. Dati namang mabait sa akin si Bernard. Kaya lang nakagawa ako ng kasalanan noon sa kanya kaya ayun, nagbago siya ng pagtrato sa akin. Halos isumpa niya ko. Pero heto kami ngayon, pinatibay ng panahon at pagmamahal namin sa isa’t isa.”

 

“Ma’am, pwede po bang ikuwento nyo sa akin ang buong love story nyo?”

 

“Sige. Pero mamaya na. Doon tayo sa garden ni lola magkuwentuhan habang nagkakape, okay ba ‘yon?”

 

“Okay na okay po, mahilig din po akong magkape eh!”

 

Samantala. Habang nasa opisina’y kausap naman ni Bernard si Marcelo na ngayon ay chief of police na.

 

“May bagong lead na naman tayo Bernard. May nakausap akong survivor mula sa trahedya. May nailigtas daw siyang bata noon na tumutugma rin sa description ni Bela. Kaya lang ipinasa raw niya ito sa isang babae dahil may iba pa siyang tinutulungan nung mga sandaling ‘yon.”

 

“Oh thank God! Saan at paano natin makakausap ‘yung babae?”

 

“Iyan ang aalamin pa namin.”

 

“Salamat Marcelo. Pero mas makakabuti kung huwag na lang muna natin itong banggitin kay Angela. Ayokong umasa na naman siya at mabigo.”

 

“Okay. No worries.”

 

(ITUTULOY)