• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 15th, 2022

Dating ‘exes’ ni Mega, parehong president ang role: Serye nina SHARON at GABBY, hindi sinasadya pero nagkatapat

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI sinasadya pero magkatapat ang mga shows nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

 

 

Kasama si Sharon sa cast ng longest-running action serye na FPJ’s Ang Probinsiyano sa Kapamilya Network while nag-premiere naman kagabi sa GMA 7 ang First Lady, ang Book 2 ng successful series na First Yaya, kung saan lead actor naman si Gabby.

 

 

Nagkatapat na before ang FPJ’s Ang Probinsyano at First Yaya.  Pero this time ay iba ang complexion ng tapatan dahil nasa cast ng FPJAP si Sharon.

 

 

Siya ang gumaganap na anak ni Don Ignacio (Tommy Abuel) at ex-gf ni President Oscar Hidalgo (played by Rowell Santiago).

 

 

Incidentally, presidente rin ang role ni Gabby sa First Lady.  He is playing President Glenn Acosta.

 

 

As if by coincidence, parehong nagkaroon ng kaugnayan kay Sharon in real life sina Rowell at Gabby. Tapos pareho president ang roles nila in their respective teleseryes.

 

 

Siyempre masaya ang cast ng First Lady dahil balik-TV na ang top-rating teleserye.

 

 

Meanwhile, sa current takbo ng kwento, hindi pa nagkikita muli sina Aurora (Sharon) at Oscar (Rowell) since sila ay nagkahiwalay dahil kay Don Ignacio.

 

 

Hindi pa rin nagkikita sina Cardo at President Oscar.

 

 

To be fair sa writers ng FPJAP, updated ang kwento nila dahil may upcoming presidential elections din sa takbo ng kwento.

 

 

At may presidential debate din sa pagitan ni Madame Lily Hidalgo at Renato Hipolito.

 

 

***

 

 

NAKABABALIK naman ang experience ng isang producer sa isang newbie actor.

 

 

Pumirma si newbie actor ng contract for a digital series.  Dumalo sa script reading, meetings, scene per scene discussion. Tapos na rin ang promo shoot.

 

 

Tapos a week bago ang lock-in shooting, bigla na lang nag-backout sa project and the height, sa Facebook messenger lang nagpaalam sa director.

 

 

Nang tawagan ito ng director, bigla itong nag-breakdown and sinabi na hindi siya okey. Mayroon siyang problema.

 

 

Umalis ang newbie actor para magmuni-muni. At para mag-Tiktok. Nangako sa production team na babalik siya para mag-explain. Pero hindi ito nangyari. Nawala na lang parang bula ang newbie actor.

 

 

Nasayang ang one month preparation. Yung mga nasa staff, crew at iba pang involved sa production na nag-block off ng supposedly shooting dates, ang ending nakatunganga.

 

 

Hindi na lang nagdemanda ang director pero umaasa siya na magiging maganda para sa kanyang team ang year 2022.

 

 

***

 

 

NAKATUTUWANG malaman na patuloy pa rin si Gretchen Barretto sa pamimigay ng bigas, hindi lang sa mga kakilala niya sa showbiz kundi pati sa mga ordinaryong mamamayan.

 

 

Kahapon ay mga security guards at admin staff ng Forbes Park at Dasmarinas Village sa Makati City ang kanyang binigyan ng bigas.

 

 

Siguro kung kandidato si Gretchen ay malamang maraming boboto sa kanya. Patuloy siya sa pamimigay ng bigas sa iba’t-ibang tao, kasama pa ang ibang frontliners sa mga ospital.

 

 

At wala siyang pinipili na bigyan. Everybody is welcome. Kaya patuloy din ang pagdating ng blessings sa kanya.

(RICKY CALDERON)

‘Pambansang Best Friend’, nami-miss na ang pag-arte: SHEENA, protective mother at gagawin ang lahat para ‘di magka-virus ang anak

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-THROWBACK sa kanyang social media account si Sheena Halili dahil nami-miss na raw niya ang umarte.

 

 

Ngayon kasi ay mas naka-focus siya sa pagiging mommy sa 1-year old daughter niya.

 

 

“Miss ko na rin ang pag-aartista! Ngayon din naman nag-aartista ako sa harap ng anak ko! Minsan dog ako, minsan cat, minsan dancer, minsan singer,” natatawang pahayag ni Sheena.

 

 

Nabansagan noon si Sheena na Pambansang Best Friend dahil parati siyang BFF ng mga bida sa teleserye tulad nila Angel Locsin, Marian Rivera, Katrina Halili, Rhian Ramos, Carla Abellana, Heart Evangelista, Regine Velasquez, Kris Bernal, Jennica Garcia, Maine Mendoza at marami pang iba.

 

 

Protective mother ang role ngayon ni Sheena sa kanyang anak dahil sa pandemic.

 

 

“Lahat ng paraan gagawin ko para ‘di makasagap ng virus ang anak ko kasi di pa siya puwedeng mag-face mask. Ganito talaga ang maging isang nanay sa panahon ng pandemya,” diin pa ni Sheena na huling napanood sa teleserye na Love You Two noong 2019.

 

 

***

 

 

MINSAN na raw sumama ang loob si Herlene “Hipon Girl” Budol sa kanyang mga magulang dahul sa hindi nila pag-attend ng high school graduation niya.

 

 

Kuwento ni Hipon Girl, sinabihan daw niya ang kanyang mga magulang tungkol sa graduation niya. Dahil hiwalay ang maguling niya, nagturuan daw ang dalawa kung sino ang dapat un-attend.

 

 

Sa bandang huli, wala raw magulang si Hipon Girl noong magmartsa siya at nagkunwari na lang daw siya sa kanyang mga classmates na dumating ang mga magulang niya.

 

 

“Nakakalungkot lang na napagtapos ko yung pag-aaral ko na sarili ko lang. Yun na lang gagawin nila, sumama sa graduation, hindi pa nila nagawa. Nagtuturuan sila kasi ayaw lang nilang magkita talaga,” maluha-luhang kuwento ni Hipon Girl.

 

 

Pero nung araw lang daw na iyon sumama ang loob ni Hipon Girl sa kanyang mga magulang, Naintindihan naman daw niya ang situwasyon nila. Kaya wala siyang tinanim na galit sa kanila.

 

 

“Di man nila ako nakitang nagmartsa, nasa puso naman ang suporta ng aking pamilya,” sey pa niya.

 

 

Kaya raw sa bahay nila, wala siyang graduation picture na nakasabit. Sana raw sa pag-graduate niya ng kolehiyo sa May, magkaroon na raw siya ng picture na naka-toga at kasama na niya ang mga magulang niya.

 

 

**

 

 

SINAMPAHAN ng civil lawsuit ang American rapper na si Snoop Dogg for sexual assault and battery ng isang unidentified woman pagkatapos daw niyang manood ng isang concert ng rapper noong 2013.

 

 

Isa pa naman si Snoop Dogg na nag-perform sa Super Bowl LVI halftime show sa SoFi Stadium in Inglewood, California noong February 13 kasama sina Dr. Dre, Eminem, Mary J. Blige at Kendrick Lamar.

 

 

Ang naturang Jane Doe ay isang dancer, model, host and actress na nakatrabaho na ni Snoop Dogg.

 

 

Wala pang comment ang epresentatives ni Snoop Dogg, pero ito ang pinost ng rapper sa kanyang Instagram account: “Gold digger season is here be careful… keep ya guards up. And. Keep ya circle small.”

 

 

Napag-alaman din na nakaranas ng sexual assault ang Jane Doe mula sa isang employee ni Snoop Dogg.

(RUEL J. MENDOZA)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 31) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LASING SI Jeff nang dumating. Inalalayan ito ni Andrea hanggang sa silid. Palabas na ang dalaga nang tawagin siya nito.

 

“Andrea…”

 

“Po?”

 

“Hubaran mo ako.”

 

Hindi makasagot si Andrea.

 

“ANDREA!”

 

“PO?”

 

“Bingi ka ba?”

 

“H-hindi po sir…”

 

“Ang sabi ko, hubaran mo ‘ko, halika rito!”

 

Halos hindi maihakbang ni Andrea ang mga paa palapit sa lalaki. Nanlalambot sa pangangatog ang mga tuhod niya.

 

“Come on, what are you waiting for?” anang binata na nakapikit na sa kalasingan.

 

Sa kabila ng pag-aalinlangan ay nagawa pa ring makalapit ni Andrea. Tinitigan niya ang lalaki at naitanong niya sa sarili, bakit sa kabila ng pagiging negatibong tao nito ay dito pa rin tumitibok ang puso niya?

 

Nabigla pa ang dalaga nang hablutin ni Jeff ang kamay niya kaya’t natumba siya sa ibabaw nito.

 

“SIR!”

 

“Relax…just do what I say…” ang halos pabulong na sabi nito.

 

Tatayo sana si Andrea ngunit maagap siyang nahawakan ni Jeff sa braso. Kinabig siya nito kaya’t siya naman ang napahiga at ito ang napunta sa ibabaw niya.

 

Nangangatog si Andrea. Sa unang beses pa lang na makita niya si Jeff ay na-love at first sight na siya rito. Hindi na niya maalis ang mga mata sa mukha ng binata sa tuwing makikita niya ito. Kahit ilang babae pa ang maging kaagaw niya ay nananatili ang pagtingin niya rito. Kahit toxic ito para sa kanya ay kinikilig pa rin siya kapag inuutusan siya nitong magtimpla ng kape, magmasahe ng likod, magpaypay kahit aircon naman ang bahay, maglaba ng damit, mamalantsa at kung anu-ano pa. Nananatili itong mahal sa puso niya.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napalapit siya ng husto rito. Halos dalawang inches lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa kaya naman langhap na langhap niya ang alak sa bibig nito.

 

“Andrea…” malambing ang pagkakabigkas ng binata sa pangalan ng dalaga kasabay ng masuyong paghaplos sa pisngi nito.

 

Parang nakuryente naman si Andrea sa pagdampi ng kamay ni Jeff sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay ilang boltahe ng kuryente ang mabilis na gumapang sa kanyang katawan.

 

Pilit namang iminumulat ni Jeff ang mga matang naniningkit sa kalasingan upang matitigan ang maamong mukha ng dalaga. Gusto niyang makita ang magiging reaksyon nito kapag ginawa na niya  ang naglalaro sa kanyang isip. Unti-unti niyang pinagapang ang daliri sa makinis nitong braso.

 

Dahilan upang dumagundong ang kaba sa dibdib ng dalaga.

 

“Huwag po…pakiusap…” halos pabulong na sabi ni Andrea but deep inside ay wala talagang pagtutol ang kanyang puso.

 

Nang bahagyang umangat si Jeff upang hubarin ang suot na polo shirt ay nakakuha ng pagkakataon si Andrea na makatayo subalit muli siyang itinulak ng binata pahiga sa kama at hindi sinasadyang nalilis ang suot niyang uniporme na pangkasambahay.

Napatingin si Jeff sa maputi nitong hita kaya’t lalo itong ginanahan sa nais gawin. Agad namang inayos ni Andrea ang nalilis na damit.

 

Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya makawala sa mga bisig ng lalaki. Nang muli itong dumagan sa kanya ay hindi na ito nag-aksaya ng sandali.

Marahan ngunit sigurado si Jeff na nais niyang hagkan ang inosenteng labi ng dalaga. Sa pagdampi ng labi niya rito ay kapwa nila nadama ang tamis ng halik na ngayon lamang nila nadama sa kanilang buhay. Maraming labi na ang natikman ni Jeff subalit kakaiba ang kay Andrea. May kuryente. May kilig. May damdaming hindi niya maipaliwanag.

 

Hindi rin maipaliwanag ni Andrea ang kanyang nararamdaman. Nagsusumigaw ang kanyang isip sa pagtutol subalit tila mas nangingibabaw sa kanya ang makapangyarihang bulong ng kanyang puso. Unang beses niyang mahagkan sa labi…unang beses at ito pa ang tanging lalaki na nagustuhan niya. Kaya naman nag-uumapaw ang kaligayahang hindi niya kayang iwasan.

 

Bahala na…bahala na kung ano ang kahinatnan ng pagiging marupok niya sa lalaking mahal. Bahala na kung pagkatapos nito ay palalayasin na siya o kamumuhian o anuman. Basta ang pagkakataong ito ay hindi na niya makakayang bitawan. Yayakapin niya nang buong puso, nang buong pagmamahal maging kapalit man ay pait. Tutal naman ay sanay na siyang masaktan sa tuwing makikita niya itong may ibang babaeng kasama. Sanay na siyang masaktan sa isipin na kailanman ay hindi siya nito magugustuhan o mamahalin. Basta ngayon ay nasa kanya ang atensyon nito. Kahit ngayong gabi lang. Sapat na iyon. Isang magandang alaala na ang tatatak sa kanyang puso’t isipan na palagi niyang aalalahanin. Ito na ang katuparan ng kanyang pantasya.

 

Matagal, matamis at masuyo ang bawat kibot ng mga labing naglapat.

Nang simulan ni Jeff na alisin isa-isa ang saplot ng dalaga ay kusa nang kumawit ang mga kamay nito sa leeg niya. Sa kabila ng kalasingan ay tila malinaw na nakikita ng binata ang imahe ng isang inosenteng babae na kaysarap angkinin.

Pinagsaluhan nila ang tamis ng pag-iisang katawan. Sa kabila ng nag-uumapaw na kaba sa dibdib ni Andrea ay hindi niya maikakaila ang nag-uumapaw ding saya sa bisig ng kaisa-isang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso. Pansamantala niyang nakalimutan ang mga negatibong bagay tungkol dito dahil nasa ilalim siya ng malakas na pwersa ng pag-ibig. Anuman ang nararamdaman nito para sa kanya ay hindi na mahalaga. Handa niyang isuko rito ang kanyang pagkabirhen.

 

Kinabukasan.

Napabalikwas ng bangon si Jeff nang makita sa tabi niya ang nahihimbing na si Andrea. Kita niya ang mantsa ng dugo sa kumot, tanda ng pagkabirhen nito na dinungisan niya. Nasapo ni Jeff ang ulo. Masaki tang ulo niya dahil sa hang-over pero pinilit niyang tumayo. Hindi na niya ginising ang dalaga. Nagmamadali siyang naligo at umalis ng bahay.

 

Nang magmulat ng mga mata si Andrea ay nasa kama pa rin siya ni Jeff. Saglit siyang natigilan at napaisip pero wala siyang pinagsisisihan sa nangyari nung nagdaang gabi. Mahal niya ang kanyang amo kaya buong puso niyang yayakapin ang kamaliang nagawa.

Habang naliligo ay tila ramdam pa niya ang mga labi nito sa labi niya at ang katawan nitong nakalapat sa katawan niya.

 

Gabi.

Naisip niya si Janine. Kung buhay pa ito siguradong pagagalitan siya.

Idinial niya ang numero ni Angela. Hindi kasi siya mapakali hangga’t hindi niya nailalabas ang saloobin tungkol sa nangyari.

 

“Kumusta po kayo Ma’am Angela?”

 

“Mabuti naman. Maganda ang benta ng restaurant. Ikaw?”

 

“Eto po, naguguluhan…”

 

“Tungkol saan?”

 

“Ma’am, may tanong po ako…”

 

“Sige lang.”

 

“Kapag po ba isinuko mo ang katawan mo sa isang tao na mahal mo, pero hindi ka naman mahal, kasalanan po ba iyon?”

 

Natigilan si Angela. Naalala kasi niya ang panahon na iyon sa kanyang buhay kung kailan isinuko rin niya ang sarili kay Bernard sa kabila ng katotohanang may mahal na itong iba. Kung kailan niyakap niya ang panunumbat at pagkamuhi nito sa kanya.

 

(ITUTULOY)

‘Doctor Strange 2’ Poster Confirms Appearance of Marvel Zombies & Captain Carter

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARVEL unveils the Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster confirming live-action zombies and Captain Carter will appear in the film.

 

 

The upcoming Marvel Cinematic Universe sequel takes place after the events of Spider-Man: No Way Home, WandaVision and Loki season 1 in which the titular sorcerer is continuing his research into the Time Stone and when the doors to the multiverse remain broken open and unleash a mysterious new adversary, Doctor Strange must team with new and old allies to protect the world.

 

 

Benedict Cumberbatch is returning to lead the cast of Doctor Strange in the Multiverse of Madness as both the prime version of the sorcerer and multiple versions of the character, including Defender Strange and Strange Supreme, alongside Chiwetel Ejiofor, Elizabeth Olsen, Benedict Wong, Michael Stuhlbarg and Rachel McAdams.

 

 

The film will also mark the MCU debuts of Xochitl Gomez as America Chavez and director Sam Raimi, who replaces original co-writer/director Scott Derrickson following his departure due to creative differences. With just over two months remaining until the sequel’s arrival, Marvel is looking to keep anticipation high for Doctor Strange in the Multiverse of Madness, and will hits theaters on May 6.

 

 

Marvel has revealed the official Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster. The key art for the MCU sequel teases the multiple variants set to be seen in the film as well as the confirmation of a Captain Carter appearance with her shield seen in the lower right corner and live-action zombies featured in the lower left corner.

 

 

The first Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster marks an exciting new look at what’s to come from the long-awaited sequel. The tease of Captain Carter and Marvel Zombies proves to be an interesting hint at the alternate reality nature of the story.

 

 

The first trailer for the film revealed Cumberbatch to be playing a villainous variant of the hero akin to the Doctor Strange Supreme seen in the Disney+ What If…? series, where Hayley Atwell’s Captain Carter and the zombies previously made their MCU debuts.

 

 

While the most recent trailer didn’t offer any crystal looks at Atwell’s return as the heroic version of her character as teased in the Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster, it did hint at plenty of other exciting avenues to come from the sequel.

 

 

The most interesting of the reveals from the new trailer is that of Patrick Stewart’s return as Professor X from Fox’s X-Men franchise, pointing towards the creatives behind the film ready to explore as many corners of the Marvel universe as possible for the multiverse story. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Pope Francis muling ipinagdasal ang mga kaguluhan sa Ukraine

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pope Francis ang pagdarasal para sa kapayapaan sa Ukraine.

 

 

Sa kanyang lingguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang mga pangyayari sa Ukraine.

 

 

Nanawagan ito sa mga pulitiko doon na dapat maging prioridad ang kapayapaan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.

 

 

Hind lamang ito ang unang beses na nanawagan ng pagdarasal ang Santo Papa dahil noong nakaraang mga buwan isinagawa na rin niya ang panawagan ng pagdarasal para hindi na ituloy ng Russia ang tangkang paglusob nito.

 

 

Magugunitang naglagay ng 100,000 mga sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine subalit itinanggi nito na hindi sila lulusob.

PBA papayagan na ang mga audience sa mga laro

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPAYAGAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang panonood ng mga audience sa darating na Pebrero 16.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ito ang naging desisyon nila matapos na 100% na mga manlalaro nila ay bakunado na sa COVID-19.

 

 

Aabot na rin sa 95 percent rin sa mga manlalaro ang nakatanggap na rin ng booster shots laban sa COVID-19.

 

 

Isa rin dito ang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.

 

 

Nararapat na rin aniya na bumili sa online ang mga nais manood ng laro ng PBA sa Araneta Coliseum.

MGA HEALTH WORKERS, NAGSAGAWA NG KILOS PROTESTA

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagsagawa ng kilos protesta ang samahan ng health workers sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.

 

 

Tinawag na Black Hearts Day Protest ang nasabing pagkilos na pinangunahan ng Alliance of Health Workers

 

 

Naglakad ang mga health workers na pawang mga nasa pampubliko at pribadong hospital mula Legarda patungong DOH.

 

 

Muling panawagan ng grupo ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kapalpakan nito sa trabaho.

 

 

Giit pa ng grupo, tila hindi na naisip pa ng gobyerno ang kaligtasan, proteksyon, karapatan at kapakanan ng mga health workers na patuloy na tumutulong para hindi na kumalat pa ang COVID-19.

 

 

Bukod dito, naging talamak din ang contractualization scheme sa mga pampublikong hospital.

 

 

Nangangamba rin ang mga health workers na mabawasan pa ang mga benepisyong nakukuha nila ngayong may pandemya dahil natapos na ang ilang probisyon nito sa ilalim ng Bayanihan Law 2 kung saan napalitan na ito mg One Covid-19 Allowance (OCA).

 

 

Anila, sa loob ng dalawang taon ay hindi pa rin sapat ang mga hakbang ng pamahalaan para mabawasan ang tinatamaan ng COVID-19 kung saan nakakaramdam na rin ng pagod ang mga health workers. (GENE ADSUARA)

Ads February 15, 2022

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Obiena may tiket na sa World meet

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na si Olympian Ernest John Obiena sa World Athletics Indoor Championships at World Athletics Championships.

 

 

Ito ang inihayag ni Obiena matapos ang kanyang gold medal performance sa Orlen Cup na siyang naging tiket nito para makahirit ng puwesto sa dalawang mala­king world level competitions.

 

 

“Last night in Lodz, Poland I decided to put my adversity aside and focus on what I should be doing,” ani Obiena.

 

 

Para makuha ang ginto, nagtala si Obiena ng 5.81 metro na sapat na para magkwalipika sa World Athletics Indoor Championships at World Athletics Championships.

 

 

“I tried and I jumped 5.81m. With that leap, I got the following: season’s best, qualified for World Indoors, World Championships, the big W (win) for the Philippines,” dagdag ni Obiena.

PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID

Posted on: February 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period.

 

 

“Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission on Election Spokesman James Jimenez sa isang interview sa radio.

 

 

Biyernes nang sabihin ni  presidential at vice-presidential aspirants Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa Comelec na dapat irekonsidera ang  Resolution 10732.

 

 

Sa resolusyon, ipinagbabawal ang mga aspirante na gumawa ng anumang gawaing may kinalaman sa pisikal na pakikipag-ugnayan sa panahon ng kampanya.

 

 

Gayunpaman, nangatuwiran sina Lacson at Sotto na ang pagbabawal ay “hindi praktikal” at “hindi pinag-isipang mabuti.”

 

 

Dagdag pa ni Sotto, hindi maaaring magpataw ang Comelec ng mga regulasyon sa kalusugan. Hindi rin nito maaaring ipagbawal ang mga aktibidad tulad ng mga selfie dahil bahagi ito ng Bill of Rights ng Konstitusyon.

 

 

“Sa tingin ko mali ‘yung ganong klaseng characterization kasi unang una, ‘yung implikasyon na sinasabi nila, na mali ‘yung paghaharang ng ganyan dahil nga violation ng right to free expression, tandaan natin na hindi lahat ng rights, absolute,” dagdag pa ni Jimenez

 

 

“‘Yung sa pagse-selfie, definitely ang itatanong mo diyan ay mas mahalaga ba ‘yung magpa-picture ka kaysa sa manatiling safe at walang sakit ‘yung mga taong nasa paligid mo?” giit ni Jimenez.

 

 

Ayon kay Jimenez, sa mga gustong mag report ng campaign violations ay maaring dumirekta sa Comelec.

 

 

Aniya, tutulungan sila ng poll body na mag-report nang ligtas, lalo na kapag natatakot sila sa paghihiganti ng isang politiko.

 

 

“Kung gusto mag-report, tutulungan namin na panatilihin ang kanilang anonymity, hindi natin ilalabas ang kanilang mga pangalan. Pero at some point, kung kailangan ng mag-file ng complaint, kailangan silang lumantad,” paliwanag pa ni Jimenez. (GENE ADSUARA)