Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MULING inanyayahan ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga transport workers na magpabakuna sa ilalim ng “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” na ginagawa ngayon sa Land Transportation Office (LTO), East Avenue, Quezon City.
Sinimulan noong February 14 at matatapos sa February 17 ang nasabing programa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang bakuna na mga transport workers at stakeholders.
Inaasahang ng DOTr na mabibigyan ng bakuna ang 500 na transport workers kada araw mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Bukas din ang programa para sa mga commuters na hinid pa bakunado.
Priyoridad ang pagbibigay ng booster subalit bukas din ang programa sa mga walang pang 1st at 2nd na bakuna at kinakailangan lamang na mag rehistro ang mga tao sa LTO Chapel.
Ang nasabing programa ay karugtong ng “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” na ginawa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong nakaraang Jan. 24-28. May naitalang 1,361 transport workers ang nakatangap ng bakuna na ginawa sa PITX.
“We will continue to launch this program as we will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people. We will open it in different venues such as train stations, ports and tollways,” wika ng DOTr.
Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at LTO ang lahat ng mga transport workers at stakeholders na samantalahin ang pagkakataon upang magkaron ng bakuna.
“This activity is intended for all transport workers and stakeholders, including the commuters who voluntarily want to take advantage of getting vaccinated which also include drivers, conductors, operators and commuters,” saad ni LTFRB chairman Martin Delgra.
Sinabi naman ni MMDA OIC-Chairman Atty. Romualdo Artes na patuloy silang makikipagtulungan sa DOTr, LTO at LTFRB upang magkaron ng magandang ugnayan ang kanilang ahensya sa DOTr sa pagsusulong ng programang “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive.”
Sinimulan ng DOTr ang unang pagbabakuna sa mga transport workers nong July 2021 sa ilalim ng programang “Tsuperhero: Kasangga sa Resbakuna” kung saan umabot sa 4,572 na transport workers ang nabigyan ng bakuna. LASACMAR
MAS PINAIGTING ng mga kapulisan ng Ukraine ang ginagawa nilang seguridad.
Ayon kay Ukraine police chief Ihor Klymenko na ilalagay nila ang mahigpit na pagbabantay ng hanggang Pebrero 19.
Ilan sa mga paghihigpit ay ang pagdagdag ng mga kapulisan na magpapatrolya sa kalsada, pagdagdag ng centers na magmomonitor ng kalagayan.
Magtatalaga rin sila ng mga kapulisan sa mga pangunahing infrastructures at mga pampublikong opisina.
Paglilinaw din nito na hindi dapat mag-panic ang mga tao dahil para na rin ito sa kanilang seguridad.
NAGING puspusan na ang ginawang pagsasanay ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrereo 24 hanggang 28 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ayon kay Gilas coach Chot Reyes na idinagdag nila si Francis “Lebron” Lopez na siyang pinakahuling napili ng Samahang Basketball ng Pilipinas na makasama sa national team.
Isinagawa ang ensayo ng national basketball team a Moro Lorenzo Gym sa Ateneo de Manila University campus.
Nakasama na ang 18-anyos na si Lopez sa Gilas Pilipinas noong FIBA Asia Cup qualifiers noong Hunyo sa Clark Pampanga.
Nakasama na rin ng Gilas bilang assistant coach si dating Gilas Pilipinas player Marc Pingris.
NANINIWALA ang ilang mga ekonomista na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagiging romantic ng mga Pilipino, lalo na ngayong Valentine’s Day.
Sa isang panayam, sinabi ng ekonomista na si Ser Percival Peña-Reyes na maaring tapatan ng Valentine’s Day spending ng mga Pilipino ang halaga ng mga ginastos noon namang Pasko.
Base kasi aniya sa pre-pandemic data, ang middle income market ay binubuo ng 15 million katao, at 30 percent dito ay inaasahan na gagastos ng average P2,000 para lamang sa Valentine’s Day.
Ayon kay Peña-Reyes, kapag ipunin ang P2,000 sa 30 percent ng middle income market, aabot din ito ng P9 trillion.
Dahil sa global health crisis sa ngayon, nakikita niyang gagastos ang mga Pilipino sa mga tokens nang kanilang pagmamahal tulad ng pagbili ng kotse, tsokolate, at mga bulaklak.
LABIS pasasalamat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patuloy na pagtitiwala sa kanya matapos makakuha ng mataas na performance rating batay sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).
“Nakakatuwa po ang patuloy na tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking kakayahan bilang senador. Nakakaalis po ng pagod ang masigasig na pagsuporta ng taumbayan sa mga aksyon at desisyon ng Senado na aking pinamumunuan. Maraming salamat po,” pahayag ni Sotto.
Si Sotto, tumatakbo sa pagka-bise presidente, ay nakalikom ng net satisfaction rating na +52 sa pinakahuling survey ng SWS noong Disyembre. Tinalo niya si Vice President Leni Robredo na may 23% at pumangalawa siya kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno sa bansa.
Nakakuha si Duterte ng net satisfaction rating na +60 habang bumagsak naman ang net satisfaction rating ni Robredo.
“Ang tiwala ng ating mga kababayan ay nagsisilbing inspirasyon sa aking kampanya para maging bise presidente ng ating bansa. Hindi madali ang laban na ito, pero kukuha ako ng lakas ng loob mula sa pagmamahal at suporta na ibinibigay sa akin ng aking mga kababayan,” ayon kay Sotto. (Daris Jose)
NAGPAALALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga airlines na siguraduhin na tanging mga karapat-dapat na mga dayuhan ang papayagang sumakay sa kanila patungo sa Pilipinas
Sinabi ni Morente na responsibilidad ng isang airlines na siguraduhin na ang mga karapat-dapat na mga dayuhan lamang ang pasasakayin at makapasok sa bansa kasunod ng bagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sa kasalukuyan, tanging ang mga fully vaccinated na mga dayuhan ang papayagan na makapasok, kasunod ng pagpapakita nila ng kanilang mga dokumento.
Sinabi ni Atty Carlos Capulong, BI port operations chief na nararapat lang na siguraduhin ng mga airlines na sinusunod ng mga pasahero ang mga kinakailangang dokumento dahil sila rin ang responsible kung hindi makakapasok ang kanilang customer sa ating bansa.
“This is a joint effort by different government agencies, as well as the airlines who are the first to evaluate documents presented by travelers,” ayon kay Capulong. “The airlines have been very helpful and cooperative with these policies that we are duty-bound to impose,” dagdag pa nito.
Ang isang banyaga na hindi papayagang makapasok ay kinakailangang sumakay sa susunod ng flight pabalik sa kanilang bansa habang pananagutin din ang airlines sa hindi pagsunod sa alituntunin. (GENE ADSUARA)
PALABANG sumalo sa pangatlong posisyon si Pauline Beatriz Del Rosario kay Mohan Du ng China sa kahahambalos na Dare the Bear Women’s Championship upang mapremyuhan ng tig-$2,069 (P106K) sa Black Bear Golf Club sa Parker, Colorado.
Nagposte ang 23-year-old Pinay shotmaker buhat sa Las Piñas ng mga linyang six-over par 76, three-over par 73 at even par 70 para maka-two-under 219, tulad ng Chinese na may mga tinipang mga round na 71-74-74.
Pinamayagpagan ang 54-hole, 46-player event na kickoff leg sa taong ito ng East Coast Women Pro Golf Tour (dating National Women’s Golf Association), ni Alyaa Abdul na may last round 70 pa-217, one stroke edge sa kapwa Amerikanang si Alexandra Swayne. (CDC)
KABILANG ang isang Pinoy sa mga nasugatan sa drone attack sa Abha airport sa Saudi Arabia na nangyari noong araw ng Huwebes, Pebrero 10
Ito ang kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia ngayong araw subalit hindi na tinukoy pa ang pagkakakilanlan ng naturang Pinoy na ngayon ay nasa stable na ang kalagayan at ginagamot sa isang ospital na sinusuportahan naman ng kaniyang employer.
Ayon sa embahada, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Jeddah sa apektadong Filipino national para magbigay ng tulong.
Base sa ulat, nasa 12 katao ang nasaktan matapos na maharang ang shrapnel mula sa explosive-laden drone sa pamamagitan ng air defense dahil pa rin sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Saudi led coalition at ng Houti rebels group na nakabase sa Yemen.
Para sa mga Pinoy na nasa Saudi Arabia, inaabisuhan ang mga ito na manatiling mapagmatyag at i-monitor ang inilalabas na mga security advisories.
NANANATILING kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na mas tataas pa ang tourist arrivals kasunod ng muling pagbubukas ng borders ng bansa noong nakaraang linggo.
“As of February 14,” ang actual inbound tourist arrivals mula sa visa-free countries ay umabot sa 9,283.
Ipinakita rin sa data ng DOT na sa nasabing bilang na ito, 4,209 ang mga balikbayan habang ang 5,074 ay foreign tourists.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na tinitingnan nila ang gradual pace sa pagdagsa ng mga turista sa bansa na makatutulong aniya sa pagbangon ng local tourism scene.
“International travel and tourism saw an unprecedented decline in visitor arrivals amid the pandemic; the reopening of Philippines’ borders to visitors from visa-free countries will surely help in improving our numbers,” ayon kay Puyat.
“We at the DOT are excited to see a revival in our local tourism and will continue to support our partners in achieving this goal,” dagdag na pahayag nito.
“Tourists from the US make up the largest chunk of foreign tourists from February 10 to 14 with 2,227 arrivals; followed by 661 from Canada; 404 from Australia; 344 from the United Kingdom; 189 from South Korea, 169 from Japan; and 168 from Germany.” aniya pa rin.
Binigyang diin pa ng Kalihim na ang kahandaan ng bansa sa pagdagsa ng foreign travelers ay masasabing mahigit sa 90% ng kanilang target na tourism workers sa buong bansa ay fully-vaccinated.
“The DOT’s goal has since shifted to providing fully vaccinated workers with booster shots, which will not only give them extra protection against the virus but will also add to the confidence of local and foreign tourists as they make their way to the country’s many breathtaking destinations,”ang pahayag ni Puyat.
“As of February 11,” may kabuuang 323,206 indibiduwal o 93.09% ng s nationwide target ng DOT na 353,075 tourism workers sa iba’t ibang tourism-related industries ay fully vaccinated laban sa Covid-19.
Sa naturang bilang, 57,347 o 17.74% ang nakatanggap ng kanilang booster shots.
Samantala, pinaalala naman ng DOT na ang fully vaccinated tourists ay required na mag-presenta ng proof of vaccination na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o World Health Organization, at maging ng negatibong RT-PCR test result na ginawa 48 na oras bago pa ang departure mula sa bansang kanilang pinagmulan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)