• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 28th, 2022

Russia nalusob na ang Chernobyl Nuclear Power Plant sa Ukraine

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nilusob ng mga sundalo ng Russia na kontrolin ang Chernobyl Nuclear Power Plant.

 

 

Ayon pa sa Ukrainian president na may mga sundalo na sila ang nasawi dahil sa pagtatanggol sa lugar para hindi na makalapit pa ang mga sundalo ng Russia.

 

 

Inamin naman ni Ukrainian presidential adviser Mykhaylo Podolyak na hindi na nila nakontrol ang Chernobyl site.

 

 

Magugunitang noong Abril 1986 ay nagkaroon ng pinakagrabeng nuclear disaster sa kasaysayan kung saan apat na reactors nito ang sumabog at marami ang nasawi.

 

 

Ang mga sumabog na reactor ay tinakpan ng protective shelters ng matagal para maiwasan ang pag-leak ng radiation.

Chua nahugot ng NLEX sa Phoenix

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGDAGDAG ng puwersa sa shaded lane ang NLEX matapos kunin si center Justin Chua mula sa Phoenix at ibinigay si forward Kris Porter bukod sa dalawang draft picks.

 

 

Ang 6-foot-7 na si Chua ay nagtala ng mga averages na 5.3 points at 2.5 rebounds para sa kampanya ng Fuel Masters sa PBA Governors’ Cup at nanguna sa depensa sa nakaraang 2020 PBA Philippine Cup sa kanyang 1.6 blocks per game.

 

 

Isa ang 32-anyos na slotman sa mga naging susi ng Phoenix sa pag-abante sa semifinals ng mga nakaraang 2019 at 2020 Philippine Cup.

 

 

Naglista ang dating Ateneo Blue Eagles center ng 8 points at 3 rebounds sa 99-104 kabiguan ng Fuel Masters sa San Miguel Beermen noong Miyerkules.

 

 

Bukod naman kay Porter ay ibinigay din ng NLEX ang kanilang 2021 second round pick at 2022 first round pick sa Phoenix para maaprubahan ang nasabing trade.

Pag-IBIG, nakapagtala ng record-high P34.73 billion net income noong 2021

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng kanilang “highest-ever net income” noong nakaraang.

 

 

Nahigitan na nito ang pre-pandemic bottom line figures.

 

 

“Our strong performance last year led us to reach a net income of P34.73 billion. This is our highest net income ever, surpassing by 9.5% our P31.71 billion net income in 2020 and topping the previous record of P34.37 billion netted in 2019,” ayon kay Secretary Eduardo del Rosario, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees sa isang kalatas.

 

 

“I’d also like to note that this is the fifth time that our net income breached the P30-billion mark. Our members will directly benefit because we shall again go beyond what is required of us by declaring over 86% of our net income as dividends for their savings,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ilalim ng Pag-IBIG Fund charter, required ang ahensiya na ideklara ang 70% ng kanilang annual net income bilang dividends, “which shall be credited proportionately to its members’ savings.”

 

 

Gayunman sinabi ni del Rosario na inirekumenda ng Pag-IBIG Fund’s management na maglaan ng 86.56% ng kanilang net income bilang dividends para ma- maximize ang benepisyo ng kanilang mga miyembro sa panahon ng pangalawang taon ng pandemya.

 

 

“This is now up for approval of the Board,” ayon pa rin kay del Rosario.

 

 

Para naman kay Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti, ang dividend rates sa member’s savings – kapuwa sa mandatory at voluntary – ay mananatiling mas mataas sa ibang instruments na available sa merkado.

 

 

“We know that many of our members have been asking about the dividend rates. Now we can finally share the news. For 2021, dividend rates will remain above 5%,” ayon kay Moti.

 

 

“Returns for the Pag-IBIG Regular Savings is recommended to be at 5.16% per annum, and the Modified Pag-IBIG 2 Savings to be at 5.66% per annum. Considering the challenges caused by the pandemic, Pag-IBIG’s dividend rates are still much higher than other savings accounts and financial products in the market today,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Gobyerno, handa ng ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers —DBCC

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers.

 

 

Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor.

 

 

Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga Kalihim ng Finance, Budget, at Socioeconomic Planning— ay nagpahayag na mahigpit nilang mino-monitor ang mga dahilan na nakakaapekto sa presyo ng langis sa bansa.

 

 

Sinabi ng mga economic managers na handa na ang gobyerno na ipalabas ng pondo para tulungan ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers, magsasaka at mangingisda.

 

 

“To assist the transport sector, the government is preparing to release P2.5 billion for the Fuel Subsidy Program of the Department of Transportation (DOTr),” ayon sa DBCC.

 

 

“This aims to provide fuel vouchers to over 377,000 qualified PUV drivers who are operating jeepneys, UV express, taxis, tricycles, and other full-time ride-hailing and delivery services nationwide,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, humiling na ang Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para ibigay na ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakayan sa harap ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na nakasaad sa kahilingan ng DOTr sa DBM, ang tinatayang 377,443 na benepisaryo para sa fuel subsidy na nakakahalaga ng tig-P6,500 o kabuuang P2.45 bilyong pondo.

 

 

“Bukod sa franchise grantees na traditional at modern PUV, isasama na rin ang Public Utility Bus (PUB), Minibus, Taxi, UV Express, Transport Network Vehicle Service (TNVS), Tourist Transport Service (TTS), maging ang mga tricycle na pinangangasiwaan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Delivery Services sa Department of Trade and industry (DTI) at Department of Communications and Technology (DICT),” ayon sa LTFRB.

CAMPAIGN POSTER PAPAYAGAN SA PRIBADONG LUGAR

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAHIHINTULUTAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga ilegal na campaign posters na manatili sa mga pribadong pag-aari, ngunit ang mga may-ari ay kailangang harapin ang kaso para sa election offense.

 

 

Ito ang paliwanag ng Comelec sa gitna ng reklamo mula sa kampo ng mga kandidato at kanilang supporters kaugnay sa Oplan Baklas.

 

 

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez sa media na ang poll body ay maaaring maglabas ng bagong implementing rules and regulations (IRR) na mangangailangan ng written consent ng mga private property owners bago tanggalin ng mga tauhan ng poll body ang mga posters sa pribadong pag-aari.

 

 

“One of the biggest features of the planned IRR is that we will be requiring our field officials to get a written consent before they can enter into private property. The Comelec has always abided by the policy that we will not enter into private property unless there is consent by the property owner. We will take that a step further by requiring the officer to produce a written consent form. Written consent para malinaw to all and sundry na even if they are not there during the event at para may patunay tayo na nagbigay talaga ng paalam yung property owner,” sabi ni Jimenez.

 

 

Sakaling tumanggi ang may-ari, bibigyan sila ng abiso na tanggalin ang poster sa loob ng 3 araw o mahaharap sa kasong election offense kung saan sinabi ni Jimenez na maaaring  pagkakulong, multa at maging disqualification sa paghawak ng pampublikong tungkulin.

 

 

“If the property owner refuses to give consent then a case is possible in the meantime the posters stay up,” ayon pa  kay Jimenez.

 

 

Kinumpirma ni Comelec commissioner Rey Bulay, pinuno ng National Campaign Committee, na lalabas sila sa mga patakaran.

 

 

“The commissioners held an en banc meeting specifically para doon sa Oplan Baklas. What I proposed is the creation, the passing of an IRR kasi iba na sitwasyon ngayon, the law may have not evolved 21 years ago but situations change, you now have social media to ventilate ‘yung mga ganyan kaya ang drumbeating grabe,” ani Jimenez.

 

 

Dagdag pa nito, ang Oplan Baklas ay hindi sinuspinde. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads February 28, 2022

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

17 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 17 hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na dalagita na na-rescue sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Kaagapay Road, Brgy., 188, Tala na nagresulta sa pagkakaaresto kay Tricia Janina Bala, 23.

 

 

Nakuha kay Bala ang tinatayang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na nasa P204, 000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 genuine bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, at gray sling bag.

 

 

Alas-5:10 ng madaling araw nang madakma din sa buy bust operation sa Florencia St. Brgy. 71, sina Elian Argote, 32 at Maciste Dulap, 34. Narekober sa kanila ang nasa 15 grmas ng hinihinalang shabu na nasa P102,000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Malabon, natimbog naman ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa 4th St., Brgy. Tañong alas-4:20 ng madaling araw sina Elena Gososo, 60, Babyvie Feliciano, 30, Mary Grace Francisco, 41, Andie Lacson, 41 at Charles O’neal, 26.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang nasa 14 grams ng hinihinalang shabu na nasa P95,200.00 ang halaga at P500 marked money.

 

 

Kalaboso rin sina Jeson Torres, alyas “Bato”, 37, Mark Albert Laurenciano, alyas “Tattoo” 32, at Gilberto Condeno, 37 matapos makuhanan ng nasa 9.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,880.00 at P500 marked money sa buy bust operation sa Atis Road, Brgy. Potrero alas-9:30 ng gabi.

 

 

Bandang alas-2 ng madaling araw nang madamba din sa buy bust operation sa Hasa-Hasa St. Brgy, Longos si Robert Travello, 30, Irene Manangan, 43 at Wilfredo Abayan. Nakuha sa kanila ang nasa 11.7 grams ng hinihinalang shabu na nasa P79,560.00 ang halaga at P500 marked money.

 

 

Sa Valenzuela, nasakote din ng Valenzuela Police SDEU team sa pangunaguna ni PLT Doddie Aguirre sa buy bust operation sa Sitio Kabatuhan St., Compound 1, Brgy., Gen. T De Leon dakong alas-4:30 ng madaling araw si John Jefferson Berza alyas “Noy”, 22, miyembro ng “Rodriguez Drug Group” at kasabwat nitong 15-anyos na dalagita.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa kanila ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na na nasa P102,000.00 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 17 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at coin purse.

 

 

Habang nasamsam naman ng kabilang teamng SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo kay Jayson Gonzaga, 22, ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga, P500 marked money, P300 cash at cellphone matapos matiklo sa buy bust operation sa A Bernardino Ext., Brgy., Ugong dakong alas-6 ng umaga. (Richard Mesa)

EDSA @36 hitik sa panawagan vs ‘Marcos return’ sa Malacañang

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA DINAMI-RAMI  ng mga pagkilos ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., tila ibinubuklod ang karamihan nito sa iisang panawagan — ang pagpigil sa panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo ngayong 2022.

 

 

Taong 1986 nang mapaalis sa Malacañang ang dating pangulo matapos ang mga protesta mula ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero, bagay na dumulo sa paglikas ng pamilya Marcos patungong Hawaii sa Estados Unidos.

 

 

“Pinatalsik ng mamamayang Pilipino ang pamilyang Marcos upang tapusin ang kanilang paghahari sa ating bayan. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, pagyurak sa demokrasya, at pagnanakaw sa kaban ng yaman ng mga Marcos at kanilang mga kroni,” ayon sa Bayan Muna party-list, Biyernes.

 

 

“Hindi na dapat ibalik ang sinuka na ng taumbayan!”

 

 

Kasalukuyang kumakandidato sa pagkapangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng dating presidente, habang nangunguna sa mga electoral surveys.

 

 

Simula nang ipatupad ng Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1983, matatandaang umabot sa 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay, ayon sa Amnesty International.

 

 

Kasalukuyan ding hawak ng nakatatandang Marcos ang titulong “Greatest robbery of a Government” sa Guiness World Records, matapos niya aniya tangayin ang nasa $5-10 bilyong kaban ng bayan. Hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa itong bawiin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

 

 

Bukod sa mga karaniwang protesta, idinaan naman ng ilan sa performances gaya ng impersonations.

 

 

Sa ilang litratong ito, makikita kung paano i-impersonate ng mga komedyante at performance artists na sina Willie Nepomuceno at Mae Paner, na mas kilala sa pangalang “Juana Change,” sina Macoy at dating first lady Imelda Marcos — na nabansagan na noon na naglunsad ng isang conjugal dicatorship.

 

 

“Apo Ferdie, bumangon muli [sa hukay] para dumalo sa teach-in kaugnay ng Martial Law at diktadurang Marcos kasama si Imeldific,” wika ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary-general Renato Reyes Jr.

RIDER, NADULAS ANG MOTORSIKLO, PATAY

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 38-anyos na rider nang nadulas ang sinasakyang motorsiklo sa Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.

 

 

Kinilala ang  biktima na  si  Elmer Payot y Onez, ng  2304 Rizal Avenue corner Matang Tubig St., Tondo.  Maynila na namatay sa pinangyarihan ng insidente .

 

 

Sa ulat ni Corporal Eric Jay Despabiladero ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan   minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang  binabagtas  ang kahabaan ng  southbound ng Rizal Avenue kanto ng Matang Tubig St., Tondo, Maynila nang pagsapit sa bahagi ng Teodoro Santos St., nang mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at  biglang dumulas ang gulong ng kanyang motorsiklo.

 

 

Dahil sa insidente at malakas na pagbagsak, tumama ang kanyang  ulo sa semento na  nagresulta sa kanyang agarang kamatayan .(GENE ADSUARA)

Public servants sa panahon ng kalamidad, community volunteers at medical at essential frontliners, kinilala ni PDU30 ngayong People Power Revolution

Posted on: February 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga public servants na nagbigay ng kanilang tapat at epektibong pamamahala sa local at national levels, sa mga nagsagawa ng rescue at relief operations sa panahon ng kalamidad, community volunteers, at maging ang mga medical at essential frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic ngayong ipinagdiriwang ang 1986 People Power Revolution.

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang mga nabanggit na public servants ang nagsama-sama ng tunay na diwa ng People Power sa pang-araw-araw ng buhay ng bawat isa.

 

 

Kaya dapat lamang ani Pangulo na tularan ang kabayanihan, pagiging hindi makasarili, at pagmamalasakit ng mga public servants habang nagsisikap ang sambayanan na makabawi mula sa kasalukuyang hamon at sumulong patungo sa mas maayos na Pilipinas para sa lahat.

 

 

Aniya pa, 36 na taon na ang nakalilipas nang mangyari ang nasabing kaganapan subalit nananatili pa ring malinaw sa kaisipan ng milyong Filipino na nagtipon sa EDSA ang demokrasyang nabawi ng bansa.

 

 

Ang selebrasyon aniyang ito ay magsisilbi bilang “strong reminder” na sa pagkakaisa, kooperasyon at pananampalataya, walang hindi makakamit ang lahat para sa ikabubuti ng bansa.

 

 

“As we honor the courage and solidarity of those who have come before us and fought to uphold our democracy, let us also honor and thank those who continue to keep alive the legacy of this largely peaceful and non-violent revolution,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Mabuhay ang lahing Pilipino!,” ang pagbati ng Pangulo. (Daris Jose)