• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2022

Takot at nanginginig nang magpa-root canal: SHARON, aminadong hindi matapang pagdating sa mga dentista

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, shinare niya ang isang video last March 8 habang nasa sa dental chair at bago sa gagawing treatment na labis niyang ikinatatakot.

 

 

Caption ni Mega, “Please pray for me. Am about to get a root canal now.”

 

 

Say pa ni Sharon one-minute videro, “Hi, everybody. I know this is TMI (too much information) but I’m really scared. I’m going to get a root canal today. I’m nanginginig.”

 

 

Bukod sa dentist na root canal specialist, nandoon din ang kanyang sister-in-law na si Ate Vicky, na kanilang family dentist din, na hiningan pa niya ng moral support habang ginagawa ang treatment.

 

 

Sabi pa niya na natatakot talaga siya, “I’m not matapang sa dentista.” At hindi raw niya matandaan kung kailan siya huling nagpa-root canal, na karamihan sa nagko-comment at masakit talaga at ilang araw din bago mawala ang pamamaga.

 

 

Comment naman ng anak niyang si Frankie Pangilinan in capital letters, “MOMMY ?/!:?     “Anyare na naman maaam?”

 

 

“Babaaaaaaa,” lang ang naging sagot ni Sharon sa anak na naging successful naman ang treatment.

 

 

For sure, may kirot pa rin ‘yun, pero naging active pa rin siya sa IG niya, pinost niya ang virtual meeting para sa kanyang international project, caption niya, “this morning across the U.S., Canada and the Philippines with my Mango Bride Team!!! Things are moving, praise God!!!”

 

 

Ni-repost din niya ang post ng author ng novel ng ‘The Mango Bride’ na si Marivi Soliven, kasama ang captured photos nila:

 

 

“Met TJ #megastar and she is a  #forceofnature My novel’s character Marcela will blossom with  @sharoncunetanetwork #themangobride film is in @islandsthemovie director @m_edralin1967 capable hands.

 

 

@boldmp ‘s @annalizarr and @michael222 have ideas and enthusiasm for miles thanks to @micahtadena for organizing another tri-country multi-time zone zoom meeting. I cannot wait to go home to watch them film my novel. #filmadaptation #bookstagram #themangobride.”

 

 

Samantala, balik na rin si Sharon sa pangangampanya kasama si Sen. Kiko Pangilinan at ka-tandem na si VP Leni Robredo, na kung saan ngayong araw sa Bacolod naman gaganapin ang people’s rally nina VP Leni at Kiko na tumatakbong President at Vice President.

(ROHN ROMULO)

Provincial bus, aarangkada na ulit sa Metro Manila

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING aarangkada ang biyahe ng mga provincial bus papasok at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ito ay makaraang magpalabas ng direktiba ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpayag nitong makabiyahe ulit ang mga provincial buses para sa mga inter-regional na biyahe.

 

 

Nakasaad sa  Memorandum Circular No. 2022 – 023, ang  lahat ng public utility bus operators na may valid at existing Certificate of Public Con­­­ve­ n­ie­nce (CPC), Provisional Authority (PA), at Special Permits ay pinapayagan nang mag-operate at gumamit ng mga itinalagang end-point terminals papunta at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ang mga provincial commuter route na magmumula sa CALABARZON ay papayagan sa orihinal nitong terminal sa Araneta Bus Terminal sa Cubao sa pamamagitan ng C5.

 

 

Gagamitin pa rin ang mga provincial commuter route na may pre-COVID endpoints sa Buendia, Makati, Pasay, at Manila bilang kanilang endpoint ang Parañaque Integra­ted Terminal Exchange (PITX), kabilang ang mga manggagaling sa Que­zon, MIMAROPA, at Bicol.

 

 

Para sa mga provincial bus mula sa Region 1, 2, at Cordillera Admi­nistrative Region (CAR), pinapayagan silang magbaba ng mga pasahero sa North Luzon Express Terminal (NLET) kung saan may mga city bus na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

 

 

Ang mga provincial bus mula sa Rehiyon 3 ay pinapayagang mag-pick up at magbaba ng mga pasahero sa mga terminal gaya ng Araneta Center Cubao at NLET depende sa ruta ng authorized unit.

 

 

Ang mga mula Visayas at Mindanao hanggang Metro Manila ay pinapayagang sumakay at magbaba ng mga pasahero sa Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT), habang mayroon ding mga city bus na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

 

 

Gayunman, pinayuhan ng LTFRB ang mga bus operator na  i-secure ang QR Code sa bawat awtorisadong unit na minamaneho bago ang operasyon. Maaari nilang i-download ang QR code sa www.ltfrb.com.ph (Daris Jose)

Naka-graduate na bilang reservist ng Philippine Navy: GENEVA, pinatulan ang nagsabi nang umarte ng tama sa edad at ‘feeling sikat’

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MEDYO nanibago si Kapuso actor Ken Chan ngayong ginagawa niya ang romantic-comedy series ng GMA Telebabad, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss.

 

 

      “Nasanay na yata ako sa mga drama series, after ng last romantic-comedy series na ginagawa ko noon, ang Meant To Be with Barbie Forteza,” kuwento ni Ken sa virtual mediacon ng serye.

 

 

“After that nagsunud-sunod na ang mga drama series na ginawa ko, at laging si Rita Daniela ang katambal ko, but this time, may bago akong leading lady, si Bianca Umali.  

 

 

Pareho kami ni Bianca na nasanay sa drama series, pero with this project, kailangang pag-aralan din namin ang mga bago naming characters. Dito kasi, ako ang boss niya, masungit, seryoso, siya naman ay bubbly palagi, makuwento.  

 

 

Pero nakatulong sa amin ang lock-in taping namin, kaya, hindi kami nahirapang mag-adjust sa mga roles namin, para kaming isang family, lalo na si Mamang (Pokwang) at si Bianca, laging may dalang pagkain, plus the fact na halos magkakasing-edad kaming nasa cast ng serye.”

 

 

Simula na sa Monday, March 14, ang world premiere ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, sa GMA-7 at 9:35 PM, after ng First Lady.

 

 

***

 

 

PARA pala kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, nari-relax siya sa pag-o-online shopping.

 

 

Kaya thankful at na-excite siya nang kasama na siya ng kanyang mag-ama, sina Dingdong Dantes at Zia Dantes, as celebtity ambassadors of a popular online shopping app.

 

 

Para kay Marian, hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity na makasama sa isang TV commercial ang kanyang pamilya, and as a mom, mahilig din siya na sa online shopping mamili ng mga gamit nila sa bahay.

 

 

    “Mahilig akong magluto, kaya yung mga gamit ko sa kusina, tulad ng mga food containers, kahit ang mga basahan, binibili ko sa kanila, dahil murang-mura,” natatawang kuwento ni Marian.

 

 

“Kahit nga si Zia, kapag may bibigyan siya ng gift na friend o classmate niya, tinatanong ako at tinutulungan ko siyang mag-order kung ano ang pwede niyang ibigay.

 

 

    “Sabi ko nga, nagiging way to relax ang online window shopping sa akin, after a busy day. Tulad ngayon, malapit na ang summer, alam ko na kung ano ang bibilhin ko sa kanila.  

 

 

Isang maliit na pool na pwede kaming mag-swimming na hindi na kami lalabas ng bahay dahil dito lamang naming ilalagay ang pool sa loob ng bakuran namin.”

 

 

Busy pa rin si Marian sa taping niya ng Tadhana na napapanood every Saturday sa GMA-7, habang naghihintay sila ni Dingdong ng pagsisimula ng taping nila ng sitcom na gagawin nila.

 

 

***

 

 

MAGKASAMA ang mga Kapuso actress na sina Geneva Cruz at Gabrielle Hann sa GMA Afternoon Prime series na Little Princess, (napapanood after ng Prima Donnas), at pareho silang naba-bash.

 

 

Si Geneva sinabihan na kumilos daw siya nang naayon sa edad niyang 45-years old.

 

 

Kaya tanong ni Geneva, “how should a 45-year old act nga ba?  Like an uugod-ugod na lola?  Dude! Tatanda ka rin.  And if you’re older than me, live a little, it’ll keep you young.  Pero if, you’re mas bata sa akin, gusto mo sparring, tara!”

 

 

Sa Little Princess gumaganap si Geneva, as Odessa, wife ng may-ari ng MVM Corporation, si Jestoni Alarcon. 

 

 

Si Gabrielle naman is Adriana at pamangkin ni Geneva, at siyempre dahil mayaman din, ano ba ang dapat nilang ikilos?  Sinabihan din sila kasing “feeling sikat!”

 

 

     “Yes, sikat ako, matagal na lalo na sa mga mahal ko sa buhay,” sagot ni Geneva.  “You’re nothing but a bully darling! Gab and I are just acting… get over it.”

 

 

At si Geneva, hindi lamang artista, just recently ay nag-graduate na siya as a reservist ng Philippine Navy, gusto raw niyang makapaglingkod sa mga kababayan natin kapag kailangan sila.

 

 

Anyway, ang husay-husay na kontrabida nina Odessa at Adriana na parehong  may hidden motives sa kayamanan ni Marcus (Jestoni) na gustong agawin sa anak nitong little person na si Princess, (Jo Berry), mabait at matalino, matapang na lumalaban para sa kanyang ama at ina (Angelika dela Cruz).

 

 

Kasama rin sa serye sina Rodjun Cruz, Juancho Trivino at Therese Malvar. 

(NORA V. CALDERON)

Australian gov’t nagpatupad ng national emergency sa 2 estado nito dahil sa malawakang pagbaha

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINEKLARA  ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang national emergency ang dalawang estado nito dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.

 

 

Umabot na kasi sa 20 katao ang nasawi sa matinding pagbaha sa New South Wales (NSW) at Queensland.

 

 

Maraming kabahayan na rin ang nalubog sa baha kung saan ilang libong katao na rin ang inilikas.

 

 

Inulan din ng batikos ang gobyerno dahil sa mabagal na pag-responde nila sa nasabing mga biktima.

Skateboard legend Tony Hawk patuloy ang pagpapagaling mula sa kaniyang leg injury

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALUNGKOT  na ibinahagi ni skateboarding legend Tony Hawk na ito ay nagtamo ng injury sa kanyang binti.

 

 

Sa Instagram post ng 53-anyos na si Hawk sinabi nito na patuloy ang kanyang pagpapagaling.

 

 

Hindi naman na idinetalye kung paano niya natamo ang injury.

 

 

Nagpost din ito ng mga larawan habang ito ay inaalalayan ng isang nurse.

 

 

Tiniyak naman nito na kapag gumaling na ay babalik na siya sa paglalaro.

P2.5B na first tranche para sa fuel subsidy, ipalalabas ng DBM ngayon- DBM Acting Sec. Canda

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPALALABAS ngayong araw ng Biyernes, Marso 11 ang P2.5 bilyong piso bilang first tranche ng fuel subsidy para sa mga driver o tsuper ng public utility vehicle (PUV).

 

 

Tinatayang 377,000 driver o tsuper ang makikinabang sa subsidiya.

 

 

“The receipt of the amount by the driver will depend on the speed by which the DOTr (Department of Transportation) can download the funds,” DBM OIC Usec. Tina Canda.

 

 

Kinumpirma rin Canda na ang kabuuang halaga ay dinoble kung saan umabot na ito P5 billion.

 

 

“The EDC (Economic Development Cluster) agreed to double the amount for fuel subsidy so ₱2.5B will be given this March and another ₱2.5B in April,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, kinumpirma pa rin ni Canda na ang subsidy na makukuha ng kada driver ay dinoble na rin dahil mula sa P6,500 ay P13,000 na ang makukuhang subsidiya ng mga driver.

 

 

Nauna nang sinabi Canda na minamadali na nila ang mga proseso upang maibigay na sa mga kinauukulang ahensya ang pondo para sa fuel subsidy.

 

 

Sa katunayan, ani Canda, pina-follow na nila sa DOTr o Dept of Transportation ang mga kinakailangan pang dokumento para dito.

 

 

Humihingi naman ang dbm official ng kaunti pang pasensya sa mga subsidy beneficiaries dahil ginagawa na aniya nila ang lahat upang mairelease na sa lalong madaling panahon ang pondo.

 

 

Paliwanag ni Canda, hindi nila maaring basta na lamang irelease ang budget dahil may mga proseso o batas na kinakailangan nilang sundin.

 

 

Sa ilalim ng 2022 budget, ay nasa P2.5 billion ang alokasyon para sa Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation.

 

 

Meron naman P500 million na budget ang Department of Agriculture para sa diskwento sa langis ng mga magsasaka at mangingisda na may mga indibidwal na pag-aari, o nag-ooperate ng agricultural at fishery machinery o nag-ooperate nito sa pamamagitan ng farmers organization o cooperative.

 

 

Gayunman, maaari lamang mailabas ang mga nabanggit na pondo kung aabot ang presyo ng Dubai crude oil sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan sa average na $80 per barrel o higit pa.

 

 

Ibig sabihin ay kailangan pa ang datos sa buong Marso para malaman ang three-month average ng Dubai crude oil.

 

 

Para malusutan ang three-month rule, ay sinabi ni Canda na gumawa ang Department of Energy ng adjustments para maisama ang December crude oil price data.

 

 

Samantala, hindi naman tutol si Canda sa posibleng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng State of Economic Emergency para matugunan ang krisis sa langis na dulot ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

Pero sa Laging Handa briefing sinabi ni Canda na sa ngayon dapat munang habaan ang pasensya at iwasang mag-panic.

 

 

Pahayag ng DBM official, Ito kasing nangyayari sa dalawang bansa, kung titingnan ang kanilang history, inabot ng isang buwan ang nauna nilang labanan.

 

 

Kaya naman may posibilidad din na pagsapit ng March 31, 2022, baka matapos narin ang kaguluhan ng dalawang bansa.

 

 

Ito ang dahilan kung mahalagang ang bantayan ang mga kaganapan sa europa para malaman kung ano ang mga hakbang na maaring maipatupad ni Pang. Duterte. (Daris Jose)

BAGONG COMELEC CHAIRMAN NANGAKONG DEFENDER NG DEMOCRACY

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO  na maging “tagapagtanggol ng demokrasya,” ang bagong hinirang na Chairman ng  Commission on Elections (Comelec)  nitong Miyerkules sa kanyang pormal na pagkakaluklok bilang Chairman ng poll body.

 

 

Sa isang seremonya ng pagsalubong kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, binanggit nito na sa ilalim ng kanyang termino ay palalakasin niya ang “sanctity of vote and independence” ng poll body.

 

 

“I stand before you today as a defender of democracy who will be independent and conscientious in giving life to the fundamental freedom of suffrage. We will honor and protect the Constitution in every decision we pen, in every program and project we undertake, and even in every single vote we count. The sanctity of the vote shall be our guiding principle,” sabi ng bagong talagang poll  chairman

 

 

Sinabi ni Pangarungan na bilang isang collegial body, umaasa siyang nakikipag tulungan ang kapwa nito komisyoner sa kanya sa pagtataas sa antas ng integridad ng komisyon.

 

 

Aniya, ito ay kinakailangan dahil ang Comelec ay naglalaman ng pinaka esensya ng demokrasya.

 

 

Sinabi pa ni Pangarungan na pangangalagaan niya ang mga empleyado ng Comelec at idinagdag na imaximize niya ang mga benepisyo ng kanilang mga empleyado.

 

 

Nangako rin siya na “pagbutihin, repormahin, at itaas” ang antas ng serbisyo ng poll body habang inaalala niya kung paano siya nagtrabaho bilang Interior Secretary sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Cory Aquino sa pagtanggal ng hindi bababa sa 2,000 “ghost barangays,” na idinagdag na ito ang “pinakamalaking pandaraya sa eleksyon sa ating bansa.

 

 

“As we work, let us remember that we owe this service to the Filipino people. We will not let the Filipino people down,” dagdag pa ng bagong hirang na opisyal.

 

 

Si Pangarungan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte  bilang interim chairperson ng Comelec.

 

 

Siya ay pinuno ng  National Commission on Muslim Filipinos bago siya maitalaga  sa Comelec.

 

 

Nilagdaan din ng Pangulo ang appointment nina  George Erwin Garcia  at Aimee Torrefranca-Neri bilang  ad interim Comelec commissioners.

 

 

Si Garcia ay isang election lawyer na ang mga dating kliyente ay kinabibilangan ng mga kandidato sa pagkapangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Senators Grace Poe at Aquilino “Koko” Pimentel III.

 

 

Si Torrefranca-Neri, sa kabilang banda, ay isang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development. (GENE ADSUARA)

PAGBABAKLAS NG ILEGAL CAMPAIGN MATERIALS TULOY SA PAMPUBLIKONG LUGAR

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATULOY lamang sa pampublikong lugar ang pagbaklas ng iligal na campaign materials o ang “Oplan Baklas” ng  Commission on Elections (Comelec).

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ,ang sinuspinde lamang ng Korte Suprema ay ang pagbaklas sa mga campaign materials sa pribadong pag-aari kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO)

 

 

“During the discussion of the Commission en banc earlier, it was agreed, of cours e, that we will honor the TRO issued by the Supreme Court. We will continue with our Baklas Operations in public spaces as it is required by law,” pahayag ni Jimenez sa press briefing.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang  Comelec sa Office of the Solicitor General (OSG) tungkol sa kanilang komento sa kaso.

 

 

Naglabas ng TRO ang Korte Suprema laban sa Comelec at sa kampanya nito na lansagin ang mga illegal election posters.

 

 

Inilabas ang kautusan bilang tugon sa petisyon ng ilang indibidwal na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pangkapangulo para sa May 2022 election .

 

 

Binigyan ng korte  ang Comelec ng hindi lalagpas sa 10 araw upang nagsumite ng kanilang komento. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

P9 pa rin ang minimum na pamasahe

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe mula sa P9 upang maging P10 kung saan ang petisyon ay “submitted for resolution by the board.”

 

 

 

“The decision, which was reached during last March hearing with transport groups, means that the agency has yet to decide whether to approve the resolution,” wika ni LTFRB executive director Tina Cassion.

 

 

 

Upang masusing mapag-aralan ang petisyon, ang LTFRB ay kinakailangan munang isa-isahin ang mga aspeto tulad ng inflation na makakapekto sa ekonomiya ng bansa at epekto nito sa mga pasahero kasama na rin ang presyo ng mga pangunahing bililhin at serbisyo.

 

 

 

Dagdag pa ni Cassion na kanilang binibigyan ng malaking pansin ang mga factors na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng pamasahe subalit nangako naman ang LTFRB board na kanilang reresolbahin ang petitions sa lalong madaling panahon.

 

 

 

“The LTFRB is considering a lot of factors, but the board vowed to resolve the petitions as early as they can,” saad ni Cassion.

 

 

 

Kapag naaprobahan na ng LTFRB ang kanilang petisyon para sa pagtataas ng pamasahe, ito ay madali ng maipapatupad pagkatapos na ang desisyon ay mailathala ng ahensiya sa mga pangunahing payahagan.

 

 

 

 

Ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP, 1-UTAK, Pasang Masda and Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang mga naghain ng petisyon para sa pagtataas ng pamasahe sa mga PUJ sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon dahil sa tumataas na presyo ng krudo.

 

 

 

“The said transport groups asked for a provisional increase of P1 while the agency is hearing their main petitions seeking a P5 increase in the minimum fare of jeepneys,” dagdag ni Cassion.

 

 

 

Kung maaaprobahan ang nasabing petisyon, ang pamasahe sa jeepney ay magiging P15 mula sa dating P9 o 66 percent na pagtaas.

 

 

 

Sinabi ni LTOP president Orlando Marquez na nag-submit sila ng mga dokumento sa LTFRB bilang mga requirements sa kanilang petisyon kung saan magkakaron ng hearing sa darating na March 22.

 

 

 

Samantala, nagbabala naman si Cassion sa mga jeepney drivers at operators na huwag magcharge ng mataas na pamasahe hanggang hindi pa naaaprobahan ang kanilang petisyon.

 

 

 

“If this is committed, they can be fined for overcharging commuters. Overcharging is considered a breach of franchise. Violators will be fined P5,000 for the first offense, P10,000 for the second offense and P15,000 for the third offense as well as suspension or revocation of franchise,” wika ni Cassion.

 

 

 

Para sa mag pasahero na nakaranas ng overcharging maaari silang maghain ng complaint sa LTFRB sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng LTFRB 1342.  LASACMAR

Ads March 11, 2022

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments