• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 12th, 2022

POC isinama pa rin si Obiena sa mga manlalaro na sasabak sa SEA Games

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINAMA  pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino sa line-up ng mga manlalaro na sasabak sa Southeast Asian Games si pole vaulter EJ Obiena.

 

 

Kasunod ito sa pagtanggal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Obiena sa mga listahan ng mga atleta na maglalaro sa nasabing torneo na

 

 

Sinabi ni Tolentino na ang POC mismo ang mayroong huling desisyon sa mga listahan ng mga atletang maglalaro sa SEA Games.

 

 

Kasama nitong nasa listahan ang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

 

 

Magugunitang ikinagalit ng POC ang pagpaparating ng PATAFA sa Court of Arbitration for Sport (CAS) ang reklamo nila kay Obiena dahil umano sa pamemeke ng mga pirma sa liquidation papers nito.

‘Di na open sa pagkakaroon ng loveteam: NADINE, mas type ang mga edgy projects at makaganap na isang ‘psychopath’

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na open si Nadine Lustre sa pagkakaroon ng loveteam.

 

 

Sa solo zoom con niya para sa comeback film niyang Greed, winika ng Gawad Urian Best Actress winner for Never Not Love You na she is passed the stage of loveteam.

 

 

“I know that being a part of a loveteam is teamwork, a partnership. But I feel that at my age now, parang hindi na ako bagay na magkaroon ng loveteam,” wika ng aktres.

 

 

Pero mas open si Jadine sa paggawa ng mga edgy projects, mga scripts na mind-boggling where she will be challenged.

 

 

“I am open to doing different kind of stories like thriller or horror. I would like to play a psychopath in my movie,” wika pa ni Nadine.

 

 

“I want to be feel the excitement in every role that I do because it is different from my previous role. Plus I want to veer away from doing love stories for now.”

 

 

Winika pa ng actress na gusto niyang sundan ang example ng Hollywood actor na si Johnny Depp.

 

 

“Ibang-iba si Johnny Depp sa bawat role na ginagawa niya. Malawak ang range ng kanyang acting at mas lumalawak pa ito because he makes it a point to accept interesting roles.”

 

 

Feeling ni Nadine, isang masterpiece ang ginawa ni Yam Laranas dito sa Greed. Kahit na it is something bloody and gory, ibang klaseng acting naman daw ang ipinamalas niya sa pelikula.

 

 

Greed will stream at Vivamax soon.

 

 

***

 

 

INILUNSAD ng Calista, isang bagong all-girl group who are dreaming na makilala sa international music scene, ang music video para sa kanilang debut single titled “Race Car”.

 

 

Ang members ng Calista ay sina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle, at Dain.

 

 

Ang music video ay prinodyus ng by Merlion Events Production Inc. Written and composed by sought after music producer Marcus Davis, “Race Car” is all about Calista’s race to the top of the industry.

 

 

“These girls are on the rise and they’re getting there fast. Calista promotes women empowerment and ‘Race Car’ is meant to be an anthem. It’s for all girls who have a strong drive to reach the top and aren’t afraid to get what they want,” sabi ng Calista manager na si Tyronne Escalante.

 

 

The press launch was hosted by DJ JhaiHo of MOR 101.9 and featured performances by Billy Crawford and Niana Guerrero.

 

 

During the press launch, they also announced details regarding the upcoming “Vax to Normal” concert. Calista is set to headline the concert on April 26, 2022 at the Smart Araneta Coliseum in Cubao, Quezon City.

 

 

It will also be telecast on TV5 and features special performances by Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, and Ken San Jose.

 

 

Wala naman masama sa pangarap ng Calista na sila ay makilala sa international music scene.

 

 

Pero ang isang bagay na gusto naming i-suggest ay sina gumawa sila ng kanta na tunog-Pinoy, hindi tunog top 40.

 

 

If ever makilala sila internationally, sana ang magiging tatak ng Calista ay ang tunog Pinoy ang kanta nila. Mas maganda sana kung isang Tagalog song ang ni-record nila.

 

 

‘Yung pagkanta ng Tagalog song that will hopefully become a hit ay bonggang paraan para sila ay makilala.

 (RICKY CALDERON)

‘Di lang sa paghuhubad may ibubuga, pasado rin sa pag-arte: CHRISTINE, hindi makapaniwala na nakatanggap ng mga papuri kay Direk JOEL

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG maganda at kakaibang paru-paro ang dadapo sa VIVAMAX ngayong ika-18 ng Marso.

 

 

Si Christine Bermas ay ang Moonlight Butterfly.

 

 

Inihahandog ng VIVA Films ang isang pelikula mula sa Master Director na si Joel Lamangan, tungkol sa isang babae na may kakaibang ganda at karisma.

 

 

Ito ang kwento ni Eunice (Christine Bermas) a.k.a Moonlight Butterfly, ang pinakasikat na GRO sa Angeles, Pampanga. Pinasok niya ang ganitong trabaho upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya at masuportahan ang pag-aaral ng kanyang boyfriend na si Roy (Albie Casiño).

 

 

Sa kanyang klase ng trabaho, maraming nakikilalang lalake si Eunice, ngunit iisa lang ang namumukod-tangi, si Elliot (Kit Thompson), isang Amerikanong nagbigay sa kanya ng pangalang Moonlight Butterfly. Naakit si Elliot sa kakaibang ganda at karisma ni Eunice, at aalukin siya nito na tumira kasama siya sa iisang bahay. Ibibigay niya ang lahat ng gusto at kailangan ni Eunice at ng kanyang pamilya, kapalit ng pagtigil niya sa pagiging GRO.

 

 

Samantala, nagsisimulang magkalabuan sina Eunice at Roy. Magfo-focus na lang si Eunice na paligayahin si Elliot, habang sinisigurado naman ni Elliot na nabibigay niya ang mga pangangailangan ni Eunice.

 

 

Hanggang dumating ang panahon na kailangan niyang umalis ng bansa para sa trabaho, at matigil ang kanyang pagsuporta kay Eunice. Mapipilitang bumalik si Eunice sa pagiging GRO, at may makikilala siyang bagong customer: isang misteryosong Arabo na naakit din sa ganda at karisma ni Eunice.

 

 

Pagbalik ni Elliot mula sa kanyang trabaho abroad, malalaman niya na may bagong lalake si Eunice at dito magsisimulang magulo at malagay sa panganib ang buhay ni Eunice.

 

 

Pagkatapos ng kanyang notable roles sa mga pelikulang Siklo at Sisid, handa na si Christine para sa kanyang first lead role sa Moonlight Butterfly, na kung saan aminado ang newbie sexy actress na mas matindi ang ginawa niyang darings scenes with Kit and Albie.

 

 

“Mas nauna lang pinalabas yun ‘Siklo’, pero mas nauna naming ginawa itong ‘Moonlight Butterfly’, kaya mas sobra ‘yung binigay ko dito.

 

 

“Though, binigay ko rin naman ang best ko sa ‘Siklo’, may grabe lang talaga ang daring scenes namin dito at hindi naman ako nagdalawang-isip na gawin ‘yun dahil kay Direk Joel,” pahayag ni Christine.

 

 

At dahil sa kanyang magandang katawan at magaling na pag-arte, hindi nahirapan si Christine na makuha ang approval ni direk Joel Lamangan. Sa isang interview, pinagmalaki ni direk Joel na nakadiskubre na naman siya ng isang bagong aktres na siguradong magtatagal sa industriya.

 

 

Para makuha ang approval ng award-winning direktor na si Joel Lamangan ay hindi madali, lalo na at nakagawa na ng pangalan si direk Joel bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor ng Philippine Cinema.

 

 

Reaction naman ng sexy star, “sobrang nakakataba ng puso. Parang, kahit ako, totoo ba na naririnig ko ‘yung mga comment na ganyan?

 

 

“Pero, sobrang thankful ako kay Direk Joel, na naa-appreciate niya ang pag-arte ko, kaya mas kailangan ko pang galingan at ayusin pa ang sarili ko.”

 

 

Sa mga nakaraang taon, ilan sa mga pelikula ni Direk Joel ang sumikat gaya ng Felix Manalo, Hindi Tayo Pwede at Rainbow’s Sunset. Siya din ang direktor ng mga hit VIVAMAX Original movies na Silab, Bekis on the Run at Deception.

 

 

Mahumaling sa kakaibang ganda ni Moonlight Butterfly sa March 18, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe.

 

 

At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo. Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 

 

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc.

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Balik-showbiz na after ng term as Congresswoman: VILMA, looking forward na makagawa ng teleserye or movie kasama ng new breed of actors

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG magbabalik na ulit sa showbiz ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos.

 

 

Hindi tatakbo si Ate Vi sa anumang posisyon sa darating na eleksyon. Tatapusin na lang daw niya ang kanyang pagiging congresswoman hanggang May 2022.

 

 

“This year, election year, I took a backseat. Hindi muna ako tumakbo bilang isang public servant. Pero I thank God sa tiwalang ibinigay sa akin, kasi up to now I’m still a congresswoman hanggang May.

 

 

“Napunta sa third priority ‘yung showbiz life ko. Kaya ngayon na medyo I took a backseat, I’m excited na baka naman mabigyan ko ng priority ang pinagkakautangan ko ng loob, which is show business. I started here since 9 years old, nandito na ako sa pamilya ng showbiz,” sey ni Ate Vi.

 

 

May usap-usapan na raw na baka mag-acting comeback si Ate Vi sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya. Huling paglabas niya sa MMK ay noong 2006 pa sa epsiode na ‘Regalo’ with Maja Salvador.

 

 

Sa movies naman, huli siyang napanood sa Everything About Her noong 2016 with Angel Locsin.

 

 

Kapag natapos na raw ang term niya as Lipa City congresswoman sa June 2022, open na raw si Ate Vi sa pagtanggap ng acing projects at gusto niyang makatrabaho ang mga baguhang artista ngayon.

 

 

“23 years din akong nasa mundo ng politics, ‘di ba? Mula sa pagiging mayor ng Lipa City, to Batangas governor at Lipa representative. Ang gusto ko, given a chance, makasama ko ang new breed of actors natin na magagaling talaga. A good script with our new breed of actors, I’m looking forward and I’m excited na makagawa ng isang teleserye or movie with them,” diin pa niya.

 

 

***

 

 

HINDI na matutuloy ang Suklay Diva Katrina Velarde sa kanyang dream na makasali sa American Idol.

 

 

Sa kanyang Facebook account, kinuwento ni Katrina ang pag-audition niya virtually para sa American Idol noong nakaraang taon. Nakapasa naman daw si Katrina sa audition, pero naging problema raw ay ang kanyang visa kaya hindi na siya nakarating para in-person audition niya.

 

 

“Last year, someone from American Idol reached out to me and asked if i want to audition virtually so i did. I sang at 5am PH time. Kaloka dzai. Producers of the show were watching and more. I remember a lot of an amazing singers from different countries auditioning. I passed the levels but then the problem came and it’s always the VISA. I wont make it to the audition in person.

 

 

Sayang! Pag hindi pa talaga time, it’s not going to happen yet… So dont rush, because there’s no shortcut. Might be a long way but if god wants you in there, then you will be.”

 

 

Hindi kataka-takang mabighania ng mga producers ng American idol sa boses ni Katrina dahil nahasa ito sa pagiging kontesera niya.     Naging contestant si Katrina sa Little Big Star noong 2006 kunsaan nakasabayan niya sina Charice Pempengco a.k.a. Jake Zyrus at Sam Concepcion. Sumali rin siya sa Talentadong Pinoy noong 2011 at sa X Factor Philippines noong 2012.

(RUEL J. MENDOZA)

Minimum wage pinarerebyu ng DOLE

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis.

 

 

Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring dahilan para magkaroon ng pagbabago sa minimum na sahod ng mga manggagawa ngayon.

 

 

Ang kasalukuyang minimum wage sa National Ca­pital Region (NCR) na P537 kada araw, halimbawa, ay maaaring hindi na sapat para matugunan ang pa­ngunahing pangangailangan ng mga manggagawa sa rehiyon.  Posibleng hindi na ito sapat sa pagkain, ­kuryente at tubig.

 

 

Sinabi ni Bello, chairman ng RTWPB, na pinakamalaking hamon sa kanila ang pagtatakda ng minimum wage kada rehiyon dahil sa kailangang balansehin ito. Hindi ito dapat masyadong mababa para maging sapat sa pangangailangan ng mga manggagawa at hindi rin dapat masyadong mataas para naman hindi makaapekto sa mga ne­gosyo na maaaring magsara.

 

 

Inamin ni Bello na nakatanggap na ang lahat ng RTWPB sa buong bansa ng petisyon para sa pagtataas sa minimum wage sa kani-kanilang lugar na nasasakupan. Isa umano sa petisyon na natanggap nila ay ang isang P750 increase sa buong bansa.

 

 

Inaasahan ni Bello na makapagsusumite na ang mga RTWPB ng kanilang mga rekomendasyon bago magtapos ang Abril.

 

 

Samantala, suportado ng Malacañang ang kautusan na i-review ang minimum na sahod. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na si Bello ang “alter ego” ni Pangulong Duterte at gagawa ito ng mga desisyon na makakatulong sa bansa at sa mga mamamayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mga nasawing bata sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia, umabot na sa 71; mahigit 100 indibidwal, sugatan

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT SA 71 ang bilang ng mga batang nasawi habang nasa mahigit 100 naman ang nasugatan sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia noong Pebrero 24.

 

 

Inihayag ito ng isang Ukrainian parliament official na si Lyudmyla Denisova kasunod ng ginawang pambobomba umano ng Russia sa isang children’s hospital sa Mariopol City sa Ukraine kung saan tatlo katao ang napatay kabilang na ang isang batang babae.

 

 

Sa isang statement ay ibinahagi ng Ukrainian official ang ilan sa mga nabiktima ng kaguluhan ngayon sa kanilang bansa.

 

 

Aniya, limang indibidwal kabilang na ang tatlong bata ang nasawi nang mawasak ang pitong bahay sa lungsod ng Malyn sa nasabing bansa, nang dahil sa air strike.

 

 

Kabilang din sa mga binawian ng buhay ang dalawang babae at dalawang bata nang tamaan ng shell ang tahanan ng mga ito sa Slobozhanske City, habang mapalad naman na nakaligtas dito ang isang limang taong gulang na batang babae.

Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.

 

 

Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.

 

 

Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.

 

 

Sa ngayon ay naghihintay pa ng guidelines mula sa World Health Organization (WHO) ang pamahalaan hinggil dito.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na katangian ang deltacron kung kaya’t hindi pa malaman kung mabilis itong makakahawa.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulan bilang paghahanda at upang mapigilan ang posibleng pagpasok nito sa Pilipinas.

Grupo ng provincial bus, umaapela ng full operation sa NCR

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TODO NGAYON  ang apela ang isang grupo ng provincial bus operators sa gobyerno na makabiyahe ang lahat ng kanilang bus units sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc, nasa 15 porsiyento lang ng mga may dating prangkisa ang tumatakbo ngayon.

 

 

Nagtataka raw si Yague kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila pinapayagang makapasok sa Manila samantalang hindi naman sila dadaan ng EDSA para makarating sa kanilang mga terminal kundi tatawid lang naman daw sa naturang kalsada.

 

 

Kung maalala, kamakailan muling binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang inter-regional na ruta ng mga provincial bus.

 

 

Isinasaad sa memorandum circular na ang lahat ng public utility bus operator na may valid at umiiral na Certificate of Public Convenience, Provisional Authority at Special Permits ay pinapayagang muling mag-operate at gumamit ng mga itinakdang end-point terminal patungo at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ang mga rutang inter-regional touching at not touching Metro Manila, kasama ang mga ruta ng provincial commuter na nagmumula sa Calabarzon na dating may Cubao endpoint, na kalaunan ay inilipat sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, ay muling papayagan nang bumalik sa orihinal nitong terminal—Araneta Bus Terminal, Cubao via C5.

 

 

Dagdag pa rito, ang mga provincial commuter routes na may pre-COVID endpoint sa Buendia, Makati, Pasay, at Manila ay mananatili pa rin ang endpoint sa PITX, kabilang ang mga nagmumula sa malayong bahagi ng South Luzon katulad ng Quezon, Mimaropa, at Bicol kahit na ito ay may pre-COVID na prangkisa na may endpoint sa Cubao, alinsunod sa Memorandum Circular 2020-051.

 

 

Ang mga provincial buses mula sa Region 1, 2, at CAR ay pinahihintulutang magbaba ng mga pasahero sa NLET kung saan mayroong mga city buses na magdadala sa kanila papuntang Metro Manila.

 

 

Sa mga provincial buses naman mula sa Region 3, pinahihintulutan magbaba at magsakay sa mga terminal tulad ng Araneta Center Cubao at NLET.

 

 

Samantala, ang mga provincial buses mula Visayas at Mindanao na papuntang Metro Manila ay pinahihintulutan na magsakay at magbaba ng mga pasahero sa Santa Rosa Integrated Terminal at mayroon ding mga city buses na magdadala sa kanila papuntang Metro Manila.

11 TULAK, NAARESTO SA DALAWANG DRUG DEN, P206,638K NASAMSAM

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng labing-isa  na hinihinalang tulak sa magkasunod na buy-bust operation at pagkalansag sa dalawang drug den sa Bacoor City, Cavite.

 

 

Kinilala ang mga suspek na si Maila Vasquez y Pagtakhan ( co-maintainer ng drug den)28; Jonathan Francisco y Ecle, 27;  Ariel Madrelejos y Batalia, 43;  Ismael Sanman, 38; Ramil Malinao y Paglinawan, 19;  Rommel Depano y Anbrad,  45; Jayson Lopez y Montanez (subject of Oplan Puting Bato) 31;  Ruel Bertudez y Abliter, 39;  Jeffrey Supil Matarong,  34;  Alejandro Estrada y Maninang, 24; Denver Paquingan y Velez, 31; habang pinaghahanap naman ang target ng buy bust na si alyas Bato na nakatakas.

 

 

Sa ulat, dakong alas-12:00 kamakalawa ng tanghali nang nagsagawa ng buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA 4A, Cavite PDEU at Bacoor City Police Station kung saan target si Alias Bato sa Silangan St., Brgy Talaba 7, Bacoor City kung saan nakatakas ang huli subalit naaresto naman ang mismong maintainer ng drug den na si Vasquez at mga kasamahan nito na sina Lopez (subject ng Oplan Puting Bato), Bertudez, Matarong, Estrada at Paquingan at nasamsam ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P103,500 at iba’t  ibang drug paraphernalias.

 

 

Nakalipas lamang ng ilang minuto, isa pang buy bust operation ang isinagawa sa nasabi ring lugar (Silangan St., Brgy Talaba 7) dakong alas-12:10 kamakalawa ng hapon  na nagresulta sa pagkakaaresto nina Francisco, Madrelejos, Sanman, Malinao at Depano at pagkalansag ng isa pang drug den sa lugar at narekober ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P103,138 at mga drug paraphernalias.

 

 

Sa dalawang magkasunod na buy bust operation, umabot sa 35 gramo ang nasamsam na may street value na P206,638.00.  (GENE ADSUARA)

Pinas, nananawagan sa mga kapwa bansa na ipagbawal ang paggamit ng chemical weapons sa mga conflict areas

Posted on: March 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Pilipinas sa mga kapwa bansa na tiyakin na walang chemical weapons at iba pang weapons of mass destruction na gagamitin para protektahan ang sibilyan sa mga conflict areas o lugar na may labanan.

 

 

Sa idinaos na 99th Session ng Executive Council ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) na ginawa sa OPCW headquarters sa The Hague noong Marso 8, nanawagan ang Pilipinas para sa “observance of international humanitarian law” sa gitna ng kamakailan lamang na malupit na kaganapan.

 

 

“As we monitor recent grim developments, we need to remain vigilant and ensure that civilians are unharmed and protected, and international humanitarian law observed. We should further ensure that no chemical weapons and other weapons of mass destruction are ever used,” ayon kay Philippine Permanent Representative to the OPCW Ambassador J. Eduardo Malaya.

 

 

Muli namang inulit ni Malaya ang panawagan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa gitna ng sinasabing evolving developments sa Ukraine, para sa international community “to reaffirm by more than words its commitment to the peaceful settlement of disputes along the lines of the Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputes which provides the legal framework for recourse to diplomacy, dialogue and rule of law.”

 

 

Hinikayat ni Malaya ang mga participating delegations na “rededicate ourselves to the ideals of the U.N. Charter, notably the cornerstone principles of no threat or use of force and the peaceful settlement of international disputes.”

 

 

“Let us keep in mind what brought us together as signatories of the Chemical Weapons Convention and other disarmament treaties, and work earnestly to realize the noble aspiration best expressed by the Greek Aeschylus – to ‘tame the savageness of man and make gentle the life of this world’,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“The Convention on the Prohibition of Chemical Weapons (CWC) entered into force in 1997 and has 193 member states to date,” ayon sa ulat.

 

 

Ang OPCW Executive Council, sa kabilang dako ay kinabibilangan ng 41 elected Member States, kabilang na ang Pilipinas, nagsasagawa ng tatlong regular sessions taun-taon.

 

 

Responsable ito sa pagpo- promote ng epektibong implementasyon ng Convention at pagsunod ng bawat Member State sa probisyon nito. (Daris Jose)