• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 18th, 2022

NLEX, TNT ikakasa ang semis series

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BITBIT  ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, isang panalo lang ang kailangan ng No. 2 NLEX at No. 3 TNT Tropang Giga para maitakda ang kanilang best-of-five semifinals series sa PBA Governors’ Cup.

 

 

Sasagupain ng Road Warriors ang No. 7 Alaska Aces ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng Tropang Giga at No. 6 Ginebra Gin Kings sa alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Tinalo ng NLEX ang Alaska, 106-89, sa eliminasyon noong Peb. 23.

 

 

“Alaska would certainly like to go out in a blaze of glory, ‘ika nga. So it’s a big motivation to have co­ming into the game,” sabi ni Road Warriors’ coach Yeng Guiao sa huling komperensya ng Aces matapos ang 35 seasons.

 

 

Ipaparada ng NLEX si Cameron Clark kapalit ni KJ McDaniels na kinaila­ngang umuwi sa America para sa panganganak ng kanyang nobya.

 

 

Sa ikalawang laro, gusto ring tapusin agad ng TNT ang quarterfinals duel nila ng Ginebra, ang nagdedepensang kampeon ng torneo.

 

 

Pinatumba ng Tropang Giga ni coach Chot Reyes ang Gin Kings ni mentor Tim Cone, 119-92, sa eliminasyon noong Pebrero 18.

 

 

“We got to play better defense, be more chal­lenging, and get up (on the court) more,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion coach na si Cone sa Ginebra na tinalo ang TNT sa 2020 Philippine Cup Finals sa Clark bubble.

Wrestling legend ‘Razor Ramon’ pumanaw na, 63

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na ang wrestling star Scott Hall o kilala bilang si Razor Ramon sa edad 63.

 

 

Kinumpirma ito ng World Wrestling Entertainment (WWE) matapos ang pagkaka-ospital nito ng ilang araw.

 

 

Nagdesisyon na rin ang pamilya nito na tanggalin ang kaniyang life support matapos ang pagkaka-ospital ng tatlong beses na itong inatake sa puso.

 

 

Siya ang four-time Intercontinental Champion at sumikat sa WWE noong 1992 kasabay nito sina Bret Hart at Shawn Michaels.

 

 

Bago ang kaniyang pagsali sa WWE ay sumali muna ito sa World Championship Wrestling (WCW) noong 1991 na kinilala bilang si Diamond Studd.

 

 

Bumalik siya sa WCW noong 1996 kung saan nakasama niya ang faction na binubuo nina Kevin Nash at Hulk Hogan.

 

 

Hinirang siya bilang WWE Hall of Fame noong 2014 at bilang miyembro ng nWo noong 2020 na naging two-time Hall of Famer.

4-day workweek, hirit ng NEDA

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA ni National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng pamahalaan ng four-day workweek upang makatipid ng enerhiya at mabawasan ang gastusin ng publiko, kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte nitong Martes, na iniere nitong Miyerkules ng umaga, sinabi ni Chua na dapat na magtipid ng enerhiya ang bansa sa pamamagitan nang paglilimita sa mobility ng mga manggagawa.

 

 

Maaari aniyang papasukin na lamang ang mga ito ng apat na araw sa isang linggo, at dagdagan na lamang ang oras ng kanilang trabaho kada araw.

 

 

“Siguro subukan natin ‘yung conservation of ener­gy at isa sa halimbawa dito ay ‘yung four-day workweek. Magta-trabaho pa rin po ang bawat Pilipino ng 40 hours per week pero imbes na sa limang araw, ay apat na araw. Imbes na walong oras, magiging 10-oras kada araw,” mungkahi pa ni Chua.

 

 

Ipinaliwanag ni Chua na dati na itong naipa­tupad ng pamahalaan noong 1990’s sa panahon ng Gulf War at noong 2008 nang tumaas din ang presyo ng krudo.

 

 

“Ang epekto nito ay makakatipid din imbes na araw-araw magko-commute, ay magiging apat na araw. Ito ay makakatulong din sa pag-manage ng ekonomiya natin,” pahayag pa ng NEDA chief.

 

 

Samantala, bukod naman sa pagtitipid ng enerhiya, inirekomenda rin ni Chua ang targeted relief sa mga vulnerable sectors sa bansa at pag­lalaan ng unconditional cash transfers na P2,400 para sa bottom 50% ng mga households.

 

 

Paliwanag niya, kung itataas ang minimum jeepney fare at minimum wage ay mangangahulugan din ito ng pagtaas ng inflation rate.

 

 

“Dahil po dito, dapat maingat tayo. Marami ta­yong gustong ma-achieve pero dapat alam natin kung ano mas nakakabuti sa ating kapwa Pilipino,” aniya pa. (Daris Jose)

Ads March 18, 2022

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BBM SUPORTADO NG MGA DATING PNP, AFP AT MEDAL OF VALOR AWARDEES

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAKAISANG  nagpahayag ng suporta ang mahigit 100  dating matataas na opisyal ng militar at pulisya para sa kandidatura ng nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

 

Pito sa mga ito ay dating hepe ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard; siyam na Medal of Valor awardees, pitong dating service commanders at 100 retired generals at senior officers.

 

 

Ang manifesto of support ay pirmado mismo ng mga dating opisyal.

 

 

Nanawagan din ang mga dating opisyal sa taumbayan na maging mapagmatyag at bantayang maigi ang inaabangang May 9, 2022 elections upang masiguro na maging malinis at mapayapa ito.

 

 

“For the future of our country, of our children and our children’s children, it is incumbent upon all sectors of our society to rally behind and support whoever is chosen by our people through free, fair and honest elections,” anang grupo.

 

 

“It is our Constitutional duty as citizens of the Republic to resist any and all efforts to subvert the democratic will of our people,” sabi pa sa manifesto.

 

 

“Should our people choose Sen. Marcos as our next president in the elections on May 9th, we commit to him our full support for unity, peace, progress — and we call on all to do the same so that he can fulfill the sovereign will of the Filipino people, and of God,” sabi pa nila.

 

 

Kabilang sa mga kilalang personalidad na pumirma sa manifesto ay sina dating AFP chiefs Generals Roy Cimatu, Benjamin Defensor Jr., Dionisio Santiago at Felimon Santos. Gayundin si dating PNP chief Gen. Avelino Razon Jr., dating PCG chiefs Admiral Damian Carlos at Admiral Danilo Abinoja at marami pang iba.

 

 

Ang mga Medal of Valor awardees na pumirma at  nagpahayag din ng suporta kay Marcos ay sina dating Col. Ariel Querubin, Noel Buan, Roberto Salvador, Hilario Estrella, Bienvenido Fajemolin, Leopoldo Diokno, Lucio Curig, Roy Cuenca at Francisco Granpil.

 

 

“We invite everyone to rally around Senator Marcos as the best candidate to initiate true and genuine reforms in the institutions of our country, foster national healing and unity, and most of all, provide the support for the vast majority of our people who are most dependent on the service of the national government,” pagbibigay-diin pa sa kanilang manifesto.

Identified suspects sa nawawalang sabungero, pumalo na sa 8 – Año

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 8 suspek ang in-identify ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

 

 

“At least eight suspects na ang ating na-identify. Sa oras na makuha na natin ang sapat na ebidensya ay hihingin na natin ang tulong ng korte,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

Aniya, sa pamamagitan ng warrant of arrest, maaari nang hanapin o tugisin ng mga awtoridad ang mga suspek upang magbigay linaw sa mga nawawalang sabungero at para papanagutin ang mga responsable sa nasabing insidente.

 

 

Marso 4, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP na kinilala ng saksi ang anim na suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena sa Santa Ana.

 

 

Sinabi ni CIDG director Police Brigadier General Eliseo Cruz na idinawit ng saksi ang 14 na katao sa pagkawala ng mga sabungero.

 

 

Nakatutok naman ang pulisya sa anim na kaso na kinasasangkutan ng 31 nawawalang sabungero: isa sa Maynila, apat sa Laguna, at isa sa Batangas.

 

 

Sa kabilang dako, ipinresenta rin ni Año ang mga pagkakahalintulad sa mga kaso gaya ng huling lokasyon ng nawawalang mga tao sa loob ng cockpit arenas.

 

 

Karamihan sa mga sasakyan na ginamit ng nawawalang mga tao ay inabandona sa lugar na malapit sa kanilang tinitirhan.

 

 

“All cockpit arenas being investigated are managed by the same administrator and operator,” ayon kay Año.

 

 

Ang mga concerned cockpit arenas ay walang nakakabit na closed circuit televisions (CCTVs).

 

 

“Most persons of interest are either security or management personnel of cockpit arenas,” dagdag na pahayag ni Año.

 

 

Samantala, lumikha aniya ang PNP ng Special Investigation Group Sabungero para ituon ang pansin sa insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

‘Dry season,’ nagsimula na sa PH’ – Pagasa

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang humina ang northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa Pilipinas mula sa Siberia at China.

 

 

Kasabay nito ang paglakas naman ng mas mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko.

 

 

Ayon kay Pagasa Administrator Vicente Malano, hudyat na rin ito ng pagsisimula sa bansa ng “dry season” o panahon ng tag-init.

 

 

Inaasahang tatagal ang pag-iral nito hanggang sa kalagitnaan ng taong 2022.

 

 

Bunsod ng tag-init, mas magiging madalang na ang buhos ng ulan, kumpara sa mga nakalipas na buwan.

 

 

Gayunman, may posibilidad pa rin ng mga pag-ulan na dulot ng isolated thunderstorm at iba pang weather system.

 

 

“The recent analyses indicate retreat of the High-Pressure Area (HPA) over Siberia, thereby weakening of the associated North-easterly winds and decreasing sea level pressure in the country. Moreover, the wind pattern has generally shifted from Northeasterlies to Easterlies over most parts of the country as a result of the advancing HPA over the Northwestern Pacific. These signify the termination of the Northeast Monsoon (Amihan) and the start of the dry season and warmer conditions. Furthermore, the day-to-day rainfall distribution across the country will be influenced mostly by easterlies and localized thunderstorms,” saad ng abiso mula sa Pagasa. (Gene Adsuara)

Isa rin sa masugid na taga-suporta ni VP Leni: KYLA, nangangarap din at punumpuno ng pag-asa para sa ating bayan

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HIYAWAN ang may 70,000 tagasuporta ni Vice President Leni Robredo noong Biyernes (March 11) sa Paglaum Stadium sa Bacolod City nang iparinig ni Kyla ang kanyang Knock Knock Leni.

 

 

Isa si Kyla sa mga malalaking pangalan ng showbiz at musika na nagbigay-saya sa isinagawang VP Leni Bacolod rally. Bukod kay Kyla, nagbigay saya rin sina Sharon Cuneta, Rivermaya, at Kuh Ledesma.

 

 

Nandoon din sina Curtismith, Mayonnaise, Gracenote, Tippy Dos Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, DJ Joey, at Kay Leni Tayo singers na sina Jeli Mateo, Justine Pena, at Nica del Rosario na naghandog ng mga kanta.

 

 

Sumuporta rin sa rally sina Edu Manzano, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Nikki Valdez, at Agot Isidro, gayundin si Ogie Diaz kasama ang kanyang tropang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

 

 

Sobrang naaliw ang mga Bacolodnons nang pakawalan na ni Kyla ang kanyang Knock Knock Leni. Ani Kyla, “knock-knock.” “Who’s there?” tanong ng bayan. “Leni,” sagot ni Kyla. “Leni who?” muling tanong ng Bacolodnons. “When I found myself in times of trouble mother LENI comes to me speaking words of wisdom let it be. Let LENI Lead, Let Leni Lead, Let Leni Lead, Let Leni Lead. Speaking words of wisdom Let LENI LEAD!” kaya naman naghiyawan ang may 70k na sumuporta sa rally.

 

 

Pero bago pinakawalan ni Kyla ang kanyang knock-knock at kanta sinabi muna nitong, “katulad po ninyong lahat ako po ay nangangarap din at punumpuno ng pag-asa at kasama ninyong nagdarasal para sa kinabukasan ng ating bayan.”

 

 

Isa si Kyla sa masugid na taga-suporta ni VP Leni sa pagtakbo nito bilang pangulo sa darating na halalan sa Mayo 9.

 

 

Samantala, nag-trending ang hashtag #BacolodIsPink bilang No. 1 sa Pilipinas at sa buong mundo sa Twitter habang ang #MASSKARApatDapatLeniKiko at #NegOccIsPink ay nasa ikatlo at ikaapat.

(REGGEE BONOAN)

Thankful sa ginawa ni Alden at ‘di bibiguin: JERIC, ‘di na naitago ang nabuong relasyon nila ni RABIYA

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL and overwhelmed si Kapuso actor-singer Jeric Gonzales, nang malaman niyang si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang nag-suggest sa production ng gagawin nila ni Bea Alonzo na romantic-comedy series na Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up. 

 

 

Ayon kay Alden, parang nagpi-pay-forward lamang siya kay Dingdong Dantes, na isa sa nagbigay ng chance sa kanya na makilala siya nang bago pa lamang siyang nag-aartista noon sa GMA.

 

 

Naniniwalan raw si Alden sa kakayahan ni Jeric sa pag-arte dahil nakakasama na niya ito sa ilang programa ng network.  Pangako naman ni Jeric, hindi niya bibiguin si Alden, pagbubutihin niya ang pag-arte.

 

 

Bukod sa bagong project ni Jeric, isa pang magandang nangyari sa kanya, ay sila na ngayon ng kapwa Kapuso niya, si Miss Universe Philippines 2020, Rabiya Mateo, with the caption: “To more memories with you @rabiyamateo I love you.”  Sagot naman ni Rabiya, “@jericgonzales07 Salamat Babe.  I love you more.”

 

 

Umabot na ng more than 35,392 views, mula sa mga kasama nila sa showbiz

 

 

***

 

 

ANOTHER Kapuso pair na pinag-uusapan ngayon ng netizens ay sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.  

 

 

Sila na raw kaya talaga ngayon? Kinikilig ang mga fans nila sa mga TikTok videos nila.  Tanong nga nila, special guest kaya ni Julie Anne si Rayver this Sunday, March 20, sa Limitless Live! at the Sunlife Ampitheater, Bonfacio Global City, 6:00 PM. Pwede na kayong bumili ng tickets ngayon.

 

 

Ang live show ni Julie Anne ay susundan ng online concert niyang Limitless Part 3: Rise, on April 9, 2022 sa GMA Network.

 

 

***

 

 

LABIS ang pasasalamat ng bumubuo ng cast ng GMA Network’s first suspense serye na Widows’ Web, dahil sa mainit na pagtanggap ng mga televiewers sa story nito at nagtatalu-talo sila kung sino ang pumatay kay AS3 (Ryan Eigenmann), ang wife ba niyang si Jackie (Ashley Ortega), ang friend niyang si Hillary (Vaness del Moral), o ang older sister niyang si Barbara (Carmina Villarroel)?

 

 

Pero ang na-frame-up at main suspect  ay si Frank (EA Guzman) na girlfriend niya si Elaine (Pauleen Mendoza).

 

 

Comments ng mga netizens: Jenny Sotnas Sarmiento: “Yes, baka sa huli buhay pa si AS3 at siya lang may gawa ng perfect crime na pagpatay sa kanya.  Basta dumagdag pa talaga si AS3 sa mga iniiisip ko.”

 

 

Mars Jimenez: “Xander, alam mo ba nagpupustahan kami dito kung sino talaga ang pumatay sa yo.  Isip ako nang isip hirap manghula tapos eto makikita ko buhay ka pala.  Tumayo ka na dyan dahil kinakawawa na ng kapatid mo yung asawa mo.”

 

 

Bella Castillo: “Sabihin mo na Xander kung sino pumatay sa yo dahil gabi-gabi na kami nag-aaway ng asawa ko at nagpustahan na kami baka maging sanhi ng paghihiwalay naming mag-asawa.”

 

 

Janet Sibug: “Buhay ka pala!” Nag-away na kami ng kapatid ko dahil magkaiba kami ng pinagbibintangan! Saan ako titira kapag pinalayas ako ng mama ko dahil di rin siya naniniwala na si Barbara ang pumatay sa ‘yo”

 

 

Rea P. Abadines: “Dami ko activity dagdag pa to sa stress ko kakaisip sino ba talaga pumatay sa yo.  Onti lang magpapalit na ata ako ng course.  Gusto ko nang maging detective.”

 

 

Ang Widows’ Web ay napapanood gabi-gabi, 8:50PM, pagkatapos ng First Lady sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Kapalaran ni Obiena sa SEA Games di pa tiyak – POC

Posted on: March 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hinihintay pa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ng World Athletics para mapayagang makasali si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

 

 

Dagdag pa nito na wala sanang pagdaranan na mahabang proseso si Obiena sa pagsali sa nasabing biennial event kung pinayagan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ang pagsali nito sa nasabing torneo.

 

 

Hanggang sa huling minuto aniya ng deadline ng pagsusumite ng pangalan ay umaasa na tutugon ang organizers ng torneo sa kanilang hiling.

 

 

Magugunitang tinanggal ng PATAFA si Obiena sa opisyal na listahan ng mga manlalaro na sasabak sa SEA Games.