MATAPOS ang dalawang taong paninirahan sa Amerika, nakabalik na ng Pilipinas si Rufa Mae Quinto.
Inabutan ng lockdown si Rufa Mae sa US kasama ang kanyang anak na si Athena para i-celebrate doon ang birthday nito kasama ang mister na si Trevor Magallanes. Pero biglang nagkaroon ng pandemic at hindi na sila nakabalik ng Pilipinas.
Habang nasa US, naging vlogger si Rufa Mae at pinost niya sa kanyang social media accounts ang kanyang pamamasyal at pakikipagkita sa ilang celebrities na naninirahan na sa US tulad nila LJ Moreno, Donita Rose, Ruby Rodriguez at Jinky Oda. Lumabas din siya sa ilang shows doon na produced ng ilang US-based Pinoys.
Ngayon at nakabalik sa bansa si Rufa Mae, sa beach sa Batangas agad siya pumunta dahil na-miss daw niya ito.
“yes dito si @alexandriamagallanes pinanganak sa Pinas! Hanggang sa Feb 7,2021 nag 3rd birthday sya sa America then na lock down na kami doon because of pandemic pero ngayong endemic na daw , after more than 2 years nakauwi din kaming muli sa Pilipinas kong mahal. So ayun naging English speaking na sya , bilang doon na natutong mag salita , first words nya kasi as a toddler e sa America kaya ayun ,pero umaasa kaming mga magulang nya na sya ay matutong mag tagalog ! Go go go ! Noon at ngayon, dito or doon masiyahin sya na bata, fun always. We miss the beach and swimming, we miss my family , food and our things and toys ! Todo na to! Here and there na ang aming tahanan,” caption pa ni Rufa Mae.
Agad na nagpasilip ng kanyang alindog si Rufa Mae habang nagtatampisaw sa swimming pool suot ay two-piece bikini.
Caption pa niya; “Nadama ko din muli ang Init ng weather ng Pilipinas … damahan na ! swimming nemen dyan guysh! Favorite Kong gawin. Go go go! Todo na to!”
***
CERTIFIED Air Force reservist na ang Kapuso hunk at Philippine men’s national volleyball team captain na si John Vic De Guzman.
Naka-graduate noong nakaaraang linggo si John Vic sa kanyang miitary training kunsaan nakasama niya si Geneva Cruz.
Nagawang ipagsabay ni John Vic ang military training sa pag-ensayo niya para sa SEA Games sa buwan ng Mayo.
“Nakiusap po ako sa coaches ko, and good thing naman kasi sa Air Force rin ‘yung coaches ko. In-allow ako na mag-join. Flight Charlie ako po ‘yung ginawang leader, and then under ko po si Miss Geneva. Nakakatuwa kay Miss Geneva, may words of wisdom siya para doon sa mga female na pumasok sa military training.”
Naging isa sa instructors nila ay ang Kapuso hunk na si Jay Arcilla na hindi nagbigay ng special treatment kina John Vic at Geneva.
Post pa ni John Vic sa social media, unforgettable daw ang hirap na pinagdaanan nila sa kanilang training.
“Basta para sa Bayan – handa ko po kayong paglingkuran. The past weeks had been so challenging, juggling National Volleyball Team training and Philippine Air Force Reservist Military camp training at the same time. But I must say its all worth it bec. not everyone is given the opportunity to represent and serve their country. Ito po ang aking simpleng ambag bilang Pilipino – makaka-asa po kayo sa aking serbisyo. SBCMT Sergeant John Vic De Guzman, reporting for duty.”
***
BANNED si Kanye West a.k.a. Ye na mag-perform sa Grammy Awards dahil sa “concerning online behavior” nito. May kinalaman ito sa kanyang pangha-harass sa ex-wife na si Kim Kardashian at sa boyfriend nitong si Pete Davidson. Host pa naman ng Grammy this year ay si Noah Trevor na naging biktima rin ni Ye ng racial slur sa social media.
Hindi na raw nagulat ang team ni Ye noong tanggalin ito sa lineup of performers sa Grammy. Iniiwasan daw ng producers na gamitin ni Ye ang awards night para public sentiments niya.
“He might use the stage to continue his online harassment of Pete Davidson, his estranged wife Kim Kardashian’s new boyfriend; he could attempt to lobby public sentiment for custody of his children; he could make some statement in support of accused sex offender Marilyn Manson or unrepentant homophobe DaBaby, both of whom he has featured at his recent concerts or listening events; he could make more misguided statements about slavery or revive his stumping for former President Trump. Conversely, he could use the platform to do something that isn’t self-serving, self-referential or sheer trolling, like when he unexpectedly said “George Bush doesn’t care about Black people” during a televised Hurricane Katrina fundraiser in 2005,” ayon sa nilabas na statement ng Grammy producers.
Ang mga mag-perform sa 64th Grammy Awards on April 3 sa MGM Grand Arena in Las Vegas at sina Olivia Rodrigo, Billie Eilish, Lil Nas X with Jack Harlow, Brandi Carlile, Brothers Osborne and BTS.
(RUEL J. MENDOZA)