• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 26th, 2022

Nagbigay ng official statement sa paglisan ni Sen. Ping… MONSOUR, advocacy na ma-implement ang ‘Healthcare Heroes Card’ pag naging Senador

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng opisyal na pahayag si Monsour del Rosario tungkol sa paglisan ni Sen. Ping Lacson sa Partido Reporma.

 

 

          Ayon kay Monsour, “Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Pilipino.

 

 

“Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang.”

 

 

          Dagdag pa nang tumatakbong Senador, “Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: ‘Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan.’

 

 

“At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa.”

 

 

Very vocal din si Monsour sa kanyang sinusuportahan, ”Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

 

 

“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon.

 

 

“Dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Pilipino – lalaki man, babae, o bata – ay maisakatuparan.

 

 

“Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ito ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat.”

 

 

Si Monsour ay nakilala bilang Filipino taekwondo champion at naging aktor din, sumali siya sa Philippine National Taekwondo Team noong 1982 hanggang 1989, at nagin team captain in his last four years.

 

 

He ranked first in the Philippines sa Lightweight Division and was an eight-time National Lightweight champion. Nag-represent sa bansa sa numerous international competitions, kasama dito ang 1988 Seoul Olympics, Southeast Asian Games, Asian Games, World Games, World Taekwondo Championships at sa Asian Taekwondo Championships.

 

 

Nakakuha si Del Rosario ng gold medal sa 14th and 15th Southeast Asian Games, bronze medal sa 10th Asian Games, at nakaabot sa quarterfinal round sa 1988 Seoul Olympic Games.

 

 

He later joined the Philippine Taekwondo Association as its Secretary General and a Philippine Olympic National Sports Association Martial Arts Council member.

 

 

Tumatakbo nga si Monsour bilang senador sa 2022 National Elections. Bilang public servant, nagsilbi siya mula 2010 to 2016, bilang city councilor sa 1st district ng Makati and later bilang congressman from 2016 to 2019.

 

 

Sa kanyang termino sa kongreso, nakapag-file siya nang higit sa 292 bills and resolutions, at siya ang may akda ng Telecommuting Act of 2018, na kilala rin na “Work From Home Law.”

 

 

For his senatorial bid, ang advocacy ni Monsour Del Rosario ay ma-implement ang Healthcare Heroes Card for medical frontliners, pension for athletes, among many others.

(ROHN ROMULO)

Unfinished gov’t projects, hindi magiging ‘white elephants’- Andanar

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na hindi magiging “white elephants” ang mga unfinished infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program dahil dumaan ito masusing assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) bago pa ito inaprubahan.

 

 

Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na sabihin ni presidential bet Senator Ping Lacson sa kamakailan lamang na presidential debate kung ano ang kanyang pananaw hinggil sa “Build, Build, Build” program lalo pa’t 12 lamang mula sa 118 proyekto ang natapos.

 

 

Binasura naman nito ang espekulasyon na ang mga proyektong ito ay aabandonahin para sa iba’t ibang dahilan.

 

 

“Lahat ng project na ginagawa ng gobyerno lalung-lalo na iyong mga big-ticket projects ay pinag-aralan ng NEDA. Iyong ating mga ekonomista diyan sa NEDA ay mga professional, sila ay nandiyan hindi lang para magdesisyon lang nang ganun-ganun lang,” ayon kay Andanar.

 

 

Aniya pa, naghihintay lamang ng tamang oras ang mga proyekto para makompleto dahil mangangailangan pa kasi ito ng pag-aaral at detalyadong pagpa-plano.

 

 

“Kapag sinabi mong maging isang puting elepante, eh ibig sabihin noon ay hindi siya napag-aralan nang husto. And I would beg to disagree na magiging white elephant itong malalaking projects na ito sapagkat iyon nga, nandiyan iyong ating checks and balance natin eh – hindi lang sa NEDA nandiyan din iyong Congress,” aniya pa rin.

 

 

Binigyang diin ni Andanar ang kahalagahan ng “Build, Build, Build” sa pagtulong na makalikha ng trabaho at pangkabuhayan sa gitna ng pandemic-induced recession.

 

 

“Doon pa lang makikita mo na, the 6.5 million to 7 million or 8 million jobs na nailikha ng BBB ay isa sa mga dahilan kung bakit naging inclusive iyong ating economy,” anito.

 

 

At nang hilingin na pangalanan ang mga infrastructure project kung saan matatandaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Andanar na “too many to mention.”

 

 

Tinukoy nito ang mga nagpapatuloy na proyekto ng Metro Manila Subway Project (MMSP) at NLEX-SLEX Connector Road Project at maging ang mga completed projects gaya ng Bohol-Panglao International Airport at ang Bicol International Airport .

 

 

“The infrastructure program of this government has never been this good kung titingnan mo iyong  history. But moving forward, dapat kasi itong mga Build, Build, Build projects na mga ito, should be there regardless of who is the one sitting as president kasi ito naman ay para sa lahat ng mga kababayan natin ,” dagdag na pahayag nito

 

 

Aniya pa, ang pagpapatuloy at pagkompleto sa mga proyekto na iniwan ng nagdaang administrasyon ay dapat lamang na makunsiderang bahagi ng ‘accomplishments’ ng Duterte administration.

 

 

“The maturity of a bureaucracy and the maturity of a country is also measured by the continuity of the programs,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, iginiit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na ang “Build, Build, Build” infrastructure program ay naging matagumpay.

 

 

Aniya, may mga infra projects na hindi naipatupad, ito’y dahil sa ang proyekto ng pamahalaan ay mayroong “high rate of returns.” (Daris Jose)

P569 M fuel subsidy na ang naibagay sa mga PUV drivers

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY KABUUANG P569 million fuel subsidy na ang naibigay ng Land Bank of the Philippines sa mga drivers at operators ng pampublikong transportasyon upang matulungan sila na maibsan ang masamang epekto ng tumataas na presyo ng krudo at ibang produktong petrolyo.

 

 

Ang nasabing halaga ay tumutukoy sa may 23 porsiento ng alokasyon para sa fuel subsidy na pinamamahagi ng LBP.

 

 

May 87,500 na ang bilang mga drivers at operators ang nabigyan na ng fuel subsidy sa buong bansa na naitala noong March 17 sa ilalim ng programa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

 

Ang programa ay may inilaan na pondong P2.5 billion kung saan inaasahan na mabibiyayaan ang may himihit kumulang na 377,000 na drivers kasama na ang mga delivery riders.

 

 

Ayon kay LBP president at chief executive officer Cecilia Borromeo ang mga drivers ay makakaasang bibigyan ng suporta ng pamahalaan sa pamimigay ng fuel subsidy kung saan ang bangko ay nakikipagtulungan sa DOTr at LTFRB upang maging madali at mabilis ang pamamahagi ng nasabing fuel subsidy.

 

 

“LandBank is one with the national government in providing immediate support interventions to PUV drivers to weather the impact of the fuel prices surge. We are closely coordinating with the DOTr and LTFRB to complete the distribution of the fuel subsidy to the beneficiaries,” saad ni Borromeo.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang mga drivers at operators ay bibigyan ng subsidy cards ng Land Bank kung saan nakalagay  ang kanilang cash assistance. Ang fuel subsidy card na ito ang kanilang gagamitin upang ibili ng produktong krudo at petrolyo sa mga participating gas pumps sa buong bansa.

 

 

Ang pondong P2.5 billion para sa nasabing programa ay galing sa budget ng mga ahensya sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.

 

 

Ang presyo ng krudo at gasoline ay tumaas na ng P13.25 at P17.50 ayon sa pagkakabangit habang ang kerosene naman ay tumaas ng P11.40.

 

 

Samantala, ang LTFRB naman ay pinagaaralan upang muling maibalik ang programa sa service contracting para sa mga drivers ng pampublikong transportasyon.

 

 

Ayon kay LTFRB director Zona Tamayo balak nilang ibalik ang programa ng service contracting sa susunod na buwan dahil nag release na ang Department of Budget and Management (DBM) ng pondo.

 

 

“Once the funds are downloaded to the LTFRB, we can relaunch the service contracting program this April,” wika ni Tamayo.

 

 

Ayon sa LTFRB, ang kanilang Service Contracting Program (SCP) na siyang isa sa pangunahing tulong ng pamahalaan para sa tumataas ng presyo ng krudo kasama rin ang binibigay na fuel subsidy ay siyang makakatulong kahit paano upang mabawasan ang mabigat na problema ng mga drivers at operators dahil sa restrictive cost ng diesel at gas.

 

 

Sa ilalim na nasabing programa, ang mga operators at drivers ay magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero at sila naman ay bibigyan ng compensation ng pamahalaan kada linggo. Ang pamahalaan din ang bahala sa mga gastusin sa gasolina, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead na gastos. LASACMAR

SOLO PARENTS SA NAVOTAS NAKATANGGAP NG CASH AID

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA 200 Navoteños na kuwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamagitan ng pondo ng Gender and Development (GAD).

 

 

Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay parte din ng  serye ng pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod.

 

 

“We want to extend as much help as possible to Navoteño solo parents because we know they are one of those who were severely affected by the pandemic. We hope to give them the means to provide for their families, especially now that the expanded face to face classes have started and the prices of basic commodities have increased,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“The program will run for the whole year to accommodate all qualified solo parents in the city. To be included in the list of beneficiaries, solo parents must apply or renew their IDs and be validated by the City Social Welfare and Development Office,” dagdag niya.

 

 

Ang Saya All, Angat All program ay inaasahang makikinabang ang 1,500 solo parents sa lungsod.

 

 

Sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, nabibigay ang lungsod ng ng P1,000 na tulong pang-edukasyon sa mga indigent solo parents bawat school year.

 

 

Noong 2020, ang mga nakarehistrong solo parent na hindi kabilang sa Social Amelioration Program ay nakatanggap ng financial assistance sa ilalim ng pondo ng GAD. (Richard Mesa)

Kahit na may iniindang sakit, hindi nagpapigil… KRIS, dumalo sa rally kasama sina JOSH at BIMBY para suportahan si VP LENI

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHUSAY si Carmina Villarroel sa kanyang role bilang Barbara sa bagong GMA series na Widow’s Web.

 

 

At bongga palagi ang outfit ni Carmina dahil isang super rich na madam ang kanyang role sa serye na dinidirek ni Jerry Lopez Sineneng.

 

 

Daring din si Carmina as Barbara dahil mayroon siyang male lover. At may supposed to be love scene sila na naudlot nga lang dahil may “maritess” na kumatok sa pinto.

 

 

Sabi naman ni Carmina, willing siya to do challenging roles, ‘yung mga hindi pa niya nagawa before.

 

 

To be fair, kaabang-abang ang acting ng female cast ng Widow’s Web dahil lagi may patalbugan sila sa husay.

 

 

At enjoy panoorin si Carmina dahil kayang-kaya niya na maging maldita.

 

 

***

 

 

KAHIT na may iniindang sakit, hindi nagpapigil si Kris Aquino at dumalo sa rally ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac noong Wednesday.

 

 

Kasama ni Kris ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

 

 

Sorpresa ang pagdating ni Kris sa rally.

 

 

Sa kanyang IG account @krisaquino, she shared “Maraming ninerbyos pero tinanggap na lang na hindi talaga ako magpapapigil, Paalis na po kasi, isa pang XOLAIR sa Sunday, a few days of monitoring lilipad na.”

 

 

Naging maiinit naman ang pagtanggap kay Kris ng audience nang siya ay lumabas sa stage.

 

 

Matagal na rin naman siya kasi hindi nakikita ng mga tao. Siyempre, ikinatuwa ng mga Kakampinks ang pagsuporta ni Kris kay VP Leni na kaalyado ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

 

 

Kris also shared na may nakita raw siyang sulat ni Noynoy for Leni kung saan sinabi ng yumaong pangulo na si Leni ang nakikita niya na siyang dapat magpatuloy ng mga nasimulan na dahil ito ay may vision.

 

 

Marami ang nagdarasal na gumaling si Kris at umaasa na may magagawang tulong sa kanyang health problem ang pagpapagamot niya sa ibang bansa.

 

 

***

 

 

KAHIT na hindi siya binigyan ng acting tips ni Alexa Ilacad, gusto ni KD Estrada na pagbutihan ang acting niya sa 6-part series na Bola Bola, na unang major acting assignment ng PBB alumnus.

 

 

Bago pa raw siya lumabas ng Bahay ni Kuya ay in-offer na sa kanya itong Bola Bola kaya naman determined si KD to give his best.

 

 

Gusto raw niya na ma-impress si Alexa sa acting niya kaya he is giving it his best shot.

 

 

Masaya si KD dahil nabigyan siya ng chance ng Dreamscape para maging leading man ni Francine Diaz.

 

 

“I want to explore acting as well,” pahayag ni KD who is also a singer and a social media influencer.

 

 

Marami raw silang fun moments ni Francine sa taping dahil ginagawa raw ni Francine na madali ang trabaho nila.

 

 

Nag-meet na raw sila before ni Francine. He describes Francine as “madaldal at maraming kwento.”

 

 

“Kahit na sikat na siya, she remains level-headed and humble,” sabi pa ni KD.

(RICKY CALDERON)

NBA: Magic pinahiya ang GSW; Nuggets binigo ang Clippers at Hawks nalusutan ang Knicks

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINATIKIM  ng Orlando Magic ang pangatlong pagkatalo ng Golden State Warriors 94-90.

 

 

Nagpanalo sa koponan ang tatlong free-throws na naipasok ni Franz Wagner na mayroon siyang kabuuang 18 points na nagawa sa buong laro.

 

 

Nanguna sa panalo ng Magic si Wendell Carter Jr na nagtala ng 19 points at walong rebounds habang mayroong seven points, pitong rebounds at tatlong assists si Mo Bamba.

 

 

Umabot pa sa 13 point ang naging kalamangan ng Magic sa unang quarter ng laro.

 

 

Binuhat naman ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets para talunin ang Los Angeles Clippers 127-115.

 

 

Nagtala ito ng 30 points at 14 rebounds habang mayroong tig-16 points ang nagawa nina Aaron Gordon, Jeff Green at Bones Hyland.

 

 

Nag-ambag naman ng 15 points si Monte Morris, 11 points kay Austin Rivers at 10 points ang nagawa ni Will Barton.

 

 

Sa unang quarter ay hawak pa ng Clippers ang kalamangan subalit hindi bumitiw ang Nuggets hanggang tuluyang maipanalo ang laro.

 

 

Tumipa ng 45 points at walong assists si Trae Young para makuha ng Atlanta Hawks ang come-from-behind na panalo laban sa New York Knicks 117-111.

 

 

Umabot pa ng hanggang 10 points ang kalamangan ng Knicks subalit naipasok ni Young ang three-pointers kaya naitabla ang laro 105 all sa natitirang 2:54 sa last quarters.

Sa hirit ni Kris na tila patutsada kay Herbert.. RUFFA, ‘di pinalampas at nag-comment ng ‘be kind to everyone, including your ex’

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pinapalampas ni Ruffa Gutierrez ang tila patutsada ni Kris Aquino sa campaign sortie ni V.P. Leni Robredo sa Tarlac tungkol sa kanyang ex.

 

 

Ipinagpalagay na agad ng marami na ang tumatakbo sa pagka-Senator na si Herbert Bautista ang pinapatamaan nito sa conversation nila ni Angel Locsin.

 

 

Minsan nang nagsalita si Ruffa at idinipensa sa social media si Herbert.  Ngayon naman sa sinabi ni Kris, tinamaan daw siya sa sinabi ni Angel Locsin na kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, palaging nandiyan, hindi sa eleksyon lang.

 

 

Humirit na si Kris na, “Yung isa nasa Uniteam, yung ex…

 

 

“O, wag niyo iboto yun, ha. Sayang ang boto dahil ‘di marunong tumupad sa mga pinangako.

 

 

“Deadma please.”

 

 

Hindi nanahimik si Ruffa. Nag-post ito sa kanyang Instagram account ng video habang naglalakad siya sa beach at saka sinundan ng caption na, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”

 

 

***

 

 

          SA bagong Youtube vlog ni Bianca Umali, kasama niya ang kanyang minamahal na Mama Vi o ang kanyang lola na siyang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

 

 

Ang lola na ito ng Kapuso actress ang nag-aruga na kay Bianca simula nang maulila siya sa kanyang mga magulang.  Nanay ng daddy ni Bianca si Mama Vi at halos lahat ng netizens, naramdaman ang pagmamahal ng isa’t-isa.

 

 

Sa vlog ni Bianca, tinanong ni Bianca ang lola niya kung ano ang gusto nitong itanong sa kanya na hindi pa raw naitatanong sa kanya.

 

 

At bongga si lola dahil diretsahan nitong tinanong ang kanyang apo na, “meron ka bang minamahal ngayon?”

 

 

Nagulat si Bianca sa binatong tanong ng Lola niya sa kanya kaya natatawa ito pero sinagot din na, “Meron, Mama.”

 

 

Sinigurado pa ng lola niya kung sure raw ito.

 

 

At saka sinabi ni Bianca na, “Sure. Hindi lang isa, marami. At kasama sa maraming ‘yon ang sarili ko. Kasama ka do’n, Mama.”

 

 

Pero binigyang-diin ng Lola ni Bianca na ang kailangan daw niyang malaman, ‘yung sasama sa apo ‘till the end of time’ dahil siya raw ay hindi na pwede.

 

 

“Hahanapin ko nga ‘yon, Mama. Hinahanap pa natin. ‘Yun din naman ang gusto ko, Ma. Pero sa tingin ko, ‘yung mga bagay na ‘yon, hindi naman dapat minamadali.

 

 

“Yon ang turo mo sa akin,” sey pa niya.

 

 

“Hindi masarap magmahal, pero dapat, alamin mo muna kung tama ‘yung taong minamahal mo at ‘wag na ‘wag mawawala ang pagmamahal mo para sa sarili mo.”

 

 

Sa lahat naman daw ng turo ng lola niya, ‘yun daw ang tumatak sa kanya, be patient, be humble.

 

 

Dugtong pa niya, “To answer your question, yes, meron akong minamahal. Meron akong mga taong minamahal.”

 

 

Hmmm, alam ng lahat na si Ruru Madrid ang special someone ni Bianca, pero mukhang base sa naging pahayag nito, hindi pa siya sure kung ito na nga ang makakasama niya hanggang sa huli.

 

 

          ***

 

 

HINDI kami sure kung first time pa lang ba na naipakilala ni Lovi Poe ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe sa kanyang kapatid na si Senator Grace Poe.

 

 

Pero obviously, kasama sa naging itinerary ni Lovi sa U.S. ang makipag-meet-up sa kanyang pamilya sa side ng kanyang ama, the late Fernando Poe. Jr.

 

 

Kasama ni Senator Grace ang kanyang Mister na si Neil Llamanzares at anak na si Brian Poe habang si Lovi naman, kasama ang kapatid na si Yellie at ang boyfriend nga.

 

 

Sa caption ni Lovi, sinabi niya na, “Long overdue reunion and catch up with the fam.”

 

 

Good vibes naman para sa mga netizen ang picture na makitang magkakasama ang mga ito. Sey ng karamihan, sigurado raw na masaya at naka-smile ang ama nila ngayon sa Langit.

(ROSE GARCIA)

1-buwan libreng sakay sa MRT-3, simula sa Marso 28

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKALOOB ng isang buwang libreng sakay ang   Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)  simula sa Marso 28, 2022.

 

 

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, nabatid na tatagal ng mahigit isang buwan ang libreng sakay o hanggang sa Abril 30, 2022.

 

 

Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni Pang. Rodrigo Duterte sa publiko nitong Martes matapos na pangunahan niya ang isang seremonya na idinaos bilang hudyat nang pagtatapos ng MRT-3 Rehabilitation Project, na pinondohan ng pamahalaan at ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

 

“With the joint efforts of these companies and the DOTr, we’ve increased our train speed from 25 km/ hour to 60[km]/hour, while the time interval between train arrivals has improved to 8 to 10 mi­nutes,” dagdag pa ng pangulo.

 

 

Kasabay nito, inianunsiyo rin naman ng pangulo na mula sa dating 12 hanggang 15 lamang, umaabot na sa 18 hanggang 22 train units ang available at bumibiyahe sa naturang rail line upang magserbisyo sa mga mamamayan.

 

 

Kabilang din sa nakumpletong rehabilitation project ang upgraded signaling, communications, at CCTV systems.

 

 

Natapos din ang pagkukumpuni sa lahat ng station escalators at elevators, at ang instalasyon ng air conditioning units sa loob ng mga tren.

 

 

Ang MRT-3 na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nagdurugtong sa North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City. (Gene Adsuara)

Alex Eala hindi nakaporma sa US tennis player na nakaharap sa Miami Open

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS  na ang kampanya ni Pinay tennis player Alex Eala sa Miami Open.

 

 

Sa unang round pa lamang kasi ay hindi na ito nakaporma laban kay Madison Brengle sa score na 6-2, 6-1.

 

 

HIndi nakaporma ang Filipina tennis prodigy na ranked 565 laban sa World No. 59 ng US.

 

 

Tumagal ang laban ng dalawa sa isang oras at 12 minuto.

 

 

Ngayon taon lamang ay lumahok na si Eala sa anim na torneo kabilang ang tatlong laro sa France at dalawa sa Spain.

Mystery Thriller ‘Where the Crawdads Sing’ Reveals Trailer

Posted on: March 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
‘WHERE The Crawdads Sing’ is making its way to the big screen featuring an original song from Taylor Swift.
We can’t bury this secret forever… the worldwide phenomenon and best-selling book, Where The Crawdads Sing, is making its way to the big screen featuring an original song from Taylor Swift. Check out the trailer now and watch the film exclusively in cinemas across the Philippines this 2022.
From the best-selling novel comes a captivating mystery. Where the Crawdads Sing tells the story of Kya, an abandoned girl who raised herself to adulthood in the dangerous marshlands of North Carolina. For years, rumors of the “Marsh Girl” haunted Barkley Cove, isolating the sharp and resilient Kya from her community.
 Drawn to two young men from town, Kya opens herself to a new and startling world; but when one of them is found dead, she is immediately cast by the community as the main suspect. As the case unfolds, the verdict as to what actually happened becomes increasingly unclear, threatening to reveal the many secrets that lay within the marsh.
Where the Crawdads Sing stars Daisy Edgar-Jones (Normal People) as “Kya Clark,” Taylor John Smith (Sharp Objects) as “Tate Walker,” Harris Dickinson (The King’s Man) as “Chase Andrews,” Michael Hyatt (Snowfall) as “Mabel,” Sterling Macer, Jr. (Double Down) as “Jumpin’,” and David Strathairn (Nomadland) as “Tom Milton.”
Where the Crawdads Sing Reveals Trailer
Kya (Daisy Edgar-Jones) in Columbia Pictures’ WHERE THE CRAWDADS SING.
Olivia Newman (First Match) directs the screenplay by Lucy Alibar (Beasts of the Southern Wild) based upon the novel by Delia Owens. The 3000 Pictures film is being produced by Reese Witherspoon and Lauren Neustadter.
Where the Crawdads Sing is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #CrawdadsMovie
(ROHN ROMULO)