HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nage-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kahit na sinumang presidential candidate sa kabila ng pagsuporta ng kanyang partido, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa kandidatura ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni acting Deputy Presidential Spokesperson at Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na tila hindi batayan ang nangyaring meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos para iendorso na ng Chief Executive ang batang Marcos.
“Whether or not this can be interpreted as an endorsement, of course, the President has not endorsed any candidate. The meeting was just arranged and they met – President Duterte and [former] Senator Marcos. But there is no endorsement, so far as Malacañang is concerned,” ayon kay Ablan.
Aniya pa, hindi dadalo si Pangulong Duterte sa kahit na anumang proclamation rally ngayong araw ng Biyernes, simula ng kampanya ng mga lokal na kandidato.
Sa ulat, nasa 4,000 pulis ang ikakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang tagumpay at makamit ang ‘zero election related incidents’ sa panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato simula ngayong Marso 25, 2022.
Ayon kay NCRPO chief, P/Major General Felipe Natividad, handa na ang kapulisan sa pagpapatrulya at pagmomonitor sa kanilang area of responsibilities (AORs).
Itinalaga ang nasabing bilang sa iba’tibang campaign activities upang mapanatili ang kapayapaan ang kaayusan, kabilang pa ang mga naka-standby, sakaling kailanganin pa ng dagdag na pwersa.
“The forthcoming National and Local Elections 2022 is expected to be more challenging than it was before considering the fact that we are facing a global health crisis at the moment. We must modify our strategies to adopt to the new environment,” ani Natividad.
Dagdag pa niya, “Let us continue to maximize police presence, non-stop inspections, our undivided attention and dedication as well as continuous anti-criminality campaign to guarantee that we will have a safe, accurate and fair election. Sama-sama tayong magtrabaho ng maayos, tama at ilagay sa puso ang disiplina upang makamit natin ang payapang eleksyon. (Daris Jose)