• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2022

Comelec maglulunsad ng task force vs vote buying; pa-raffle, donasyon bawal din

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILULUNSAD ng Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Kontra-Bigay upang maiwasan ang vote-buying ngayong panahon ng kampanya.

 

 

Ipinahayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia kasabay ng kanyang pagbibigay babala sa lahat ng mga tumatakbong kandidato hinggil sa pagpapa-raffle ng mga ito sa kanilang mga pangangampanya lalo ngayong nagsimula na ang 45-day campaign period para sa mga lokal na kandidato.

 

 

Nakasaad aniya sa Section 261 ng Omnnibus Election Code na hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng pera ang vote-buying, kundi sa magiging impluwensya ng isang bagay sa boto ng isang botante.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit maituturing na rin daw na vote-buying ang mga raffle o anumang uri ng donasyon, maging ang anumang klase ng mga pangangako .

 

 

Sinabi ni Garcia na ang raffle o anumang uri ng donasyon ay maaaring ikonsidera na rin bilang vote-buying.

 

 

Nakasaad aniya sa Section 261 ng Omnibus Election Code na hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng pera ang vote-buying, kundi magiging impluwensya ng isang bagay sa boto ng isang botante tulad na lamang ng mga pangangako.

 

 

Ang Task Force Kontra-Bigay ng Comelec ay binubuo ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan kabilang na ang Department of Justice, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Information Agency.

 

 

Maaari itong magsagawa ng motu proprio investigation na kinasasangkutan ng vote-buying, may formal complaint man o wala.

 

 

Samantala, patuloy naman na hinimok ni Commissioner Garcia ang mga botante na tanggihan ang anumang uri ng vote-buying at agad na iulat ito sa Comelec dala-dala ang matibay na ebidensya ng naturang ilegal na gawain. (Daris Jose)

Crime rate sa NCR, bahagyang tumaas kasunod ng alert level 1 implementation

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR).

 

 

Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region police office (NCRPO) na bahagyang tumaas ang crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NCRPO PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa mga insidente na kanilang naitatala ay iyong mga nangyayari sa loob ng mga establisimyento o mga malls.

 

 

Subalit, hindi aniya ito kontrolado ng mga pulis lalo pa’t may mga guwardya na talagang naka-deploy sa mga commercial establishments na ito.

 

 

Magkagayon man, sinabi ni Tecson, may mga additional personnel na silang idineploy upang matiyak na mapipiglan ang pagtaas pa ng crime rate sa kalakhang Maynila.

Umaming nami-miss nang sumayaw at kumanta: SEAN, working hard kaya dedma na lang sa ‘indecent proposal’

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG thankful si John “Sweet” Lapus nang kunin siya ng APT Entertainment para magdirek ng satire gag show na BalitaOneNan.

 

 

“Napakarami naman pwedeng magdirek ng Balita One Nan pero ako pa rin ang napili nila,” pahayag ni Sweet.

 

 

“Siguro nagustuhan nila ang trabaho ko sa ‘Boyfriend No. 13’ na ipinalabas sa sa WeTV last year. Actually, nagsisimula na rin ang pre-production ng isa ko pang gagawin kong show for APT na sitcom naman. Ang saya!”

 

 

Pangalawang directorial job na ito ni Sweet sa APT Entertainment. Naging guest director siya for one day sa Fill in the Blanks ang game show nina Jose Manalo at Pokwang. Nagkaroon ng emergency ang regular director ng show and two days before the show ay pinakiusapan si Sweet kung pwede siya ang magdirek.

 

 

That short stint led to Sweet directing 8 episodes of Boyfriend Number 13.

 

 

Ano ang challenge doing BalitaOneNan?

 

 

“Ang pinakachallenge siguro is the fact na mahuhusay na comedian din ang mga cast. Si Wally, Alex at Kaladkaren ang very good comedians.

 

 

Alam nila ang ginagawa nila. But yan din naman ang advantage. Madali kawork ang mahuhusay na comedian sa isang gag/satire show like BalitaOneNan.” Paliwanag ni Sweet.

 

 

Nagagamit mo ba ang pagiging komedyante mo in directing this show?

 

 

“Yes! Thank God at biniyayaan nya ako ng talent sa Comedy. Comedy Writer din naman ako. Ako sumusulat ng mga Stand-up shows ko noon at isa ako sa writers ng Daddy’s Gurl ngayon. Mahihirapan yata ako idirek ito kung hindi din ako comedian.”

 

 

***

NAMI-MISS ni Sean de Guzman ang pagsasayaw.

 

 

Ito ang sabi ng Viva contract star sa digital mediacon ng Island of Desire noong Lunes.

 

 

Dating member ng Clique 5, isang boy group, si Sean bago nabigyan ng break sa acting via Anak ng Macho Dancer. Bilang member ng Clique 5, nag-perform sila sa mga malls, doing song and dance numbers.

 

 

Pero nang mabigyan ng break sa acting at maging contract star ng Viva, hindi na nakarampa si Sean sa stage to sing and dance.

 

 

Mas marami na kasi siyang acting jobs at dito sa pag-aartista na ang focus niya.

 

 

Pero given a chance, gusto pa rin naman daw niya magsayaw at kumanta sa mall shows. Pero siguro solo na lang magpe-perform si Sean kung may mall show siya to promote a movie kasi disbanded na ang Clique 5 dahil may kanya-kanyang career na ang members nito.

 

 

Pumasok na rin sa acting si Marco Gomez, isa sa guwapong members ng Clique 5 at nakagawa na rin ng ilang pelikula.

 

 

Sean also said yes sa tanong kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposal.

 

 

“May nag-aalok ng kotse, pera, bahay pero di ko ito ini-entertain kasi alam ko na may kapalit ito kaya may ganitong alok.

 

 

Kaya ko naman makuha ang mga iyan if I will work hard, na siya ko naman ginagawa,” sabi pa ng isa sa lead stars ng Island of Desire na dinirek ni Joel Lamangan.

 

 

***

SINIMULAN ng singer-hitmaker na si Ronnie Liang ang kanyang ‘Project Ngiti’ in cooperation with the Rizal Medical Center.

 

 

Sinasamahan ni Ronnie ang mga bata na may cleft para mag-undergo ng ng surgery.

 

 

Long-term partnership at advocacy ito ni Ronnie katulong ang mga doctor. Nurse at staff ng RMC para tulungan ang mga adults at mga bata na magkaroon ng normal at happy lives.

 

 

Para sa libreng cleft lip at left palate treatment at operasyon, magpadala lang ng comment sa Facebook page ni Ronnie at sila na mismo ang kokontak sa inyo.

 

 

Magandang project itong naisip ni Ronnie, na inspired sa hit singleniyang ‘Ngiti’ na kilalang-kilala ng mga bata.

 

 

Tiyak na maraming bata ang makikinabang na may ganitong kondisyon ang hindi makapagpagamot due to financial difficulties kaya maganda itong naisip ni Ronnie.

 

(RICKY CALDERON)

Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan. 

 

 

Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan.

 

 

Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga tagahanga ni Rico na hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nila sa aktor.

 

 

Sa IG post ni @rycbstan, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Mrs. Yan sa mga dumating at hindi talaga nakalilimot sa kanyang yumaong anak.

 

 

Panimula niya, “Tinatanong ni Bobby [Yan, nakatatandang kapatid ni Rico] sa akin, sabi niya, ‘How do you process the fact that Rico has been gone for twenty years?’

 

 

“Sabi ko, ‘You know, I think I’m in a very unusual place, a very privileged place, because Rico is gone but people still love him.’

 

 

“I guess, you cannot find anybody who’s in that place because I have friends who have lost their children. But that’s it, they lost their children.

 

 

Sabi pa niya, “Pero si Rico, buhay, buhay, buhay wherever I go, whether it’s here, whether it’s in the States… wherever I go.”

 

 

“I know people who still love Rico and I am very, very grateful for that.

 

 

“Kaya even if he’s gone, of course we miss him, that’s natural, but I think he lives in your hearts, he lives in our hearts and, of course, in Claudine’s heart.”

 

 

Dito na nagsimulang mapaiyak si Claudine, pati ang mga fans nila na nakikinig ng mensahe.

 

 

Ininvite daw ni Mrs. Yan si Claudine sa 20th death anniversary dahil, “She’s been part of Rico. Rico loved her. She loves Rico. That won’t change.

 

 

“So, after twenty years… that’s it, so now let’s celebrate that, not only the 20th death anniversary of Rico but with Claudine by my side.

 

 

Kinunan din ng maikling mensahe si Claudine at nagpasalamat din sa lahat ng pumunta at naki-celebrate kasama ang ina ni Rico.

 

 

Pahayag ng aktres, “Salamat sa pagpunta ninyong lahat. Thank you Tita for inviting me.

 

 

“Rico is so happy right now, sobrang saya niya.

 

 

“Isa lang talaga yung hinihingi ko, twenty years ago, na huwag natin siyang kalimutan. Pero ginawa niyo talaga so thank you so much.”

 

 

Say naman ng netizens tungkol dito:

 

 

“May pinagsamahan naman sila kahit paano.”

“Kasi kahit paano ay may regrets pa rin siya, especially na namatay na si Rico.

“Sayang talaga si Rico, He could have been one of the most successful and respectable actors had he lived longer but then again, hanggang dun nalang talaga sya and I guess he is indeed in a much safer and more peaceful place with God in heaven.”

He’s already a successful and respected actor bago pa sya namatay. Versatile din he can host, nag ko comedy, drama, romance.”

This is nice. May closure na kahit papano and sabay silang nagheheal from the pain.

Grabe 20 years na. Super fan nila ako non. Especially Claudine. I remember when it happened, grade school yata ako. Sa mga news coverage nung wake, hindi sya talaga pinapalapit ng family. Laging ang layo ng pwesto nya. May galit talaga sila non. It’s nice to see this.

She really needs to stop using his name to get attention. It’s too yucky tacky and cringeworthy. Let him Rest In Peace.

Still not over your loss Rico. The day he died nasa Subic si tita Clau kasama si Raymart. Look at her now.

“Be happy na lang sa kanila dahil nagkasundo na sila.”

Wala talagang papantay sa karisma ni rico yan.”

(ROHN ROMULO)

Ads March 31, 2022

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Panawagan ni PDU30 sa publiko: Huwag iboto ang Makabayan party-list groups

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag iboto ang Makabayan party-list groups na ayon sa kanya ay  “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP).

 

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, kinilala ng Pangulo ang mga party-list groups bilang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at Gabriela.

 

 

“Makita naman ninyo sa behavior nila and the way they espouse their advocacy for a party, left ang talagang drift nila,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang problema they are supporting or they are really parang legal fronts ng Communist Party of the Philippines. … Dalawang ulo nito, miyembro ng Congress, sundalo, at hindi lang part-time. ‘Yan ang totoo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Huwag ninyong iboto ‘yan, kung iboto niyo ‘yang partylist ang bala, magkano ang isang bala ngayon? .. Isang putok is P30, huminto na kayo dyan kung ibigay natin sa barangay lahat nagsasayang kayo ng buhay, nagsasayang kayo ng pera,” aniya pa rin.

 

 

Inakusahan ni Pangulong Duterte ang rebeldeng komunista na gumagawa ng pera mula sa pag-endorso sa mga kandidato kung saan tanging ang mga lider lamang nito ang nakikinabang.

 

 

“They are earning billions. Kayong mga NPA na nasa gubat ngayon na gutom walang makain, may sakit, ang inyong liderato bilyon ang nakukuha nyan,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Samantala, pinayuhan naman ng Punong Ehekutibo ang mga kandidato na naghahangad na makapagsagawa ng pangangampanya sa mga “critical areas” na komonsulta muna sa mga pulis at militar para sa kanilang seguridad. (Daris Jose)

Dominanteng COVID-19 variant na sa mundo ang ‘Stealth Omicron’

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DOMINANTENG  variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang ‘stealth Omicron’ o ang BA.2, na nagbabanta ngayon na naging dahilan ng panibagong ‘surge’ sa mga bansa sa kanluran kabilang ang Estados Unidos.

 

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), nirerepresenta ngayon ng BA.2 ang 86% ng lahat ng kasong isinailalim sa ‘genome sequencing’ sa mundo. Mas nakahahawa pa ito kaysa sa ibang variant ng Omicron na BA.1 at BA.1.1, ngunit hindi naman umano nagdudulot ng malubhang pagkakasakit base sa mga nakalap na ebidensya.

 

 

Mas hindi rin epektibo ang mga bakuna laban sa BA.2 hindi tulad ng orihinal na variant na Alpha. Bumabalik naman umano ang proteksyon sa booster jab, na lalong makakapagpa-iwas sa pagkakaospital at pagkasawi.

 

 

Muling isinisisi ang pagtaas ng BA.2 variant sa pagsirit ng kaso nito sa China partikular sa Hong Kong na umabot na sa mga bansa sa Europa tulad ng Germany at United Kingdom.

 

 

Sa datos ng UK at Denmark, maaring maimpeksyon muli ng BA.2 ang mga taong una nang tinamaan ng ibang variant tulad ng Delta. Ngunit maliit na ebidensya naman ang nakalap sa muling pagkaka-impeksyon ng BA.2 sa mga taong unang tinamaan ng BA.1 variant.

 

 

Ayon sa mga siyentipiko, ang pananalasa ng BA.2 sa ilang mga bansa ay kasabay ng hindi na pagsusuot ng facemask ng publiko habang marami pa rin ang hindi nagpapabakuna o kulang sa dose ng bakuna. (Daris Jose)

Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon.

 

 

Sa ilalim ng odd-even scheme, ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa ‘odd numbers’ ay pagbabawalan na gumamit ng ilang lansangan tuwing araw ng Lunes at Huwebes habang ang mga may license plates naman na nagtatapos sa ‘even numbers’ ay pagbabawalan tuwing Martes at Biyernes.

 

 

Bilang pagsunod sa modified number coding scheme, ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4 ay kailangan na ‘off the road’ tuwing araw ng Lunes; 5, 6, 7, 8 tuwing araw ng Martes ; 9, 0, 1, 2 tuwing araw ng Miyerkules; 3, 4, 5, 6 tuwing araw ng Huwebes at 7, 8, 9, 0 tuwing araw ng Biyernes.

 

 

Sa ilalim ng kasalukuyang scheme, ang mga sasakyan na mayroong license plates na nagtatapos sa 1 at 2 ay kailangan na manatili sa bahay tuwing araw ng Lunes; 3 at 4 tuwing araw ng Martes; 5 at 6 tuwing araw ng Miyerkules; 7 at 8 tuwing araw ng Huwebes; at 9 at 0 tuwing araw ng Biyernes.

 

 

“Odd-even scheme will result in 50 percent traffic volume reduction, while the modified number-coding scheme was pegged at 40 percent and the current system at 20 percent,” ayon kay Artes.

 

 

Ang lahat ng coding schemes ay ipatutupad mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

 

 

Sa kabilang dako, ipinanukala rin ni Artes na ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila Artes ay maaaring mag- operate mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon bilang pagsunod sa sinasabing “daylight savings time.”

 

 

Ipinanukala rin nito ang 4-day work week, kung saan ang mga empleyado ay maaaring magtrabaho ng 10 oras para sa apat na araw kada linggo o maaaring magtrabaho ng apat na araw ‘onsite at ‘work at home’ para sa isa pang araw.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na ang panukalang work scheme ay tugon sa hirit ng mga labor groups na pagpapagaan sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo na matindi ang epekto sa mga mananakay.

 

 

Subalit, kinontra naman ito ng adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi nito na ang panukalang four-day work week o hybrid work scheme ay hindi “suitable” o angkop sa lahat ng uri ng negosyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Iba ang satisfaction niya sa ginagawang action scenes… RURU, wala pa ring balak na mag-stunt double kahit naaksidente na

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pa rin daw balak si Ruru Madrid na gumamit ng stunt double para sa mga action scene niya sa Lolong.

 

 

Kahit na naaksidente siya kamakailan, game pa rin ang aktor na sumabak sa mga stunts na di gagamit ng dobol.

 

 

“Sa totoo lang parang hindi pa rin eh. Aksidente ‘yung nangyari eh. But for me, hangga’t kaya ko na hindi mag-double, kung alam ko sa sarili ko na kaya ko gagawin ko pa rin ‘yung eksena kahit na mahirap.

 

 

Kasi iba ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa ‘kin everytime na alam ko sa sarili ko na ako ‘yung gumagawa ng mismong stunt,” diin ni Ruru.

 

 

Bukod sa stunts, nag-training din sa combat sports si Ruru tulad ng Yaw-Yan, Arnis, and iba pa.

 

 

Dagdag pa ni Ruru na magmula pa noong Encantadiadi siya nagpa-double sa mga eksena niya.

 

 

Pero bilang standard procedure, may nakaabang na stunt double para sa mga kumplikadong stunts sa Lolong na may airing date na sa July 2022.

 

 

***

 

 

NAG-TIME out muna at nag-family vacation si Iya Villania kasama ang kanyang pamilya sa Boracay.

 

 

Gusto nila ng kanyang mister na si Drew Arellano na ma-enjoy ng kanilang anak ang summer ngayong puwede na silang ilabas pagkatapos ng tatlong taon.

 

 

Hindi rin nagpaawat si Iya na ipakita ang kanyang baby bump suot ang swimwear na ka-match niya ang kanyang dalawang boys na sina Primo at Leon.

 

 

“Finally got to wear my @ilovekoiswim suit but failed to get a matchy matchy pic with the boys. This mothering with matching outfits is hard ah,” caption ni Iya sa kanyang Instagram.

 

 

Ito raw ang first time nilang bumiyahe ni Drew na kasama ang tatlong anak nila, kaya nataranta daw silang mag-asawa. Pero kasiyahan nilang makitang nag-enjoy ang kanilang mga anak sa bakasyon nila.

 

 

“Struggled with the family pix as much as I struggled with getting the kids out of the swimming pool on our last day. But what a wonderful first trip to Bora for Team Arellano! First time to fly with 3 kids,” sey ni Iya.

 

 

Inamin ng Mars Pa More host na ang ikaapat na pagbubuntis niya ay mas mahirap dahil nakaranas siya ng all-day sickness. Hindi raw tulad sa naunang tatlong bata na magaan ang feeling niya.

 

 

Naisip ni Iya dahil sa 35 years old na siya kaya siguro iba na ang pakiramdam niya.

 

 

“Medyo nagsa-struggle na ako because morning sickness this time around has not been good. Actually medyo all-day sickness. That’s been the hardest part.

 

 

Things that I used to like, hindi ko masyadong like. Even my juices that I would look forward to drinking in the morning and at night, hindi ko rin type,” diin pa niya.

 

 

Kaya ang solusyon ni Iya ay laging mag-exercise para hindi lagi siyang gumagalaw at malaking tulong din daw sa movements niya ang mag-Tiktok.

 

 

***

 

 

INARESTO ang aktor na si Ezra Miller sa Hawaii dahil sa disorderly conduct at harassment.

 

 

Kilala si Miller dahil sa pagganap niya bilang The Flash sa DC Film na Justice League.

 

 

Ayon sa Hawaii County police, nasa isang karaoke bar si Miller kasam ang ilang kaibigan at nanggulo roon: “They began yelling obscenities and became agitated when people began singing karaoke.”

 

 

Habang kumakanta raw ang isang babae, inagaw ni Miller ang microphone at tinamba niya ang isang lalake na naglalaro ng darts.

 

 

Inaresto, kinasuhan, at nakapagpiyansa si Miller sa halagang $500.

 

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng gulo si Miller. Noong 2020 ay may sinakal siyang female fan sa isang bar sa Reykjavik, Iceland.

 

 

Nakunan pa ito ng video at narinig ang aktor na sinasabi na: “Oh, you wanna fight? That’s what you wanna do?” 

 

 

Ayon sa police report, na-confront daw si Miller ng isang group of fans at naging aggressive daw sila kaya nag-react ng hindi maganda ang aktor.

 

 

May reputasyon na short-tempered si Miller at may nag-suggest na dapat sumailalim ito sa anger management therapy.

(RUEL J. MENDOZA)

MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

Posted on: March 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.

 

 

Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong Hunyo 1, 2020.

 

 

Anila, resulta ito nang pagpapatupad ng libreng sakay sa MRT-3 at pagpapatakbo ng 18 unit ng 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.

 

 

Nasa 18 hanggang 21 naman ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line.

 

 

Pinataas din umano nila ang passenger capacity ng bawat tren na kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at mayroong 394 na pasahero kada train car.

 

 

 

Matatandaan na nasa 250,000 hanggang 300,000 mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw bago magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

 

 

Sinimulan namang patakbuhin sa bilis na 60kph ang mga tren ng linya noong Dis­yembre 7, 2020 at nabawasan din ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5-9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 3.5-4 minuto.

 

 

Una nang ipinag-utos nina Pang. Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagkakaloob ng isang buwang libreng sakay sa MRT-3 matapos na makumpleto na ang isinagawang rehabilitasyon sa rail line. (Gene Adsuara)