• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 9th, 2022

Kasama ang Viva Crushes na muling magpapainit sa 10-part series … AJ, wala ng pakialam kapag ginagawan nang maiskandalong isyu

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na pagpipiyestahan na naman ang  kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval (Death of a Girlfriend, Taya, Hugas) sa latest project niya, ang Vivamax Original Series na Iskandalo na mapapanood na simula sa Linggo, April 10.

 

 

Isang sikat na social media personality ang role na gagampanan ni AJ na masasangkot sa viral sex scandal at muli niyang makakasama si Sean de Guzman sa mga daring scenes at base sa trailers, bigay na bigay na naman ang dalawa sa hubaran.

 

 

Ayon kay AJ na wala raw siyang sex scandal at kung meron man, malamang kinuha lang ito sa mga nagawa niyang erotic films.

 

 

Pero aminado naman ang anak ni Jeric Raval na nasangkot na siya sa mga maiskandalong isyu at matapang naman niya itong hinarap.

 

 

Say pa nga niya, wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings.

 

 

Pinag-usapan nga ang pagkaka-link niya kay Aljur Abrenica at hindi pa rin sila tinatantanan ng mga bashers. But in a way, ini-enjoy na lang niya, dahil ibig sabihin nung ay sikat na talaga, kaya palaging pinag-uusapan.

 

 

Samantala, aminado naman ang cult director na si Roman Perez, Jr. (Taya, House Tour, Hugas, Siklo) na may kaba pa rin siyang nararamdaman kapag may mga bago ng project na ipalalabas.

 

 

May pressure daw na mahigitan ang past projects, kaya pinagsisikapan niyang mapaganda at maging maayos ang kalalabasan.

 

 

Sey pa ni Direk Roman, “Swerte ko, magagaling ang artista na kasama ko. Tiyak solve ang viewers sa ‘Iskandalo.’ Kumpleto ito. May sex, may action, may suspense at drama.”

 

 

Makakasama rito nina AJ at Sean ang iba pang Viva Crushes na si Cindy Miranda (Adan, House Tour, Reroute), Ayanna Misola (Pornstar 2; Kinsenas, Katapusan), Angela Morena (X-Deal 2) at baguhang si Andrea Garcia.

 

 

Kasama pang magdadagdag din sa init ang dating FHM cover na si Jamilla Obispo.

 

 

Magsisimula ang kuwento ng Iskandalo sa pagkamatay ng isang sikat na batang artista na masasangkot sa isang viral sex scandal.

 

 

Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foul play ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya? ‘Yan ang iimbestigahan ng isang determinadong lady cop at madidiskubre niyang mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kasasangkutan ng matataas na tao sa lipunan.

 

 

Masusulit ng mga subscribers ng Vivamax ang kanilang panonood ng Iskandalo dahil 10-part series ito. Sampung linggong init at angas ang matutunghayan ng mga ka-Vivamax dahil ito ang scandal na hindi bawal!

 

 

Hindi nga magpapaawat si AJ sa series na ito, kaya’t hindi kataka-taka na siya na ngayon walang duda ang Pantasya ng Bayan ng kasalukuyang henerasyon.

 

 

Syempre, hindi magpapaiwan ang alindog ng mga baguhang sina Ayanna, Angela, at Andrea—kumbaga sa sakuna, Alert Level 5 ang kaseksihan na handa nilang ipakita!

 

 

Matic ‘to, maaadik tayo sa scandal na ‘to. At bakit hindi? Ito ang #ScandalNaHindiBawal

(ROHN ROMULO)

G7 Nation, magpapataw rin ng mga bagong economic sanctions sa Russia

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAISA  rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.

 

 

Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito.

 

 

Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbawal ang anumang bagong investments sa mga pangunahing sekto ng ekonomiya ng Russia, kabilang na ang energy sector.

 

 

Bukod dito ay palalawigin rin nito ang export ban sa ilang mga produkto ng Russia, at hihigpitan din ang mga restriksyon na ipinapatupad sa mga Russian banks at state-owned companies.

 

 

Target din ng G7 nation na pahinain ang kakayahan ng defense sector ng Russia na ipagpatuloy ang ginagawang digmaan ng Russian military, at gayundin din ang pagpapadaw ng parusa sa mga miyembro ng pamila ng matataas na opisyal ng nasabing bansa na sumusuporta sa ginagawang aksyon ni Russian President Vladimir Putin.

 

 

Minamadali na rin nila ang pag-aalis ng kanilang dependency sa Russian oil, lalo na’t kabilang ito sa mga ban na ipatutupad nila upang gipitin ang nasabing bansa.

PH football team makakaharap ang Vietnam sa SEA Games

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY nakikitang pag-asa si Under-23 Philippine football coach Norman Fegidero matapos na maisama sa grupo ang defendin champion na Vietnam para sa 30th Southeast Asian Game sa darating Mayo sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Sinabi nito na unang makakaharap nila ang Timor Leste.

 

 

Wala aniyang gaanong pagbabago dahil sa hindi naman aniya sila nagpalit ng mga manlalaro.

 

 

Bukod kasi sa Vietnam ay kasama nila sa Group A ang Indonesia, Myanmar at Timor Leste.

 

 

Habang ang national women’s football team naman ay nakahanay sa Group A na makakaharap ang Vietnam, Cambodia at Indonesia.

 

 

Magugunitang isinagawa ng draw sa mga grouping sa AFF headquarters sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binata pinagbabaril sa Malabon, dedbol

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TODAS ang isang 20-anyos na binata matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jamaicoh Loren Solis alyas “Maicoh”, ng 654 Gabriel St., Gagalangin Tondo, Manila.

 

 

Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Paros Alley, Block 8, Phase 3, Brgy., Longos.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong Padas Alley, Caloocan City habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala, isang fired bullet at isang metallic fragment mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktima. (Richard Mesa)

ISOLATION POLLING PLACES, PLANONG ILAGAY

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPLANO  ang Commission on Elections (Comelec) na maglagay ng isolation polling places para sa mga botante na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan, sinabi ni Commissioner Aimee Torrefranca-Neri nitong Huwebes.

 

 

Sinabi ni Neri sa isang pulong balitaan na ito ay kabilang sa mga hakbang na pinag-iisipan ng Comelec para matiyak na magiging ligtas ang pagsasagawa ng halalan para sa mga botante sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

“These are the plans in the pipeline for Comelec in COVID-proofing our 2022 national and local elections. Number 1, Comelec to conduct a public simulation of voting in an isolation polling place (IPP),” ayon kay Neri

 

 

“The IPP is said to be utilized in case a voter should exhibit COVID-19 symptoms or any increase in body temperature so he or she could still vote despite these challenges,” dagdag nito.

 

 

Maliban dito, nakatakda ring lumikha ang Comelec ng medical advisory board para magbigay ng karagdagang suporta sa muling pagbisita sa mga alituntunin na nauugnay sa COVID at bumuo ng napapanahon at mas tumutugon na mga patakaran sa gitna ng halalan.

 

 

Ayon kay Neri , inaasahan ng poll body ang humigit-kumulang 67.5 milyong tao — o 60% ng 112-milyong populasyon ng bansa — na pupunta sa mga polling precinct upang bumoto sa Mayo 9. (GENE ADSUARA)

Mga patakbo balikan

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event.

 

 

Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner.

 

 

Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang mga kabaro natin.

 

 

Katatapos lang P3.5M 11th LBC Ronda Pilipinas 2022, ang 11-day, 10-stage bikathon na pinamayagpagan ni Ronald Lomotos at ng team niyang Navy Standard Insurance.

 

 

Kadaraos lang din ng Baguio Trail Half-Marathon & 10K, isa pa nga sa mga nagwagi ang kaibigan kong si Severino ‘Ben’ Alacar.

 

 

Kasama rin ang ilan pa sa pa sa mga naidaos na sa pagkakaalam ng Opensa Depensa ay  ang Milo-Patafa 2022 SEA Games Performance Trials: Road to Hanoi sa PhilSports Complex (dating Ultra) sa Pasig.

 

 

Habang nakatakda naman  sa April 24 sa Angeles City ang 2022 Clark Duathlon Classic – Standard 10k run/40k bike/5k run, at ang 2022 Rock ‘n’ Roll Running Series Manila na may 42K at 21K distances sa June 24, at marami pang iba.

 

 

Sasabak sa dalawang nabanggit na karera ang isa ko pa ring kaibigan, mahusay na runner at running coach na si Nhe Ann Barcena ng Taguig City at Quezon Province.

 

 

Parte ito ng kanyang preparasyon sa world marathon major, 42nd Londo Marathon 2022 sa October 2.

 

 

Nagpapasalamat po ako ang mga kasamahan kong  mga runner sa Poong Maykapal sa pagbababa na ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa.

 

 

Pero mag-ingat pa rin po palagi tayong lahat. (REC)

Pera na kikitain mula sa E-sabong, kailangan – PDu30

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN ng gobyerno ang perang kikitain mula sa online cockfighting operations.

 

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa groundbreaking ceremony para sa OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, sinabi ng Pangulo na pinayagan niya na magpatuloy ang e-sabong dahil naubos at nasaid na ang ibang pondo dahil sa pandemiya.

 

 

“You know in e-sabong—baka magduda kayo, I don’t know anybody there—it is a transaction by PAGCOR [Philippine Amusement and Gaming Corporation]. I have the ultimate word on it because it gives us P640 million a month,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“Kailangan ko ang pera for those expenses na wala sa budget, hindi mo makuha sa budget, so you need money from the outside sources. Ngayon at the end of the year if I have the billions—at P640 million a month ‘yun ang maitulong ko agad [dahil ang] pandemic naubos ang contingency fund ko, pati y’ung intelligence fund, binigyan ko lang yung pulis, pati yung military. Ang sabi ko you just have to work on it,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inulit naman ng Pangulo na maaari niyang suspendihin ang e-sabong kapag napatunayan na may masama itong epekto sa publiko.

 

 

“Saan ako maghanap ng  P640 million a month, so I allowed it. Ang problema ganito. I have heard itong mga ito nagpupusta lahat, nagsasangla na para magpusta, ‘yun ang sabi ng taga-labas. If it is true, hihintuin ko ‘yan, masigurado ninyo. Before I go I will stop it kung totoo, but I have to sacrifice I said the billions that you would have earned kung nandyan ‘yan,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“So it’s a police work. Magtrabaho kayo, solve the crime, kahit sino man diyan you have mentioned so many personalities there and all are capable of doing it because they have criminal mind,” aniya pa rin.

 

 

Matatandaan na marami nang mga mambabatas at grupo ang umapela na itigil muna ang operasyon ng e-sabong, matapos mawala ang nasa mahigit 30 sabungero simula noong nakaraang taon.

 

 

Nabatid na naghain na ang Philippine National Police (PNP) Special Investigation Group Sabungero (SITG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng reklamong kidnapping at serious illegal detention laban sa pamunuan at security personnel ng cockfighting arena. (Daris Jose)

Nag-post ng madamdaming birthday message: SHARON, umaasa na isang araw ay muli silang magkakasama ni KC

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST ng madamdaming mensahe si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang primera princesa na si KC Concepcion na nag-celebrate ng 37th birthday last April 7.

 

 

Kalakip sa kanyang IG post ang throwback back photos nila ni KC at video na mula sa concert niya na kung saan batam-bata pa ang anak nila ni Gabby Concepcion.

 

 

Sinimulan ni Sharon ang kanyang mensahe sa salitang Espanol, “Feliz cumpleaños, mi hijo mayor y mi hija, mi primera princesa, pequeña reina y mi bebé para siempre, la princesa KC.”

 

 

Pagpapatuloy niya, “So much has been said, so much yet to say. So much has happened, so much has changed. Still, know that there is a huge chunk of my heart that is missing, empty without you. I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make.

 

 

“I will be here, constantly praying for you, wishing things were different, that you didn’t have to grow up too fast – that the pain of your family breaking up didn’t have to happen nor burden you.

 

 

“Again, none of it was your fault. Your Papa and I have always and will always love you though he and I are apart. And your Daddy and siblings – and your Mama – shall always be your real home. I love you, Kristina.

 

 

“God bless you and guide you through your life, my beautiful big girl. One day, we will all be together and it will all be wonderful again. Have a beautiful birthday!”

 

 

Sa isa pa niyang IG post, say ni Mega, “For La Princesa Kristina. Happy Birthday! I wish you happiness, peace, the tying up of loose ends, and I wish you all that your heart desires. Please take care of yourself and remember that Mama loves you – no matter what – and that you have a family in us always just waiting for you to come home. @kristinaconcepcion.”

 

 

Comment naman ni KC sa birthday messages ng kanyang Mama Sharon, “Very sweet of you to message me this mom. I really appreciate it. Thank you.”

 

 

Samantala, may maganda balita naman si KC sa kanyang birthday post.

 

 

Say ng singer/actress, “Because it’s April 7th in the Philippines!!!  Being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself… Please, do what makes you happy- what makes you feel alive!!!

 

 

“Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves.

 

 

“HBD TO ALL APRIL BABIES OUT THERE!!! Love ko kayo!
“Love, KC.”

(ROHN ROMULO)

400 accounts sa social media, tinanggal

Posted on: April 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.

 

 

Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos iba­ling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social media ang kanilang kampanya.

 

 

Ayon sa Meta, na nasa likod ng Facebook, Ins­ta­gram at WhatsApp, naobserbahan nila ang ilang trends na gumagamit ng mga ‘less sophisticated strategies’ o “spam-like” behaviors hinggil sa halalan.

 

 

Mayroon ding ‘context switching’ o ang pagpapalit ng Facebook focus upang maparami ang kanilang audience, mula sa pagiging non-political ay naging political at vice-versa.

 

 

“One Page that mainly shared non-political dance videos renamed itself to become “Bongbong Marcos news,” while another Page that started off as supporting a politician later changed its name to “Your Financial Answer” and began posting loan advice,” pahayag pa ng Meta sa isang blog post.

 

 

Mayroon din anilang mga ‘deceptive efforts’ o yaong grupo na nagpapanggap na miyembro ng mga komunidad sa Pilipinas at tinatangkang pagkakitaan ang halalan sa pamamagitan nang pagbebenta ng mga merchandise o sinusubukang papuntahin ang ibang tao sa ibang websites.

 

 

Sinabi rin ng Meta na sa pagpapaskil ng paid ads, kailangang kumpirmahin muna ng mga advertisers ang kanilang pagkakakilanlan, gayundin ang kanilang lokasyon upang maging transpa­rent ito.

 

 

Paglilinaw naman ng Meta, ang lahat ng kanilang mga polisiya ay nakatuon sa pag-uugali at kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa platform at hindi base sa content o politicial inclinations ng mga ito. (Daris Jose)