• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 21st, 2022

Rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil search sa WPS, hiniling

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng Department of Energy (DOE) ang rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil exploration activities sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Ang pahayag na ito ay matapos na ang oil at gas firm PXP Energy Corp. ay inatasan na itigil ang kanilang exploration activities sa kanilang service contracts sa WPS hanggang sa makakuha ito ng clearance mula sa Security, Justice, and Peace Coordinating Council (SJPCC), isang government cluster na nangangasiwa sa political, diplomatic, at national security concerns.

 

 

“The DOE is still waiting for the decision on its requests for reconsideration,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.

 

 

Ipinag-utos kasi sa DOE, noong Abril 6, ang suspensyon ng PXP Energy’s exploration activities para sa Service Contracts 72 at 75, dalawang sites off Palawan province, nakabinbin naman ang SJPCC’s approval.

 

 

Ang clearance mula sa SJPCC ay isang pre-condition sa kahit na anumang oil exploration sa WPS, “given the political, diplomatic and national security implications of any activity in the strategic waters.”

 

 

Ang paliwanag pa ni Andanar, ang oil search ay ipinagpaliban bilang pagtalima sa desisyon ng SJPCC.

 

 

“The survey was held in abeyance because of the decision of the Security, Justice, and Peace [Coordinating] Cluster or SJPC[C] in the Cabinet,” ayon kay Andanar.

 

 

Gayunman, sinabi ni Andanar, na hiniling na ng DOE ang agarang pagpapatuloy ng mga aktibidad para i-explore at exploit ang resources sa WPS.

 

 

Tinukoy din nito na iginiit ng DOE na ang geographical survey sa WPS ay “perfectly legitimate activity.”

 

 

“The DOE already asked the SJPC to reconsider the decision and to immediately allow the survey. The DOE sought reconsideration on the ground that under international law, a geophysical survey is a perfectly legitimate activity in any disputed area,” ayon kay Andanar. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PH weightlifting team target na makakuha ng mahigit 2 gintong medalya

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Philippine weightlifting team na makakuha ng hindi bababa sa dalawang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo 12-23.

 

 

Pangungunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang nasabing weightlifting team na magdedepensa ng kaniyang women’s 55 kg division.

 

 

Makakasama niya sa womens division sina Mary Flor Diaz para sa 45 kg, Rosegie Ramos para sa 49 kg, Margaret Colonia para sa 59 kg, Elreen Ann Ando para sa 64 kg, Vanessa Sarno para sa 71 kg at Kristel Macrohon para sa +71 kg.

 

 

Mangunguna naman sa men’s team si Olympian Nestor Colonia para sa 67 kgs kasama sina Fernando Agad Jr. para sa 55 kg, Rowel Garcia para sa 61 kg, Lemon Denmark Tarro para 73 kg, John Paul Padullo para sa 89 kg, at John Dexter Tabique para sa +89 kg.

 

 

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na maaring magkaroon ng limang gold medal ang nasabing weightlifting team.

Tadtad na naman ng diamonds tulad nang nauna: REGINE, ‘di napigilang ipagmalaki ang pa-birthday na singsing ni SHARON

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KITANG-KITA nga ang kaligayahan ni Megastar Sharon Cuneta na muli niyang nakasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa naganap na presscon para sa pagbabalik ng Iconic concert.

 

 

Sa IG post ni Mega, “After 3 long years I finally got to see and spend time with my beloved Nana (Regine) yesterday during the presscon for our coming “ICONIC” concert happening on June 17 & 18 at the Marriott Grand Ballroom, Resorts World Manila.

 

 

“It was wonderful spending time with members of the press as Nana & I laughed and talked and shared our experiences over the 3 year period that we were apart. God bless you, everyone! I pray that you all stay safe and well.”

 

 

Dagdag pa niya, “New episode out now!
#IconicRWManila #Iconic.”

 

 

Sagot naman ni Regine, “Basta ate tandaan mo I love you kahit maging soon a superstitious belief na tayo.”

 

 

Na nireplyan naman ni Sharon ng, “@reginevalcasid Ahahahahahahahaha! Nanaaaaaaa!!! Sabi sayo paranormal experience muna tayo bago superstitious belief eh!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! I love you so much!!!”

 

 

Sa IG post naman ni Regine, hindi talaga napigilang ipagmalaki ang regalong singsing ni Mega na pinusuan ng netizens.

 

 

Say niya, “Ito na nga may pa berday ang ate ko na mahal na mahal ako!!!!!!  #yesmaysarilikamingmundo @sharoncunetanetwork thank you ate kong mahal na mahal ko @reallysharoncuneta.”

 

 

Kaya naman super react ang netizens sa pinost ni Regine sa pagiging generous ni Sharon sa kanyang nagiging malapit na kaibigan:

 

 

“Nakakarami na tong si Regine kay Mega lol. Sana all!”

 

 

“Tadtad na naman ng diamonds! Aba Regine nakapang budol ka na naman!”

 

 

“I know she also loves mega but it’s kind of awkward to say nothing about how you feel about the person. I don’t know… But this is just my take.”

 

 

“She said that mahal na mahal din niya si Mega. Ano ka diyan!”

 

 

“Super generous talaga si sharon sa friends nya kaya minsan na abuso ng iba. I remember comedian Chokoleit naging close kay sharon nung na raid yung car nya for tv show ang daming branded na bags sapatos basta ba lang daw binibigay ni sharon.”

 

 

“True. Kaya nga unfair na ginamit un special child issue sa kanya. Issue na di naman kinagat. Si Sharon 90s pa lang tumutulong na sa simbahan, special children, etc. Sa Yolanda siya lang nagbigay 10M cold cash. Di na nagpa-donation drive o benta ng lumang damit. Si KC nagbigay 5M cash.”

 

 

“That donation is tax write off naman. Kesa ibayad mo sa tax, I-donate mo na lang. Nakatulong ka pa! Smart Mega! Very helpful pa!”

 

 

“Nauna siyang tumulong! You can never twist the story. Di ganun si Mega! Sadyang matulungin siya!”

 

 

“Mukhang generous nga tlaga c Mega medyo brat at pabebe pero kunting preno lang sa socmed at ok nman sya.”

 

 

“She is! Very generous she helps our animal shelter. Social media just ruined her reputation but she’s a good person above all.”

 

 

“Leave her alone. Don’t follow her if you don’t like her. It’s as easy as that!”

 

 

Pabirong sabi pa ng isang netizen, “Mukhang bubuohin ni Ate Shawie ang mga daliri sa kamay ni Ate Reg! Walo na lang guys!”

 

 

At may nag-wish pa ng, “Sana gawan naman sila ng movie together! Kesa concert na wala namang makakaalala after 10 years!”

(ROHN ROMULO)

Deployment ban sa Ethiopia, partially lifted na- Andanar

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“Partially lifted” na ang deployment ban ng Overseas Filipino workers sa Ethiopia.

 

 

Ito ang inanunsyo ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar base sa inilabas na resolusyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) makaraang ibaba sa Alert Level 2 ang Ethiopia mula sa dating Alert Level 4.

 

 

“Government has partially lifted the ban on the deployment of OFWs to Ethiopia based on board resolution made by the POEA. This after the Alert Level in Ethiopia was lowered from 4 to 2,” ani Andanar.

 

 

Matatandaang noong Nobyembre 2021 nang ideklara ng POEA ang total deployment ban sa Ethiopia matapos na itaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 4 ang sitwasyon doon.

 

 

Sa ulat, sa Alert Level 4, isasagawa na ang evacuation at mandatory repatriation ng mga Pinoy.

 

 

Sinasabing ang kaguluhan sa Ethiopia ay bunga ng laban ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF) at Federal Government of Ethiopia. (Daris Jose)

Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DISMISSED sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong.

 

 

“As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and none of the disqualifications under the 1987 Constitution and relevant laws. As such, the dismissal of this Petition is in order,” wika ng resolusyon.

 

 

“WHEREFORE, premises considered, the instant Petition is hereby DENIED for LACK OF MERIT.”

 

 

Kasama sa mga lumagda sa naturang ruling ay sina Presiding Commissioner Socorro Inting, Commissioner Aimee Ferolino at Commissioner Aimee Torrefranca-Neri.

 

 

Ilan sa mga ipinupunto ng grupong Pudno Nga Ilokano sa petisyon ang tax case conviction ni BBM, anak ng napatalsik na dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dahil sa kabiguan ng nauna na maghain ng kanyang income tax returns.

 

 

Ang naturang kaso ay inihain mismo ng isang grupong nagmula sa Rehiyon ng Ilocos, na kilalang balwarte ng mga Marcos.

 

 

Sa kabila nito, pending pa rin at inaapela sa Commission en banc ang isang petisyon para kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC) pati na ang isang consolidated disqualification petition.

 

 

“A decision in these cases, the consolidated cases as well as the case with motion for reconsideration will be decided before the election, but earlier, even before the end of April,” ani Comelec Commissioner George Garcia noong ika-24 ng Marso.

 

 

Nananatiling nauuna sa pre-election survey ng Pulse Asia si Marcos at kanyang vice presidential candidate sa ilalim ng UniTeam na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Si Duterte-Carpio ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

“Full fuel subsidy” para sa Agri sectors, hiling

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING  nanawagan ang grupong Anakpawis na “full fuel subsidy” na nagkakahalaga ng P15,000 sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ang pahayag ng grupo ay kasunod na rin sa panobagong pagtaas sa presyo ng gasoline na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis simula ngayong Martes Abril 19, na ika-13 increase ngayon taon.

 

 

Sinabi ni Rafael Mariano, Anakpawis National Chairperson na maraming magsasaka at magingisda ang hindi pa nakakatanggap sa ipinangakong fuel subsidy ng gobyerno.

 

 

Tinukoy ng dating agrarian reform secretary ang P500 million fuel subsidy ng Department of Agriculture (DA), na sumasakop lamang sa 5% o 79,000 ng total registered na mangingisda at 87, 000 corn farmers sa bansa.

 

 

Marami aniyang mangingisda ang napilitang tumigil dahil sa mataas na presyo ng krudo. Malaki rin ang lugi na dinaranas ng mga magsasaka.

 

 

“Even by government’s account, there are about 1.7 million registered fisherfolks on its registry system. But only 79, 000 will be able to receive this fuel assistance which is not only realistically insufficient, but remains elusive until now,” ani Mariano.

 

 

Batay sa pag-aaral ng fishers’ group Pamalakaya, sinabi ng Anakpawis na ang maliliit na mangingisda na regular na kumukunsumo ng 10 liters ng diesel kada biyahe ay kailangang maghanda ng P650 bawat fishing trip dala na rin sa halaga ng diesel na P65 per liter, o total P10,400 kada buwan para sa 16 na fishing trips.

 

 

Inihayag pa ni Mariano na ang masasakop ng P15,000 production subsidy ang dalawang buwan na fuel expenses ng maliliit na mangingisda kung naipamahagi ito ng maaga. (ARA ROMERO)

Pope Francis nagpaabot ng pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyong Agaton

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pagkakaisa at pagkaawa si Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Agaton sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

 

 

Sa kanyang sulat na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin ang Secretary of State, kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nakasaad doon ang pakikidalamhati ng Santo Papa sa mga biktima ng bagyo.

 

 

Tiniyak nito ang pagdarasal sa mga nasawi at nasugatan ganun ang mga nawalan ng tahanan at hangad nito ang agarang paggaling.

 

 

Magugunitang aabot sa mahigit 100 na ang nasawi dahil sa bagyong Agaton kung saan karamihan sa mga dito ay mga nakatira sa Eastern at Western Visayas.

‘P90-M na bayad sa Smartmatic, ‘hold’ muna, pending data breach issue’

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pababayaan ang isyu ng data breach kontra sa Smartmatic, kahit abala sila sa paghahanda sa halalan.

 

 

Matatandaang nakaladkad ang technology provider dahil dating tauhan ng kumpanya ang iniuugnay sa isyu at pasilidad pa nila ang ginamit sa paglalabas ng impormasyon.

 

 

Kaya naman nangako si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na habang wala pang resolusyon sa naturang kontrobersiya, kanila munang iho-hold ang P90 million na bayaran sa kompaniya.

 

 

“So far, we have not put in any of these except to withhold payment to Smartmatic. I have not signed the voucher for the payment to Smartmatic in amount of P90 million pursuant to our contract because we want to clear this matter about this leakage… of some data,” wika ni Pangarungan.

 

 

Maliban dito, may iba pang mga hakbang na inihahanda ang legal department ng poll body laban sa Smartmatic.

 

 

Pero kung masisiguro umano na inosente ang technology provider, ibibigay din naman ng komisyon ang kaukulang bayad para sa nasabing kompaniya.

 

 

“Once we are convinced that Smartmatic is innocent about this leakage of the data,” pahayag pa ng opisyal. (Daris Jose)

Ads April 21, 2022

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Warner Enjoys Box-Office Dominance with Back-to-Back Hits ‘The Batman,’ ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’

Posted on: April 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

The Batman” shattered records in March.  Then, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” scored a magical $193.4-M over the weekend, worldwide. 

 

 

And just like that, Warner Bros. Pictures is enjoying its best box-office season in years, with no signs of slowing down.

 

 

While receipts for the latest “Fantastic Beasts” movie are still coming in, Warner is celebrating the triumph of “The Batman” which has flown past $750-M at the global box office.  The film has maintained its top spot as the highest-grossing film of the year, both in the U.S. and worldwide.

 

 

Earning widespread praise from critics and audiences alike, director Matt Reeves’s powerful new vision of the globally iconic DC Super Hero has taken in $365 million in U.S. receipts and $386 million internationally, and is still going strong.

 

 

In the Philippines, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” likewise opened at No.1 for the two-day April 16-17 frame, capturing a market share of 63%. Together with “The Batman” which is still playing in local theaters, Warner is dominating the market with an over-all 68% share for the same period.

 

 

“We couldn’t have started the year better,” said Francis Soliven, General Manager of Warner Bros. Philippines. “`The Batman’ and the new `Fantastic Beasts’ are consecutive blockbusters for Warner this early in 2022, and we owe it to the local moviegoers who, despite the challenges, have trooped back to the theaters.”

 

 

For the rest of 2022, Warner is betting on Baz Luhrmann’s epic musical “Elvis,” the animated superhero comedy “DC League of Super-Pets,” the horror-thriller “Salem’s Lot,” the psychological thriller “Don’t Worry, Darling” and the superhero tentpoles “Black Adam” and “Shazam: Fury of the Gods.”

 

 

Warner Bros. Pictures’ “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” is the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.

 

 

Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the wizarding world.  Unable to stop him alone, he entrusts Magizoologist Newt Scamander (Eddie Redmayne) to lead an intrepid team of wizards, witches and one brave Muggle baker on a dangerous mission, where they encounter old and new beasts and clash with Grindelwald’s growing legion of followers.  But with the stakes so high, how long can Dumbledore remain on the sidelines?

 

 

The film features an ensemble cast led by Oscar winner Eddie Redmayne (“The Theory of Everything”), two-time Oscar nominee Jude Law (“Cold Mountain,” “The Talented Mr. Ripley”), Ezra Miller, Dan Fogler, Alison Sudol, Callum Turner, Jessica Williams, Katherine Waterston, and Mads Mikkelsen.

 

 

“Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” was directed by David Yates, from a screenplay by J.K. Rowling & Steve Kloves, based upon a screenplay by J.K. Rowling.  The film was produced by David Heyman, J.K. Rowling, Steve Kloves, Lionel Wigram and Tim Lewis.  Neil Blair, Danny Cohen, Josh Berger, Courtenay Valenti and Michael Sharp served as executive producers.

 

 

Warner Bros. Pictures presents a Heyday Films Production, a David Yates film, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” now playing in Philippine theaters.  The film is distributed worldwide in select theatres and IMAX by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #SecretsOfDumbledore

 

(ROHN ROMULO)