ILANG araw na lamang ang ipaghihintay ng Kapuso Power Couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, at masisilayan na nila ang kanilang baby girl.
Kaya naman naging aligaga na ang mag-asawa, especially si Jennylyn, sa maternity photo shoot niya, at siyempre pa, sinamahan din siya ni Dennis for some playful couple snaps with celebrity fashion photographer na si BJ Pascual.
Ipinakita na ni Jennylyn ang kanilang latest DenJen vlog, ng behind-the-scenes footage of her maternity shoot at poses naman nila ni Dennis, ganoon din ang mga formal pictures and retro-style outfits photos nila together.
Marami na ang naghihintay sa coming baby girl nila, bukod kina Dennis at Jennylyn, at ang mga teenage boys nilang sina Calix at Jazz
***
MAY magandang nabuong friendship between Kapuso actresses Sanya Lopez and Maxine Medina, na sa first season ng First Yaya ay magkalaban sila sa puso ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), pero sa season two ng First Lady, ay si Lorraine (Maxine) na ang personal secretary niya at si Melody (Sanya) na nga si First Lady.
Today, April 22 ay balik-lock-in taping ang buong cast ng First Lady after nilang mag-break for three weeks.
Pero bago sila nag-start ng taping, magkasamang pumunta sina Sanya at Maxine sa La Salle Greenhills, para manood ng basketball game between Mapua Cardinals at College of Saint Benilde Blazers sa NCAA Season 97.
Paborito raw nilang player si AJ Benson, kaya nagkakilala silang tatlo. Alumna si Maxine ng De La Salle College of Saint Benilde kaya sabi niya kay Sanya, mahusay na player si Benson.
Kaya naman tutok sa panonood sina Sanya at Maxine at nag-cheer sila para sa team ni Benson, ang Blazers.
Iyon nga lamang, natalo ang Blazers ng Cardinals, kaya nag-sorry raw si Benson sa kanila.
Pero pinalakas naman nina Sanya at Maxine ang kaniyang loob sa pagsasabing, “there’s always a next time.”
Hindi kaya iyon ang huling pagkikita nina Sanya at Benson?
Ilang weeks pa rin ang lock-in taping ng First Lady, kaya marami pang aabangan ang mga viewers nito gabi-gabi after 24 Oras sa GMA-7.
***
MAY magandang balita ang All-Out Sundays sa mga fans and viewers nila dahil ibabalik na ng show ang live audience every Sunday, sa AOS Studio, na ginaganap sa GMA Network Annex.
Kailangan lamang sumunod ang mga gustong manood sa mechanics ng show.
Open ito para sa fully vaccinated individuals, 18 years old and above. Limited lamang ang seats, kaya kailangang mag-register nang maaga para sila makapasok.
Ang mga nagpa-register ay makakatanggap ng notifications via SMS and e-mail, na siyang ipi-present sa gate para makapasok sa studio, kasama ang vaccination card at one (1) valid government ID.
Makakapasok lamang ang audience sa designated schedule nila. No walk-ins allowed.
Sumunod lamang sa mga health protocols: No mask, No entry. No food and drinks allowed (except water). Any violator will be asked to leave the studio premises immediately.
This Sunday, muling ilo-launch ang 17 new members ng “Sparkada,” na binuo ng renowned Starmaker na si Mr. M, nakitaan daw sila ng ‘It Factor,’ that makes them unique, interesting, and attractive.
In fact, ilan sa kanila ay napapanood na sa ilang shows ngayon sa GMA Network.
***
DON’T miss ang final episode today, nang pinag-uusapang GMA Afternoon Prime drama series na Little Princess ni Jo Berry.
Ang hinihintay din ng mga viewers, kung sino ba ang makakatuluyan ni Princess, si Damien (Juancho Trivinio) o si Jaxon (Rodjun Cruz). Will it be a happy ending din sa tunay na magulang ni Princess, sina Marcus (Jestoni Alarcon) at Elisse (Angelika dela Cruz).
Ano ang parusa kina Odessa (Geneva Cruz) at Adriana (Gabrielle Hann) sa kasamaang ginawa nila sa mag-anak ni Marcus?
Pasasalamat po mula sa buong cast ng Little Princess sa inyong panonood!
(NORA V. CALDERON)