• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 25th, 2022

Bulacan, nakapagbakuna ng higit 5 milyong doses ng bakuna kontra COVID

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang 5,240,671 doses ng bakuna laban sa COVID-19 kabilang ang una at ikalawang dosis, single doses, at booster shots noong Abril 17, 2022.
Ayon sa covid19updates.bulacan.gov.ph website, 2,281,195 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 2,418,385 naman ang tumanggap ng kanilang unang doses.
Tinatayang 75.68% ng 3,014,027 o 80% ng populasyon ng Bulacan ngayong 2022 ang kumpleto na ang bakuna.
Dagdag pa rito, nakapagbakuna na ang lalawigan ng 541,091 indibidwal para sa kanilang booster o karagdagang dosis.
Patuloy na pinaalalahanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang mga nasasakupan na huwag magpabaya dahil hindi pa rin nawawala ang COVID at mayroon pa ring mga tao na nakakakuha ng virus.
“Hindi po ibig sabihin na mababa na ang ating mga kaso ng COVID ay tuluyan na po natin itong natalo. Maaaring maluwag po ang mga restriksyon sa ngayon ngunit babalik tayo sa paghihigpit na naranasan natin noong nakalipas na dalawang taon kung hindi tayo mag-iingat. Kaya naman po, ang hiling ko sa inyo ay lubusan pa rin po tayong mag-ingat, patuloy na magsuot ng face masks at sundin ang minimum health protocols upang tuluy-tuloy na ang ating maging tagumpay laban sa pandemya,” anang gobernador.
Mula Marso 1, 2022 hanggang sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang lalawigan.
Samantala, naitala ng Provincial Health Office-Public Health ang 4 na karagdagang kaso ng COVID noong Abril 18, 2022 na dumagdag sa bilang ng aktibong kaso na 56.
Simula nang pandemya, nakapagtala ang Bulacan ng kabuuang 109,360 beripikadong kaso ng COVID-19, 107,627 na paggaling, at 1,677 na pagkamatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Presyo ng petrolyo sisipa sa higit P3

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG  sumipa sa mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang aabot ng hanggang P3.50 sa gasolina.

 

 

Ang inaasahang fuel prices ay dulot umano ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

Batay sa pagtaya, aabutin ang taas sa diesel mula P3.80 hanggang P4.10 kada litro, sa gasolina ay P3.10 hanggang 3.50, kerosene P3.40-P3.60 kada litro.

 

 

Sa oil price hike, mas malaki ang taas sa presyo ng diesel kaysa gasolina batay sa net increase.

 

 

Sa mga nakalipas na taon, ang presyo ng gasolina ang palagiang tumataas.

 

 

Samantala, patuloy naman ang pagkakaloob ng pamahalaan ng fuel subsidy sa mga pampasaherong drivers.

 

 

Tulong ito ng gobyerno para mabawasan ang gastos sa pagkakarga ng gasolina sa kanilang pamamasada sa araw-araw.

 

 

Samantala hindi pa napipirmahan ng Comelec ang resolusyon ng LTFRB na nagkakaloob ng fuel subsidy sa delivery riders dahil apektado ng Comelec ban ang ginawang pag-apruba dito ng LTFRB. (Daris Jose)

Imbestigasyon sa naudlot na town hall pres’l at vice pres’l debate, tatapusin ngayong linggo – COMELEC

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng Commission on Elections (COMELEC) na makumpleto ang imbestigasyon sa panghuli na sanang presidential and vice presidential debate ngayong April 23 at 24 na kapwa town hall format, ngunit ipinagpaliban sa susunod na linggo.

 

 

Kaugnay ito ng kabiguan ng kanilang partner na Impact Hub na bayaran ang Sofitel Plaza na siyang ginamit bilang hotel venue sa mga naunang naidaos na debate.

 

 

Sa isang panayam, inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia na umapela si Commissioner Rey Bulay na siyang nangunguna sa imbestigasyon na bigyan siya hanggang April 30 para aralin ang magiging paliwanag ng mga concerned parties.

 

 

Hindi aniya papalpampasin ang kontrobersya lalo’t napahiya rin mismo ang COMELEC.

 

 

Maasahan aniya na kapag napatunayang may sala ang kanilang partner, pwedeng kanselahin ang kontrata, magiging blacklisted din ang kompanya, at posibleng sampahan ng reklamo.

 

 

Sa inilabas na pahayag ng Impact Hub Manila na siyang nasa likod ng PiliPinas Debate 2022: The Turning Point, wala anilang kinalaman ang COMELEC sa naging aberya nila sa venue deal.

 

 

Kasunod ito ng rebelasyon ng hotel management na tumalbog ang tseke na inisyu sa kanila ng debate organizer kung saan umaabot umano sa P14 million ang hindi pa nababayaran.

 

 

Sa darating na April 30 at May 1 ang bagong petsa ng pinal na Comelec-organized vice presidential at presidential debates.

 

 

Una nang inihayag ni COMELEC spokesman James Jimenez na ang town hall format ay ‘yaong mayroong audience na mabibigyan ng pagkakataon para makapagtanong sa mga kandidato. (Daris Jose)

‘Never-say-die spirit’ buhay na buhay – Cone

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang nag-akalang hindi maidedepensa ng Barangay Ginebra ang kanilang korona dahil sa pagiging No. 6 team matapos ang elimination round at ilang injuries sa mga key players.

 

 

Ngunit noong Biyernes ng gabi ay muling tinalo ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa championship series para pagharian ang PBA Governors’ Cup sa ikaapat na pagkakataon sa huling limang edisyon nito.

 

 

“It was a little bit s­hocking for us because we were so far down at one point and reached the bottom of the barrel,”  sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa Ginebra.

 

 

Tinapos ng Gin Kings sa 4-2 ang kanilang best-of-seven title showdown ng Bolts tampok ang 103-92 panalo sa Game Six kamakalawa na sinaksihan ng 20,224 fans sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Sinibak ng No. 6 Ginebra ang No. 3 TNT Tropang Giga, 115-95, sa quarterfinals bago pinatalsik ang NLEX, 4-1, sa kanilang best-of-five semifinals duel para itakda ang Finals rematch sa Meralco.

 

 

Laban sa Bolts, bumangon ang Gin Kings mula sa 1-2 agwat sa serye para agawin ang Game Four, 95-84, Game Five, 115-110, at Game Six, 103-92, at angkinin ang ika-14 PBA championship.

 

 

“We have a very ve­teran team, a great veteran leadership and they really stepped up and showed the never-say-die spirit,” sabi ng 62-anyos na si Cone kina Best Import Justin Brownlee, Best Player of the Conference Scottie Thompson, guard LA Tenorio at Christian Standhardinger.

 

 

Naidepensa ng Ginebra ang kanilang titulo nang wala sina injured Stanley Pringle, Japeth Aguilar at Jared Dillinger.

 

 

“This conference is special in a lot of ways… due to the pandemic,” wika ng 33-anyos na si Brownlee. “There’s a lot of things going on and for us to comeback in the Philippines and win a championship is a great feeling.”

 

 

Sa PBA Season 47 sa Hunyo ay muling pupuntiryahin ng Ginebra ang Philippine Cup crown na inagaw sa kanila ng TNT noong nakaraang taon.

LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET).
Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
“Free rides would be provided by PUVs from the North Luzon Express Terminal going to Araneta Center in Cubao and from NLET going to the Paranaque Integrated Terminal Exchange,” wika ng LTFRB.
Magsisimula ang unang biyahe ng 1:00 ng umaga at matatapos ng 12:00 ng hatinggabi. Sinigurado ng LTFRB na maglalagay sila ng sufficient na bilang ng mga PUVs upang masiguro ang ligtas at walang problemang paglalakbay ng mga pasahero.
Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng libreng sakay sa EDSA carousel at ibang ruta. Inaasahan na ang programa ay makakapagbigay ng serbisyo sa may mahigit na 93 million na pasahero.
Ating matatandaan na naputol ang nasabing programa subalit muling binalik nitong nakaraang linggo lamang upang makatulong sa mga PUV drivers at operators ngayon panahon ng pandemya.
“The Service Contracting Program also aims to provide financial support to transport service providers and workers through a performance-based payout system. Under the program, drivers and operators will be paid by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) based on the maximum based on the maximum trips made per week, with or without passengers and in compliance with the agreed-upon performance indicators,” dagdag ng LTFRB.
 Ang programa ay may pondong P7 billion para sa Phase 3 ng Service Contracting kung saan ang Department of Budget and Management (DBM) ay naglaan ng pondo.
Sa ilalim din ng programa sa service contracting, ang PUV operators ay bibigyan ng one-time incentive na P5,000 kada unit bilang “pre-operating costs.” Habang ang operational incentives ay ibibigay kada linggo. Kasama dito ang mga gastos para sa fuel expenses, disinfection, at monthly amortization at iba pang overhead expenses kung saan ito ay babayaran din ng pamahalaan.
Ang programang ito ay inilungsad sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na “Bayanihan To Recover as One Act” kung saan ito ay naglalayon na magbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga mangagawa sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pandemya.
“The latest implementation of the program was included in the General Appropriation Act (GAA) for the Fiscal Year 2022 and aims to ensure efficient and safe operations of PUVs, provide financial support to transport operators and workers, and sustain support to Filipino workers and commuters,” ayon pa rin sa LTFRB.  LASACMAR

House-to-house vaccinations ‘di pa rin nakakadagdag sa bilang ng mga nabakunahan – DOH

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
Patuloy na nahihirapan ang gobyerno sa pagbabakuna ng mas maraming indibidwal para sa COVID-19 kahit na bahay-bahay na ang kampanya.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, bagama’t naging matagumpay ang departamento sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga naturukan, kailangan pa rin nitong gumamit ng higit pang mga estratehiya upang madagdagan ang mga pagbabakuna sa ibang mga lugar na may mababang turn-out.
Aniya, lahat ng areas sa bansa ay nag-house-to-house kung saan ang latest special vaccinations days ay ginawa sa Negros Occidental, Negros Oriental, buong Region 2.
Dagdag pa nito na frustrations ng ibang health care workers ay madaming pumunta, nag-house-to-house ngunit kaunti lang ang nagpapabakuna.
Magkakaroon ng mga espesyal na lugar ng pagbabakuna sa rehiyon ng Bangsamoro, na may mababang saklaw ng bakuna.

Mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 polls ni ‘re-assign’ sa ibang lugar – PNP chief

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang pag re-assign sa kanilang mga Police personnel na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 national and local elections.

 

 

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang nasabing hakbang ay para maiwasan na masangkot sa partisan politics ang kapulisan.

 

 

Sinabi pa ni PNP chief na kanilang hinimok ang kanilang mga personnel na ideklara kung may mga kamag-anak silang tumatakbo sa halalan subalit yung mga hindi nagdeklara ay ire-relieved sa kanilang pwesto.

 

 

Inihayag din ni PNP chief na nasa 16,000 police personnel ang sumasailalim ngayong sa training para magsilbing dagdag pwersa sa ground para sa nalalapit na halalan.

 

 

Idi-deploy din ng PNP ang kanilang mga administrative staff para tumulong sa pagbibigay seguridad.

 

 

Siniguro ni Carlos na 100 percent handa na ang PNP sa pagbibigay seguridad sa May 9,2022 elections. (Daris Jose)

Mga dumalo sa 57th birthday campaign rally ni Robredo umabot sa mahigit 420-K

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO sa mahigit 420,000 bilang ng mga indibidwal na dumalo sa ginanap na campaign rally kasabay ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

 

 

Ayon sa local event organizers ng naturang rally, umabot sa 420,000 ang kabuuang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo ang dumalo sa #ArawNa10to rally na ginanap sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

 

 

Sabay na hinarap ito ng tambalan nina Robredo at Sen. Kiko Pangilinan kasama rin ang iba pang mga personalidad na sumusuporta sa kanila.

 

 

Present dito ang tatlong anak ng bise presidente na sina Aika, Jillian, at Tricia Robredo, gayundin sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs, at iba pang artista tulad nina Julia Barretto, Angel Locsin, Jolina Magdangal, Rivermaya, Ben & Ben, APO Hiking Society, Maricel Soriano, Gab Valenciano, at ama nitong si Gary Valenciano. Mahigit 50 bilang ng celebrities ang nakiisa at naging highlight ang ng endorso sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

 

 

Dito ay isa-isa rin na inilatag ng Leni-Kiko tandem ang kani-kanilang plataporma, panawagan, at layunin para sa bayan.

 

 

Samantala, magugunita na nakapagtala rin ang kampo ni Robredo ng nasa 220,000 na mga tagasuportang dumalo sa ginanap na campaign rally nito sa Pampanga. (Daris Jose)

6 nalambat sa P387K shabu sa Navotas

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang anim na drug suspects, kabilang ang dalawang high value individual (HVI) ang matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng shabu makaraang matiklo sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

 

Ayon kay Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt. Col. Renato Castillo, dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

 

 

 

Timbog sa operation sina Jomar Juco alyas “Jake”, 33, (HVI) ng Tondo Manila at Rocel Enriquez , 30, (HVI) ng Brgy. NBBS matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer na nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng iligal na droga.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,000 at buy bust money na isang tunay na P500 at anim P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-2:15 ng madaling araw nang madakma naman ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col  Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Badeo 4, Brgy. San Roque ang magkapatid na Orlando Alarcon alyas”Olan Bato”, 42 at Osmond Alarcon alyas “Bunso”, 30.

 

 

 

Nakumpiska sa  magkapatid ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standar drug price P34,000 at P 300 buy bust money.

 

 

 

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa J Roldan St., Brgy. San Roque dakong alas-11 ng gabi sina Ronnel Salas alyas “Ani”, 35 at Arturo Batac alyas”Popoy”, 51 kung saan nakuha sa kanila ang nasa 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600, P300 marked money at P300 cash.

 

 

 

Ang matagumpay na drug operation ng DDEU-NPD at Navotas SDEU ay sa pamamagitan ng patnubay at suporta ni NPD Director PBGEN Ulysses Gasmen Cruz upang mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga area ng Camanava at ang epekto nito. (Richard Mesa)

Tyson Fury napanatili ang WBC heavyweight crown sa panalo vs Dillian Whyte sa harap ng 94,000 record fans

Posted on: April 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI  ni Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) heavyweight champion matapos pabagsakin sa sixth round si Dillian Whyte sa harap ng 94,000 fans na nanood sa Wembley Stadium sa London.

 

 

Ang naturang crowd ay record breaking bilang highest attendance sa isang boxing match sa Europe at pinakamarami sa buong mundo.

 

 

Muli na namang nagpakita ng kanyang masterclass performance si Fury sa itaas ng ring na siya pa rin ang best fighter sa heavyweight division ngayong panahon.

 

 

Mula sa first round ay makikitang “outmatched at outclassed” ni Fury ang kanya ring kababayan na mula sa UK na mandatory challenger.

 

 

Pagsapit ng sixth round, halatang medyo desperado na sa kanyang diskarte si Whyte na pagod na rin at nakakailag sa kanyang pinakakawalang pamatay na suntok ang kampeon.

 

 

Ilang sandali pa, nagpakawala ng kanan na uppercut si Fury na siyang nagpabagsak kay Whyte na una ang kanyang likuran sa lona sa oras na 2:59.

 

 

Nagawa pang makatayo ni Whyte pero naghudyat na ang referee na itigil na ang laban.

 

 

Batay sa statistics tumama ang 76 mula sa 243 na total punches na pinakawalan ni Fury, habang 29 lamang out of 171 ang kay Whyte.

 

 

Sa ngayon ang record ni Fury ay lalo pang umangat sa 32-0-2, (23KOs) samantalang 28-3 (19KOs) naman si Whyte.