• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

Comelec spokesman James Jimenez, Dir. Arabe, pinasususpinde

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG  ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na pansamantalang suspendehin ang dalawa nilang opisyal na may partisipasyon sa aberya sa “PiliPinas Debates 2022.”

 

 

Matatandaang hindi natuloy ang naturang debate ng mga presidential candidates, matapos magkaaberya ang Impact Hub sa bayad para sa Sofitel Hotel.

 

 

Partikular na pinasususpinde ni Bulay sina Comelec spokesperson James Jimenez at Dir. Frances Arabe, na mula sa media relations department.

 

 

Ipinagtataka ng opisyal kung bakit itinutulak nina Jimenez at Arabe ang paglalaan ng komisyon ng P15 million, para lamang matuloy ang debate.

 

 

Kung sakaling mapapatawan ng suspensyon, maaari pa rin umanong makaganap ng ibang trabaho ang dalawa, sa ilalim ng patnubay ng kanilang committee heads.

 

 

“They can continue other functions under the supervision of their committee heads,” wika ni Bulay. (Daris Jose)

DOTr: Bike lane network pinalawak

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ng 68 na kilometro ang bicycle lane network bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ipagpatuloy na palakasin ang active transportation sa bansa.

 

 

Nagkaron ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network noong nakaraang linggo ang DOTr kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

Sa ngayon ay mayron ng kabuohang 563.57 na kilometro ang bicycle lane network ang tapos ng ilagay sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.

 

 

Ang East Metro Manila bike lane ay may layong 17.2 na kilometro sa kahabaan ng anim (6) na road sections sa Marikina City habang may 49.36 na kilometro naman sa South Metro Manila bike lane sa tatlong (3) road sections na dumadaan sa Las Pinas, Muntinlupa at Paranaque.

 

 

“The South and East Metro Manila bike lane network aims to connect the existing bike lane in the metropolis and extend active transport infrastructure in other areas adjacent to the existing network to provide safety for all road users,” wika ng DOTr.

 

 

Ang mga bike lane network ay may nakalagay na signages, solar studs para sa visibility sa gabi, pavement markings at physical separators tulad ng bollards, concrete delineators at bike racks.

 

 

Binigyan ng pondo ang proyekto sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na Bayanihan to Recover as One Act of 2020 na mula sa General Appropriations Act of 2021.

 

 

Naniniwala ang DOTr na ang pagtatayo at paglalagay ng bike lanes ay upang palakasin ang active transportation kung saan ito ay isang mabisa at kapaki-pakinabang na paraan ng paglalakbay sa gitna ng pandemya na isinusulong ang kaligtasan ng mga pedestrians at cyclists.

 

 

“Transportation Secretary Arthur Tugade believes in this program that he gave me special instructions to make sure that we include active transport as one of our proposals for the 2023 budget, hoping that the next DOTr chief will continue the project,” saad ni DOTr undersecretary Giovanni Lopez.  LASACMAR

La Salle swak sa Final 4

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIPORMALISA ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa pagpasok ng huling kanto.

 

 

Subalit nagtulong sina Evan Nelle at Justine Baltazar upang makalayo ang La Salle at tuluyang makuha ang panalo.

 

 

“It was a total team effort for the whole team. Finally, it’s official that we made it to the Final Four. It was a good win for us and we know that it wouldn’t be easy,” ani Green Archers head coach Derrick Pumaren.

 

 

Bumanat si Nelle ng pito habang lima naman ang nagawa ni Baltazar sa 16-4 run ng Green Archers para makuha ang 59-47 bentahe sa huling tatlong minuto ng laro.

 

 

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang La Salle.

 

 

Pinana ng Green Archers ang ikawalong panalo para gumanda ang rekord nito sa 8-5 habang nanganganib na masibak ang Soaring Falcons na bumagsak sa 5-8 baraha.

 

 

Nanguna para sa Green Archers si Schonny Winston, na hindi nasilayan sa laban ng La Salle at Far Eastern University dahil sa back spasms, nang umani ito ng 19 points tampok  ang 14 sa second half, kasama pa ang limang rebounds, dalawang steals, at isang block.

 

 

 

Tumapos ng kabuuang 11 markers si Nelle kalakip ang limang rebounds at dalawang steals.

 

 

Nalimitahan si Soa­ring Falcons ace Jerom Lastimosa sa maasim na 3-of-13 shooting para magkasya lamang sa 11 puntos habang umiskor ng parehong 11 markers si rookie Ricky Peromingan.

 

 

Sa unang laro, nanaig ang National University sa University of the East, 100-81, upang manatiling buhay ang tsansa nito sa Final Four.

 

 

Gumanda ang rekord ng Bulldogs sa 6-7 habang wala pa ring panalo ang Red Warriors sa 13 pagsalang.

 

 

“Maganda ‘yung ba­lik namin coming off four straight losses,” ani Bulldogs head coach Jeff Napa. “Magandang bwelo ‘to heading to the game on Sunday against La Salle.”

Pinakahuling survey ng SWS, welcome sa Malakanyang

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WELCOME sa Malakanyang ang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng bahagyang pagbaba ng bilang ng mga unemployed o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

 

 

Batay kasi sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 12 hanggang 16, lumabas na ang adult joblessness rate sa bansa ay nasa 24.7 percent ng adult labor force o katumbas ng 11 milyong Pilipino.

 

 

Mas mababa ito sa 11.9 million unemployed noong ikatlong quarter ng 2021.

 

 

“This is a clear indication how effective our calibrated strategy of shifting to Alert Level System to further reopen the economy – where more businesses are operating and more Filipinos are able to go to work – while ramping our COVID-19 vaccination drive,” ayon kay Andanar.

 

 

“We are confident to see a further improvement as government has concrete plans to sustain our economic rebound,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, sinasabing pinakamalaki ang joblessness rate sa Metro Manila na nasa 34 percent, sinundan ng Balance Luzon 29 percent; Mindanao 18 percent at Visayas na may 17 percent.

 

 

Natukoy din sa survey na ang involuntary hunger — pagiging gutom at walang makain — sa pamilyang walang trabaho ay umakyat sa 22.4 percent mula sa 16.3 percent noong third quarter.

 

 

Ang SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults na may error margins na ±2.6 percent. (Daris Jose)

Sotto sasabak sa NBA Draft

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.

 

 

Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.

 

 

“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,” ani Sotto sa kanyang Instagram post.

 

 

Nagpasalamat si Sotto sa pamunuan ng Adelaide 36ers na nagbigay ng tsansa sa kanya para makapag­laro sa Australia National Basketball League (NBL).

 

 

Maraming natutunan si Sotto sa NBL na inaasa­hang dadalhin nito sa panibagong daan na kanyang tatahakin — ang maabot ang pangarap na masilayan sa NBA.

 

 

“To the 36ers ma­nage­ment, my teammates, my coaching staff and my agent Joel Bell, I am a better man and a better professional player than a year ago because you all took me under your wing and challenged and mentored me to live up to expectations,” ani Sotto.

 

 

Hindi rin nakalimutan ni Sotto na pasalamatan ang mga fans na tunay na nagbibigay sa kanyang ng inspirasyon sa oras na tumutuntong ito sa ring.

 

 

Malaki rin ang pasasa­lamat ni Sotto sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang mga magulang na patuloy na nakagabay sa bawat hakbang na kanyang tatahakin.

44 close contacts ng Omicron subvariant, natukoy

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT  na sa 44 indibidwal ang natukoy na ‘close-contacts’ ng unang Omicron BA.2.12 case na isang babaeng Finnish na bumisita sa Baguio City, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad silang nagkasa ng ‘contact-tracing’ makaraang matukoy ang naturang kaso ng Omicron variant.

 

 

Dito lumabas na siyam ang naging ‘close contacts’ sa Quezon City, lima sa Benguet at 30 na mga kasamahang pasahero sa eroplano na sinakyan ng pasyente patungo sa Maynila.

 

 

Ipinaliwanag ng opis­yal na hindi na isinailalim sa ‘routine isolation’ sa quarantine facility ang naturang Finnish national dahil sa ‘fully vaccinated’ naman siya laban sa COVID-19 at walang sintomas na nakita nang dumating siya sa bansa noong Abril 2.

 

 

Nabatid na nag-lecture sa isang unibersidad sa Baguio City ang naturang unang kaso. Nakarekober naman na ito matapos ang pitong araw na isolation at nakalabas na ng bansa noong Abril 21 pa. (Daris Jose)

Sa rami nang ginagawa, ‘di nakalilimot magpasalamat: JOLINA, masaya na muling nakatanggap ng bouquet at fruit basket mula kay VP LENI

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI itinanggi ni Mikee Quintos na may nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

 

Natatawa ito dahil diretsahan naming sinabi na alam naming Kapuso star rin ito.

 

 

At least, hindi naman nagpabebe pa si Mikee na nag-deny. Totoo raw na masaya siya ngayon at may nagpapasaya.

 

 

Tinanong namin kung okay sa kanya na pangalanan na pero do’n niya sinabi na ‘wag muna raw.

 

 

Sa isang banda, may dahilan naman talaga para maging masaya si Mikee. Aba, hindi lamang ang puso niya ang okay, pati ang career niya. Isa siya sa mga Kapuso star na masasabing nabibigyan ng maraming opportunity ay hindi pinapabayaan ng Kapuso network.

 

 

Heto at bida siya sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Apoy sa Langit na karamihan ng mga kasama niya sa cast ay mga kilalang mahuhusay na artista tulad nina Maricel Laxa at Zoren Legaspi at sa direksiyon ni Laurice Guillen.

 

 

***

 

 

BIGLANG naglabas ng kanyang saloobin ang director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar sa kung ano rin ang stand niya sa pulitika.

 

 

Lumalabas na isa rin pala itong ‘kakampink’. Nagpasalamat ito sa campaign video ng veteran actress na si Boots Anson-Roa.

 

 

      Marami ang pumuri at ang iba ay sinasabing naluha sila sa naging salaysay ni Tita Boots. Malaking bagay na naranasan daw kasi niya ang panahon noong martial law.

 

 

Ayon kay Direk Gina, “Salamat Tita Boots sa napakagandang paglalahad ng iyong mga karanasan, ng iyong mga nakita nung panahon ng diktadura. Maraming salamat at sana ay maraming mga mata at isipan ang mamulat sa iyong pagpapahayag.

 

 

“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino! Pakinggan ng Panginoon ang ating mga dasal!”

 

 

Sa isang banda, finale na bukas ng Prima Donnas. Wish pa rin ni Direk Gina na sana raw ay gawan pa rin ng GMA Network ng part 3.

 

 

Pero sa ngayon, aminado ito na excited sa pagbabalik bilang isang actress sa Philippine adaptation ng Start-Up kunsaan, isa sa magandang role ang gagampanan niya bilang well-loved na lola sa serye.

 

 

***

 

 

PASSIONATE at solid “kakampinks” talaga ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta.

 

 

Sa part ni Mark, wala yatang naging campaign rally sina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na hindi ito um-attend at tumugtog kasama ang kanyang banda na Rivermaya.

 

 

      Si Jolina naman, basta wala itong taping o trabaho, sigurado rin na kasama at aakyat ng stage. Madalas ay bitbit din nila ang kanilang dalawang anak na sina Pele at Vika.

 

 

Since may one day raw na walang schedule campaign rally, noong Martes, ang ginawa raw nilang mag-asawa, hinarap muna nila ang mga gawaing bahay na naisasantabi nila dahil nga nagiging busy sila.

 

 

At tulad ng ibang mga celebrities na nagsasabing voluntary at libre ang pagsama nila at pagtindig, nasurpresa rin si Jolina at masaya na makatanggap daw muli ng bouquet of flowers and fruit basket mula sa sinusuportahan sa pagka-Pangulo.

 

 

Ayon kay Jolina, “April 26, walang sched ng rally kaya sa araw na yun ginawa namin lahat ng mga gawaing bahay na nahinto muna dahil sa pagtindig para sa mga anak namin at para sa bansa.

 

 

“Sa gitna ng paglilinis ng bahay at labada, napakagandang bouquet at basket ng prutas na hindi namin inaasahan.

 

 

“Isang inspirasyon ulit na sa rami ng ginagawa nya at dapat pang asikasuhin, di siya nakalilimot magpasalamat at iparamdam na part kami ng puso niya.

 

 

“Kindness and compassion.”

 

 

“Yan ang meron sa ating susunod na Presidente ng Pilipinas. Maraming salamat Ma’am Leni Robredo. Lalaban kami at patuloy na titindig hanggang dulo.”

(ROSE GARCIA)

‘Avatar: The Way of Water’, ‘Doctor Strange 2’, and ‘Lightyear’, Soon to Hit Theaters!

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Walt Disney Studio provided exciting details

 

 

during the recent CinemaCon in Las Vegas for its 2022 theatrical release slate from Pixar Animation Studios, Marvel Studios, and 20th Century Studios, including a first look at the “Avatar” sequel!

 

 

The title of the “Avatar” sequel, which will open in theaters December, isAvatar: The Way of Water.” Set more than a decade after the events of the first film, “Avatar: The Way of Water” begins to tell the story of the Sully family (Jake, Neytiri, and their kids), the trouble that follows them, the lengths they go to keep each other safe, the battles they fight to stay alive,  and the tragedies they endure.

 

 

Directed by James Cameron and produced by Cameron and Jon Landau, the film stars Zoe Saldana, Sam Worthington, Sigourney Weaver, Stephen Lang, Cliff Curtis, Joel David Moore, CCH Pounder, Edie Falco, Jemaine Clement, Giovanni Ribisi, and Kate Winslet. To whet audiences’ appetites, the studio will re-release “Avatar” in theaters in September.

 

 

The teaser trailer drew highly enthusiastic responses from the CinemaCon audience. In addition, Zoe Saldana, who stars in both “Avatar: The Way of Water” and “Amsterdam,” receives the CinemaCon “Star of the Year” award at the “Big Screen Achievement Award” Ceremony last Thursday evening, April 28.

 

 

From Marvel Studios:

 

 

Marvel Studios took the CinemaCon audience on a thrill ride through the Multiverse with footage from “Doctor Strange in the Multiverse of Madness,” which opens in Philippine theaters next week, May 4. With the film, the MCU unlocks the Multiverse and pushes its boundaries further than ever before.

 

 

Fans will journey into the unknown with Doctor Strange, who, with the help of mystical allies both old and new, traverses the mind-bending and dangerous alternate realities of the Multiverse to confront a mysterious new adversary.

 

 

“Doctor Strange in the Multiverse of Madness” stars Benedict Cumberbatch, Elizabeth Olsen, Chiwetel Ejiofor, Benedict Wong, Xochitl Gomez, with Michael Stühlbarg, and Rachel McAdams. The film is directed by Sam Raimi, and Kevin Feige is the producer. Louis D’Esposito, Victoria Alonso, Eric Hauserman Carroll, Scott Derrickson and Jamie Christopher serve as executive producers. The screenplay was written by Michael Waldron.

 

 

CinemaCon attendees were treated to footage from Disney and Pixar’s upcoming feature film “Lightyear,” which opens in Philippine theaters on June 15. A sci-fi action-adventure and the definitive origin story of Buzz Lightyear, the hero who inspired the toy, “Lightyear” follows the legendary Space Ranger after he’s marooned on a hostile planet 4.2 million light-years from Earth alongside his commander and their crew. As Buzz tries to find a way back home through space and time, he’s joined by a group of ambitious recruits and his charming robot companion cat, Sox. Complicating matters and threatening the mission is the arrival of Zurg, an imposing presence with an army of ruthless robots and a mysterious agenda.

 

 

The film features the voices of Chris Evans as accomplished Space Ranger Buzz Lightyear, Uzo Aduba as his commander and best friend Alisha Hawthorne, and Peter Sohn as Sox. Keke Palmer, Taika Waititi, and Dale Soules lend their voices to the Junior Zap Patrol’s Izzy Hawthorne, Mo Morrison, and Darby Steel, respectively, and James Brolin can be heard as the enigmatic Zurg. The voice cast also includes Mary McDonald-Lewis as onboard computer I.V.A.N., Isiah Whitlock Jr. as Commander Burnside, Efren Ramirez as Airman Diaz, and Keira Hairston as Young Izzy. The film is directed by Angus MacLane (co-director “Finding Dory”), produced by Galyn Susman (“Toy Story That Time Forgot”), and features a score by award-winning composer Michael Giacchino (“The Batman,” “Up”).

 

(ROHN ROMULO)

Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

Posted on: April 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.

 

 

Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa protected area sa Masungi Georeserve sa Rizal province.

 

 

“Safeguarding the environment and natural resources is an important component in our sustainable development,” ayon sa kalatas ni Andanar.

 

 

Idinagdag pa nito na nag-aalala ang Malakanyang sa napaulat na illegal development activities sa nasabing lugar.

 

 

“We urge the (DENR) Anti-Illegal Logging Task Force to look into the matter and file the necessary charges against violators of environmental laws,” aniya pa rin.

 

 

Ang panawagan na ito ng Malakanyang sa DENR ay matapos na hilingin ng mga environmentalists at educators, sa kanilang joint letter, kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at acting Environment Secretary Jim Sampulna na suspendihin ang quarrying activities sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape sa Rizal.

 

 

Noong nakaraang Pebrero 18, dalawang forest rangers ang nasaktan matapos na atakihin ng di umano’y residente ng Baras, Rizal.

 

 

Sinabi ng Masungi Georeserve Foundation (MGF) na isa sa mga umatake ay empleyado ng resort na nakatanggap ng cease-and-desist order mula sa DENR para sa building illegal structures sa loob ng protected area. (Daris Jose)

‘Walang regrets, pero kulang kami at palaging may injuries’ – Durant

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang panghihinayang ng Brooklyn Nets matapos na tuluyang matanggal na sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs makaraang ma-sweep sila ng Boston Celtics, 4-0.

 

 

Ayon kay NBA superstar Kevin Durant, kung healthy lang daw sana ang kanilang team ay mas maganda ang kanilang kampanya.

 

 

Hindi rin napigilan ni Durant na magparinig na sana ay naging kompleto sila at walang nang-iwan na kasama.

 

 

Kung maalala ang isa sa big three nila na si James Harden ay lumipat sa Philadelphia Sixers.

 

 

Ang kapalit niya na si Ben Simmons ay hindi pa rin nakakalaro sa team bunsod ng injury.

 

 

Habang si Kyrie Irving naman ay sa huling bahagi na ng NBA season pinayagan ng New York na makapaglaro sa homecourt bunsod ng hindi niya pagpapabakuna.