• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

2 HULI SA AKTONG IBINEBENTA ANG TINANGAY NA MOTOR

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINELDA ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang kanilang tinangay na motor sa Navotas City sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni P/Maj. Jessie Misal, hepe ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) ang mga naarestong suspek na sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Manila at Jamire Saavedra, 18 ng NBBS, Dagat-dagatan, Navotas City.

 

 

Sa ulat ni Maj. Misal kay NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz, ipinarada ng biktimang hindi na pinangalanan ang kanyang Yamaha Nmax sa harapan ng kanyang bahay sa Blk 36 Lot 18, Phase A2 Tumana, Navotas City dakong ala-1 ng Martes ng hapon at nagulat na lamang siya nang pagalabas niya ay nakita ang dalawang suspek na nakasakay na sa kanyang motorsiklo at mabilis na tumakas.

 

 

Kaagad nagsuplong sa pulisya ang biktima hanggang makatanggap siya ng tawag mula sa isang alyas “Icay” kaugnay sa pagbebenta ng mga suspek sa kanyang motorsiklo sa isang tindahan sa Port Area.

 

 

Inireport niya ito sa DACU kaya’t kaagad nakipag-koordnasyon si Maj. Misal kay P/Lt, Abdurahman Abdula ng Baseco Police Community Precinct (PCP) 4 ng Manila Police District (MPD) na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek alas-11 ng gabi sa isang tindahan sa Brgy. 650 Port Area, Manila at pagkakabawi sa tinangay nilang motorsiklo. (Richard Mesa)

LTFRB: Guidelines sa window hour scheme ng buses nilinaw

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang guidelines sa “window hour scheme” ng mga provincial buses sa gitna ng pagkalito sa pagpapatupad ng nasabing panuntunan.

 

 

Ayon sa LTFRB, maaari pa rin na magsakay ang mga provincial buses ng mga pasahero mula at papunta sa mga probinisya kahit lagpas na sa window hours na 10:00 ng gabi hanngang 5:00 ng umaga.

 

 

“Provincial buses may use their private terminals from 10:00 p.m. to 5:00 a.m. Beyond those hours, bus drivers and operators can use the designated transport hubs, such as the Paranaque Integrated Terminal Exchange, North Luzon Express Terminal and Sta. Rosa Integrated Terminal,” wika ng LTFRB.

 

 

Kung ang isang pasahero ay pupunta sa probinsiya ng lagpas na sa window hours, kinakailangan lamang na sumakay sila ng city buses papunta sa mga nasabing terminals.

 

 

Nagkaron ng pagkalito ang mga pasahero dahil nagbigay ng paalala ang mga bus companies na ang departures at arrivals ay dapat mangyari lamang sa loob ng window hours. Kung kaya’t umangal ang mga pasahero sa polisia ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na silang nagpatupad dahil na rin sa kakulangan ng advisory mula sa MMDA. Dahil dito ang mga pasahero ay naghintay pa ng matagal na oras upang makasakay lamang ng 10:00 p.m. na trip.

 

 

Pinaliwanag naman ng LTFRB na pinapayagan naman nila ang mga provincial buses na mag operate lagpas ang window hours subalit ang ibang bus companies ay tumigil sa kanilang mga trips. Ayon sa report, maraming mga pasahero ang hindi pinayagan na bumili ng kanilang tickets.

 

 

Diniin naman ni LTFRB executive director Kristina Cassion na walang rason ang mga provincial bus operators na huminto sa kanilang pagbibiyahe kahit lagpas na ang window hours.

 

 

“Bus operators should be responsible enough to abide by their agreement with the MMDA. Their non-compliance is a violation of their special permits and certificate of convenience to operate. We will hold them accountable for this blatant violation,” saad ni Cassion.

 

 

Pinatutupad ng MMDA ang nasabing window hours sa mga provincial buses upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa kalakhang Maynila. LASACMAR

PDu30, pinasinayaan ang CCLEX sa “historic day”

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASINAYAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang iconic Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa pamamagitan ng unique car ribbon-cutting ceremony sa gitna ng tulay.

 

 

Sa halip na pagputol sa ribbon gamit ang tradisyonal na gunting, pinaandar ang Presidential vehicle sa ribbon sa gitna ng tulay, simbolo na ang tulay ay magiging expressway para sa mga biyahero.

 

 

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati na labis siyang nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan siya ng buhay upang makita ang pagkompleto ng tulay matapos ang breaking ground ng proyekto noong 2017.

 

 

Ang Pangulo ay nasa Cebu upang makiisa sa 501st Kadaugan sa Mactan celebrations, pagtatapos na rin ng Quincentennial activities sa bansa.

 

 

Aniya, isang malaking karangan na maging bahagi siya ng “historical moments” ng Cebu.

 

 

“I thank God for giving me the life na pagground break ko sa bridge na ito, ako din ang naginaugurate, nagputol ng ribbon. I’d like to thank the builders…your hard work to ensure the completion of this monumental task is noble,” ayon sa Pangulo.

 

 

Binati naman ng Pangulo ang Metropacific Tollway Corporation, CCLEX Corporation, at local government units ng Cebu City at Cordova matapos makamit ang “architectural at engineering feat.”

 

 

Si Pangulong Duterte rin ang nag-unveiled ng inauguration marker ng iconic bridge.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni MPTC chairman, Manny V. Pangilinan (MVP), na ang proyekto ay testamento ng tagumpay ng public and private partnerships.

 

 

Dahil aniya sa determinasyon ng Cebu City at Cordova, ang tulay ay nag-materialized o natupad.

 

 

“This bridge is a significant public-private partnership, we are honored and humbled,” anito.

 

 

Para naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ang CCLEX ay makapagbibigay ng kalakasan sa ekonomiya na kailangan ng Cebu island upang lumago.

 

 

“This is truly a testimony of the triumph of the human spirit,” ayon sa gobernador.

 

 

Bago pa ang inagurasyon, binendisyunan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang tollway gates, kung saan ang negosyo ng tollway ay isinasagawa.

 

 

Habang ang inagurasyon ay nakompleto, sinabi ng CCLEC na ang pagbubukas ay iniurong sa ibang petsa.

 

 

“The opening of the expressway will be announced soon,” ayon sa CCLEC. (Daris Jose)

Makabuluhan ang selebrasyon dahil nakapiling ang mga magsasaka: SHARON, inamin na best wedding anniversary nila ito ni Sen. KIKO

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUNOD-SUNOD ang naging Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta yesterday, April 28 na kung saan sini-celebrate ang 26th wedding anniversary nila ni Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbong Vice President at ka-tandem ni VP Leni Robredo na bilang President naman.

 

 

Unang post ni Mega kasama ang two wedding photos nila, “Happy 26th Wedding Anniversary to my boyfriend of 28 years, best friend, protector, defender, shock-absorber, biggest fan, nicest critic, “neybor,” adviser, teacher, the best father God could have ever picked for my children, our playmate – one of the best men on the planet – my Kiko.

 

 

“Thank you for all these rollercoaster of a ride-filled but beautiful years! I love you with all my heart and I am proud to be your wife. Here’s to the rest of our lives together! Always, your baby Sutart.”

 

 

Next post niya ang photo ni Sen. Kiko na may hawak na bouquet of roses kasama ang mga anak na sina Kakie, Miel at Miguel.

 

 

May caption ito na, “This family of mine!!! They nonchalantly enter the banyo as I am almost naked and about to take a shower, while “God Only Knows” plays on some speaker (thanks, Ate Kakie!) and Kiko gives me this beautiful bouquet of my favorite flowers in my favorite colors and his beautiful cards!!! I love being his wife and these knuckleheads’ Mommy!”

 

 

Naging makabuluhan naman ang pagsisimula ng araw ng anibersaryo nina Kiko at Sharon dahil nakasama nila ang mga magsasaka sa ‘Lakad ng Pag-asa’ na ginanap sa Baclaran Church.

 

 

Pag-amin ni Sharon, “Our best wedding anniversary celebration yet – because we met up with farmers who walked, many of whom rode roros and walked and walked again, from CamSur, Sumilao, Bukidnon and Pampanga to show their support for Kiko and VP Leni.”

 

 

Dagdag pa niya, “Tears still flowing. Heart so touched and overwhelmed. Kakie, Miel and Miguel, as well as Kiko’s brother Anthony and our nephews Donny Pangilinan and Gab Valenciano also came.

 

 

“Thank you so much to the priests at Baclaran Church who gave us an anniversary blessing as well as blessings for all our farmers. Thank you so much to Ella Aldeguer-Favis for preparing the boodle lunch for our beloved farmers! May God bless all Filipino farmers and fisherfolk.”

 

 

Pangako pa ni Mega, “Manalo o matalo man, di namin kayo kalilimutan o pababayaan. Mahal na mahal na mahal po namin kayo! Gid bless us all, God bless the Philippines!”

(ROHN ROMULO)

Marawi , nakakuha ng 6 na trak ng bumbero mula China

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGDONATE ang gobyerno ng China ng anim na sets ng trak ng bumbero sa Marawi City.

 

 

“With the donation of these fire trucks, the Bureau of Fire Protection in Marawi City will provide a more efficient and effective fire safety response within its area of responsibility and its nearby municipalities. This project will help contribute to this region’s economic and social recovery, and its long-lasting peace and prosperity,” ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

 

 

“Hope the fire trucks donated by China will help our Filipino friends rebuild a more safe and beautiful Marawi city, and help the city back to its former glory,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang anunsyong ito ay matapos na tintahan ang Marawi Fire Trucks Donation project sa pagitan nina Chinese Ambassador Huang Xilian at Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro noong Abril 27.

 

 

Sinabi ni Huang na ang donasyon ay bahagi ng pagsuporta ng Beijing sa Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program ng gobyerno ng Pilipinas. (Daris Jose)

‘Limitless: A Musical Trilogy’, wagi ng Silver Award sa 2022 New York Festivals: JULIE ANNE, ginulat ang followers nang i-post ang short hairstyle

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GINULAT ni Julie Anne San Jose ang kanyang 2.6 million followers sa Instagram nang i-post niya ang bagong short hairstyle niya.

 

 

Tawag sa hairstyle ng Limitless Star ay wolf haircut at pinakulayan pa niya ito ng bright golden brown.

 

 

Dahil tapos na ang kanyang musical trilogy na Limitless, pinagupit na ni Julie ang kanyang mahabang buhok at mukhang mas feel niya ang new look niya. Nilagyan pa niya ito ng caption ang IG post niya na: “oooh i hear laughter in the rain.”

 

 

Maraming mga kaibigan ni Julie ang nagbigay ng kanilang compliment sa bagong look niya at kabilang na rito ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz na ang naging comment sa post ni Julie ay fire emoji. Naging response naman ni Julie ay pumpkin at heart emoji.

 

 

Kinikilig ang mga JulieVer fans sa mga cute na interaction ng dalawa sa social media. Kaya hinihintay nila na magsama na ulit ang dalawa sa gagawin nilang production number sa All Out Sundays.

 

 

Nagpatikim nga si Rayver ng isang acoustic cover version niya ng “My Stupid Mouth” ni John Mayer na pinost niya sa IG.

 

 

Nag-comment naman agad si Julie ng: “Kakaproud, husay.” Reply naman ni Rayver ay: “Siyempre ikaw teach ko eh.”

 

 

Naghihintay na ang mga tagahanga nila ng kanilang magiging acoustic collaboration.

 

 

Anyway, wagi ng Silver Award ang Limitless: A Musical Trilogy sa entertainment-variety special category sa 2022 New York Festivals TV & Film Awards.

 

 

***

 

 

INAMIN ni Maricel Laxa na hindi niya inakalang magkakaroon pa siya ng comeback sa showbiz.

 

 

Isa si Maricel sa bida ng bagong GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy sa Langit bilang isang widowed jewelry designer na si Gemma.

 

 

Kuwento ni Maricel, ang kanyang mga anak ang nagsabi sa kanya na oras na para bumalik siya sa pag-arte. Ang mga anak ni Maricel ay sina Donny, Ella, Benjamin, Hannah at Solana Pangilinan.

 

 

“Sabi nila ‘Mom, you know we’re fine. You’ve given us enough time, it’s time for you to shine now.

 

 

“I didn’t think of myself coming back to showbiz or even imagining na magkakaroon pa ako ng second wind and a season na na-e-enjoy ko talaga. 

 

 

“Ngayon I’m just so happy that I have their blessing and excited silang malaman kung ano ang mga bago kong natututunan.”

 

 

Ayon kay Maricel, masaya siya sa comeback niya sa showbiz. Una niyang ginawa ang Mano Po Legacy: The Family Fortune bilang si Valerie Lim na na-challenge siya.

 

 

“Marami rin akong nai-explore na mga bagay na nagugulat ako so nago-grow ako. Naggo-grow din ‘yung audience. Natutuwa ako na may pagkakataon pa na ganito na ibinibigay pa sa artista na nagbabalik.”

 

 

‘Di malilimutan ang husay ni Maricel sa mga pelikulang ginawa niya noong ‘90s tulad ng Iisa Pa Lamang, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Makati Ave: Office Girls at Minsan Lamang Magmamahal. 

 

 

***

 

 

BINILI ng tech billionaire na si Elon Musk ang social media platform na Twitter sa halagang $44 billion.

 

 

Ayon sa report: “Twitter has entered into a definitive agreement to be acquired by an entity wholly owned by Elon Musk, for $54.20 per share in cash in a transaction valued at approximately $44 billion. Upon completion of the transaction, Twitter will become a privately held company.”

 

 

Sa nilabas na statement ni Musk: “Free speech is the bedrock of a functioning democracy, and Twitter is the digital town square where matters vital to the future of humanity are debated. I also want to make Twitter better than ever by enhancing the product with new features, making the algorithms open source to increase trust, defeating the spam bots, and authenticating all humans. Twitter has tremendous potential — I look forward to working with the company and the community of users to unlock it.”

 

 

Naging largest shareholder ng Twitter si Musk ilang linggo bago niya naisipang bilhin ang naturang social media platform.

 

 

Si Musk ang founder, CEO, and Chief Engineer ng SpaceX at Tesla, Inc. Siya rin ang founder ng The Boring Company and co-founder of Neuralink and OpenAI.

(RUEL J. MENDOZA)

5K-10K COVID-19 cases kada araw babala ng OCTA

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring umakyat ng 5,000 hanggang 10,000 ang arawang kaso ng ­COVID-19 sa bansa dahil sa bagong Omicron ­variants.

 

 

Ginawa ng OCTA ang pagtataya base sa nakita nila na pagtaas ng kaso sa South Africa dulot ng BA.4 at BA.5 variants sa New Delhi sa India dulot ng BA.2.12 at sa Estados Unidos dulot naman ng BA.2.12.1.

 

 

“We might see 5,000 to 10,000 cases per day but nowhere near the 40,000 cases we saw back in January but of course, that is still subject to change because we’re still monitoring the trends in India and US,” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.

 

 

Ipinaalala nila sa mga Pilipino na maaaring ‘mild’ lamang ang epekto nito sa mga bakunado ngunit hindi  sa mga hindi pa nababakunahan na populasyon o sa mga may ‘comorbidities’.

 

 

Bukod sa mas nakahahawa ang mga bagong variants, ilan sa factors na nakita para magkaroon ng panibagong surge ang pagbaba ng pagsunod ng publiko sa ‘minimum health standards’, pagbaba na ng nakuhang ‘immunity’ mula sa bakuna, at malakihang mga pagtitipon na may kaugnayan sa halalan.

 

 

Kung aakyat lang sa 5,000 ang arawang kaso, wala naman umanong pangangailangan para itaas ng gobyerno ang alert level, ayon pa kay David. Kailangan lamang magpabakuna ng populasyon na hindi pa nakakatanggap nito at magpa-booster ang mga kuwalipikado na.

 

 

Samantala, nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA 2.12 na natuklasang taglay ng isang 52-anyos na babae mula sa Finland na bumisita at nag-lecture sa isang pamantasan sa Baguio City.

 

 

Ang BA 2.12 ay isang ‘highly-transmittable mutation’ ng Omicron variant, na kumalat ngayon sa Estados Unidos at sa South Korea.

 

 

Ayon kay epidemiology nurse Karen Lonogan ng DOH sa Cordillera, nakarekober na ang naturang babae at nakabalik na rin sa kaniyang bansa.

 

 

Ito ang kauna-unahang BA 2.12 na kaso sa bansa.

 

 

Wala namang nahawa sa naturang ‘mutated virus’, ayon sa DOH.

MARIAN, excited na ring makita ang kanyang inaanak: JENNYLYN at DENNIS, ‘di na makapaghintay sa pagdating ng first baby nila

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI nang nagtatanong kung nagsilang na raw si Kapuso actress Jennylyn Mercado ng baby girl nila ni Dennis Trillo. 

 

 

Balita raw kasi noon pang April 26, ay nakaramdam na ng labor pain si Jen, but as of this writing (April 28), wala pang confirmation, kahit sa kani-kanilang Instagram account nina Jen at Dennis.

 

 

Ang naroon lamang ay ang caption ni Jen na, “we can’t wait to meet you,” Nag-comment naman si Marian Rivera na, “Excited na si ninang Yan na makita ka…” na sinagot ni Jen ng, “@marianrivera see you soon Ninang Yan.”

 

 

Nagkaroon ang post ni Jen ng more than 120K likes and comments mula sa mga kapwa artista and friends nila ni Dennis na excited na ring makita ang baby nila.

 

 

***

 

 

KAABANG-ABANG ang pasabog ngayong gabi after First Lady, sa finale episode ng Widows’ Web, ang first suspenserye ng GMA Network.

 

 

Mari-reveal na rin kung sino talaga, ang pumatay kay AS3 (Ryan Eigenmann).  May idea na ba kayo kung sino kina Carmina Villarroel, Ashley Ortega, Vaness del Moral, Adrian Alandy, Christian Vasquez, ang totoong killer?

 

 

Don’t miss din ng grand finale ng season 2 ng Prima Donnas tomorrow after Eat Bulaga.   Sa zoom interview sa cast, headed by the Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, kasama si Elijah Alejo, director Gina Alajar at ang mga leading men ng mga Donnas.

 

 

Tinanong sila kung ano ang dapat abangan ng mga viewers, abangan daw lang dahil parang hindi pa magwawakas ang kanilang story, dahil sa mga pasabog sa eksena.

 

 

Pero ang hindi raw nila malilimutan, ang bonding na nabuo sa cast sa loob ng almost three years na magkakasama sila, kahit noong panahon ng lock-in tapings nila during the pandemic.

 

 

May nagtanong din kung hindi ba sila magkakaroon ng season 3, na ita-tackle naman ang pagiging grown-ups na nila?

 

 

“Marami ngang nagtatanong sa akin,” sagot ni Direk Gina.

 

 

“Pero hindi pa namin alam. As of now, magkakaroon na sila ng kani-kanilang solo project, kaya ang advise ko sa kanila, they should never stop learning, huwag silang makampante.

 

 

“Kung gusto nilang tumagal sa business na ito, at patuloy ko pa rin silang imo-monitor, even sa personal nilang buhay, dahil ‘nanay’ naman ang tawag nila sa akin sa set.  Huwag nilang kalimutan ang pakikisama sa ibang tao, that they always put their feet on the ground.”

 

 

Sa mga Donnas, si Sofia ang nagkaroon agad ng solo project na Raya Sirena with leading man Allen Ansay, at si Direk Gina is into acting na muna ngayon, sa Start-Up with Bea Alonzo and Alden Richards.

 

 

***

 

 

GRATEFUL ang mahusay na actress na si Maricel Laxa-Pangilinan sa GMA Network dahil after siyang isama sa first episode ng hit primetime series na Mano Po Legacy, muli siyang binigyan ng isang fiery new afternoon drama na Apoy sa Langit, at maidirek ni Laurice Guillen.

 

 

“I’m truly thankful sa opportunity na muling makapagtrabaho,” wika ni Maricel.

 

 

“Hindi ko in-expect na masusundan pa ang mga nauna ko nang ginawang projects.  Medyo mahirap lang, kasi nami-miss ko ang family ko dahil sa lock-in taping, nalalayo ako sa kanila.  

 

 

Pero naiintindihan naman nila na part of my job ito, lalo ngayon na may pandemic pa rin tayo at kailangang mag-ingat at sumunod sa health protocols.”

 

 

First time pala ni Maricel na maidirek ni Laurice Guillen, kaya medyo raw kabado siya sa simula, pero tinulungan siya nito, lalo na sa mga eksenang akala niya ay hindi niya magagawa, napakarami raw siayng  natutunan sa lady director.

 

 

Sa Apoy sa Langit, makakasama niya sina Zoren Legaspi, Mikee Quintos, kasama rin sina Lianne Valentin, Ramon Christopher, Mariz Ricketts, Dave Bornea, Patricia Ismael at ang nagbabalik-acting, si director Carlos Siguion Reyna.

 

 

Mapapanood na ito simula sa Monday, May 2, 2:30PM, after Eat Bulaga, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)    

60 milyong mga Filipino voters maglalabasan

Posted on: April 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malaking hamon sa gobyerno ang paparating na May 9, 2022 national elections dahil dito ay siguradong maglalabasan ang may 60 milyong mga Filipino voters at pupunta sa kani- kanilang voting precints.

 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni DILG secretary Eduardo Ano na ngayon pa lang na panahon ng kampanya ay nakikita na nila kung paano ito dinaragsa na ang bilang ay nasa 6 digit numbers.

 

 

Kaya aniya, masasabi niyang isang napakalaking hamon sa gobyerno ang milyon – milyong bilang ng mga botante na sabay- sabay na magsisilabasan sa itinakdang oras upang silay makaboto.

 

 

Titiyakin naman aniya nila na masusunod ang minimum public health standards at protocol sa araw ng eleksiyon.

 

 

Samantala, iniulat din ni Ano sa Talk to the People ang pag- akyat sa porsiyento ng mga lumabag sa hindi na pagsusuot ng face mask na pumalo sa 196% increase gayundin ang mga lumabag sa pag- oobserba ng physical distancing na nasa 201% increase ang itinaas sa datos. (Daris Jose)

Malakanyang, ipinaubaya na sa mga botante ang pagpili sa party-list

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga botanteng filipino ang pagpili ng napupusuan ng mga ito party-list group in the May 2022 polls.

 

 

“The public has the freedom to choose and elect leaders whom they believe will serve national interest and public welfare,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.

 

 

Inulit lamang ni Andanar ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na ang progresibong party-list groups ay umaakto bilang “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP).

 

 

“It is common knowledge that some organizations or individuals allied with communist groups have long wanted to enter the government through party-list groups or by supporting certain candidates,” ang pahayag pa rin ni Andanar.

 

 

Sa kabila nito, naniniwala naman si Andanar na ang mga botante ay may karapatan na maghalal ng gusto nilang kandidato at party-lists.

 

 

“While their intentions may be suspect, we leave it to the citizenry to decide on this matter,” dagdag na pahayag ni Andanar.

 

 

Ang Republic Act No. 7941 o Party-List System Act ay naglalayong “provides for the election of party-list representatives.”

 

 

Sa ilalim ng batas, ang party-lists ay tumutukoy sa “Filipino citizens belonging to the marginalized and underrepresented sectors, organizations and parties.”

 

 

Gayunman, ang naging kautusan ng Korte Suprema noong 2013 ay “that non-members of marginalized sectors may run as nominees of party-list groups.”

 

 

Ang kabuuang bilang ng party-list representatives ay kailangan na manatili sa 20% ng kabuuang “number of seats” sa Kongreso gaya ng nakasaad sa 1987 Constitution.

 

 

Hindi maiwasan ni Pangulong Duterte na mag-alala sa natatanggap nilang intelligence reports tungkol sa diumano’y posibleng alyansa sa pagitan ng mga miyembro ng oposisyon at mga komunistang rebelde sa darating na halalan.

 

 

Sinabi ni Duterte na kinakatakot niya ang kampihan sa pagitan ng ‘dilawan’ at mga ‘komunista’ na itinuturing na ngayong teroristang grupo.

 

 

“What I really am afraid of is the report of the intelligence community…There’s a parang grouping of the communists, itong mga dilawan, pati itong mga — may isa pa, mga… Well, of course itong komunista is already a terrorist organization,” ani Duterte.

 

 

“So mga dilawan, that’s a… I forgot the other one. Iyan ang ano namin, diyan ang ano ng gobyerno. They are watching for that kind of situation,” dagdag pa niya.

 

 

Dahil daw sa posibleng kampihan na ito ay maari daw gumamit ng dahas ang mga komunista upang makontrol ang eleksyon.

 

 

“They might be… Iyon ang sinabi ko na puwedeng manggulo kasi they have these working relations now with — with the dilawan and the election is the objective really,” sabi pa ng Pangulo.

 

 

‘Dilawan’ ang tawag sa mga miyembro ng oposisyon noon dahil sa kulay dilaw ang kanilang suot

 

 

Ngunit sa ngayon ay tila lumipat na ang ilang ‘dilawan’ sa kulay pink na ginagamit ngayon ni presidential candidate Leni Robredo.

 

 

Matatandaan na inilahad ni Cavite 7th District Boying Remulla na may ilang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumasama sa mga campaign rallies ni Robredo.

 

 

Ito rin ang ikinakabahala ni presidential candidate at Sen. Ping Lacson na nakatanggap din diumano ng kaparehong impormasyon mula sa kanyang mga sources. (Daris Jose)