• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2022

36ers matikas ang exit sa NBL

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGARBONG tinapos ng Adelaide 36ers ang kam­panya nito matapos ilampaso ang New Zealand, 93-63, sa 2021-22 Australia National Basketball League kahapon sa MyState Bank Arena sa Australia.

 

 

Nagpasiklab si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto na nagtala ng 12 puntos, pitong rebounds at apat na blocks para tulungan ang Adelaide na makuha ang panalo.

 

 

Winakasan ng 36ers ang ratsada nito sa liga tangan ang 10-18 baraha habang nahulog naman sa ilalim ng standings ang Breakers na may 5-23 rekord.

 

 

Usap-usapan na kung ano ang susunod na hakbang ng Pinoy cager.

 

 

Malaki na ang improvement sa laro ni Sotto.

 

 

Sa katunayan, ilang eksperto na ang nagsabi na handa na ito para sa NBA Rookie Draft.

 

 

Nakatakda ang NBA draft combine sa Mayo 16 hanggang 22 sa Chicago, Illinois.

 

 

Gaganapin naman ang NBA draft lottery sa Mayo 17.

 

 

Idaraos ang 2022 NBA Rookie Draft sa June 23.

Margot Robbie’s First-LOOK As Barbie Has Been Revealed

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARGOT Robbie’s Barbie movie gets a first-look image with the Oscar-nominated actress in her signature pink convertible.

 

 

Though the popular toy has received a number of animated films over the years, Barbie’s first live-action venture has gone through a rather unique journey. First put into development in 2014, Barbie was once set to star Amy Schumer as the beloved blonde doll but she later departed the project, and after a few more years of uncertainty, Barbie seemed to finally find its footing at Warner Bros.

 

 

Now Barbie is shaping up to be one of the most intriguing movies of the next year. Robbie will star as the title character, while Ryan Gosling is set to play her well-known partner, Ken. Other cast members include Will Ferrell, Kate McKinnon, Simu Liu, America Ferrara, Michael Cera, and Issa Rae, among many others. Greta Gerwig (Little Women) and Noah Baumbach (Marriage Story) have penned the script, and Gerwig serves as director.

 

 

As part of WB’s CinemaCon presentation, the studio unveiled the very first look at Robbie as Barbie. Screen Rant was on hand for the announcement, though Warner Bros. later debuted the image online for fans to see. Additionally, the studio confirmed Barbie will arrive in theaters on July 21, 2023.

 

 

As far as first impressions go, this Barbie image promises good things for the film. Robbie certainly looks the part with her bright smile and blonde locks. She already seemed like excellent casting, but this picture cements it. The pink set – car included – fits with the signature Barbie style and suggests the film will maintain the overall look of the long-running toy line.

 

 

While the image doesn’t give much away in terms of plot, it does show that Gerwig has some appealing visuals ahead for Barbie. It will be quite interesting to see what the rest of the movie has in store, though with a July 2023 release date, it might be some time before anything new emerges.

 

 

Between the star-studded cast, unique source material, and Gerwig and Baumbach’s attachment, Barbie has already drummed up a significant amount of buzz. This is a film that could’ve been very surface-level in its approach to the feminine toy, yet even without any plot details being revealed, it already looks like Barbie will be a nuanced take on the character.

 

 

Warner Bros. is certainly betting big on this one; the July date coincides with Christopher Nolan’s Oppenheimer. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Diokno: Aayusin ni Robredo ang pandemya

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA  si senatorial aspirant at human rights lawyer Chel Diokno na maaayos ni Vice President Leni Robredo­ ang mga problemang dulot ng COVID-19 kapag siya ang nanalong pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Idinagdag pa ni Diokno na malaki ang maitutulong ng panukala niyang Pandemic Management Council (PMC) para maresolba ng Bise Presidente ang mga negatibong epekto ng pandemya.

 

 

Isusulong ni Diokno ang paglikha ng PMC bilang kapalit­ ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kapag siya’y nahalal­ sa Senado.

 

 

Maliban sa pagtugon sa COVID-19, ang panukalang PMC ang magpaplano at tututok sa iba pang outbreak ng iba pang malalang sakit sa bansa.

 

 

Kapag nanalong Senador, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Nais din niyang magtatag ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga pag-abuso na ginawa ng mga awtoridad, para maiwasan ang cover-ups at matiyak na maparurusahan ang mga alagad ng batas kapag lumabag sila sa batas. (ARA ROMERO)

Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang  ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo.

 

 

Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang bagong polisiya na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Ayon sa mga mambabatas, maraming pasahero ang naapektuhan ng naturang window-hour scheme.

 

 

Una nang ipinatupad ng MMDA ang window hours para sa mga provincial buses mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.

 

 

Dala ng bagong polisiya, nagpalabas ng travel advisories ang ilang provincial bus companies para sa departures at arrivals schedule sa kanilang Metro Manila terminals na 10 p.m. hanggang 5 a.m. (ARA ROMERO)

‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang magla­laban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm.

 

 

Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi na mangyayari na may ikatlong makakadikit sa halalan.

 

 

Kabaligtaran ito sa pahayag ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno nitong umpisa ng Abril na magkakaroon ng “three-way race” sa halalan.

 

 

“We see that by this time a leading candidate, in this case (former) Sen. (Ferdinand) Marcos Jr, and running a second, maybe far second but building a momentum, is Vice President Leni Robredo,” paliwanag ni Manhit.

 

 

Sinabi pa niya na ang pangunguna ni Marcos ay maaaring ituro sa pagsasanib ng puwersa ng mga Duterte at mga Marcos. Sa kabila nito, tumataas naman ang suporta kay Robredo dahil sa diwa ng volunteerism.

 

 

Ngunit hindi naman umano ito nakataga sa bato dahil sa sinasabing may 40 porsyento pa ng mga Pilipino ang maaaring magbago ng kanilang iboboto. Ang hamon na lamang umano ay kung paano ito gagawin ng mga kandidato at paano mako-convert ang mga botante. (Daris Jose)

Ads April 28, 2022

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ninang na si Ana, nagregalo ng white piano: Anak nina DINGDONG at MARIAN na si ZIA, posibleng maging classical singer

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng bonggang launching ang Vivamax para sa napakarami nilang naka-lineup na bagong movies and series for streaming simula ngayong summer.

 

 

Napaka-successful naman kasi ng Vivamax dahil simula lang nang ilunsad ito nitong pandemic, it became the number 1 local streaming platform with 3 million subscribers at parami pa nang parami.

 

 

Isa ang actor na si Baron Geisler sa mga artistang umattend sa ginanap na launching ng Vivamax.

 

 

Si Baron pala ang graduate na ng degree for Theology, pero may paliwanag siya sa kanyang Facebook post tungkol dito.

 

 

Sey ni Baron, “Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing. I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future.

 

 

At dahil nga gusto raw niyang i-practice talaga ang kanyang belief bilang isang Christian, umaasa raw si Baron na mabibigyan siya ng Viva ng mga movies na hindi lang pagpapa-sexy o ayon sa kanya ay soft porn.

 

 

     “Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells. Invest on acting workshops and character development.      “It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man. I am not proud of it and it’s taking a toll on my marrige, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!”

 

 

***

 

 

ANG bongga ni Ana Feleo dahil mukhang gusto nitong ma-inspire at ma-influence ang kanyang inaanak na si Zia Dantes, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tulad niyang isang classical singer ay mahilig din sa music talaga ang inaanak.

 

 

Niregaluhan ni Ana si Zia ng isang bonggang white piano at mukhang gustong-gusto naman ni Zia. Napa-“Oh, it’s a piano!” ang bulalas ni Zia nang makita ang mahabang kahon na regalo sa kanya.

 

 

At sa Instagram caption ni Ana, sinabi niya na, “Laking tanggal sa pagod ko. To see her get excited about making music, and to know that even from a distance, I’m part of that journey, makes me so proud.  Love you my inaanak. Enjoy your very firt piano.”

 

 

***

 

 

MATURE relationship daw ang meron sa pagitan ngayon nina Ruffa Gutierrez at isa sa tumatakbong Senador na si Herbert Bautista.

 

 

Ito ang naging pahayag ni Ruffa sa naging pre-launch ng kanyang bagong business venture, ang “Gutz and Glow” na isang beauty & lifestyle brand.

 

 

At ayon kay Ruffa, madalas daw kapag dumadalaw sa bahay niya si Herbert, minsan daw ay umaabot ng pitong oras na nag-aaral lang sila.

 

 

Yes, si Herbert din ang nakapag-motivate kay Ruffa na tapusin niya ang kolehiyo at ngayong July ay ga-graduate na siya ng kursong Communication Arts.

 

 

Kaya sey namin kay Ruffa, sa kabisihan ni Herbert ngayon, parang siya ang pangtanggal ng stress nito.

 

 

“Sana,” nakangiting sagot naman niya.

 

 

“Hay naku, tanungin mo siya. Grabe naman! A lady should not answer,” sabi pa rin niya na natatawa.

 

 

Okay rin naman daw ang nanay niya, si Tita Annabelle Rama kay Herbert. Wala naman daw itong violent reaction.

 

 

“At saka, magkakilala na kasi sila before pa. Sometimes he will go to the house and visits my mom and dad na hindi ko alam ha, hindi niya sinasabi sa akin.

 

 

     “Tatawag na lang sa akin, hulaan mo kung sino nandito, kakaalis lang. Nagdala siya ng pagkain. Dalawang oras siya rito.    

 

 

“Sino? Si Mayor! Really!,” lahad pa niya.

 

 

Big word para kay Ruffa nang tanungin namin kung ano ang nakapagpa-in-love sa kanya kay Herbert. So, binago namin ang term at sinabi na lang na nagustuhan niya rito.

 

 

Una raw, matalino at matagal na niyang kaibigan. Matagal ko na siyang kakilala. Bukod sa wala raw silang stress talaga together.

(ROSE GARCIA)

Asian Games ililipat sa 2023?

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG makansela ang 2022 edisyon ng Asian Games na idaraos sa Hangzhou, China sa Setyembre 10 hanggang 25.

 

 

Ito ang usap-usapan sa China kung saan pinag-aaralang ilipat na lamang ito sa susunod na taon.

 

 

Nais ng mga organi­zers na ipagpaliban muna ito dahil mainit pa rin ang coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang Asya.

 

 

Ilang bansa sa rehiyon ang kasalukuyang nasa surge ng COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaaas ng bilang ng mga tinatamaan ng virus.

 

 

Subalit wala pang opis­yal na anunsiyo ang organizers ng Hangzhou Asian Games.

 

 

Matagumpay na ginanap noong Pebrero sa Beijing, China ang Winter Olympic Games ngunit idinaos ito sa isang bubble-type setup.

 

 

Tiniyak naman ng China na handa ito anuman ang mangyari.

 

 

Kumpleto na ang lahat ng 56 venues na gagamitin para sa Asian meet.

 

 

“We’re now just ma­king a few final adjustments and improvements to the facilities,” ani Lu Chun­jiang na nasa operations ng Hangzhou Olympic Sports Centre.

 

 

Ito ang ikatlong pagkakataon na tatayong host ang China sa Asian Games.

 

 

Nagsagawa na ng Asian Games sa Beijing noong 1990 at sa Guangzhou noong 2010.

Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.

 

 

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.

 

 

Ilan sa pangunahing bakanteng posisyon ngayon para sa local employment ay production at machine operators, customer service representatives, collection specialist, sales agent at promodiser at market research interviewer.

 

 

Para naman sa overseas employment, ang mga bakanteng trabaho na indemand ngayon ay nurses at nurse aides, waiters, household service workers, kitchen helper o assistant cook at salespersons. Ang mga bansang nangangailangan sa nabanggi na mga job vacancies ay sa Middle East, Germany, Poland, United Kingdom, Japan, Taiwan at Singapore.

 

 

Kaugnay nito, magsasagawa ng DOLE ng job fairs sa halos lahat ng rehiyon sa buong bansa sa Mayo 1.

95% ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa PH, hindi pa bakunado – DOH

Posted on: April 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III na nasa 95% ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas ay hindi pa bakunado.

 

 

Ayon kay Duque malaking porsyento ng mga namamatay dahil sa COVID-19 ay mga senior citizens sa bansa.

 

 

Samantalang, nakitang nasa 85% ang mga na-admit na severe at critical covid19 cases na hindi pa bakunado.

 

 

Sa naturang data ayon kay Duque patunay aniya ito na ang pagbabakuna at pag-obserba sa minimum health and safety protocols ay ang pinakaepektibong pagtugon laban sa COVID-19 pandemic.

 

 

Muling panawagan ng DOH sa mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 na magpabakuna na dahil sa ito ay libre, ligtas at epektibo na siyang long term solution laban sa nakamamatay na sakit.