• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 4th, 2022

52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 incidents naman ang kasalukuyang iniimbestigahan.

 

 

Aniya, tanging 10 pa lamang ang kumpirmadong election-related incidents.

 

 

Ang apat sa validated election related incidents ay mula sa Ilocos Region, 3 mula sa Zamboanga at isa mula sa central Luzon, Northern Mindanao at Cordillera.

 

 

Nauna rito, iniulat ng Commission on Elections(Comelec) na nasa 104 munisipalidad at 14 lungsod ang inilagay sa ilalim ng red category na itinuturing na highest alert level dahil sa posibilidad ng election-related violence at presensiya ng mga armadong grupo at intense political rivalry.

 

 

Sa ngayon nasa 10 lugar ang nasa kontrol ng comlec dahil sa posibleng mangyaring election-related incidents.

 

 

Nakatakdang magpakalat ang PNP ng mga mahigit 41,000 police personnel sa mga polling centers at Comelec checkpoints sa tiyakin ang seguridad ng halalan sa Mayo 9.

PNP chief tiniyak ipagpapatuloy ang Duterte Legacy caravan

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMALO din si PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa Duterte Legacy Caravan sa People Power Monument sa Edsa Quezon City, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng paggawa kahapon.

 

 

Ang pagtitipon ay May temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran”.

 

 

Sa kanyang mensahe, nagbigay pugay si Gen. Carlos sa lahat ng dakilang manggagawang Pilipino.

 

 

Nagpasalamat din si Gen. Carlos sa Pangulong Duterte sa “kanyang mga makabuluhang adhikain at platapormang pang-kapayapaan, pang-ekonomiya, pang-medikal, at pang-lipunan para sa kapakanan at kabutihan ng bawat mamamayang Pilipino.”

 

 

Tiniyak din ni PNP chief sa Pangulo at sa sambayanan Pilipino na bilang bahagi ng Duterte Legacy, ay mananatiling tapat ang PNP sa pagsulong ng mga programa na may kinalaman sa kampanya kontra ilegal na droga, kriminalidad, violent extremism, lawlessness, terorismo, at Covid-19.

 

 

Ang Duterte Legacy Caravan ay selebrasyon ng lahat ng mga “achievements” ng Duterte Administration na nakapaghatid ng tunay na pagbabago sa buhay ng mamayang Pilipino.

Pres. Duterte aprubado na ang batas sa pagbibigay ng compensation sa 2017 Marawi siege

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO  na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naggagarantiya ng compensation para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.

 

 

Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.

 

 

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang naturang batas ay nagbibigay ng compensation para sa mga nawala at nasirang properties ng mga biktima gayundin ang mga nasawi dahil sa month long siege na kagagawan ng mga miyembro ng Maute terrorist group.

 

 

Kaugnay nito, makakatanggap ng tax-free compensation mula sa gobyerno ang mga kwalipikadong owner ng residential, cultural, commercial structures at iba pang properties sa Marawi na matinding napinsala.

 

 

Ang mga legal na tagapagmana ang siyang makakatanggap ng compensation ng mga namatay na nagmamay-ari ng properties sa Marawi alinsunod sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines o ang Civil Code of the Philippines. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Labor Day: ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan’ culminating activity, isinagawa

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY sa paggunita sa “Labor Day” ngayong araw, May 1, isinagawa rin ang culminating activity ng “Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan.”

 

 

Pinangunahan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), kasama ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

 

 

Ginanap ang nasabing aktibidad sa People Power Monument sa Quezon City at may temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran.”

 

 

Dinaluhan ito nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG Spokesperson USec. Jonathan Malaya, USec. Joel Egco at PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, gayundin ang iba pang opisyal ng pamahalaan at iba’t ibang stakeholders.

 

 

Layon ng Duterte Legacy Caravan para ipaalam sa publiko ang iba’t ibang proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang mga naidulot na pagbabago sa mga programa ng pamahalaan at ang pagbibigay ng mga basic services sa ating mga kababayan.

 

 

“This is in compliance with Executive Order (EO) No. 137 that institutionalized the ‘Aid and Humanitarian Operations Nationwide Convergence Program’ to enhance agency coordination and collaboration in the distribution of assistance to the Filipino people,” ayon sa DILG.

 

 

Ayon naman sa PNP, ang Caravan ay in-intensify sa pamamagitan ng Integrated Sustainable Assistance Recovery and Advancement Program (ISARAP).

 

 

Pinasisiguro nito na mabigyan ng tulong at suporta ang mga Pilipino lalo na sa panahon ng emegencys gaya na lamang Coronavirus Disease 2019 pandemic at sa panahon ng kalamidad.

Pope Francis binigyang pugay ang mga mamamahayag na nasawi at nakulong

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG pugay ni Pope Francis ang mga mamamahayag na nasawi o nakulong habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho at ipinagtatanggol ang malayang pamamahayag.

 

 

Sa kanyang lingguhang mensahe sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi nito na nararapat na papurihan ang mga mamamahayag na matapang na iniuulat ang mga nangyayaring panghihimasok sa mga sankatauhan.

 

 

Ang nasabing mensahe ng Santo Papa ay bilang bahagi ng World Press Freed Day ng United Nation sa darating na Mayo 3.

 

 

Base sa listahan kasi ng UNESCO na noong 2021 pa lamang ay mayroong 55 journalist at media workers ang nasawi.

 

 

Nauna rito noong nakaraang buwan ay kinilala din ng Santo Pap ang mga journalists na napatay dahil sa pag-cover nila sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Hindi rin pinalampas ng Santo Papa ang kaniyang pagkadismaya sa mga nagaganap na kaguluhan sa Ukraine.

Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT  na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec).

 

 

Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) DepEd (522), BJMP (510), BFP (15), Media (809), Comelec (586), DILG (3) PCG (73), DFA (1) habang inaantay pa sa ngayon mula Philippine Navy.

 

 

Maaalala na isinagawa ang local absentee voting para sa May 2022 elections mula Abril 27 hanggang 29.

 

 

Sa ilalim ng LAV, pinapayagang makapag-avail ng local absentee voting na hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9 dahil sa kanilang trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police gayundin ang mga miyembro ng media at technical at support staff.

 

 

Ito ay sa kondisyon na sila ay rehistradong botante, hindi deactivated ang registration status at hindi makakaboto sa lugar kung saan sila ay rehistrado dahil sa kanilang election duties. (Daris Jose)

Tennis star Nadal binatikos ang Wimbledon dahil sa pagbabawal na makapaglaro ang mga Russian at Ukraine

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINATIKOS ni Spanish tennis star Rafael Nadal ang panuntunan ng Wimbledon ng pagbabawal sa mga manlalaro ng Russia at Belarius.

 

 

Ayon sa 21-time major winner na isang hindi makatarungan ang naging desisyon ng Wimbledon.

 

 

Naniniwala ito na ang lahat ng mga England Club ay makagawa ng paraan para maresolba ang nasabing problema.

 

 

Nauna rito ay umani ng batikos mula sa ATP at WTA ganun ang ilang mga tennis stars gaya nina Nadal at Novak Djokovic sa desisyon ng Wimbledon dahil umano sa paglusob ng Russia sa Ukraine.

RPMD survey sa Quezon City, Belmonte pa rin

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TOP CHOICE pa rin sa Quezon City si Mayor Josefina “Joy” Belmonte sa pinakahuling ‘poll survey’ na isinagawa noong Abril 17-21, 2022 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Tinaguriang “Boses ng Bayan: NCR 2022” survey, nakapagtala pa rin si Mayor Belmonte ng 65 percent ng botante ay iboboto siyang muli at mananalo bilang alkalde ng Quezon City habang ang kanyang katunggali na si Anakalusugan Partylist Congressman Mike Defensor ay may 33% lamang.

 

 

Paliwanag ni Dr. Paul Martinez, chairman ng RPMD ang ilang beses nang itinanghal na “National Capital Region’s Best Performing Mayor,” ang isang dahilan kung bakit ang mga botanteng residente ng lungsod ay siya pa rin ang ibobotong Mayor.

 

 

Dagdag pa niya, umangat din si Belmonte “dahil sa kanyang mga programang nagsusulong sa mga maliliit at lokal na negosyo’t kooperatiba, ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay, at pabahay.”

 

 

“Very High Satisfaction” ang marka ni Belmonte sa patuloy na pagtugon ng kanyang administrasyon laban sa pandemya, “lalo na sa social welfare assistance, mga benepisyong medikal, at pagbabakuna.”

 

 

Sa kabilang banda, lumabas na mababa ang trust at satisfaction rating ni Defensor, dahil raw sa kanyang pagpapasara ng ABS-CBN, at sa kanyang paninira sa kanyang mga kalaban, at sa pamimigay ng Ivermectin.

 

 

Tumatak din sa isip ng botante na mahilig mangako si Defensor ngunit kadalasan ay hindi natutupad, at hindi rin ramdam ng mga taga QC.

Anti-Terrorism Law, ganap nang maaaring ipatupad ng pamahalaan sa buong bansa

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI na ngayong ganap na ipatupad ng pamahalaan ang implementasyon ng anti-terrorism law sa buong bansa.

 

 

Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang constitutionality ng naturang panukala.

 

 

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, tuluy-tuloy na ang magiging implementasyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa hindi na diringgin pa ng Mataas na Hukuman ang anumang mosyon hinggil sa mga petisyon laban dito.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit wala na aniyang magiging balakid pa sa pamahalaan na ipatupad ito upang sugpuin ang terorismo sa buong Pilipinas.

 

 

Samantala, hindi naman pabor dito ang mga grupo at advocate ng human rights.

 

 

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, tuluy-tuloy na ang magiging implementasyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa hindi na diringgin pa ng Mataas na Hukuman ang anumang mosyon hinggil sa mga petisyon laban dito.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit wala na aniyang magiging balakid pa sa pamahalaan na ipatupad ito upang sugpuin ang terorismo sa buong Pilipinas.

 

 

Samantala, hindi naman pabor dito ang mga grupo at advocate ng human rights.

180K PUV drivers at operators, nakatanggap na ng fuel subsidy- LTFRB

Posted on: May 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP  na ang nasa 180,000 benepisyaryo na Public utility vehicle (PUV) drivers at operators ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

 

 

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang bilang ay nagpapakita ng 68,18% ng 264,000 PUV drivers at operators na kwalipikado sa naturang programa upang maibsan ang pasanin ng piblic transport sector dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at pangunahing bilihin.

 

 

Sinabi ni LTFRB executive director Ma. Kristina Cassion na kanilang sisikaping matapos ang pamamahagi ng fuel subsidy sa ikalawang linggo ng kasalukuyang buwan.

 

 

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P6,500 fuel subsidy.

 

 

Samantala, pinoproseso na rin aniya ng LTFRB ang fuel subsidies para sa 27,777 delivery riders.