• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 6th, 2022

PAGCOR, maghahanap ng bagong “revenue source”

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang Malakanyang na makahahanap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong “revenue source”matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “tuldukan” na ang online sabong operations sa buong bansa.

 

 

Ayon sa PAGCOR, aabot sa P6 bilyong piso ang magiging “revenue loss” mula sa E-sabong ngayong taon.

 

 

“Tiwala kami sa PAGCOR to generate new revenues,” ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar.

 

 

Aniya, isang formal order mula sa Pangulo ang ipalalabas pa lamang ng record office ng Malakanyang.

 

 

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ipatigil na ang lahat ng e-sabong operations matapos na maipakita sa survey ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroon itong negatibong epekto sa sambayanang Filipino.

 

 

Sa ulat, binigyan ang mga E-sabong operator ng hanggang bukas, araw ng Miyerkoles para ihinto ang kanilang operasyon matapos nga na ipag-utos ng Chief Executive ang pagpapatigil sa nasabing sugal.

 

 

“The secretary is giving online operators until tomorrow to wrap up online operations,” sabi ngayong Martes ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonathan Malaya, na tinutukoy si DILG Secretary Eduardo Año.

 

 

“Sana po maintindihan ng ating mga kababayan that the social cost of itong E-sabong na ito has become so high. The economic benefits could not outweigh the social cost,” dagdag niya.

 

 

Bago nito, ipinag-utos ni Duterte na ipatigil ang E-sabong, base na rin sa rekomendasyon ng DILG.

 

 

“‘Yong amin lang sana, buwis lang ang hinabol namin dito, P640 million. But may naririnig na ako, loud and very clear to me that it was working against our values,” ani Duterte.

 

 

Ayon kay Duterte, may negatibong social impact ang E-sabong sa mga Pinoy.

 

 

Kamakailan, naiulat ang mga nawawalang sabungero, pulis na nangholdap ng gasolinahan, at inang ibinenta ang sariling anak matapos mabaon sa utang — mga problemang nag-ugat sa pagkakalulong sa E-sabong.

 

 

Kasama rin ang Philippine Amusement and Gaming Corporation sa pagpapatupad at magkakaroon ng formal memorandum, ayon kay Chairperson Andrea Domingo.

 

 

Sa Maynila, ilang off-cockpit betting station ang bukas pa ngayong Martes pero wala nang palabas na sabong. (Daris Jose)

MADAM INUTZ, nag-alinlangan na i-share ang story sa ‘MMK’ na gagampanan ni DAWN

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa kanyang first ever TV debut, pagbibidahan ni Dawn Chang ang makulay na buhay ng PBB Kumunity celebrity housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang ang viral live seller na si Madam Inutz.

Kasama ang batikang aktres na si Susan Africa, Gino Roque, at Pamu Pamorada, mapapanood ang espesyal na two-part Mother’s Day series sa Mayo 7 (Sabado) at Mayo 14 (Sabado).

Nag-alinlangan pa nung una si Madam Inutz na ibahagi ang kanyang kwento, “Ayoko talaga i-share kasi siyempre ‘yun yung mga panahon na gusto kong kalimutan, yung hirap. Pero at the same time, naisip ko bakit hindi. Gusto ko magbigay ng inspirasyon sa mga tao.”

Si Dawn naman ay naghanda nang mabuti para bigyang buhay ang maingay na personalidad ni Madam Inutz. Inilahad ni Dawn na nag praktis pa siya ng pagmumura na sikat na gawain ni Madam Inutz sa kanyang mga video.

“Ayoko lang na maging kamukha ni Madam Inutz, gusto ko na ako mismo ay maging si Madam Inutz, hindi lang sa physical or panlabas but yung buong buo na siya,” aniya.

Emosyonal din ang kanyang preparasyon para sa role dahil sa madaming paghihirap na dinanas ni Madam Inutz bilang anak at ina, “Dito kinailangan kong gamitin ang sakit ng past ko para lumabas yung tapang ko at mailabas ang tunay na Madam Inutz.”

Bago naging “Madam Inutz,” si Daisy Lopez ay laking Tondo Manila. Marami ng trabaho ang kanyang napasukan dito at abroad para makatulong sa kanyang pamilya at maipagamot ang ina na may sakit. Matapos sumubok sa online live selling, sumikat siya dahil sa kwelang pamamaraan ng pagbebenta. Napasali pa siya sa Pinoy Big Brother bilang “Ang Mama-Bentang Live Seller Ng Cavite.”

Hati man ang reaksyon ng netizens sa live selling ni Madam Inutz, hindi siya pinanghinaan ng loob na tumigil at mas lalo pang magpursige para sa kanyang pamilya.

Para kay Direk Raz Dela Torre, ang kwento ni Madam Inutz ay hindi lamang Mother’s Day tribute, “Matututunan ng viewers na tumingin nang mas malalim sa kapwa natin. Kilalanin ang mga tao na nakakausap natin at huwag basta-basta humusga dahil lahat tayo ay may iba’t ibang pinag dadaanan.”

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(ROHN ROMULO)

MAYO 9, ARAW NG HALALAN, SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang idineklara ng Malakanyang na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes, May 9, araw ng National at Local Elections.

 

 

Nakasaad sa ipinalabas na Proclamation No. 1357 ng Malakanyang na kapuwa pirmado nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea Jr. na may pangangailangan na ideklarang special (nonworking) holiday sa nasabing petsa upang magawa ng mga tao na makaboto ng maayos habang inoobserba ang public health measures na patuloy na ipinatutupad ng gobyerno.

 

 

“There is a need to declare Monday, 09 MAy 2022, a special (non-working) holiday to enable the people to properly exercise their right to vote, subject to the public health measures of the national government,” ang nakasaad sa nasabing proklamasyon.

 

 

Samantala, mahigpit na babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng minimum health and safety protocols laban COVID-19 ngayong eleksyon 2022. Inihayag ito ni COMELEC Commissioner Aimee Torrefranca – Neri na siyang bagong talagang Chairperson ng New Normal Committee ng poll body.

 

 

Sinabi ni Neri na sa kabila ng mababang kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi aniya magpapakakampante ang COMELEC para maiwasan ang panibagong surge ng COVID-19 ngayon panahon ng halalan.

 

 

Kaya naman apela ng COMELEC sa publiko na palaging sumunod sa minimum public health standards bago, habang at kahit matapos na ang eleksyon para mapangalagaan ang kalu- sugan at kaligtasan ng lahat. (Daris Jose)

Pets Master Their Own Powers in the New Trailer of ‘DC League of Super-Pets’

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JUST because they’re super – doesn’t make them heroes. 

 

Check out the new trailer of  “DC League of Super-Pets” and watch the action-adventure in cinemas across the Philippines July 27.

 

 

Dwayne Johnson stars as the voice of Krypto the Super-Dog in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets,” from director Jared Stern.

 

The film also stars the voices of Kevin Hart (the “Jumanji” and “Secret Life of Pets” films), Kate McKinnon (“Saturday Night Live,” “Ferdinand”), John Krasinski (the “Quiet Place” films), Vanessa Bayer (“Saturday Night Live”), Natasha Lyonne (“Show Dogs”), Diego Luna (“Rogue One: A Star Wars Story”), Marc Maron (“Joker”), Thomas Middleditch (“Godzilla: King of the Monsters”), Ben Schwartz (“Sonic the Hedgehog”), and Keanu Reeves (the “Matrix” and “John Wick” films).

 

 

In “DC League of Super-Pets,” Krypto the Super-Dog and Superman are inseparable best friends, sharing the same superpowers and fighting crime in Metropolis side by side. When Superman and the rest of the Justice League are kidnapped, Krypto must convince a rag-tag shelter pack—Ace the hound, PB the potbellied pig, Merton the turtle and Chip the squirrel—to master their own newfound powers and help him rescue the Super Heroes.

 

Stern, a veteran writer/consultant on the “LEGO®” movies, makes his animated feature film directorial debut, directing from a screenplay he wrote with frequent collaborator John Whittington, based on characters from DC, Superman created by Jerry Siegel and Joe Shuster. The film is produced by Patricia Hicks, Dwayne Johnson, Dany Garcia, Hiram Garcia and Jared Stern. The executive producers are John Requa, Glenn Ficarra, Nicholas Stoller, Allison Abbate, Chris Leahy, Sharon Taylor and Courtenay Valenti.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents A Seven Bucks Production, “DC League of Super-Pets.”  The film will be released by Warner Bros. Pictures in Philippine theaters July 27.

Political leader todas sa pamamaril sa Malabon

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang political leader ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang suspek, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

 

 

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilala bilang Renato Luis, 47 ng Block 3, KADIMA, Barangay Tonsuya.

 

 

Sa ulat nina PSSg Michael Oben at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, habang naglalakad ang biktima sa KADIMA Basketball Court, Brgy. Tonsuya dakong 3:36 ng hapon nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek at pinagbabaril siya.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong DAMATA Brgy. Tonsuya habang isinugod naman ang biktima ng kanyang pamilya sa nasabing pagamutan.

 

 

Mariin namang kinondena ni Cong. Lacson-Noel ang pagpatay sa biktima. “Ang pagkamatay ni Renato “Atong” Luis, isa sa mga masisipag kong leaders mula sa Brgy. Tonsuya na pumanaaw sa nakakapanlumong paraan ay nagiwan ng puwang sa puso ng kaniyang mga kamag-anak, pinagseserbisyuhang mga Malabonians at sa amin na kaniyang mga kaibigan.

 

 

Ang mga mabubuti niyang nagawa at kontribusyon para sa ating siyudad lalo na sa kanyang barangay ay kailanman hindi mapupukaw.

 

 

Mula po sa aking puso at ng aking buong pamilya ay aking iniaalay ang aking sinserong pakikiramay at pakikidalamhati sa pagpanaw ng isang mabuting Malabonian at kaibigan” pahayag niya.

 

 

Iniutos na ni Col. Barot ang masusing imbestigasyon para matukoy ang pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Richard Mesa)

Miami Heat abanse na 2-0 matapos muling talunin ang Sixers, 119-103

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ABANSE  na ng dalawang panalo ang Miami Heat matapos na ilampaso ang Philadelphia Sixers sa score na 119-103 sa Game 2 ng NBA semifinals sa Eastern Conference.

 

 

Nanguna sa opensa ng Miami sina Bam Adebayo na may 23 points, Jimmy Butler na nagdagdag ng 22 points at 12 assists at si Victor Oladipo na nag-ambag ng 19 points kasabay ng kanyang 30th birthday.

 

 

Ang 10 niyang puntos ay sunod-sunod na naipinasok niya sa 4th quarter.

 

 

Ang bagong nanalo naman na Sixth Man of the Year na si Tyler Herro ay hindi rin naman nagpahuli na nagbuhos ng 18 points.

 

 

Sinamantala ng Miami ang hindi pa rin paglalaro ng big man ng Sixers at MVP candidate na si Joel Embiid.

 

 

Dahil dito nasayang tuloy ang ginawa nina Tyrese Maxey na nagtala ng kabuuang 34 points para sa Philadelphia, habang may 21 naman na puntos mula kay Tobias Harris at 20 points kay James Harden.

 

 

Ang susunod na Game 3 ay gagawin na sa teritoryo ng Sixers sa darating na Sabado.

ANG TRACK RECORD NI MAYOR AMBEN AMANTE

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Isyu ng eleksiyon, isyu ng pagpili ng sambayanang Pilipino na mamuno sa ating bayan sa lokal man o national.

 

 

Ang malaking katanungan ng sambayanang Pilipino sa panahon ng eleksiyon ay kung sino ba talaga ang karapat-dapat na iboto sa posisyong lokal o national, ano ba ang dapat maging basehan ng isang Pilipinong botante sa mga aspirante na kanilang ihahalal sa Mayo 9 taong kasalukuyan.

 

 

Sa aking pananaw ang pinakamagandang basehan ay ang kanilang ‘track record;’ o mga nagawa nila noong sila ay kasalukuyang nasa poder ng kapangyarihan. Isang halimbawa dito ay ang track record ni Mayor Amben Amante ng San Pablo City, Laguna na kasalukuyang tumatakbo bilang kinatawan ng District III ng Laguna.

 

 

May ‘K’ ba si Mayor Amben Amante? Para maging Congressman ng District III ng Laguna.

 

 

Sa aking panayam sa mga taga-San Pablo, si Mayor Amben ay karapat-dapat maging kinatawa ng District III ng Laguna sa ilang kadahilanan.

 

  1. Anila, si Mayor Amben ay may hands on leadership sa kanyang constituent at patunay nito ang People’s day every Monday upang personal niyang madinig ang suliranin at hinaing ng kanyang kababayan at mabigyan ng agarang aksyon.
  2. Ayon pa sa kanila si Mayor Amben ay madaling lapitan or approachable anuman ang katayuan mo sa buhay.
  3. Siya ay isang people “Oriented Leader” patunay nito ang mga proyektong kanyang ginawa para sa maralita: ospital, park, at mga ayuda noong kasagsagan ng pandemya.

 

Ilan lamang ‘yan sa mga maraming mabubuting nagawa ni Mayor Amben Amante sa San Pablo City. Kung kaya’t mahal siya ng kanyang mga kababayan. Kung ganitong klaseng leader ang mailalagay sa kongreso tiyak ang tinig ng mga District III ng Laguna ay madidinig. Ang atensyon at aksiyon ang maaasahan sa kanilang hinaing at suliranin sa ngalan ng pag-abante ng District III sa pamamagitan ni Congressman Amante.

 

 

NAGAWA NIYA SA SAN PABLO AT MULI NIYANG GAGAWIN SA KONGRESO

 

 

Samantala nais ko lang pasalamatan  at saluduhan ang mga tapat at masisipag na empleyado ng BPLO at Tax Examiner Dept., City Hall ng San Pablo na sina Marlyn Laguna Nonzares, Primo Brion IV, Leonioz Amante, Noli Pacio, Alexander Dizon.

 

 

Maraming salamat din sa East Avenue Medical Center sa pangunguna ng kanilang director Dr. Alfonzo G. Nunez at administrator officer na si Jose Calixto at kay Maam Jocelyn Francisco ng HR department sa hospital assistance sa mga pasyente na nilalapit sa inyong tanggapan.

 

 

Keep up the good works sir/ma’am.

 

(Many Maldonado)

111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth.

 

 

Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary Antonette Remonte at iba pang matataas na opisyal ng state insurer ng bansa.

 

 

Nagbigay ng update ang mga opisyal ng PhilHealth hinggil sa implementasyon ng Universal Health Law.

 

 

Si Atty. Gierran ang siyang nagbigay ng welcome remarks sa lahat ng dumalo, nakiisa at sumusuporta sa PhilHealth.

 

 

Inilatag naman ni Dra. Domingo ang main ­objective ng PhilHealth na paglingkuran ang bawat isang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaloob ng serbisyong medical o pagpapagamot sa mga may karamdaman.

 

 

Ayon kay Dra. Domingo, “All Filipinos are gua­ranteed equitable  access to quality and affordable health care goods and service and Protected Against Financial Risk”.

 

 

Ayon pa kay Dra. Domingo, RA 11223 o Universal Health Care Act ay nagbibigay ng legal basis para sa payment scheme.

 

 

Aniya, marami silang “lesson learned” na natutunan ngayong panahon ng pandemya at higit nilang pinagbubuti ang kanilang serbiyo sa publiko.

 

 

Hinggil naman sa pagbabayad sa mga pribadong hospital ay pinama­madali na ng PhilHealth ang kanilang mga claims at may mga pag-uusap na siyang ginagawa upang hindi na magkaroon pa ng problema sa hinaharap.

 

 

Isa sa isinusulong ngayon ng PhilHealth ay malunasan ang severe malnutrition sa mga kabataan sa bansa. (Daris Jose)

ate insurer ng bansa.

Mystery, Dread Surround ‘Don’t Worry Darling’ Official Trailer

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. Pictures and New Line Cinema have revealed the official trailer of the mystery thriller ‘Don’t Worry Darling‘ directed by Olivia Wilde and starring Florence Pugh, Harry Styles, Olivia Wilde, Gemma Chan, KiKi Layne, and Chris Pine.

 

 

Check out the trailer below and watch “Don’t Worry Darling” in Philippine cinemas September 2022.

About Don’t Worry Darling”

 

 

A 1950s housewife (Florence Pugh) living with her husband (Harry Styles) in a utopian experimental community begins to worry that his glamorous company may be hiding disturbing secrets.

“Don’t Worry Darling” is directed by Olivia Wilde, screenplay by Katie Silberman, story by Carey Van Dyke & Shane Van Dyke and Katie Silberman.  The producers are Olivia Wilde, Katie Silberman, Miri Yoon, Roy Lee, the executive producers are Richard Brener, Celia Khong, Alex G. Scott, Catherine Hardwicke, Carey Van Dyke, Shane Van Dyke.

The film stars Florence Pugh, Harry Styles, Olivia Wilde, Gemma Chan, KiKi Layne, and Chris Pine.

 

 

“Don’t Worry Darling” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #DontWorryDarling

Ads May 6, 2022

Posted on: May 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments