• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 12th, 2022

Bilang mga nasasawi dahil sa kilos protesta sa Sri Lanka posibleng tumaas pa

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG  tumaas pa ang bilang ng nasasawi dahil sa patuloy na kilos protesta sa Sri Lanka.

 

 

Inatasan kasi ni outgoing Sri Lankan Prime Minister Mahinda Rajapaksa ang mga kapulisan na barilin ang sinumang magtatangka na magsagawa ng kilos protesta.

 

 

Nailigtas rin ng mga otoridad si Rajapaksa ng tinangka ng mga protesters na pumasok sa kaniyang tahanan.

 

 

Umabot na rin sa halos 300 protesters ang sugatan matapos nilang makasagupa ang mga kapulisan.

 

 

Nais kasi ng mga protesters na gayahin din ng kanilang pangulo na si President Gotabaya Rajapaksa ang ginawa ng kapatid nitong Prime Minister na bumaba sa puwesto.

 

 

Nagbunsod ang malawakang kilos protesta dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng kanilang bansa.

 

 

Nauna ng idineklara ng kanilang pangulo ang state of emergency dahil sa patuloy na kaguluhan.

 

 

Kinondina naman ng European Union at United Nations ang nagaganap na kaguluhan kung saan patuloy na lumulobo ang mga nasasawi.

Ads May 12, 2022

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hanoi SEA Games papayagan ang mga audience na manonood sa mga laro

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPAYAGAN na ang mga audience na manood ng iba’t-ibang laro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Kinumpirma ito ni Philippine delegation chief of mission Ramon Fernandez matapos ang ginawa nilang final meeting bago ang pagbubukas ng biennial games sa Mayo 12.

 

 

Dagdag pa nito na papayagan ang mga tao na manood ng mga laro basta sumunod sa mga ipinapatupad na health and safety protocols.

 

 

Gaya kasi ng Pilipinas ay patuloy na bumaba ang naitatalang kaso ng COVID-19.

 

 

Magugunitang ipinagpaliban na noong nakaraang taon ang nasabing torneo dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

PNP, umapela sa mga nagnanais magkasa ng mga kilos protesta na gawin ito sa tamang lugar

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IGINAGALANG ng Philippine National Police o PNP ang karapatan ng bawat Pilipino na maghayag ng kanilang saloobin, salig sa itinatadhana ng Saligang batas.

 

 

Ito’y kasunod ng mga banta ng iba’t ibang grupo na magkilos protesta para tutulan ang isang partikular na kandidato na lumalamang ngayon sa bilangan.

 

 

Ayon kay PNP Director for Operations at Deputy Commander ng Security Task Force for National and Local Elections, P/MGen. Valeriano de Leon, hindi naman nila pipigilan ang anumang uri ng pagkilos lalo na kung ito’y paghahayag ng saloobin bilang bahagi ng demokrasya.

 

 

Gayunman, umaapela si de Leon sa mga nagnanais na magkasa ng mga pagkilos na maging mahinahon at tiyaking hindi ito makaaabala sa mas nakararami lalo pa’t balik normal na muli ang sitwasyon matapos ang Hatol ng Bayan.

 

 

Una rito, ibinabala ni PNP Officer-In-Charge, P/LtG. Vicente Danao Jr na sakaling may mga magmatigas pa rin at magpumilit na balewalain ang batas ay gagamitin ang kanilang buong puwersa para papanagutin ang mga nasa likod nito. (Daris Jose)

National Cathedral sa US pinatunog ng 1-K beses dahil sa kaso ng COVID-19

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINATUNOG ng 1,000 beses ang kampana ng Washington Natonal Cathedral sa US.

 

 

Ang bawat tunog kasi ay nagrereporesnta ng 1,000 bawat kamatayan mula sa COVID-19 habang papalapit na sa 1-milyon na ang nasawi.

 

 

Itinuturing kasi na ang US ang may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo na mas marami sa Brazil, India at Russia.

 

 

Base sa data ng John Hopkins University na mayroong mahigit 995, 000 na ang nasawi sa US matapos dapuan ng COVID-19.

 

 

Pinapatunog ang mga kampana ng simbahang katolika sa US tuwing nalalampasan nila ang kakaibang record sa pandemic.

 

 

Unang ginawa ito noong Setyembre 2020 ng maitala ng US ang 200,000 na nasawi matapos dapuan ng virus.

Mabilis na transmission ng poll results, nakagugulat- political analyst

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAGUGULAT para sa isang political analyst ang mabilis na transmission ng resulta ng 2022 elections kumpara sa nakalipas na halalan sa bansa.

 

 

Sinabi ni political analyst Ramon Casiple na bagama’t mabilis ang transmission ng resulta ng 2022 elections ay napakaaga pa aniya para magbigay kaagad ng konklusyon.

 

 

“Nagulat ako doon sa mabilis ang labas ng mga resulta kasi sa mga naunang mga eleksyon na automated inaabot ka ng ilang oras talaga, hanggang umaga ‘yan na naglalabasan ‘yung mga posisyon,” ayon kay Casiple.

 

 

Nagsimula kasi ang Commission on Elections (Comelec) na mag-report ng transmissions ng election results “as early as around 8 p.m.” noong Mayo 9. Ito’y dahil sa “better preparation and improvement of facilities” ng komisyon.

 

 

Ito ayon kay Casiple ang dahilan kung bakit may ilang sektor ang kaagad na kinuwestiyon ang mabilis na transmissions ng election results.

 

 

“Pero ganito talaga ang sitwasyon kapag unexpected yung results ay nagkakaroon ng mga diskusyon,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Binigyang diin ni Casiple ang pangangailangan na maging bigilante sa panahon ng pagre-report ng election results, lalo pa’t ang mananalong presidential candidate ang gagabay sa bansa sa susunod na anim na taon.

 

 

“Mabigat ‘yung eleksyon e. Anim na taon ‘yung president. Kung magkamali tayo dito, malaking gulo sa ating bansa,” aniya pa rin.

 

 

Kaya makabubuti aniyang hintayin ng lahat ang “final and official election results” na ipalalabas at ang pagpo-proklama sa bagong pangulo bago pa magkomento.

 

 

“Bantayan pa natin ang nangyayari kasi tantya ko hindi pa tapos. Nagsisimula pa lang na mawala sa shock yung mga kandidato na natalo kaya tignan natin,” ani Casiple. (Daris Jose)

Avatar: The Way of Water’ Reveals Teaser Trailer and Stills

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE teaser trailer and stills for 20th Century Studios’ Avatar: The Way of Water is available now online.  

 

 

James Cameron’s first follow-up to his “Avatar,” the highest-grossing film of all time, will open in Philippine cinemas in December.

 

 

Watch the teaser trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=lPF8qomZFWg

 

 

The trailer reveals an even more amazing depiction of Pandora than the original Avatar.  The Avatar sequel is set to land in theaters on December 16, 2022. It’s been 13 years since the historic success of the original, and Avatar 2 employs CGI and performance capture to an even greater extent than its groundbreaking predecessor.

 

 

Avatar 2 is set to explore the aquatic side of Pandora, and the trailer already reveals the movie to be a monumental visual effects achievement. Indeed, the sequel already is surpassing the visual majesty of the first Avatar, with its trailer showing vast beachside Na’vi communities and the Na’vi trekking both above and below the water and interacting with the fantastic sea life of their world.

 

 

The Na’vi themselves look amazing as ever in the Avatar 2 trailer, while the new creatures and settings are absolutely astonishing in the trailer. On top of those assets, the rendering of the water really drives home how great the effects are. Both the underwater and surface shots showcase how much Cameron’s blend of practical and green screen techniques has paid off. The filmmaker is more accustomed than most to shooting in a water-filled set, having directed The Abyss and Titanic. The Avatar 2 trailer shows the movie building on Cameron’s work in those two films, creating even greater visual effects magic in the process.

 

 

The original Avatar was set mainly in the vast forests of Pandora, with some other settings like towering cliffsides and flying mountains. These effects were ahead of their time and still hold up incredibly well. Avatar 2 had an even greater challenge in bringing to life the sea-faring world and story Cameron had envisioned, and even the brief first trailer makes clear that his goal was fully achieved.

 

 

With the trailer online, to be viewed outside of a movie theater setting, the upcoming Avatar sequel has the ball rolling on selling the return to Pandora as worth the wait. The rest of the movie’s marketing will likely have little heavy lifting to do in this respect with how strong of an impression the trailer has made, alongside the Avatar sequel’s huge box office prospects.

 

 

Cameron has put every bit of hype possible behind the Avatar sequels, and with the trailer for Avatar: The Way of Water, they’re already off to a strong start in surpassing Avatar‘s visual effects legacy.

 

 

Produced by Cameron and Jon Landau, Avatar: The Way of Water stars Zoe Saldana, Sam Worthington, Sigourney Weaver, Stephen Lang, Cliff Curtis, Joel David Moore, CCH Pounder, Edie Falco, Jemaine Clement, and Kate Winslet.

(ROHN ROMULO)

Kampo ni Robredo pag-aaralan ang social media reports, allegations

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo na pinag-aaralan ng kanyang kampo ang mga ulat at alegasyon sa social media.

 

 

Si Robredo, na kasunod ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 14 na milyong boto laban sa 30 milyong boto ng huli, ay naglabas ng pahayag habang pinasalamatan niya ang mga sumuporta sa kanyang 2022 presidential bid na higit na naka-angkla sa mga pagsisikap ng mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor kaysa sa ang suporta ng mga pulitiko.

 

 

Bukod dito, sinabi ni Robredo na dadalo siya sa dalawang pagtitipon kasama ang kanyang mga tagasuporta: isang 5:30 p.m. Misa ngayon sa Naga Metropolitan Cathedral at isang kaganapan sa Mayo 13 sa Maynila, na ang mga detalye nito ay iaanunsyo mamaya.

 

 

Muli, nagpapasalamat ito sa sipag, pagkamalikhain, at pusong dinala ng hanay sa kampanya.

Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

 

 

Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang kanyang pagsisilbihan matapos ang mahabang panahon na pangangailangan ng ibang tao ang kanyang iniintindi.

 

 

“I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change,” ani Lacson sa kanyang post sa Twitter.

 

 

Aminado naman si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na mayroon nang napili ang bawat Pilipino na susunod na pangulo ng bansa kasabay ang pagbati kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Tuloy lamang aniya ang buhay at babalik siya sa  buhay sibilyan o “Citizen Isko” matapos ang Hunyo 30.

 

 

Nanawagan din siya na kung may nagpaplano ng mga kaguluhan ay huwag nang makisali ang publiko dahil sa wala umano itong maidudulot na maganda sa bansa.

 

 

Tinanggap na rin ni de Guzman ang pagkatalo sa halalan.

 

 

“Tulad din ng iba, tanggap ko ‘yung pagkatalo ko sa eleksyong ito. Ako ay nananawagan at nagpapasalamat sa aking mga supporter na hindi bumitaw sa pagsuporta sa akin,” ani de Guzman sa panayam ng One News.

 

 

Sa kabila nito, tiniyak ni de Guzman na ipagpapatuloy niya ang kanyang panawagan na itaas ang minimum wage sa P750 at itigil na ang “labor-only contracting practice” at land-grabbing.

 

 

Samantala, maging si Sotto ay tanggap na hindi siya ang napili ng mga mamamayan na susunod na bise presidente na bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Crowd estimates sa mga campaign rallies, “masamang” at “maling” basehan para sa resulta ng halalan

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAMA at mali na “panghawakan” o pagbasehan ng mga kandidato ang pagkapanalo dahil lamang sa dami ng tao na sumama sa kanilang campaign rallies.

 

 

Ito’y matapos na kitang-kita ang pagdagsa ng mga tao sa campaign sorties ng mga kandidato para sa May 9 national at local elections sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Ranjit Rye, political science professor sa University of the Philippines, na ang pre-election surveys ay mas “reliable” at “accurate,” pagdating sa pagtataya ng resulta ng kasalukuyang halalan.

 

 

“Ang klaro dito sa ating mga resulta, hindi ho magandang basehan ho ‘yung rally for electoral outcomes po. Hindi rin magandang basehan ‘yung Google trends kasi hindi naman siya dinisenyo para palitan ho ‘yung you know, public opinion sa surveys po,” ayon kay Rye sa “Hatol ng Bayan 2022” program na inere ng state-run PTV-4.

 

 

Ani Rye, ang resulta ng partial at unofficial count ng mga boto para sa halalan ngayong taon ay sumasalamin sa “scientifically-conducted” surveys ukol sa public opinion ng eleksyon sa bansa.

 

 

Gayunman, mayroon talaga aniyang magpapahayag ng kanilang pagdududa sa “accuracy” ng pre-election surveys.

 

 

“Iyan ang naging experience namin. Talagang grabe ang batikos sa social media. Masaya kami, at least na-validate ‘yung science ho ng surveys. We’re hoping talaga  that people will begin to realize the importance and the reliability, ‘yung  precision of scientifically-conducted surveys,” ayon kay Rye.

 

 

Tinukoy ni Rye ang kaso ng UniTeam presidential-vice presidential tandem nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte na kapuwa nangibabaw sa pre-election surveys at partial at unofficial tally ng mga boto.

 

 

Aniya, ang pre-election surveys ng OCTA Research, at maging ng private polling firms Pulse Asia at Social Weather Stations, ay “salamin” ng resulta ng initial tally.

 

 

“When you look at the OCTA Research’s estimates of survey results two weeks ago, it actually mirrors what actually happened last May 9, not perfectly but essentially,” ayon kay Rye sabay sabing “Our surveys are not only accurate but also very reliable po. So in a sense, na-validate ‘yung science of surveys.”

 

 

Habang ang resulta para sa eleksyon ngayong taon ay nananatiling unofficial, sinabi ni Rye na sina Marcos at Duterte ay maituturing ng “projected winners” sa presidential at vice presidential race.

 

 

“You know, we are still in the process of canvassing our votes at the national level, specifically for president and vice president. While hindi pa concluded itong process na ito, it’s likely na  we already know the projected winners, given that more than 95 percent of the votes have been processed. And it’s likely to be former senator Bongbong Marcos for president and for vice president, si Mayor Sara Duterte,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, sa kabila ng political differences, nagpahayag naman ng kumpiyansa si Rye na matatanggap ng publiko kung anuman ang magiging resulta ng halalan.

 

 

Ang eleksyon aniya ay dapat na magbigkis at hindi maging dahilan ng pagkawatak-watak ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“People have to reflect on the importance of democracy and of accepting the outcomes of this particular election cycle, not just for the president and the vice president but for all the other positions,” ayon kay Rye.

 

 

Umaasa aniya siya na ang mga Filipino ay maninindigan sa kanilang layunin na paunlarin ang bansa.

 

 

“We have to continue to work together in communities and in cooperation with the private sector and government, if we want to push the agenda of change and development for our country. So, ‘yun ho ang call natin. Importante ho na magkaisa tayo, importante po na  we begin to think beyond our parties and candidates and think of what’s good for the community and for the nation,” ayon kay Rye. (Daris Jose)