• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 12th, 2022

Kasama sana si Sharon pero nagka-aberya dahil sa COVID-19 test” Official trailer ng ‘Easter Sunday’ ng Fil-Am standup comedian na si Jo Koy, napapanood na

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang tanyag na celebrity makeup artist and stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72 nitong May 11.

 

 

Tita Fanny or TF kung tawagin si Serrano ng mga malalapit sa kanyang sa showbiz.

 

 

Sa Facebook ng fashion designer na si Dave Ocampo, vice president for External Affairs of Designers Circle Philippines, sinulat niya: “GOOD BYE TITA FANNY SERRANO THANK YOU FOR YOUR WORDS AND THE WORDS OF LORD JESUS YOU SHARE WITH US. YOU WILL BE MISS BY YOUR DESIGNERS CIRCLE PHILIPPINES FAMILY!! LOVE YOU TF YOU ARE A FRIEND, A MENTOR, A BROTHER TO ME. THANK YOU SO MUCH!!”

 

 

Noong September 2016, tinakbo si TF sa ospital pagkatapos itong magkaroon ng massive stroke. Bago ito ay na-survive ni TF ang dalawa pang minor stroke na nakaapekto sa kanyang senses at motor skills.

 

 

Isang malaking milagro na naka-recover si TF sa ikatlong stroke niya.

 

 

Pinanganak bilang Felix Marinao Fausto Jr, sa Naga, Camarines Sur, nagtrabaho bilang isang makeup artist si TF noong 1977 para sa aktres na si Celia Rodriguez. Naging miyembro rin si TF ng kilalang gay performance group noong ’70s na Paper Dolls.

 

 

Mas nakita ang husay ni TF nang kunin na siyang makeup artist at stylist ng mga sikat na artista tulad nina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Charo Santos, Kris Aquino, Cherie Gil, Dina Bonnevie, Amy Austria, Gina Alajar, Sandy Andolong, Ara Mina, Judy Ann Santos, Ai-Ai delas Alas at marami pang iba. Ilang beauty queens din ang pinaganda ni TF.

 

 

Bukod sa pagiging makeup artists, pinasok din ni TF ang pag-design ng mga gowns na sinuot ng ilang sa kanyang mga kliyente at nagkaroon pa siya ng sariling RTW boutique. Nag-launch din siya ng sariling cosmetic line noong 2013.

 

 

Naging artista rin si Fanny at lumabas siya sa mga pelikula. Kabilang na rito ay ang Sinasamba kita, Cover Girls, Alaga, Star!, May Isang Tsuper Ng Taksi, Bakit May Bilanggo Sa Anak Ni Eba?, Hello Lover, Goodbye Friend, Sampung ahas ni Eva, Tarima, Jesusa at Isa Pang Bahaghari.

 

 

Sa TV ay nakasama si TF sa Madam Chairman, Sirkus, Saan Ka Man Naroroon?, at sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya kunsaan naging direktor siya ng dalawang episodes na ‘Pusod’ at ‘Bridal Gown.’

 

 

***

 

 

MAPAPANOOD na online ang official trailer ng pelikulang Easter Sunday na bida ang sikat na Filipino-American standup comedian na si Jo Koy o Joseph Glenn Herbert sa tunay na buhay.

 

 

Isang comedy ang Easter Sunday na dinirek ni Jay Chandrasekhar at tungkol ito sa isang buhay ng isang struggling comedian at single father na dumalo sa isang Easter Sunday gathering ng kanyang loud and dysfuctional Fil-American family.

 

 

Binubuo ng Asian cast ang Easter Sunday at kasama rito ang sikat na Asian comedian na sina Jimmy O. Yang, Miss Saigon star Eva Noblezada, Lou Diamond Phillips, Eugene Cordero, Brandon Wardell, Lydia Gason, Rodney To, Hollywood comedian Tiffany Haddish at ang pumalit sa role ni Sharon Cuneta na si Tia Carrere.

 

 

Si Sharon ang original na kinuha para sa role na Tita Theresa at lumipad agad ito para sa shooting ng movie sa Vancouver, Canada na nakatakda noong May 3, 2021. Pero kinailangan na mag-dropout sa project si Sharon dahil sa false positive na COVID-19 test,

 

 

Hindi na bago sa Hollywood si Tia Carrere (Althea Rae Duhinio Janairo in real life). Nagsimula bilang singer at model si Tia bago siya nagbigyan ng big break sa American daytime soap opera na General Hospital.

 

 

      Nasundan ito ng sunud-sunod na malalaking Hollywood films at TV shows tulad ng Wayne’s World, Wayne’s World 2, True Lies, Lilo & Stitch, Duck Dodgers, Curb Your Enthusiasm, Relic Hunter, Nip/Tuck and Netflix’s AJ and the Queen.       Naging contestant din siya sa Dancing with the Stars, The Celebrity Apprentice. Nanalo din si Carrere ng dalawang Grammy Awards para sa kanyang Hawaiian albums na ‘Ikena at  Huana Ke Aloha.

 

 

Nag-pose din siya ng nude para sa January 2003 issue of Playboy.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS na i-announce na magkakaroon na sila ng baby, nagkaroon naman ng pustahan ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing kung ano ang magiging gender ng first baby nila.

 

 

Pakiramdam ni Rocco ay babae ang magiging panganay nila ni Melissa.

 

 

      “Nagpustahan na nga kami, hindi lang wish. Nagpustahan kami kung boy or girl. I think si Baby Nacino ay girl, si Melissa feeling n’ya boy,” sey ni Rocco.

 

 

Dahil si Melissa ang magbubuntis, nakikita na raw niya ang signs na lalake ang magiging anak nila.

 

 

“Kasi ‘di ba hindi ako palaging palaayos before. Tapos nagmamanas ako. Sabi nila ‘pag boy ‘di ba mas manas ka. Tapos ‘yung signs na mangingitim daw ‘yung kili-kili, leeg, boy daw. Parang lahat ng signs na ‘yun mayroon ako. So feeling ko boy.

 

 

      “‘Yung funny na pustahan is that ‘yung dad niya pinusta boy raw. Tapos kapag hindi raw boy siya raw magko-cover ng expenses ng panganganak ko,” natatawang kuwento ni Melissa.

 

 

Maging boy or girl ang kanilang baby, may napili na raw silang pangalan.

 

 

Sey ni Rocco: “May mga naka-save na. And we look for names na malapit sa word na faith and kindness kasi there were struggles for us kaya noong talagang pinanindigan namin ‘yung faith namin doon kami nagkaroon ng blessings. So we want to associate our babies’ name with faith.”      

(RUEL J. MENDOZA)

BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.

 

 

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan  habang ang suspek ay kinilalang si Gerald Garcia y Dasmariñas , binata, nasa wastong edad ng 931 Int. 3, Asuncion Cor. St. Mary Streets, Brgy. 13, Tondo, Manila na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

 

 

Sa ulat ni  PSMSgt  Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-12:40 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente  nang nakasalubong ang dalawa  sa isang eskinita sa  Bartolome St., Brgy 13, Tondo, Manila at walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

 

 

Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa kaya nang nag-krus ng landas nila ay dito na isinagawa ang paghihiganti ng suspek.

 

 

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim. (GENE ADSUARA )

Tanggap na maraming nag-unfollow dahil sa pananaw sa politika: JANNO, sinabihan ang netizens na hayaang maging bitter at magluksa sa pagkatalo

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TANGGAP ni Janno Gibbs na maraming followers ang nag-unfollow dahil sa kanyang personal na pananaw sa politika.

 

 

Post pa ng singer/comedian “Let us grieve.”

 

 

At dagdag pa ng aktor, “Sabi nyo “Wag nang bitter.” Tanggapin nlang na Talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as VP. Nagmove on ba? Tinanggap ba niyo? Hindi.

 

 

“Nagprotesta at nagparecount ng 3x.      “Talo pa rin. So hayaan niyo kaming maging bitter. Kung nabaliktad ang resulta, pihado bitter din kayo.

 

 

“Let us grieve.”

 

 

Reaction naman ng netizens:

 

 

“Infairness kay janno gibbs, atapang a tao lol.”

 

 

“True. Manual recount dapat. Tatlong beses din!!!”

 

 

“Wag ka na rin kasing dumaldal pa at titigil naman sila. Wag ng ibandera na talo ang FINK lalo ka lang aasarin ng mga yan.”

 

 

“Hindi nahihiya ang mga kakampink sa binoto nila. Kung uulitin lahat, iboboto pa din nila si Leni Robredo. Walang nakakahiya dun at walang sayang. Can’t say the same sa kalaban. Just wait and see.”

 

 

“You deserve it proud ka pa nga.”

 

 

“Kung tama yung pinanindigan nya. Yes! He’s proud.”

 

 

“Nakaka proud na di kami bumoto ng tax evader, kahit talo malinis konsensya namin.”

 

 

“Proud sya kase matino at mabuting tao ang binoto nya.”

 

 

“Hahaha Janno don’t worry, mga paid trolls na nkafollow sayo dati pa ang mga nag unfollow sayo. Sinunod nila ung sinabi mo na let us grieve. You lost troll followers pero you gained peace of mind.”

 

 

“30million na boto troll pa rin???”

 

 

“life must go on guys, stop the hate na.”

 

 

“i agree. It’s not just about politics. Andaming considerations involved. Choice of moral values, good and evil, etc.”

 

 

“Eh yun naman kasing k BBM, lamang sya ng 1m tapos biglang lamang na ng 200k si Leni. Etong 2022 elections, almost mag 32m votes na sya while si Leni nasa 15m. Saan nyo naman hahabulin o dudukutin yong almost 17m? Kung 200k lang lamang, pwede pang magpa recount kasi napaka close fight. Pero 17 million na lamang? Ay nako wag na mag sayang ng time.”

 

 

“Wala naman sinabi na mag recount walang pera si leni sinabi pa nga nya tanggapin ang resulta, maayos sya yung supporters nya lang talaga mejo hindi.”

 

 

“atapang na tao. follow na kita sa IG. :-)”

 

 

“Janno wag mong ipangalandakan na bitter at nagluluksa kayo marami pa dyan ang indenayal hindi nila tanggap. Ganyan talaga ang politika walang forever goodluck nalang sa career mo.”

 

 

“He’s a Filipino and paying tax. To voice out his thoughts and opinion is his constitutional right.”

 

 

“kakabilib siya! di gaya ng mga hugas mangga!”

 

 

“Respect our anger and grieve”

 

 

“Salamat Janno sa pagtindig. Dun sa mga sumuporta kay vvm, sana tama kayo. Sana nanalo sya ng walang bahid ng pandaraya. Sana nanalo sya dahil sya binoto nyo kahit walang bayad. Sana tuparin nya pinangako nya kung meron man. At higit sa lahat sana BAYARAN NYA UTANG NYA.”

 

 

“Good on him. He is not afraid to fight back and fight well.”

 

 

“Ayusin mo work ethics mo muna para pde kang maging Robin, khit na mdameng memes sknya ng supporters nyo eh #1 sya dahil may alam sa Gobyerno at nakatulong. di lageng credentials lapagan ngayon. Si Zelensky nga, romcom actor naging Presidente so pde ka din.”

 

 

Huling post ni Janno ay para kay VP Leni Robredo:

 

 

“Mam Leni,

 

 

“Isang karangalan po ang minsa’y haranahin kayo at mapangiti. Nakaukit napo yon sa aking puso’t isipan. Mabuhay po kayo! Muli, kinilig ako ng slight.

 

 

– Pres. Gibbs”

#lastnatohpromise

(ROHN ROMULO)

Tuwang-tuwa ang showbiz personalities na sumuporta kina BBM-SARA: TONI, babalikan na ang mga shows na tinanggap sa ibang network

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINAAN sa Instagram ni Kapuso actress Alice Dixson ang pagpapakilala sa eldest daughter niya, si Sassa, na kasama niya at ng bunso niyang si Baby Aura, nang mag-celebrate sila ng Mother’s Day last Sunday, May 8.

 

 

Caption ni Alice: “my lifetime to experience it twice’ first with Sassa, our panganay, nang dumating ang bunso, nabuo ang munting family.

 

 

“Hindi ko siya na-introduce formally when she was a teen kasi napaka-protective ng father niya, pero ngayon na young lady na siya at masters grad pa – the world is now her oyster.”

 

 

Dagdag pa ni Alice sa kanyang post kay Sassa, “I’m very proud of the woman you are and becoming – beauftiful inside ang out.”

 

 

Meanwhile, happy and thankful si Alice sa gabi-gabing mataas na rating na natatanggap ng kanilang GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady, where she plays the contravida to the First Lady, Melody (Sanya Lopez) and President Glenn Acosta (Gabby Concepcion), 8:00PM, after 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

STILL on Sanya Lopez, inamin ni First Lady, na ninerbyos siya nang kunan ang eksena sa kanilang serye, na dahil kumandidato siyang President, kapalit ng asawang may sakit na si PGA, na nangangampanya sila at nagra-rally, ay parang totoong-totoo.

 

 

Ganoon daw pala ang ginagawa sa totoong rally at medyo nakakatakot.

 

 

Pero marami raw siyang natutunan sa mga eksenang ginawa niya simula nang maaksidente sa story si PGA at siya ang ni-request nito para siyang kumandidatong president.

 

 

Siyempre pa ay hindi nawala ang mga pangungutya kay Melody sa eksena, dahil dati nga raw lamang OFW siya at walang alam pero naglakas-loob na kumandidatong president.  Parang totoong-totoo ang mga eksena kaya naman inaabangan ito gabi-gabi ng mga televiewers.

 

 

Marami nang naghihintay kung sasabayan daw ng serye ang nalalapit ding proclamation ng 17th President of the Philippines na magaganap sa June 30, 2022.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA sina Toni Gonzaga, Ai Ai delas Alas, Andrew E. na mga frontliners sa mga rally ng BBM-SARA Uniteam during the campaign period hanggang sa Miting de Avance bago ang election day last May 9.

 

 

Ilan lamang kasi sila sa mga artistang supporters ng winning team, na tumanggap ng mga pangungutya mula sa mga kalabang political teams, pero hindi sila lumaban, sa halip ay ginawa lamang nila ang mga trabaho nila saan man sila pumunta kasama ng BBM-SARA Uniteam sa kanilang mga kampanya para magpasaya sa mga taong dumalo sa bawat  rally na ginanap sa buong Pilipinas, bago magsalita ang mga kandidato.

 

 

Ngayon nagsalita na ang mga tao, pagkatapos nilang bumoto at tumama na rin ang mga surveys, at siyempre pa, tuwang-tuwa na ang mga showbiz personalities na sumuporta sa BBM-SARA Uniteam.

 

 

Sana lamang ay mahinto na rin ang mga bangayan at magsimula na ang pagbabagong gusto nating mangyari para sa ating bansa, ngayong narito  pa rin ang pandemya ng Covid-19 at ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at marami pa ring walang trabaho.

 

 

Tiyak na balik-trabaho na rin ang mga artista.  Si Toni ay babalikan na ang mga shows na tinanggap na niya sa ibang network.  Si Ai Ai ay magkakaroon ng US show, kasama ang iba pang Kapuso stars. At siguradong gagawa pa rin ng mga movies si Andrew E sa Viva Films.

 

 

Congratulations sa lahat  ng mga nanalo sa 2022 Election.

 

 

(NORA VV. CALDERON)

Philippines -BEST dumating na sa Paris

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Dumating na ang Philippines BEST-Swim League Philippines sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na aarangkada sa Mayo 13 hanggang 15 sa Paris, France.

 

 

Dumating na sa Paris ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo nina Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Julia Ysabelle Basa, Marcus Johannes De Kam, Jordan Ken Lobos, Nicholas Ivan Radovan, Hugh Antonio Parto, Yohan Mikhail Cabana at Lance Arcel Lotino.

 

 

Matapos ang isang araw na pahinga, agad na sumalang sa ensayo ang koponan upang paghandaan ang matinding laban na haharapin ng Pinoy tankers laban sa matitikas na tankers sa Europa.

 

 

“The Eiffel tower was once impossible to built like our grassroots swimmers that we thought there is a possibility to even compete in Europe,” ani Philippines BEST-Swim League Phi­lippines team manager Joan Mojdeh.

 

 

Kasama rin sa de­legasyon sina Philippines BEST-Swim League Phi­lippines team owner Harold Mojdeh, secretary general Marilet Basa at coach Jerricson Llanos.

 

 

Nagpasalamat ang ko­ponan sa Behrouz Persian Cuisine — ang major sponsor ng team at kina Hans Wong, Hannah Wong, Marie Lim, Jun Papa, Senator Ralph Recto, Vince Garcia at sa FINIS Philippines gayundin kina Judith Communaudat (Secretary English Translator), Hervee Piquee (Head Coach and Technical Director) at Fadela El Barodi.

Joy Belmonte, iba pang nanalo sa Quezon City, pormal nang naiproklama

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAGABI ay pormal na ring naiproklama ang mga nanalong kandidato sa Quezon City.

 

 

Ang proclamation ay pinangunahan nina Atty. Lope de Gayo Jr, chairman Board of canvasser , Atty Vimar Barcellano Vice Chairperson,DOJ at  Dr Jennilyn Rose Corpuz , Member Secretary , Deped.

 

 

Muling nasungkit ni reelectionist QC Mayor Joy Belmonte ang pagka-alkalde sa lungsod na nakakuha ng botong 644,673 kumpara sa kalabang si Anak Kalusugan Rep Michael Defensor na nakakuha lamang ng 406,765 votes.

 

 

Sa 1st district ng Quezon City, ang anim na namayagpag sa pagkakonsehal ay sina Bernard Herrera – 120,063 votes, TJ Calalay- 117,189 votes, Doray Delarmente -115,253 votes, Sep Juico -102,685 votes, Nikki Crisologo – 93,383 votes  at Charm Ferrer- 90,786 votes.

 

 

Sa district 2 ay nangungunang konsehal si Mikey Belmonte – 146,939 votes , Candy Medina -146,202 votes, Aly Medall -121,663 votes, Dave Valmocina- 117,665 votes, Rannie Ludovica -107,097 votes at Atty Godie Liban- 103,345 votes.

 

 

Sa 3rd district nangunguna sa pagkakonsehal si Kate Coseteng -73,865 votes, Dok Lumbad-65,582 votes, Chuckie Antonio -63,316 votes, Don de leon- 57,995 votes, Wency Lagumbay-54,605 votes at  Atty Anton Reyes – 53,598 votes.

 

 

Sa district 4 nangungunang konsehal na nakakuha ng mataas na boto ay sina Egay Yap- 86,496 votes, Imee Rillo- 83,571 votes, Racquel Malangen -82,594 votes, Irene Belmonte – 79,822 votes, Nanette Daza-78,266 votes at  Marra Suntay -76,705 votes.

 

 

Sa 5th district nangunguna sina Joseph Joe Visaya- 140,009 votes, Alfred Vargas- 137,135 votes, Ram Medalla- 107,816 votes, Shay Liban- 96,602 votes, Aiko Melendez- 94,618 votes at Mutya Castelo -89,723 votes

 

 

Sa 6th district nangungunang may mataas na boto sina Doc Ellie Juan- 88,638 votes, Kristine Donny Matias- 86,886 votes,  Eric Medina-81,484 votes, Banjo Pillar- 72,656 votes , Vito Generoso Sotto-70,888 votes at Victor Bernardo- 66,150 votes

 

 

Nanalong Congressman sa District 1 ay ang aktor na si Arjo Atayde- 111,742 votes na malaking lamang niya sa kalabang si Onyx Crisologo na nakakuha lamang ng 52,554 votes

 

 

Sa district 2 Congressman ay nanalo ang indepen­dent candidate na anak ni Raffy Tulfo na si Ralph Raffy Tulfo Jr na nakakuha ng 124,468 votes na malaki ang lamang sa kalabang si Precious Castelo- 94,012 votes.

 

 

Sa District 3 ay nanalo si Incumbent Congressman Franz Pumaren na nakakuha ng 59,782 votes laban sa kalabang si Allan Benedict Reyes na may 55,966 votes.

 

 

Sa 4th district ay mataas ang nakuhang boto ni Marvin Rillo na may 80,584 votes laban sa kasalukuyang Congressman Bong Suntay na may 79,214 votes

 

 

Sa 5th district ay nakakuha ng malaking boto si dating Councilor PM Vargas ng 103,658 votes na malaking lamang sa kalabang si Ate Rose Lin na may 72,590 votes

 

 

Sa 6th district ay nakopo ni dating Councilor  Marivic Co-Pilar na nakakuha ng  95,471 votes na mas mataas kay dating Congressman Bingbong Crisologo na may 53,673 votes.

Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes.

 

 

“Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses na may Marcos na tumakbo sa unang distrito,” ayon sa 27 taong gulang na si Sandro.

 

 

Ang unang distrito ang sinasabing naging “stronghold” ng mga Fariñases, kung saan si Ria, anak na babae ng beteranong politiko at dating congressman Rodolfo “Rudy” Fariñas, ay incumbent.

 

 

Napadapa ni Sandro si Ria nang makakuha ang una ng 108,423 boto laban sa 83,034 boto ng huli.

 

 

Matapos ang proklamasyon, sinabi ni Sandro na susubukan niyang itulak ang mga batas na nakatuon sa agrikultura, hanapbuhay at technological improvement sa first district ng lalawigan.

 

 

Ang pinsan naman ni Sandro na si Matthew Marcos Manotoc, ay nasungkit ang kanyang panibagong termino matapos na talunin nito ang veteran politician at ama ni Ria na si Rodolfo “Rudy” Fariñas. nakakuha si Manotoc ng 229,161 boto laban sa 82,136 boto ni Fariñas.

 

 

Ang iba pang miyembro ng Marcos clan na pinroklamang nanalo ay sina Cecilia Araneta Marcos na nasungkit ang pangalawang termino bilang vice governor ng Ilocos Norte. Angelo Marcos Barba ay pinroklama rin bilang “winner” para sa pangalawang termino bilang first district representative ng lalawigan.

 

 

Si Michael Marcos Keon, tiyuhin nina Sandro at Matthew ay pinroklama bilang Laoag city mayor-elect, araw ng Martes. (Daris Jose)

Landslide victory kina BBM, Sara asahan

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY ANG pagbabalik sa Malacañang ni da­ting senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa inaasahang “landslide victory” kasama ng kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.

 

 

Sa “partial at unofficial tally” mula sa transpa­rency server ng Comelec dakong alas-7:32 kagabi na may 98.09% ng Election Returns, nakakalap na ng 31,036,142 boto si Marcos na napakalayo kay Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 14,790,393 boto.

 

 

Nasa malayong ikatlong puwesto si Sen. Manny Pacquiao (3,626,198), ikaapat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (1,887,770), at ikalima si Sen. Ping Lacson (880,765).

 

 

Nakapagtala naman si Duterte ng 31,482,073 boto na higit na malayo kay Sen. Kiko Pangilinan na mayroon lamang 9,212,988 boto at Senate President Vicente Sotto III na nakakalap naman ng 8,172,793, Doc Willie Ong 1,843,554 at Lito Atienza 266,921.

 

 

Nauna nang pinasa­lamatan ni Marcos ang mga botanteng sumuporta sa kanya sa isang talumpati sa kaniyang ‘campaign headquarters’ sa Mandaluyong City.

 

 

“Ngunit kahit hindi pa tapos nga ang pagbilang, hindi makapag-antay ang aking pasasa­lamat sa inyong lahat—ang aking pasasalamat sa lahat ng tumulong, sa lahat ng sumapi sa aming ipinaglaban, sa inyong sakripisyo, sa inyong trabaho at sa binigay ninyo sa amin na oras, na kakayahan,” saad ni Marcos.

 

 

Para naman kay Duterte, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Cristina Frasco na punum-puno rin ng pasasalamat ang alkalde ng Davao sa lahat ng botante, volunteers, pa­rallel groups, mga lokal na lider na tumaya sa kaniya at kay Marcos.

 

 

Sinabi rin niya na handa si Duterte na iabot ang kaniyang kamay sa mga nakatunggali upang matupad ang pangako na tunay na pagkakaisa sa bansa.

 

 

“Mayor Inday Sara has always been a unifier and that has been her message all along together with our next president Bongbong Marcos and so I have no doubt that we move of the next administration will be one that is anchored on unity no matter the political divisions this past elections,” ayon kay Frasco. (Daris Jose)

Tatapusin na ng UP!

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan hangad ng UP na pormal nang tapusin ang best-of-three cham­pionship series.

 

 

Nakalapit sa korona ang Fighting Maroons matapos maitarak ang pukpukang 81-74 overtime win laban sa Blue Eagles sa Game 1 noong Linggo.

 

 

Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan hangad ng UP na pormal nang tapusin ang best-of-three cham­pionship series.

 

 

Nakalapit sa korona ang Fighting Maroons matapos maitarak ang pukpukang 81-74 overtime win laban sa Blue Eagles sa Game 1 noong Linggo.

 

 

“We just kept remin­ding each other not to give up,” ani UP coach Goldwin Monteverde.

 

 

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos na ng UP ang kanilang buong lakas upang matuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw nito sa kam­peonato.

 

 

Pangungunahan nina Ricci Rivero, Maodo Malick Diouf, Xavier Lucero at Carl Tamayo ang matikas na ratsada ng Fighting Maroons para maisakatuparan ang inaasam na kampeonato.

 

 

Sa kabilang banda, hindi naman basta-basta susuko ang Blue Eagles.

 

 

At tiyak na magiging handa ito upang mapigilan ang selebrasyon ng Figh­ting Maroons at manatiling buhay ang pag-asa nito sa tangkang four-peat.

 

 

Maglalabas ng bagong formula si Blue Eagles head coach Tab Baldwin para mapigilan ang anumang bombang pasasabugin ng Fighting Maroons.

 

 

“We felt we needed a few things differently with our lineup and in retrospect, maybe we would second guess that,” ani Baldwin.

 

 

Isa sa mga nakikitang problema ng kanyang bataan ang match up sa size.

 

 

Kaya may balak itong gawin sa Game 2.

Next admin, suportado ni Bong Go

Posted on: May 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BILANG  nagpapatuloy na senador, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na susuportahan niya ang bagong papasok na administrasyong Bongbong Marcos at Sara Duterte, lalo ang pagpapatuloy ng magagandang programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Naunang umapela si Go sa mga Pilipino na itaguyod ang kasagraduhan at igalang ang resulta ng katatapos na halalan.

 

 

Naunang hinikayat ni Go ang mga botante na pumili nang matalino upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagsisikap ng administrasyong Duterte na malampasan ang pandemya.

 

 

Sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte, tiniyak ni Go sa mga Pilipino na bilang mambabatas, ipagpapatuloy niya ang pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon sa pagbibigay ng mas ligtas at komportableng buhay para sa lahat.

 

 

“Ako naman po bilang inyong senador, susuporta­han ko ‘yung magagandang programa na makakatulong sa mga mahihirap – tulad ng mga nawalan ng trabaho, ‘yung apektado talaga sa pandemyang ito….  Iyon po ang dapat unahing i-address ng incoming administration,” ayon sa senador.

 

 

“At ‘yung mga magagandang programa naman tulad ng Build Build Build, tulong sa mga mahihirap, at pati na rin ang Malasakit program… ipagpatuloy n’yo lang.  Iyon lang naman ang inaasam namin ni Pangulong Duterte, ipagpatuloy ninyo ‘yung magagandang programa to make life safer and more comfortable para sa mga Pilipino,” iginiit niya.