• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 17th, 2022

Posibleng ma-damage ang heart at lungs ‘pag ‘di maagapan… KRIS, mas lumala pa at life threatening ang illness niya

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA recent Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino kinumpirma nito na mas malala at life threatening ang illness niya.

 

 

Base ito sa naging resulta ng mga medical test niya sa Amerika, kaya nabahala ang kanyang mga doktor dahil posibleng ma-damage ang heart at lungs niya.

 

 

Panimula ni Kris sa IG post kasama ang isang video, “pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

 

 

“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.”

 

Say pa niya, “kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the USA – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.”

 

Dagdag pag-amin pa niya, “My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City).

 

“They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.”

 

Sa kabila ng matinding pinagdaraanan,nakikiusap din si Kris sa netizens na hinay-hinay sa negative comments para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

 

“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin,” sabi ng aktres.

 

“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.”

 

Pinusuan naman ng netizens at celebrity friends ang IG post ni Kris at pinagdarasal ng nakararami na sana’y gabayan siya at pagalingin ng Diyos.

(ROHN ROMULO)

Kaya nagbago ng career tulad ng pagdidirek: JOHN, tanggap na ‘laos’ na siya bilang gay comedian

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TANGGAP na ni John “Sweet” Lapus na “laos” na siya bilang gay comedian.

 

 

Lumipas na raw ang ningning ng kanyang bituin. Kaya tinanggap na rin ni Sweet na kailangan na rin niyang magbago ng career.

 

 

“Tanggap ko na iba na ang direction ng career ko the moment I accepted na magdidirek na ako sa TV at pelikula,” sabi ni Sweet.

 

 

May time limit daw ang pagiging comedian. Hindi na raw siya pwedeng lumabas na sidekick ng bidang babae dahil ang mga sikat ngayon ay mas bata sa kanya.

 

 

Ini-enjoy ni Sweet ang pagiging director niya. Siya ang napili nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na maging director ng sitcom nila sa GMA titled Jose and Maria’s Bonggang Villa.

 

 

Bukod dito ay writer din siya ng sitcom na Daddy’s Gurl at director ng satire show na BalitaOneNan sa Cignal TV.

 

 

Tumatanggap pa rin naman siya ng acting jobs dahil mas malaki ang tf niya as an actor. Pero enjoy siya working as a director dahil mas nagagamit niya ang kanyang creativity.

 

 

Swerte rin siya with the people he works with dahil may tiwala ito sa kanya at tanggap mga input niya bilang director.

 

 

Siya ang personal choice nina Dingdong at Marian, na co-producers ng sitcom, to direct the show. And he is very grateful.

 

 

“It’s such an honor. Masaya ako na may trabaho na dumarating kahit na nasa pandemic pa rin tayo,” sabi ni Sweet.

 

 

Nakatrabaho niya si Marian sa Show Me Da Manny for three years pero first time niya to work with Dingdong.

 

 

***

 

 

ENJOY panoorin ang Run To Me pinagbibidahan nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

 

 

Maganda ang chemistry ng dalawa na graduate ng PBB at sabi nga ng kanilang director na si Dwein Baltazar, natural ang chemistry. Kaya naman patok na patok ang dalawa sa maraming kilig scenes sa series.

 

 

Masaya ang celebrity press preview na dinaluhan ng buong cast sa Cinema 1 ng Santolan Town Plaza last Sunday. May mga fans din ng KDLex na dumalo sa screening na kilig na kilig sa mga eksena ng dalawang bida.

 

 

Very sweet si KD kay Alexa. May pa-holding hands pa ito at paakbay-akbay na lalong nagpakilig sa mga fans.

 

 

Kapwa ayaw bigyan ng label nina KD at Alexa ang sweetness na ipinapakita nila. Ini-enjoy lang daw nila ang kanilang pagtratrabaho together. Naturally sweet daw talaga sila sa isa’t-isa.

 

 

Nagpapasalamat din ang KDLex sa suporta ng kanilang mga fans. Iilan buwan pa lang nang sila ay ilunsad bilang tandem pero dama nila ang init ng suporta ng mga fans sa kanila.

 

 

Mapapanood ang Episode 1 ng Run To Me via streaming starting on May 20 on Kumu and May 21 on iWantTFC!

 

(RICKY CALDERON)

Pinay power sa Vietnam SEA Games

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIRANG si two-time world gymnastics cham­pion Caloy Yulo bilang unang Pinoy athlete na kumubra ng tatlong gold medals sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang kanyang ikalawa at ikatlong gintong medalya nang maghari sa men’s floor exercise at still rings para idagdag sa naunang panalo sa individual all-around kamakalawa.

 

 

Umiskor ang Tokyo Olympian ng 15.200 points sa floor exercise at 14.400 points sa still rings para sa paghakot ng Team PHL  sa pitong gold medals.

 

 

Bigo si Yulo, kumuha ng dalawang golds noong 2019 Manila SEAG, na mahirit ang ikaapat na ginto nang tumapos sa ikaanim sa pommel horse event.

 

 

Nakatakda pa siyang sumalang sa high bar, pa­rallel bars at vault ngayong araw.

 

 

Nakamit naman nina triathlete Kim Mangrobang at Fil-Am gymnast Aleah Finnegan ang kani-kanilang ikalawang ginto matapos magreyna sa women’s duathlon at vault, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nauna nang nagwagi si Mangrobang sa individual triathlon at kasama si Finnegan sa panalo sa women’s team event ng gymnastics.

 

 

Kumuha rin ng gold sina Agatha Wong (women’s taijijian) at Arnel Mandal (men’s sandra 56kg) sa wushu at William Morrison (men’s shot put) sa athletics.

 

 

Binasag ni Morrison ang sarili niyang SEA Ga­mes mark para sa bagong 18.41m record.

 

 

May kontribusyong silver medal sina fencer Nathaniel Perez (men’s foil individual), jiu-jitsu fighter Jollirine Co (women’s U-45kg. nogi) at Janry Ubas (men’s long jump).

 

 

Nagdagdag ng bronze sina cyclists Naomi Gardoce (women’s MTB downhill individual) at John Derick Farr (men’s MTB downhill individual), Sonny Wagdos (men’s 5000m run), Joida Gagnao (women’s 3000m steeplechase), tennis pla­yers Alex Eala, Marian Capadocia, Shaira Rivera at Jenaila Prulla (women’s team event), jiu-jitsu fighters Jan Vincent Cortez (men’s U-56kg nogi) at Marc Lim (men’s -69kg) at pencak silat warrior Alvin Campos (men’s tanding Class F).

SSS pandemic relief at restructuring program, tapos na

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nagtapos ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) o Pandemic Relief and Restructuring Program 5 (PRRP 5) ng Social Security System (SSS), araw ng Sabado, Mayo 14.

 

 

Ang PRRP 5, nagsimula noong Nobyembre 15, 2021, ay programang pinlano para bigyan ng financial relief ang mga pandemic-hit SSS members.

 

 

Pinapayagan nito ang “outstanding loan principal and interest” na ma-settled sa pamamagitan ng one-time full payment o installment term, at maging ang pag-waive sa accumulated penalties kapag nakapagbigay na ng full payment ng restructured loan.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na layon ng programa na ibalik ang kanilang “good standing kasama ang SSS sa pamamagitan ng nasabing condonation program.

 

 

Kabilang naman sa programa ani Regino ay iyong may natitirang Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans, at Restructured Loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad mula 2016 hanggang 2019. (Daris Jose)

Kung noon ay sweet at parang may something sa kanila: SHERYL, nag-iba ang statement at happy sa relasyon nina JERIC at RABIYA

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na ng official statement ang Aguila Artist Management ni Becky Aguila tungkol sa mga pamba-bash at isyu na ibinabato sa kanilang artist, ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

 

Dahil sa pagiging all-out supporter ni Andrea sa kandidatura ni VP Leni Robredo, isa siya sa mga artista na talagang binabato ng mga grabeng pambabash.

 

At dumating na sa punto na kesyo ang mga ine-endorsong produkto ni Andrea ay kina-cancel na rin siya. Isa na raw rito ang Sir George by Mary Pauline Salon.

 

Pero sa statement na inilabas ng management ni Andrea, lumitaw na fake news ito at walang kontrata at hindi rin endorser si Andrea ng naturang salon.

 

Nakasaad sa official statement;

 

“Hindi totoong tinanggal si Andrea Brillantes sa anumang listahan ng celebrities ng Sir George by Mary Pauline Salon dahil unang una, hindi ito endorser at hindi rin siya kliyente sa loob ng mahigit limang taon ng naturang salon. Walang anumang kontrata sa pagitan nila at ng artista namin at walang anuman g obligasyon si Andrea sa kanila.

 

“Muling pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at huwag basta basta nagpapaniwala sa nababasa nila online lalo na kung malisyoso ang intensiyon o may pansariling interes na isinusulong ang mga taong nagpopost tungkol dito.

 

“Nagpapasalamat naman kami sa lahat na patuloy na nagmamahal at nagbibigay ng pang-unawa kay Andrea, lalong lalo na sa brands o mga kumpanya na buo pa rin ang tiwala at suporta sa kanya. Taos puso po ang pasasalamat namin sa inyo.”

 

***

 

NAGKITA ng hindi sinasadya habang nagbabakasyon sa Boracay sina Pokwang at Andrew E.

 

Parehong mga naging todo ang pag-suporta ng dalawa sa kanilang mga kandidato sa pagka-Presidente at Bise Presidente.

 

Kung si Pokwang ay kay VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, si Andrew naman ay kina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

 

Hindi nag-cancell o nauwi sa pag-a-unfriend sa isa’t-isa ang dalawa dahil ayon kay Pokwang, naging mapayapa at ending, respeto pa rin daw ang nanaig sa kanilang dalawa.

 

Sa kanyang Instagram post, sinabit nito na, “Sa bandang huli, respect dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya.”

 

Pero bukod sa nauwi naman sa maayos na pagkikita ng dalawa, naging kapansin-pansin din sa ilang netizens na kasama na sa picture ang partner at daddy ng anak ni Pokwang na si Malia na si Lee O’ Brian.

 

Naiisip na pala ng mga netizens na hiwalay na ang dalawa dahil wala na raw post na magkasama ang mga ito. Kaya tila nagulat pa na this time, kasama nilang mag-iina sa Boracay si Lee.

 

“Sobrang tagal na walang post with papang, kala ko wala na kayo. Glad he is still there, sana forever.”

 

***

 

NAGSALITA na si Sheryl Cruz nang magkaroon ng 10thanniversary celebration ang Artist Circle ni Rams David.

 

Isa si Sheryl sa binigyang parangal ng management na sa loob ng sampung taon ay nananatiling loyal sa Artist Circle along with more than 70 artists na.

 

Pero kapansin-pansin na kumpara dati na nai-interview namin si Sheryl tungkol kay Jeric Gonzales na dati niyang naging leading man sa teleserye ng GMA-7 na “Magkaagaw” na napaka-sweet ng mga pahayag nito about Jeric and it appeared na parang may something na talaga sila, this time, iba na.

 

Sinabi naman ni Sheryl na happy raw siya sa relasyon nina Jeric and Rabiya Mateo. Pero kumpara nga dati na tila close sila base sa mga naging pahayag niya, ngayon, “acquaintances” na lang ang paglalarawan niya rito.

 

But still, willing to work pa rin daw si Sheryl kay Jeric as long as okay ang project at bahala na raw ang manager niya, si Rams kung sakali man.

 

 

(ROSE GARCIA)

LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.

 

 

Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities sa gitna ng “Social and Economic Reserves which Visible Entail Shockwaves to Businesses.”

 

 

Sinabi ng state-run lender na naglaan ito ng ₱50 billion para sa programa, naglalayong makapagbigay ng karagdagang working capital para sa mga negosyo.

 

 

Magagamit ng mga negosyo o enterprises ang bagong budget para palakasin ang kanilang operasyon, palawakin ang trading facilities, at stockpile supplies at inventories para mabawasan ang epekto ng naturang krisis.

 

 

“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” ayon kay president at chief executive Cecilia Borromeo.

 

 

“Through the NATION SERVES lending program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinapayagan ng programa ang mga negosyo na makapag-secure ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan, na may interest rate base sa “applicable” Bloomberg Valuation Reference rate sa panahon ng pag-avail, idagdag pa ang hindi naman lalagpas sa 75% ng “prescribed spread” batay naman sa credit rating ng mga borrower. (Daris Jose)

Laban ni Mayweather sa Dubai hindi natuloy

Posted on: May 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINALIWANAG  ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai.

 

 

Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

 

 

Dahil aniya sa pagpanaw ng kanilang pangulo ay ipinatupad ang 40-days of mourning kung saan lahat ng mga negosyo at maraming mga establishimento ay isinara.

 

 

HIndi pa matiyak ng organizer kung ano ang napiling bagong petsa ng laban.

 

 

Hindi naman nagbigay ng komento pa Mayweather at sa kaniyang social media account ay nagpost na lamang ito ng larawan ng pumanaw na pangulo ng UAE.

 

 

Ito sana ang pangatlong exhibition fight ni Mayweather mula ng talunin si Conor McGregor noog 2017 at si Tenshin Nasukawa ng Japan noong 2018.