• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 20th, 2022

China aircraft carrier, nagsagawa ng drills sa Philippine Sea

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Liaoning aircraft carrier ng high-intensity drills sa Philippine Sea ngayong buwan habang hinahasa naman ng PLA navy ang skills nito.

 

 

Sinabi ng Military analysts na ang exercise ay makapagbibigay ng reference point para sa training at operations kapag ang bansa ay nakakuha ng mas advanced carriers

 

 

“Ongoing drills involving China’s Liaoning aircraft carrier offer pointers to how training plans for future carrier strike groups will develop,” ayon sa military analysts.

 

 

Nagpalabas naman ang Japanese defense ministry ng detalye ng exercises sa Philippine Sea at nagpahayag na ang carrier’s J-15 fighters ay nakapagsagawa ng 200 sorties sa panahon ng first 10 days ng exercise, na nagsimula noong huling bahagi ng nakaraang buwan.

 

 

“Z-18 anti-submarine and early-warning helicopters were also taking part in the drills. China has not confirmed any details of the drills,” ayon sa Ministry.

 

 

“It’s not clear whether ship-borne aircraft have taken part in night flight drills, but such training is more intense compared with previous drills that were disclosed to the public,” ayon naman kay Lu Li-shih, dating instructor sa Taiwanese Naval Academy.

 

 

Sinasabing mayroong pitong escort ships ang napaulat na kasama ng Liaoning – kabilang na ang Type 055, “most powerful and largest destroyer” ng bansa, three Type 052D destroyers, supply ship at dalawang iba pang vessels – upang bumuo ng China’s biggest ever strike group formation.

 

 

“The ongoing large-scale training operation aims to test and develop training guidelines and a doctrine for ship-borne aircraft carrier deck operations, high-sea logistic support and other details, which will provide a reference point for the navy’s third aircraft carrier, the Type 003,” ayon kay Lu.

 

 

Ang pangatlong aircraft carrier ay inaasahan naman na ilulunsad ngayong taon na mayroong advanced launch system kumpara sa Liaoning at sa sister ship nito na Shandong.

 

 

“Except for the catapult take-off systems, all other operations on the new platform of the Type 003 will be very similar to the Liaoning,” ani Lu.

 

 

Ang Liaoning carrier group ay nagsimulang mag-operate mahigit sa 20 araw na, “right at the limit for the Soviet-designed ship,”ayon sa analysts .

 

 

“After high-frequency training in the first 10 days, aircraft on the Liaoning have reduced take-offs and landings to several sorties a day,” ang pahayag naman ni Macau-based military observer Antony Wong Tong .

 

 

“The Liaoning is just a training platform, yet on a real combat-ready carrier, pushing too hard will cause accidents.” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Apektado habang pinapanood ang ‘Artikulo 247’: KRIS, pinanggigilan ng viewers at awang-awa na kay RHIAN

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL sina Kapuso Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanila.

 

 

Nagpasalamat din sila sa mga netizens na sumubaybay sa kanilang first sitcom together, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na nagtala ng mataas na rating sa premiere showing nito last Saturday, May 14, 7:15PM sa GMA-7 na kinaaliwan ng mga viewers.

 

 

Ngayon ay maraming nagsasabing netizens na sana, huwag munang magtapos ang number one game show here and abroad, ang Family Feud hosted by Dingdong, Mondays to Fridays, 5:45PM sa GMA-7. Pampaalis daw ng pagod ang panonood nito at nakikisagot sila sa mga itinatanong ni Dingdong sa dalawang team na kasali sa game.

 

 

At patuloy din ang blessings kay Marian, na ngayon ay may bagong endorsement, isang bagong brand ng shampoo and conditioner. Ini-launch na ito ni Marian sa Instagram and Facebook Live ng product.

 

 

Nag-promise naman ang million fans ni Marian na susuportahan sa bago niyang endorsement. Napapanood din si Marian hosting every Saturday sa OFW documentary show na Tadhana sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NANGGIGIL na ang viewers kay Kris Bernal at awang-awa naman sila kay Rhian Ramos habang pinapanood nila ang GMA Afternoon Prime na Artikulo 247.

 

 

Parehong mahusay na aktres ang magkalabang sina Klaire/Carmen (Kris) at MJ (Rhian) sa naiibang story ng serye. May rich husband si Klaire, pero may boyfriend din siya, si Julian (Mike Tan), Nagkukunwari lang mabait si Klaire pero ang totoo ay nambibiktima lamang sila ni Julian ng mga lalaking pinakakasalan niya.

 

 

Nakilala ni Klaire si MJ na employee ng asawa niya. Napatay ni Klaire ang husband niya at kay MJ niya isinisi. Pinalayas si Klaire ng mother-in-law niya pero nakuha naman niya ang lahat ng kayamanan ng asawa na para sa kanya.

 

 

Nangibang lugar si MJ at nagtrabaho sa isang beach resort at dito sila muling nagkita ni Klaire na pakilala na ay Carmen. Iyon pa rin ang trabaho ni Carmen at ni Julian. Naging asawa ni Carmen si Elijah (Mark Herras) anak ng may-ari ng beach, kapatid nito si Noah (Benjamin Alves) ang naging boyfriend ni MJ.

 

 

Lahat ng kasamaan ay gagawin ni Carmen kay MJ para maitago niya ang tunay niyang identity. Sa isang insidente si Elijah ang nabaril ni Carmen, pero si MJ ang itinuro niyang may kasalanan.

 

 

Sa natitirang last three weeks ng serye, malusutan kaya ni Carmen ang mga kasalanan niya?

 

 

Napapanood ang Artikulo 247 at 4:15 PM after Raising Mamay sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMING nagtatanong bakit iniwan na ni Kapuso actress Beauty Gonzalez ang dati niyang manager, si Arnold L. Vegafria at ang ALV Management nito?

 

 

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ni Becky Aguila ng Aguila Artist Management si Beauty, pero walang magbigay ng sagot tungkol sa pag-alis ni Beauty. Nang tanungin ang ALV Management, si Beauty na raw lamang ang tanungin, ganoon din naman si Becky, mas mabuti raw manggaling kay Beauty ang sagot sa tanong sa kanila.

 

 

Sa ngayon ay nasa second leg na ng lock-in taping si Beauty ng The Fake Life kasama sina Ariel Rivera, Sid Lucero, Bea Binene at Jake Vargas. Mapapanood na sila starting June 6, kapalit ng Artikulo 247 na magtatapos sa June 3, 2022.

 

 

***

 

 

NARANASAN pala ni Winwyn Marquez ang post partum disorder after two weeks na she gave birth to her baby girl na si Luna.

 

 

Nakaramdam daw siya ng pressure, kaya iyak lamang siya ng iyak ng ilang araw. Nakabuti raw naman sa kanya na may nakakausap siya. Instagram post niya:

 

“For two weeks, there are times that I find myself fold under pressure of it all and cry for days pero natutunan ko that I shouldn’t be afraid to ask help because even if I think I can do everything alone and be a super mom with my new born – I can’t, yet.

 

 

“Laking tulong na may kausap na kaibigan and family, lalong tulong na supportive ang partner… a simple hug ang paalaala na nandiyan lang siya, malaking bagay na. Sabi nga nila, it will be a little easier as days go by.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GAMITIN  sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa  Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia.

 

 

Sinabi ni  PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng  PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin sa  “sovereign patrol” at palakasin ang maritime border security ng bansa.

 

 

Ayon kay Patrimonio, nagbigay ng direktiba si PCG Admiral Artemio Abu sa mga barko na muling magpatrolya sa WPS , sa Benham Rise.

 

 

Dagdag pa, ang BRP Teresa  Magbanua aniya ay handa na maghatid ng mga kalakal at tao sakaling magkaroon ng maritime incident o anumang sakuna.

 

 

Sa ngayon ang BRP Teresa Magbanua at ilan pang barko ng PCG ay naglalayag na patungong Makassar,Indonesia para lumahok sa Marpolex 2022 na gaganapin sa May 22 hanggang 29.

 

 

Makakasama ng PCG sa aktibidad ang Directorate General of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia at Japan Coast Guard (JCG).

 

 

“Ang kahalagahan nito ay ang mapagtibay at paghandain iyong tauhan natin at saka iyong mga tauhan ng Indonesia in case of any transboundary oil spill,” sabi ni Patrimonio

 

 

Ayon pa sa opisyal, ang  “interoperability” nang  barko ng PCG ay masusubok din sa panahon ng pagsasanay.

 

 

Nitong Lunes ay isinagawa ang send-off ceremony para sa BRP Teresa Magbanua bago naglayag para sa  Marpolex 2022.

 

 

Kasama rin sa pagsasanay ang  BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua, at BRP Cape Engaño ng PCG. (GENE ADSUARA)

Senator-elect Francis Escudero, ikinokonsidera ang Senate presidency bid – Tulfo

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Senator-elect Raffy Tulfo na ikinokonsidera umano ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang Senate presidency.

 

 

Ayon kay Tulfo, tinawagan niya si Escudero para tanungin kung may balak itong tumakbo para sa mataas na posisyon sa Senado. Aniya, pinag-iisipan pa ni Senator Escudero hinggil sa naturang usapin.

 

 

Isiniwalat din ni Tulfo na nakatanggap na rin siya ng tawag mula sa ibang mga senator na nagsabi sa kaniya ng kanilang mga programa sakaling sila ang mahalal na Senate president subalit wala naman aniyang nagkumbinsi sa kaniya na suportahan sila.

 

 

Ayon kay Tulfo, ilan sa mga tumawag sa kaniya ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri gayundin su Seantor Cynthia Villar at si Senator Imee marcos na napaulat na ikinokonsidera ang posisyon bilang Senate president pro tempore.

 

 

Sa ngayon wala pang desisyon si Tulfo kung sino ang kaniyang susuportahan na maging susunod na Senate president subalit kanyang ikokonsidera sa pagpili ang katangian ng senador.

Esport team ng bansa nakakuha na ng 1 gold medal sa SEA Games

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA na ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pambato ng bansa sa Esports.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng Sibol Wild Rift Women’s Team.

 

 

Na-sweep nila ang competition sa near perfect tournament.

 

 

Unang sweep nila ay ang group stage na nagtapos sa 4-0 card na sinundan ng 3-1 panalo sa semifinals laban sa Thailand.

 

 

Pagdating sa finals ay hindi nila pinaporma ang Singapore 3-0.

 

 

Ang Sibol Wild Rift Women’s Team ay binubuo nina: Christine “RAY RAY” Natividad, Rose Ann “HELL GIRL” Robles, Charize “YUGEN” Doble, Giana “JEEYA” Llanes, April “AEAE” Sotto, at Angel “ANGELAILAILA” LOZADA.

Russian gymnast pinatawan ng 1-year ban dahil sa pagsuporta sa paglusob sa Ukraine

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINATAWAN ng isang taon na ban si Russian gymnast Ivan Kuliak.

 

 

Ito ay dahil sa paglalagay niya ng simbolo sa uniporme ng panghihikayat ng giyera sa Ukraine.

 

 

Inilagay kasi ng 20-anyos na si Kuliak ang letrang “Z” sa uniporme nito habang katabi si Ukrainian gymnast ​Illia Kovtun sa podium.

 

 

Nagwagi kasi ng gold medal si Kovtun habang bronze medal si Kuliak sa parallel bars event sa gymnastics World Cup event na ginanap sa Doha, Qatar noong Marso.

 

 

Ang “Z” symbol kasi ay inilagay ng mga Russia sa kanilang tangke at mga sasakyan na mga military na sumisimbolo sa paglusob nila sa Ukraine.

 

 

Kinondina ito ng International Gymnastics Federation (FIG) kaya ito ay kanilang idinulog sa Disciplinary Commission of the Gymnastics Ethics Foundation (GEF) para mabigyan ng parusa.

 

 

Binigyan ng ng 21 araw naman ang gymnast para iapela ang desisyon nito.

Malakanyang, binati si Maria Filomena Singh bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ng Malakanyang si Maria Filomena Singh sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas.

 

 

Si Justice Singh ay nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals.

 

 

“We are confident that she would continue to uphold judicial excellence and independence in the High Court,” ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar.

 

 

“We wish AJ Singh success in her new assignment,” dagdag na pahayag ni Andanar.

 

 

Si Singh ang pang-194 na Associate Justice at sinasabing huling appointee ni Pangulong Duterte sa SC bago bumaba sa puwesto sa darating na Hunyo 30.

 

 

Pinalitan ni Singh si dating SC Justice Estela Perlas-Bernabe na nagretiro nitong Mayo 14.

 

 

Batay sa impormasyon, bandang alas-5:00 ngayong hapon ang oathtaking o panunumpa sa tungkulin ng kapatid ni Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. (Daris Jose)

Mag-inang Lacson-Noel nanalo sa Malabon poll

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nahalal sa kanyang ikalawang termino si Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel habang ang kanyang anak na si Councilor-elect Nino Lacson-Noel ay pinakabagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

 

 

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Cong. Lacson-Noel sa lahat ng lokal na mga nanalo habang ipinahiwatig ang kanyang pagnanais na makipagtulungan sa bagong halal na alkalde na si dating vice mayor Jeannie Sandoval para sa ikabubuti ng lungsod at ng mamamayan nito.

 

 

“The election is just a one-day affair, so we all buckle down to work and let’s unite and work together so that we can have a much better Malabon with its people experiencing a better life ahead,” ani Lacson-Noel, na ang asawa niyang si Rep. Florencio “Bem” Noel ay nakakuha na rin ng isa pang puwesto sa House of Representatives bilang first nominee ng An-Waray party-list.

 

 

Nangako si reelected Lacson-Noel na magsagawa ng higit pang mga hakbangin lalo na ang mga proyektong pang-impraktrastura at mga programang pangkabuhayan upang gawin mas progresibo at mapagkumpitensya ang lungsod.

 

 

“The overwhelming votes the local electorate gave me during the last May 9 elections would serve as inspiration for me to continue working for the residents’ interests and their all-out support only showed that they approved all the programs I am implementing for them,” aniya.

 

 

Siya ay binigyan ng kredito ng karamihang mga residente para sa iba’t-ibang proyektong pang-imprastraktura na kanyang ipinatupad, kabilang ang 8.6-kilometer mega dike para mapigilan ang pag-apaw ng ilog na naging sanhi ng mga pagbaha lalo na sa Barangay Dampalit kung saan dinadalaw din ito ng mga namamasyal, pati na rin ang mga joggers at bikers.

 

 

Samantala, si councilor Nino ang nanguna sa boto sa mga kandidato sa pagka-konsehal sa unang distrito ng lungsod na may 8,348 votes.

 

 

“I will assure the people of Malabon that I will focus on introducing measures at the city council that will be beneficial to the interest of constituents and the city as a whole,” pahayag ng batang Lacson-Noel. (Richard Mesa)

SC, natanggap na ang ika-2 petisyon sa hiling na TRO sa vote canvassing at proklamasyon kay Marcos

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATANGGAP na ng Korte Suprema ang ikalawang petisyon na humihiling para sa temporary restraining order (TRO) sa canvassing ng Kongreso sa mga boto at proklamasyon bilang pangulo kay Bongbong Marcos.

 

 

Sa 75 pahinang petisyon ng grupo, hinihimok din ang SC na ideklara ang kandidato na may pinakamaraming votes na si VP Maria Leonor Gerona Robredo bilang panalo sa katatapos na halalan kung mabaliktad ang ruling ng Comelec.

 

 

Ang mga petitioners na naghain ikalawang petisyon ay pinangungunahan nina Bonifacio Parabuac Ilagan, Saturnino Cunanan Ocampo, Maria Carolina Pagaduan Araullo, Trinidad Gerilla Repuno, Joanna Kintanar Carino, Elisa Tita Perez Lubi, at Liza Largoza Mazan na pawang mga miyembro ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) kasama ang martial law survivors, religious at youth rights advocates,

 

 

Ayon sa SC, ang unang petisyon na inihain noong Mayo 16 ay na-assign sa isang hukom na magsasagawa ng inisyal na pagsisiyasat at magsusumite ng rekomendasyon sa plea para sa temporary restraining order.

 

 

Sa kanilang petisyon, inihayag ng mga ito na bigo raw si Marcos na maghain ng kaniyang income tax returns sa apat na magkakasunod na taon noong siya ay nanunungkulan pa bilang bise gobenador at gobernador ng Ilocos Norte mula noong taong 1982 hanggang 1985 na hindi maituturing na isang simpleng omission lamang.

 

 

Inaasahan na ang ikalawang petisyon ay consolidated sa unang kaso.

 

 

Subalit ngayon ang justice na in-charge sa naturang petisyon ay hindi pa nagsusumite ng plea for TRO sa unang petition. (Daris Jose)

‘Broken Blossoms’, umani ng parangal sa filmfest sa India: JERIC at THERESE, ginawaran ng Critics Choice Award bilang Best Actor at Best Actress

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI ng parangal ang Philippine entry na Broken Blossoms sa Mokkho International Film Festival sa India.

 

 

Sa IG account ni Direk Louie Ignacio, pinost nito ang mga nakuhang awards ng dinirek niyang pelikula na bida sina Jeric Gonzales at Therese Malvar.

 

 

Caption pa niya: “Congratulations Team Broken Blooms. congrats Bentria Productions big boss Engr. Benjie Austria @theresemalvar @jericgonzales07″

 

 

Best Narrative Feature Film ang Broken Blooms. Special Jury Award naman ang nakuha ni Direk Louie bilang director.

 

 

Critics Choice Award naman ang ginawad kina Jeric at Therese sa categories na Best Actor and Best Actress in an Indie.

 

 

***

 

 

NAG-SHARE sa kanyang Instagram ang international star na si Lea Salonga ng kanyang character sa upcoming HBO Max series na Pretty Little Liars: Original Sin.

 

 

Pinost ng Tony Award-winning actress ang isang kuha sa kanyang eksena na nilagyan niya ng caption na: “Coming summer 2022.”

 

 

In-announce ni Lea noong September 2021 ang pagkaka-cast niya sa bagong Pretty Little Liars series.

 

 

“The moms have descended upon the town of Millwood! And we have secrets and lies of our own, can’t let the children have all the fun. So excited to be part of the cast of Pretty Little Liars: Original Sin,” sey pa ni Lea.

 

 

Makakasama rin sa series sina Sharon Leal, Elena Goode, Zakiya Young at Carly Pope.

 

 

Ayon sa Variety: “Salonga will play the role of Elodie, the overbearing mother of Minnie (Malia Pyles) who works overtime to protect her daughter from her childhood trauma. The series is set in the present, 20 years after a series of tragic events almost ripped the blue-collar town of Millwood apart. Now, a disparate group of teen girls — the new ‘Little Liars’ — find themselves tormented by an unknown ‘Assailant’ and made to pay for the secret sin their parents committed two decades ago, as well as their own.”

 

 

Ang original na Pretty Little Liars ay pinagbidahan nina Lucy Hale, Shay Mitchell, Ashley Benson, Sasha Pieterse at Troian Bellisario. Nagtapos ang naturang series noong 2017 after seven seasons.

(RUEL J. MENDOZA)