• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 30th, 2022

‘Doctor Strange 2’ Video Reveals Illuminati & Charlize Theron’s Clea

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OFFICIAL footage from Doctor Strange in the Multiverse of Madness reveals the introduction of the Illuminati and Charlize Theron’s Clea.

 

 

Marvel Studios’ latest blockbuster brings back Benedict Cumberbatch into the MCU after his involvement in Spider-Man: No Way Home. In the film, he is faced with the difficult task of protecting America Chavez (Xochitl Gomez), who is being hunted by the Scarlet Witch (Elizabeth Olsen).

 

 

As the title suggests, Doctor Strange in the Multiverse of Madness allows Marvel Studios to further explore the concept of the multiverse. Thanks to this, the film is able to introduce a string of new players in the MCU who are tied to the idea. There’s Earth-838’s Illuminati that’s made up of Captain Carter (Hayley Atwell), Mordo (Chiwetel Ejiofor), and Maria Rambeau’s (Lashana Lynch) Captain Marvel with Black Bolt (Anson Mount), Mister Fantastic (John Krasinski), and Professor X (Patrick Stewart). Aside from the super-secret team, Doctor Strange in the Multiverse of Madness’ post-credits scene also sees Theron’s debut in the MCU as Clea.

 

 

With Doctor Strange in the Multiverse of Madness now out in theaters for several weeks now, Marvel Studios has released official footage of the Illuminati’s introduction as Doctor Strange faces them for the first time. The clip which is shared by Doctor Strange’s official Twitter account, also includes Clea’s arrival in the MCU as she recruits the sorcerer for an unknown mission.

 

 

Previously released official footage has already provided a good look at four out of the six members of Earth-838 Illuminati. And even in this clip, Krasinski’s Mister Fantastic and Stewart’s Professor X are both nowhere to be found. It’s curious why Marvel Studios is opting to withhold their appearance in the film considering that it has been a while since Doctor Strange in the Multiverse of Madness hit theaters, and a lot of fans pretty much already know about their involvement.

 

 

Charles Xavier’s cameo is particularly interesting considering that his appearance was confirmed through the movie’s marketing, so there’s really no reason left to keep him hidden. In any case, all members of Doctor Strange’s Illuminati team are dead anyway, so there’s a slim chance that the MCU will see this exact roster of the team again moving forward.

 

 

With regard to Clea, Theron has been open about her cameo in Doctor Strange in the Multiverse of Madness for weeks now. Even Marvel Studios has officially released a promo still of Clea and Doctor Strange in the film, so it isn’t surprising that her appearance in the film is included in this new promo clip. For what it’s worth, there’s barely anything revealed in her appearance anyway.

 

 

Granted that Marvel Comics readers have some ideas on what’s happening based on what’s on print, there’s no clear indication as to what’s next for her and Doctor Strange in the MCU. Arguably the biggest revelation in her cameo is the fact that Theron has now officially boarded the Marvel franchise. (source: screenrant.com)

 

 

(ROHN ROMULO)

IATF, binawi ang requirement sa college students na dadalo sa face-to-face classes na magkaroon ng medical insurance

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekumendasyon ng Commission on Higher Education (CHEd) na bawiin ang medical insurance requirement para sa mga college students.

 

 

 

“Dahil na rin sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon IV, item “H” ng CHED-DoH Joint Memorandum Circular NO. 2021-004, pertaining to the medical insurance for students is hearby repealed,” ayon kay Acting Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan.

 

 

Nito lamang Abril ay itinakda ng CHED at Department of Health (DoH) sa isang joint resoluyion na kailangang maging miyembro ng PhilHealth ang mga college students bago makalahok sa face to face classes.

 

 

 

Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo, kailangan munang magparehistro ng mga college students sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) o sa kahit anong private health insurance.

 

 

 

Ani Domingo, ang requirement ay nagmula sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 2021-001.

 

 

 

“Nakalagay po doon na iyong estudyante ay kailangan pong magkaroon ng PhilHealth registration o kahit anong katumbas na medical insurance para magkaroon naman sila ng proteksiyon habang nagpi-face-to-face classes po sila,” paliwanag ni Domingo.

 

 

 

Wala pa aniyang eksaktong bilang ng mga college students na nagparehistro na sa PhilHealth, pero patuloy na nakakatanggap ang ahensiya ng applications mula sa regional offices nito at iba pang eskuwelahan.

 

 

 

Sa ilalim ng national health insurance program, ang mga indibidwal na “under 21 years old” ay dependents pa ng primary members, gaya ng kanilang mga magulang.

 

 

 

Ang mga estudyanteng under 21 years old na rehistrado sa pamamagitan ng kanilang parents ay kailangan lang ipakita ang PhilHealth Member Data Record (MDR) sa kanilang school, ayon kay Domingo.

 

 

 

Dagdag pa niya, “Kung hindi naman nadeklara as dependent sa mga magulang nila, so, ang advice po natin sa mga magulang ay mag-update ng kanilang membership at idagdag itong mga estudyante na ito as their dependents.”

 

 

 

At sa tanong naman kung ang magulang ng ‘under 21 years old’ ay hindi member ng PhilHealth, sinabi ni Domingo na sa ilalim ng Universal Health Care Law, lahat ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth. Kailangan lang nilang magpatala sa alinmang PhilHealth office.

 

 

 

Ang mga estudyante na 21 years old and above ay hinihikayat na direktang magparehistro sa alinmang PhilHealth offices bilang primary members.

 

 

 

Dahil magiging primary members sila, magkakaroon sila ng PhilHealth Identification Number na kanilang magagamit bilang primary contributors.

 

 

 

Maaari silang magbayad ng contributions online gamit ang PhilHealth website o sa mga bangko at accredited collecting agents.

 

 

 

Ani Domingo, sakaling ma-expose o magkaroon ng COVID-19 ang mga estudyante, maaari silang mag-avail ng benefits.

 

 

 

“Kung ma-isolate sila sa mga community isolation units, mayroon tayong benefits doon. Huwag naman po sana. Pero in-patient benefits, mayroon din tayo.” (Daris Jose)

Gustong makakilala ng magiging inspirasyon: KYLIE, hindi na itinanggi na nakikipag-date na siya

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA isang interview kay Kapuso actress Kylie Padilla, natanong kung may bago na siyang lovelife, at hindi naman tumanggi ang bida ng Bolera, na she is presently dating.

 

 

Biro pa niya, gusto naman niyang makakilala ng bagong pwedeng maging inspirasyon. At halata sa kanyang mga ngiti na masaya si Kylie. Pero hindi siya napilit na magbigay ng detalye tungkol sa guy, na siya raw nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

 

Meanwhile, maarami na ang excited na mapanood ang first sports drama series ng GMA Network, ang Bolera, dahil nang ipalabas pa lamang ang 13-minute trailer nito sa Facebook, umani agad ito ng 1 million views.

 

 

Kaya labis-labis ang pasasalamat nina Kylie, Rayver Cruz, Jak Roberto, Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Joey Marquez, Al Tantay at kahit ang mga coaches nina Kylie, ang mga gold-medalists sa billiard, sa katatapos na 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy, mamayang gabi na ang world premiere nito pagkatapos ng First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

INI-LAUNCH na ng GMA Network ang bagong loveteam, ang Sparkle sweethearts na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, sa pamamagitan ng bagong light-drama romantic comedy series na What We Could Be. Makakasama rin nila dito sina Yasser Mata at Pamela Prinster.

 

 

Bale ito ang follow-up serye nila bago sila mapanood sa much-awaited live action adaptation ng Voltes V: Legacy.

 

 

Pero mas una silang mapapanood sa bagong serye, na nagsimula nang mag-taping sa set nila sa Antipolo City. Nauna nang ipinakilala ni Miguel ang character niya bilang si Franco, sa kanyang Instagram account, “Ito na po yata ang pinaka-mature role na gagampanan ko so far. Pinakanagustuhan ko iyong character ni Franco na may dark past siya.”

 

 

Masaya naman si Ysabel na makatrabaho muli si Miguel pagkatapos ng Voltes V: Legacy.

 

 

“Nakakatuwa na gagawa ako ngayon ng romcom tapos with Miguel pa. It’s really exciting,” sabi pa ni Ysabel, na nababalita ring maganda ang relasyon ngayon kay Miguel.

 

 

***

 

 

FIRST time pala ni Ariel Rivera na makaranas ng lock-in taping sa bagong GMA Afternoon Prime na The Fake Life.

 

 

Inamin niya sa mediacon, na okey ang lock-in taping dahil nakakapag-focus ang cast since hindi nga sila pwedeng lumabas sa bubble.

 

 

“Pero sa ganitong set-up, magkakaroon ka ng cabin fever kasi nga naka-confine lamang kayo sa isang lugar,” paliwanag ni Ariel.

 

 

“Kaya first and last na ito sa akin, very long iyong one month or 45 days na taping, it’s hard to adjust. Okay lang siguro ang three weeks, pero kung matagal pa, ayoko na.”

 

 

Huli pang ginawa ni Ariel sa GMA ang epic serye na Mulawin vs. Ravena. Sa The Fake Life, makakasama ni Ariel si Beauty Gonzalez, Sid Lucero, Jake Vargas, Bea Binena at Kristoffer Martin.

 

 

Sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., world premiere na nila sa June 6. Papalitan nila ang Artikulo 246, na simula na ng finale week ngayong hapon after Raising Mamay sa GMA-7

 

 

***

 

 

THIS June na raw ang alis ng buong cast ng bagong game show ng GMA Network, ang Running Man Philippines na magiging co-production venture ng network with a Korean TV company.

 

 

Doon sila magti-taping ng lahat ng games na ipalalabas dito. Last Friday, May 27, ay ni-reveal na nga ng GMA ang cast na kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez.

 

 

Bago ini-reveal ang buong cast, nagpakita muna sila ng ilang eksena sa Running Man ng Korea. At mukhang mapapalaban ang buong cast.

 

 

May nagtatanong na nga kung tulad din ito ng dating show ng GMA na Survivor Philippines?

 

 

(NORA V. CALDERON)

Ads May 30, 2022

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sotto nag-workout sa Orlando Magic camp

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINISIMULAN na ni Kai Sotto na magpasiklab sa mga NBA teams upang magkaroon ang mga ito ng interes sa Pinoy cager para sa 2022 NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.

 

 

Nagpatikim si Sotto sa kanyang social media account kung saan may post ito sa home court ng Orlando Magic.

 

 

Dumalo ang 7-foot-3 Pinoy cager sa workout ng Orlando at umaasa ito na makukuha nito ang atensiyon ng mga coaches doon.

 

 

Ang Magic ang nagmamay-ari ng top pick sa rookie draft sa taong ito.

 

 

Maliban sa top pick, pipili rin ang Orlando ng dalawang players sa se­cond round — ang No. 32 at No. 35 picks.

 

 

Ito ang ikalawang NBA team na dinaluhan ni Sotto.

 

 

Nauna nang sumalang sa workout si Sotto sa New York Knicks.

 

 

Inaasahang masisilayan si Sotto sa workouts ng iba pang NBA teams sa mga susunod na araw upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na kilatisin ang husay ng Pinoy player.

 

 

Hindi nakalahok si Sotto sa NBA Combine na ginanap sa Chicago noong nakaraang linggo.

 

 

Ang NBA Combine ang isa sa daan para makita ng coaches at agents ng mga NBA teams ang abilidad at kakayahan ng mga players na kalahok sa rookie draft.

 

 

Target ni Sotto na ma­ging kauna-unahang pure Pinoy player na makakapasok sa NBA.

Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NIRATIPIKAHAN  ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic.

 

 

 

Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”

 

 

 

Kapag naging ganap na batas, magkakaroon ng extended producer responsibility (EPR) mechanism para sa mas epektibo at espisyenteng paraan ng waste management, waste reduction, recovery and recycling, internationally accepted principles on sustainable consumption and production, circular economy, at producers’ full responsibility sa buong life cycle of their ng kanilang  plastic products.

 

 

 

Nakapaloob pa sa panukala ang depinisyon ng circular economy bilang isang economic model para sa pagpapalawig ng product lifespan sa pamamagitan ng improved design at servicing.

 

 

 

Samantala, inaprubahan din ng kamara sa ikalawang pagbasa ang HB 9165 para sa pagpapalawig ng life span ng Philippine Aerospace Development Corporation (PADC) ng dagdag 25 taon.

 

 

 

Layon ng panuala na mapalakas ang kapabilidad ng ahensiya at pasiglahin ang local o regional air passenger at cargo transport. (ARA ROMERO)

Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK  na muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.

 

 

Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record.

 

 

Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.

 

 

Ang Finals ay magsisimula sa June 3.

 

 

Samantala sa laro kanina hindi nagpaawat si Klay Thompson nang magbuhos siya ng 32 points.

 

 

Malaking tulong din ang ginawa para sa Warriors nina Andrew Wiggins na may 18 points at 10 rebounds, Draymond Green na nagdagdag ng 17 points at si Stephen Curry na nagpakita ng 15 points at nine assists.

 

 

Sa kampo ng Mavs nasayang ang diskarte ng kanilang superstar na si Luka Doncic na nagtapos sa 28 puntos.

 

 

Dahil sa pamamayani sa serye tinanghal na kampeon sa Western Conference ang tinaguriang Dubs, habang ang veteran at two-time NBA MVP na si Curry ay muling tutuntong para sa kanyang ika-apat na NBA championship.

 

 

Napili rin Curry bilang conference MVP para maibulsa ang unang Magic Johnson trophy.

 

 

Si Klay naman ay inabot ng dalawang seasons na hindi nakalaro dahil sa tinamong matinding injury.

 

 

Kung maalala huling nagkampeon sa NBA ang Warriors noong taong 2018.

130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA 130,000 driver ng mga pampublikong sasakyan ang naki­nabang sa tig-P6,500 na fuel subsidy mula sa pamahalaan.

 

 

 

Ang naturang ha­laga ay mahigit sa kabuuang P840 milyon na naipalabas dito ng gobyerno.

 

 

 

Ayon sa Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy para mabigyan ng ayuda ang lahat ng PUV drivers.

 

 

 

Nilinaw naman ng militant transport group na Piston na sa 40,000 miyembro nila sa Metro Manila ay may 10 percent pa lamang nito ang nabibigyan ng fuel subsidy.

 

 

 

Umaasa silang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pamamahagi ng subsidy ng pamahalaan.

 

 

 

Ang fuel subsidy ay ang naisip ng pamahalaan na ibigay na tulong o ayuda sa mga driver ng pampasaherong sasakyan para mabawasan ang epektong dulot sa kanila ng mataas na halaga ng petroleum products imbes na magtaas sa pasahe.

 

 

 

May kabuuang 264,578 beneficiaries ang nasa ilalim ng programang ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng LTFRB. Mayroon namang 27,777 deli­very service ang nagbenepisyo na rin sa fuel subsidy sa ilalim naman ng Department of Trade and Industry.

Pinas, inalis na ang negative COVID test requirement para sa inbound travelers

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na kailangan pang magpakita ang lahat ng fully-vaccinated inbound travelers ng pre-departure COVID-19 negative test sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

 

 

 

Ayon sa Department of Tourism (DOT), nauna nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 response ang pagbasura sa travel requirement.

 

 

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 168, ang lahat ng mga biyahero, edad 18 pataas at fully-vaccinated o nakatanggap na ng booster shot –ay exempted na mula sa required na negative test proof.

 

 

 

Sakop din ng exemptions ang mga biyahero na ang edad ay 12 hanggang 17 na nakatanggap na ng kanilang primary COVID-19 vaccines, at iyong 12 taon pababa na bumi-byahe kasama ang kanilang mga magulang o guardians na fully vaccinated.

 

 

 

“We are glad that the propositions we have worked on have been approved by the IATF-EID and are now up for implementation. As we make it more convenient for tourists to visit the country, the public’s health and safety will remain the DOT’s priority,”ayon kay Tourism Secretary Berna-Romulo Puyat.

 

 

 

“The DOT sees this development as a win for the local tourism industry as welcoming more tourists in the country will yield more revenues for our MSMEs and restore more jobs and livelihoods in the sector,” dagdag na pahayag nito.

 

 

 

Sa kabilang dako, ang travel insurance ay hindi na rin ire-require subalit hinihikayat.

 

 

 

Sa pinakahuling data mula sa DOT, makikita na may 517,516 foreign tourist ang naitalang dumating sa bansa mula Pebrero 10 hanggang   Mayo 25, 2022.

 

 

 

Sa nasabing bilang 104,589 ang nagmula sa Estados Unidos; 28,474 mula South Korea; 24,337 mula Canada;  23,286 mula Australia; 20,846 mula Britain; at 13,373 mula Japan.

 

 

 

Ang iba pang foreign visitors sa Pilipinas sa mga unang buwan ng taon ay kinabibiulangan ng Vietnamese, Singaporeans, Malaysians, Italians, Irish at French. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Nag-react sa viral tweet dahil sa ‘unity’ replies: ALEX, basag na basag sa mga bashers sa pagdi-delete ng pinost

Posted on: May 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL ang deleted nang tweet ni Alex Gonzaga tungkol sa panawagan sa kanyang internet provider.

 

Say ng tv host/actress, “PLDT please fix my internet sa condo. I’ve been paying for 4months na wala ako internet. Grabe kayo magremind to pay monthly pero lagi padelay kayo para ayusin. Pls pls fix kasi ayaw nyo kami pansinin privately. @PLDT_Cares.”

 

Nag-react ang netizens sa kanyang post at nag-flood ang “unity” replies, na alam naman natin na may connect sa advocacy nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Ilan nga sa naging comment nila:

“UNITY is the answer.”
“Move on na sis, unitea tayo.”
“Wag sana puro paninira, mabilis naman PLDT sa amin. Unity nalang, maayos din yan at prayers.”
Reply ng PLDT sa kanyang reklamo, “Let’s have it fixed, @Mscathygonzaga. Kindly send us your PLDT account or telephone number and registered mobile number via DM for proper checking. We’ll attend to your service restoration request as soon as possible. Thank you and we sincerely apologize for the inconvenience.”
Nagpasalamat naman si Alex dahil mabilis na naayos ang kanyang problema, “Thank you ayos na internet namin. Thank you PLDT!”
Tweet pa ni Alex na dinelete din niya, “Hahaha! Nakakatawa at tuwa naman nagviral pala yung tweet ko dahil may “unity” na replies. Thank you siguro kaya lalo napabilis pag-ayos ng internet namin. But tama let’s end negativity and be united as a nation.”
Kaya lang may nagtanong kung bakit niya ito dinelete at sinagot niya ng, “Kasi ayos na.”
Sawsaw ng isa pang netizen, “Kahit ayos na, di dapat delete..kasi, parang yung history lang yan na pilit ni re-rewrite dahil lang mukang ayos na..binbura ang history at pinapalitan ng something na mukhang maayos..”
Na nireplayan naman ni Alex nang nakatatawa at nakaiinis din na, “Eto piso hanap ka kausap mo.”
Reaction pa ng ibang netizens:
“hindi ko naman siya kinakampihan pero kailangan talaga big deal yung word na unity? ano ba yan?”
“It’s called sarcasm.”
“Anong jusko naman, eh di ba nga sa lahat ng concerns ng mga Pilipino ang sagot UNITY.. Oh eh bakit kayo nagre-react?”
“Sayang ang piso para sa isang pathetic loser Alex hahaha.”
“Ang hilig ng marami sa atin na mag utos kung anong dapat gawin ng ibang tao. Eh sa kung gusto niyang idelete yung tweet niya, bakit uutusan pa na dapat hindi. Sana matanggal na yung kaugalian na ganyan.”
“Naisahan ka dyan, Alex! Hahaha!”
“Talagang naisahan siya, mas madaming witty sa kanya, dami kong tawa..”
“Sorry natawa ako sa huling sagot nya hahahaah.”
“Napahiya kasi siya.. Wala na siya masagot…”
“Basag na basag sa mga bashers. Dasurv!”
“Super dasurv niya, hehe. Napaka-witty ng mga sagot. Tignan natin kung uulitin pa niya mag reklamo sa social media.”
“Na takot, dinelete agad, kaya lalo siyang binash.. Hehe.”
“Ay napikon! HAHAHAHA di siya talaga witty and very problematic pa.”
“Pag celeb nagreklamo aksyon agad kaya high blood din mga netizen hahaha pero ganyan talaga sa twitter pa witty-han. Sa fb naman yun mga sabaw! Kaloka ang pinoy netizen.”
“Bakit nya binura? Ang witty pa naman ng mga replies nung unang tweet nya lol.”
“Ang funny kaya nung mga replies sa tweet niya. Ang wi-witty. Hahahaha.”

 

(ROHN ROMULO)