• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 31st, 2022

Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na si Jonas Adelino, 55, driver ng Rusi motorcycle na may plakang 212QZR ay inoobserbahan sa Valenzeula Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan.

 

 

Sa kanyang report kay Malabon police chief P/Col Albert Barot, sinabi ni traffic police investigator P/SSgt. Baltazar Gallangi, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St. dakong alas-11:50 ng gabi patungong Brgy. Maysilo nang mabangga ang likuran ng kanilang motorsiklo ng isang trailer truck (THQ450) na minamaneho ni John Mark Degino, 23, residente ng Mabolo St. Brgy. Maysilo.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon si Macaraeg hanggang sa magulungan ng trailer truck na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang isinugod naman si Adelino sa naturang pagamutan.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property ang isinampa ng pulisya kontra sa trailer truck driver sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

MILES TELLER, GLEN POWELL AT THE TOP OF THEIR GAME IN “TOP GUN: MAVERICK”

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MILES Teller and Glen Powell break from the pack as navy fighter pilots Lt. Bradley “Rooster” Bradshaw and Lt. Jake “Hangman” Seresin in Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick, now playing cinemas across the Philippines.

 

 

“Rooster” Featurette: https://youtu.be/TcLv7B5_HmY

 

 

“Hangman” Featurette: https://youtu.be/lvaDCEC04TU

 

 

Miles Teller

 

 

In the 1986 Top Gun, a training accident killed Goose (Anthony Edwards), one of the most adored characters in movie history, the father of the young boy we will now meet as a man. “And I’ve got to say,” says lead star Tom Cruise of Teller’s performance as Rooster, “that guy showed up.”

 

 

There aren’t many men who could step into Goose’s shoes. Then again, Miles Teller isn’t just anyone. “I feel fortunate to carry on the Bradshaw name,” the acclaimed young star says of his beloved on-screen old man.

 

 

Going toe to toe with Cruise is a tantalizing prospect for Teller. Two actors at the peak of their powers with three decades of water under the bridge and old scores to settle. “My character, Bradley [aka Rooster], when the first movie came out, he was just a little kid,” says Teller. “And now, of course, you’re seeing him over 30 years later, so there were a lot of blanks to fill in.” And even though that meant some incredibly heavy emotional lifting at incredibly high speeds and heights, for Teller, he wouldn’t have had his time on Top Gun: Maverick any other way. “They knew how much pressure there was on what we were trying to accomplish,” he says of shooting sequences the likes of which audiences have never seen. “But we all knew that we were trying to make something really special, and that doesn’t come easy.”

 

 

Glen Powell

 

 

From topless montages to landing his own pilot’s license, no-one has embraced the joys of Top Gun more than Glen Powell. “This,” he says, “was sort of written in the stars.”

 

 

Powell was born in 1988, two years after the original Top Gun was released. But the adventures of Pete ‘Maverick’ Mitchell have always captivated him, to the point that he has modelled his own entire professional arc after that of its leading man. “I’ve studied Tom’s early work to navigate my own career,” Powell says. “And now that we’re friends, I don’t have to make assumptions on WWTCD (What Would Tom Cruise Do.) As a young actor in a business where everyone says the movie star is dead… I’ve been fortunate enough to work alongside a guy who has been able to prove that theory wrong for three or four decades running.”

Famously pipped at the post to the role of Rooster in the movie, after Miles Teller landed the role of Goose’s son, Cruise was determined to keep Powell in the picture, working with him to create the brand-new role of Hangman. “[Tom would] say, ‘I’ve had this idea… Watch this movie and we’ll talk about it tomorrow.’ So, I started watching movies the way Tom watches movies,” says Powell. “It wasn’t just getting to work with my hero but getting to truly collaborate with my hero.” If that wasn’t enough, the star of everything from Everybody Wants Some!! to Scream Queens also came away from this movie with a bonus: his own private pilot’s license.

 

 

“At any given moment, the full wrath of aeronautical physics is trying to pull the blood from your head and black you out,” Powell says of shooting Top Gun: Maverick’s aerial scenes. “I will never take acting on the surface of the Earth for granted again.”

 

 

Top Gun: Maverick is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.

 

 

Connect with #TopGunMaverick and tag paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

Ads May 31, 2022

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Last full cabinet meeting, isasagawa ni Pangulong Duterte – Palasyo

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISASAGAWA na ngayon ang huling full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito bumaba sa puwesto.

 

 

Pero hindi naman kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief at Acting Spokesperson Martin Andanar kung anong oras ang cabinet meeting.

 

 

Kung maalala, madalas isinasagawa ni Pangulong Duterte ang pagpupulong sa gabi.

 

 

Una rito, bago ang nakatakdang full cabinet meeting ay magsasagawa muna bukas ang kasalukuyang administrasyon ng Duterte Legacy Summit sa Philippine International Convention Center (PICC).

 

 

Sinabi ni Andanar na sa naturang aktibidad, lahat daw ng sangay ng gobyerno ay magbibigay final report sa publiko kung ano ang mga nagawa ng administrasyong Duterte.

 

 

Sa Hunyo 30 ay matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte at papasok na ang administrasyon ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Susunod na Senate President, dapat mula sa UniTeam – Sen. Marcos

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Senator Imee Marcos na ang susunod na Senate President ay mula sa UniTeam o ang grupo ng kanyang kapatid na si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Aniya, kailangan daw ay mayroon talagang maaasahang isang majority na matibay at mayroong solid na 13 na boto mula sa mga senador.

 

 

Sa tingin din umano ni Marcos, napagkasunduan na ng mga senador kung sino ang susunod na Senate President.

 

 

Dagdag ng senadora, sa dinami-rami raw na problemang kinahaharap ng ating bansa ay kailangan talaga ang super majority para maipasa nang mabilis ang mga batas na kailangang maipasa.

 

 

Una rito, sa panayam kay Marcos, sinabi nitong hindi niya inaambisyon ang maging Senate president sa 19th Congress.

 

 

Una rito, ibinunyag ni Senator Sonny Angara na nagpahayag daw ng interest si Marocs at Senator-elect Loren Legarda ng kanilang interest na maging Senate president pro tempore, pangalawang pinakamataas na posisyon sa Upper Chamber.

 

 

Sa ngayon, ang napapaulat na nagnanais na maging Senate President ay si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian at Senator-elect Francis Escudero.

 

 

Lumabas naman sa mga ulat na si Villar ang sinusuportahan ni Sen. Marcos. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

7 durugista nabitag sa drug ops sa Valenzuela

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PITONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang nalambat ng pulisya sa magkakahiwalay na drug operation sa Valenzuela.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, alas-5 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa San Vicente St., Brgy. Karuhatan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeric Alolod, 24 at Bernadette Elejorde, 30, kapwa ng 610 Tangele St., Bancal Ext., Meycauyan, Bulacan.

 

 

Nasamsam sa kanila ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P300 marked money, P100 cash at cellphone.

 

 

Alas-2:30 naman ng madaling araw nang respondehan ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa Pacheco Bypass Road, Brgy. Lawang bato na nagresulta sa pagkakaaresto kay Perlito Cuizon Jr., 41 at Richelle Puno, 35, therapist matapos maaktuhang nag-aabutan ng shabu.

 

 

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga, cellphone, P600 cash at motorsiklo.

 

 

Nauna rito, nakuhanan din ng aabot sa 10 grams ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga at P30O cash ng isa pang team ng SDEU sa isinagawang validation sa Agapita St., Brgy. Gen T  De Leon dakong alas-11:20 ng gabi si Christopher Borbe alyas “Tetet”, 35.

 

 

Habang timbog din sina Archival Santos, 40, at Virgilio Delos Reyes, 49, matapos maaktuhan ng mga operatiba ng SDEU na nag-aabutan ng hinihinalang shabu sa Abalos Bukid Ext., Gumamela Duplex, Brgy. Gen T. De Leon dakong alas-3:15 ng madaling araw. Nakuha sa kanila ang tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu at P350 cash. (Richard Mesa)

Presyo ng asukal posibleng bumalik na sa normal sa susunod na buwan – SRA

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na makakabalik sa normal ang presyo ng asukal kapag umangkat tayo sa ibang bansa.

 

 

Mula kasi sa dating P1,700 ang presyo ng isang sako na puting asukal ay naging P3,000 na ito.

 

 

Habang ang dating P2,000 na presyo ng pulang asukal ay naging P2,700 na ngayon kada sako.

 

 

Isa sa naging dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang pagkasira ng malaking sugar rifinery sa Negros dahil sa bagyong Odette.

 

 

Mayroon din aniyang paparating na 200 metric tons na o katumbas ng apat na milyong bags ng asukal na galing bansang China at Vietnam.

 

 

Kapag dumating na ito sa susunod na buwan ay tiyak na ang pagbaba ng presyo nito.

‘Di nahiyang napaiyak nang makita si Key ng SHINee: SHARON, sinabihan ng netizens na ang ‘OA’ nang naging reaksyon

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY nabasa kaming mga comment na nagsasabing, “Ang OA!” “OA naman talaga!,” patungkol kay Megastar Sharon Cuneta.

 

 

 

Dahil ito sa mga nai-post, especially ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan na pag-iyak ni Sharon nang makita na nito on stage ang isa sa hinangahangan miyembro ng South Korean boy group na Shinee na si Key.

 

 

 

Nagsisimula na nga ang Philippines na mag-open for some international acts tulad sa nangyaring concert last weekend ng mga South Korean k-pop group sa “Begin Again.”

 

 

 

May nagsasabi man na ang “OA” para sa kanila ng reaction ni Sharon, pero sigurado kami, sa mga K-Pop fans, normal lang ito. Naiintindihan, lalo na ng mga kapwa fans ang nararamdaman ng kapwa nila K-Pop fanatics.

 

 

 

In fact, halatang kinilig at tila naiiyak din si Sharon pagpasok niya ng Araneta Coliseum na nagsigawan din for her ang mga tao sa loob. And to think na ilang beses na ba siyang nag-concert o show sa Araneta na siya ang main star, pero this time, isa siya sa mga fans at nasa audience.

 

 

 

Kaya sabi niya sa ipinost na video sa kanyang Instagram account, “Upon enterting the Coliseum from backstage tonight (Nope—we didn’t see Key or NCT Dream there.). Thank you, fellow K-Pop fans!!! I felt like I was with friends.”

 

 

 

At sinabi rin niya na si Key nga lang daw ang nagpaiyak sa kanya tulad nang naging reaction niya sa concert, “Nakakahiya man pero SHINEE (this time si Key pa lang) ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito. I was so happy when I got to meet NCT 127, but I will cry buckets if all SHINee comes. And possibly EXO too (especially DO). Back to Ilocos tomorrow for work. God bless you all.”

 

 

 

So ‘yun na nga, kahit na nasa taping ito ng FPJ’s Ang Probinsyano, talagang nagpaalam ito at bumaba ng Manila para lang makapanood ng concert at bumalik din agad sa taping.

 

 

 

***

 

 

 

ISA sa masasabi talagang masuwerteng artista na lumipat sa Kapuso network ay si Beauty Gonzales.

 

 

 

Naging sunod-sunod ang magaganda niyang proyekto at halos magaganda rin ang mga karakter na pinagbibidahan niya.

 

 

 

Ang latest niya ay ang The Fake Life kunsaan, makakasama niya sina Ariel Rivera, Sid Lucero at Tetchie Agbayani.

 

 

 

Kilalang prangka si Tetchie, pero all good words ang meron ito para kay Beauty. Tinanong tuloy namin si Beauty kung bago pa niya makasama sa taping ang actress, may idea na siya kung sino ito.

 

 

 

“Of course, I have an idea who Ms. Tetchie is, she’s very famous. Crush siya ng bayan!,” sey naman ni Beauty.

 

 

 

“So noong una ko siyang na-meet, ako ang unang lumapit sa kanya. I introduced myself and first day pa lang, ang gaan na, ang dami na naming napag-usapan sa set. Ang gaan na. Parang magaan na kami agad sa isa’t-isa.

 

 

 

“I’m so happy and lucky. Malayo ako sa pamilya ko ngayon and to find someone na makaka-relate kayong dalawa, it’s a blessing.”

 

 

 

At dahil The Fake Life ang title ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na magsisimula ng mapanood sa June 6, tinanong din ‘to kung paano at ang co-star niya ay fake pala.

 

 

 

Paano niya naitatawid ang working relationship dito.

 

 

 

“Well, paano ko naitatawid na makipag-trabaho sa isang fake person, well, may the best actor win. Kung fake siya, e, ‘di fake na rin ako.

 

 

 

“Pagalingan ng arte na lang. May the best actor win. That’s how I view it,” natatawang sabi niya.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Inagurasyon nina incoming Pres. BBM at VP Sara Duterte, pinaghahandaan na ng PNP

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA PANG namo-monitor na anumang banta ang Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang inagurasyon nina President-elect Bong Bong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

 

 

Sa panayam kay PNP Officer-in-Charge Police Lt Gen Vicente Danao na patuloy ang kanilang paghahanda at latag ng seguridad para sa nalalapit na inagurasyon.

 

 

Ito’y para matiyak ang kaligtasan nina Marcos at Duterte gayundin sa mga taong dadalo rito.

 

 

Bagaman wala pang namo-monitor na banta, sinabi ni Danao na hindi naman sila magre-relax.

 

 

Sa katunayan, pinalakas pa nila ang kanilang intelligence monitoring at pinaigting pa ang seguridad dito sa kalakhang Maynila.

 

 

Binigyang-diin ni Danao, nakataas ang kanilang alerto sa anumang uri ng kilos protesta o pagkilos.

 

 

Bukod sa mga security forces na magbibigay seguridad, kanila rin ide-deploy ang kanilang CDM unit na tututok doon sa magsasagawa ng kilos protesta. (Daris Jose)

PDu30, nagsimula nang magligpit ng gamit; hinahanda na ang sarili bilang private citizen sa Davao

Posted on: May 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSISIMULA nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City.

 

 

Nakatakda na kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.

 

 

Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake ng kanyang mga gamit para ilipat sa kanyang tahanan sa Davao City upang manatili sa kanyang retirement bilang pribadong mamamayan kapiling ang kanyang pamilya.

 

 

Sa pagbaba ni Pangulong Duterte sa kanyang tanggapan ay kaagad siyang papalitan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na iproklama ito ng Kongreso noong nakaraang linggo.

 

 

Sinabi ng Chief Executive na ginawa niya ang lahat para sa mga mamamayang Filipino at sa bansa sabay sabing sa nakalipas na anim na taon ay ginawa niya ang kanyang “best efforts”, handa naman siyang humingi ng paumanhin kung kulang pa iyon. (Daris Jose)