PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino at mga coaches na nagpartisipa sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam mula Mayo 12 hanggang 23.
“The results of the Philippine contingent’s participation in the SEA Games, be it “with or without medals,” ang masayang pahayag ng Pangulo.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa Rizal Hall, Malakanyang, pinasalamatan nito ang mga atleta at coaches dahil sa “good job”, dahil sa dinalang “pride and honor” sa bansa.
Aniya, “very proud” siya sa mga atletang Filipino para sa kanilang matinding paghahanda at dedikasyon para umangat sa regional sports competition.
“No other time that I feel so proud for my country because you are here. You did a good job, and I’m very happy with the result. It is not really winning but going there just to give the country an image. Maligaya ako na maraming medalya ang nakuha natin,” ayon kay Pangulong Duterte.
Nasungkit ng Pilipinas ang pang-apat na puwesto sa medal race kung saan 11 bansa ang kalahok matapos na maibulsa ang kabuuang 226 medals sa 31st SEA Games.
Nagawa namang maiuwi ng mga atletang Filipino ang 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals.
Labis na ikinatuwa ng Pangulo ang “record-breaking feats” ng mga Filipino medalists at athletes.
Pinatunayan lamang ng mga atleta na ang limitasyon sa pagsasanay dahil sa Covid-19 pandemic ay hindi hadlang upang maipakita ang kanilang taglay na talento at ibigay ang lahat ng kanilang makakaya.
“I deeply thank you for representing the country with resiliency, excellence, and sportsmanship and for bringing pride and honor to the Filipino amidst the challenges you had to face in this uncertain time,” ang pahayag ng Chief Executive.
Sa nasabing event, binigyan naman ng award ng Pangulo ang mga atleta at may kasamang cash bonanza.
Sa ilalim ng Republic Act 10699 nakasaad dito na “grants cash incentives worth PHP300,000, P150,000, and P60,000 for SEA Games’ gold, silver, and bronze medalists, respectively.”
Pinagkalooban din ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu with the Rank of Kamagi ang mga SEA Games medalists.
Samantala, kinilala naman ng Punong Ehekutibo ang mahalagang tungkulin at gampanin ng Philippine Sports Commission (PSC) at mga coaches sa naging tagumpay ng mga atletang Filipino sa 31st SEA Games.
“While we celebrate our accomplishments in this much-awaited sports event, let us also recognize the Philippine Sports Commission and all of the coaches for their unwavering support in ensuring the athletes were in their prime condition to compete at the 31st SEA Games. Your involvement in this feat is truly significant and worthy of commendation,” anito.
Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang PSC at iba pang sports bodies na ipagpatuloy lamang ang pagpapaabot ng “full assistance” sa mga Filipino athletes upang manatili ang mga itong masigasig na “aiming for more victories in the future.”
“As we unite our efforts to achieve real and lasting change in our society, it is my hope that even beyond my term, our athletes will continue to uphold the competence, discipline and commitment that we Filipinos are known all over the world,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)