• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 3rd, 2022

Dating asawa na si Carla, in-unfollow na rin: TOM, balik-socmed na at nag-post ng nakaiintrigang photo

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINASAG na ni Tom Rodriguez ang pananahimik niya sa social media, nang mag-post siya ng isang nakaiintrigang photo sa kabila ng annulment rumors na ipa-file ng wife niyang si Carla Abellana.

 

 

At balitang nagpapatayo na ito ng bagong bahay habang naghihintay pa siya ng buyer ng kanyang posh condominium unit sa Pasig City.

 

 

Pero after two months na nanahimik si Tom tungkol sa issue, napabalita pang bumalik na siya sa kanila sa Amerika, ay nag-share ng photo of two hands being freed from a chain.

 

 

Ito na raw kaya ang sagot ni Tom, na ang annulment rumors ang magpapalaya sa kanya kay Carla na in-unfollow na rin niya?

 

 

Sa ngayon ay nagtatanong ang netizens kung nasaan ba si Tom at tuloy pa rin ba ang contract niya sa GMA Network?

 

 

***

 

 

NASA 37th week of her pregnancy na si Iya Villania-Arellano, ang Chika Minute host ng “24 Oras” pero tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay niya ng showbiz news.

 

 

Ang saya-saya pa niya kaya natutuwa sa kanya ang mga kasama niyang newscasters na sina Ms. Mel Tiangco, Vicky Morales at Mike Enriquez.

 

 

Ayon pa rin kay Iya, hindi pa rin siya nagpa-file ng maternity leave niya sa network para sa fourth child nila ni Drew Arellano.

 

 

“Normally, kapag 37th week ko na, nagpa-file na ako ng maternity leave, but this time, ita-try ko to work until my 38th week,” sabi ni Iya.

 

 

“Getting so anxious about how labor and delivery will unfold this time around.”

 

 

Bukod sa “24 Oras,: patuloy pa rin si Iya sa pagti-taping ng mga episodes ng daily morning show nila nina Camille Prats at Kuya Kim Atienza, ang “Mars Pa More,” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MUKHANG makakahinga na nang maluwag ang mga televiewers ng GMA Afternoon Prime na “Artikulo 247” sa pagtatapos ng serye nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Mike Tan at Kris Bernal ngayong hapon.

 

 

Pagkatapos ng maraming paghihirap kina Rhian, Benjamin, Carla Martinez at Glydel Mercado, na kagagawan nina Kris at Mike, ay makakaligtas na rin sila.

 

 

Abangan ang pag-rescue sa kanila ng mga authorities at kung ano naman ang magiging katapusan ng kasamaan nina Kris at Mike. Kasunod na nito ang “mabuhay ang bagong kasal” scene nina Jane (Rhian) at Noah (Benjamin).

 

 

Ang “Artikulo 247” ay mapapanood mamayang 4:15PM, after “Raising Mamay” sa GMA-7.

 

 

Simula naman sa Monday, June 6, world premiere ng papalit sa kanilang teleserye, ang “The Fake Life” nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez at Sid Lucero.

 

 

***

 

 

HAPPY ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil every Saturday, ay nagti-trending at mataas ang rating ng kanilang sitcom na “Jose & Maria’s Bonggang Villa.”

 

 

Matagal kasing hindi napanood ang mag-asawa na magkasama sa isang teleserye, kahit sa pelikula, lalo na nang magkaroon ng pandemic, kaya ngayong maayos na ang lahat, natuloy na rin ang muling pagtatambal ng mag-asawa sa sitcom pero maingat pa rin sila sa pagtatrabaho dahil wika nga, ‘the pandemic is not totally out!’

 

 

Isang kinatutuwaan ng mga netizens sa bawa’t episode ng “Jose & Maria’s Bonggang Villa,” si Maria ay may third eye at nakakakita at nakakausap niya ang multo, samantalang ang asawang si Jose ay siya namang natatakot dahil nakikita niya ang multo.

 

 

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay sa aming sitcom at sana ay magpatuloy ang pagtaas ng rating nito, para matagal tayong magkasama-sama,” wika ni Marian. “Hihintayin namin kayo tuwing Saturday, 7:15PM, after “Pepito Manaloto,” sa GMA-7.”

 

 

 

(NORA V. CALDERON)

‘Big Three’ ng Warriors papagitna sa NBA finals

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA MULING pagkakabuo ng tatluhan nina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson ay mahirap talunin ngayon ang Golden State Warriors sa NBA Finals.

 

 

Naghari noong 2015, 2017 at 2018, hangad ng Warriors na muling makamit ang NBA championship sa pagsagupa sa Boston Celtics simula sa Game One bukas (Manila time) sa San Francisco venue.

 

 

“The pieces fit, first and foremost, and our core and how we play and what we do, what makes us unique and different,” sabi ni Curry, ang two-time NBA Most Valuable Player.

 

 

Ngayon lamang ulit nag­laro si Thompson matapos magkaroon ng torn left knee ligament sa Game Six ng 2019 NBA Finals.

 

 

Matapos naman ang 17 buwan ay napunit ang kanyang right Achilles tendon.

 

 

Tumapos ang Golden State na may league worst 15-50 record noong 2020 season bago ußnti-unting nakabawi sa sumunod na dalawang taon.

 

 

“We were still able to keep that same culture in the locker room, even though we were losing. We still played our style of basketball, still holding guys to a high level and a high standard.” ani veteran center Kevon Looney.

 

 

Nagdagdag ng pu­wersa ang Warriors, sinibak si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks sa Western Conference finals, sa katauhan nina Jordan Poole, Andrew Wiggins at Jonathan Kuminga.

 

 

Sina Poole, Wiggins at Kuminga ang inaasahang dedepensa kina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng Celtics sa kabuuan ng NBA Finals.

PAGCOR, PCSO tinintahan ang guidelines para sa pagpopondo sa Universal Health Care

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na lumagda ito sa isang joint circular kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa pagpapatakbo ng kani-kanilang alokasyon para pondohan ang Universal Health Care (UHC).

 

 

Ang circular, kung saan nakadetalye ang operational guidelines para sa PAGCOR at PCSO para mag-remit ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) bilang National Government Subsidy para sa improvement ng benefit packages, ay nilagdaan nina PAGCOR chairman at CEO Andrea Domingo at PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili.

 

 

Sa ilalim ng UHC law or Republic Act 11223, kalahat ng share ng national government mula sa kinikita ng PAGCOR at maging ang 40% ng chairty fund ng PCSO ay gagamitin para pondohan ang universal health care program.

 

 

Ang UHC law, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 2019 ay ” automatically enrolls all Filipino citizens, including overseas Filipino workers, in the state social health insurance PhilHealth, which will have expanded coverage to include free consultation fees, laboratory tests and other diagnostic services.”

 

 

Ang pagpopondo para sa nasabing benefit expansion ay ipalalabas sa PhilHealth sa pamamagitan ng GAA sa pagsisimula ng taong 2023.

 

 

“PAGCOR remitted P65.55 billion to the National Treasury from 2019 to 2021 alone, with 50 percent allocated to PhilHealth to fund the UHC law,” ayon kay Domingo.

 

 

“This means we have already given almost P33 billion for healthcare from 2019 to 2021, and I think it would greatly help the UHC program now that consultations for primary care will be shouldered by PhilHealth,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Para naman kay Pinili, sinabi nito na ang UHC remittance guidelines nanilagdaan kapuwa ng PAGCOR at PCSO ay “jointly seek to provide mechanisms for transparent, accountable, timely and sustainable fund provision for benefits improvement of the National Health Insurance Program (NHIP).”

 

 

“With our sustained funding support for Malasakit Centers and the Universal Health Care, the PCSO Board hopes to make our state-run lotteries closer and relevant to the lives of the Filipino people, in support of President Rodrigo Duterte’s vision and initiatives to make health for all Filipinos a reality,” ayon kay Pinili.

 

 

“Among the benefits that will be improved in consultation with PAGCOR and PCSO include select medical and surgical procedures; expansion of case rates for hemodialysis up to 156 sessions; enhancement of benefit packages for selected orthopedic implants, post kidney transplant, breast cancer, prostate cancer, cervical cancer, open heart surgery for children; and physical medicine and rehabilitation,” ayon sa PAGCOR. (Daris Jose)

Facebook, lumalabas bilang ‘accessory to a crime’ dahil sa hindi pagba-block sa e-sabong — DILG

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUMALABAS na “accessory to a crime” ang social media giant Facebook dahil hindi nito binlock ang e-sabong o online cockfighting sa platform nito.

 

 

Nagpahayag ng pagkadismaya si Interior Undersecretary Jonathan Malaya dahil hindi man lamang nakakuha ng kahit na anumang tugon ang DILG sa kanilang request na i- block ang Facebook pages na nago-operate ng e-sabong.

 

 

“Kami po ay nadidismaya. We are disappointed dahil kung sila ay mag-shut down ng ibang pages mabilis but in this case, it’s as if they’re tolerating illegal activity in the Philippines,” ayon kay Malaya sa Laging Handa public briefing.

 

 

“Para po silang lumalabas ay accessory to one illegal activity because Facebook is a venue for illegal activity, ito nga pong illegal e-sabong,” ayon kay Malaya.

 

 

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala si Malaya lalo pa’t ang Facebook “is a business entity operating in the Philippines and they are bound by the laws of the Philippines.”

 

 

Matatandaang, nagdesisyon na si Pangulong Duterte na ipatigil na ang operasyon ng E-Sabong matapos pagbasehan ang ginawang survey at validation ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan napatunayan na ang E-Sabong ay labag sa moralidad ng sambayanang pilipino.

 

 

Ayon sa Pangulo, maraming nalululong sa sugal na E-Sabong na nakakaapekto na sa buhay at kabuhayan ng bawat pamilya.

 

 

Inihayag ng Pangulo na kaya niya pinahintulutan noon ang operasyon ng E-Sabong ay dahil sa kita at pakinabang ng gobyerno sa ibinabayad na buwis dahil kailangan ng pamahalaan ang dagdag na pondo. (Daris Jose)

E-Konsulta services ni Robredo tinapos na; mahigit 58-K ang natulungan

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAPOS na ni Vice President Leni Robredo ang mga serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta ng kanyang opisina matapos tumulong sa mahigit 58,000 katao, isang buwan bago siya bababa sa pwesto.

 

 

Inanunsyo ni Robredo ang huling araw ng libreng telemedicine platform ng Office of the Vice President (OVP) na inilunsad noong Abril 2021 upang matulungan ang mga pasyente ng COVID-19 at iba pang sakit na makakuha ng medikal na atensyon sa pamamagitan ng tele-consultation.

 

 

Nagbigay din siya ng pagpupugay sa lahat ng mga volunteers para sa inisyatiba na kinabibilangan ng 947 mga doktor at 1,761 na mga call or chat agents.

 

 

Bukod sa libreng telemedicine services, nagbigay din ang Bayanihan E-Konsulta ng libreng COVID-19 care kits na kinabibilangan ng mga gamot, bitamina, thermometer, box ng facemask, oximeter, disinfectant, at alcohol.

 

 

Samantala, sinimulan na ni Robredo ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit mula sa kanyang opisina sa Quezon City habang malapit nang matapos ang kanyang termino.

 

 

Nagbahagi siya ng mga larawan sa social media ng mga salansan ng mga kahon na pumupuno sa mga sulok ng opisina, na aniya ay mga souvenir sa kanyang anim na taon bilang bise presidente.

 

 

Nasundan ni Robredo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 elections’ presidential race na may 14 million votes kumpara sa dating senador na mahigit 31 million votes.

Duterte dinoble ang insentibo ng mga SEA Games medalists

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAGAYA ng inaasahan, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng cash bonus ang mga national athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals mula sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dinoble ng Presidente ang insentibong matatanggap ng mga SEA Games medalists sa ilalim ng Republic Act 10699 kung saan ang gold medal ay may katumbas na P300,000 at P150,000 at P60,000 para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“It is not really in the winning, but going there just to give a country an image. Maligaya ako na mada­ming medalya ang nakuha natin,” ani Duterte sa courtesy call ng mga Pinoy athletes sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

 

 

Nangangahulugan na dodoblehin ng Chief Executive ang kabuuang P34,537,500 cash incentives na natanggap ng mga SEA Games winners mula sa Republic Act 10699.

 

 

Tumapos sa fourth  place ang Team Philippines sa Vietnam SEAG bagama’t malaking epekto sa performance ng mga atleta ang nangyaring pandemya.

 

 

“President Duterte was very pleased by the performance of our athletes in the last Vietnam SEA Games and doubling their incentives is his way of recognizing and sho­wing his appreciation for their efforts,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Chris Hemsworth Confirms Filming ‘Mad Max: Furiosa’ Filming Is Underway

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CHRIS Hemsworth confirms filming is underway on George Miller’s Mad Max prequel movie, Furiosa.

 

 

Several years after making a trilogy of movies with Mel Gibson as Max, George Miller delivered a huge hit with Mad Max: Fury Road in 2015. The film starred Tom Hardy as Max and introduced audiences to Charlize Theron’s Furiosa, as the two occupied most of the screen throughout the thrilling adventure. Mad Max: Fury Road’s success paved the way for George Miller to continue the franchise and develop plans for a prequel following Furiosa after becoming such a standout character.

 

 

Development on Furiosa really picked up in 2020 once it was announced that Anya Taylor-Joy would play the younger Imperator Furiosa and bring Charlize Theron’s character to life once more. It was later revealed that Chris Hemsworth was joining the Mad Max prequel movie too. Future reports indicated that he’s meant to play Furiosa’s villain.

 

 

While Yahya Abdul-Mateen II was also part of the cast at one point, he had to drop out due to scheduling conflicts and was replaced by Tom Burke. Much like Mad Max: Fury Road’s troubled production, though, filming has been repeatedly delayed for the highly anticipated prequel.

 

 

Now, Hemsworth has confirmed that Furiosa is officially filming. He shared an image of the movie’s clapper on social media as production begins in Australia. So far, Hemsworth is the only star who has acknowledged the start of filming, but Anya Taylor-Joy and George Miller, along with Warner Bros., could celebrate the beginning of this journey next.

 

 

This comes almost two years to the day before Furiosa is slated to be released in theaters on May 24, 2024. There are so far no plot details known about Furiosa other than it takes place prior to the events of Mad Max: Fury Road. Anya Taylor-Joy previously expressed her desire to shave her head, just as Charlize Theron did, but it is not yet known if that is necessary.

 

 

One thing that is known is that Hemsworth’s Furiosa villain is not a character previously featured in the movies, disproving the popular theory he is playing a young Immortan Joe. While story details and character information are under wraps, audiences can rest assured knowing there will be plenty of action and cars in the Mad Max: Fury Road prequel.Seeing that Furiosa is now filming should be enough to generate plenty of excitement for fans of the franchise. It is no secret that Mad Max: Fury Road was a difficult production bringing George Miller’s vision to life and even just getting the movie off the ground.

 

 

While Furiosa had its own series of filming delays caused by COVID-19, the start of filming alleviate any doubt that the movie would not actually happen. Now it is just a matter of Chris Hemsworth, Anya Taylor-Joy, and George Miller getting Furiosa done before summer 2024. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Incoming DSWD chief Tulfo, gustong itaas sa P1,500 ang monthly pension ng indigent seniors

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Erwin Tulfo na ipapanukala niya na itaas ang social pension ng mga indigent senior citizens sa P1,500 mula sa P500 sa oras na maupo na siya sa puwesto sa ilalim ng incoming Marcos administration.

 

 

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binigyang diin ni Tulfo na marapat lamang na bigyan ng konsiderasyon ang maintenance medicines at iba pang pangangailangan ng senior citizens alinsunod sa kanyang panukala na dagdagan ang monthly pension ng indigent elderly na giit nito ay hindi sapat.

 

 

“I will ask my relatives in the Congress kung pupuwede, gawin na lang siguro nating P1,500 para naman mailaban-laban naman siguro ‘yung mga tao kesa sa P500 o P1,000, medyo kulang,” ayon kay Tulfo.

 

 

Sa ulat, aprubado na sa Senado ang panukalang batas na magtataas ng social pension ng mga mahihirap na senior citizen.

 

 

Lumusot nitong Lunes ang Senate Bill No. 2506 na aamyenda sa RA 7432 o “An Act to Maximize the Contribution of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges and for Other Purposes,’ as Amended, and for Other Purposes.”

 

 

Inaprubahan ang nasabing panukalang batas matapos itong sang-ayunan ng 18 senador. Walang tumutol o nag-abstain sa botohan.

 

 

Sa ilalim ng panukala, gagawing P1,000 ang kasalukuyang P500 monthly pension allowance ng mga indigent o mahihirap na mga senior citizen.

 

 

Kapag napirmahan na ito at tuluyang maging batas, inaasahang hindi na sisingilin sa beneficiary ang transaction fee sa cash pay out.

 

 

Inilipat na rin mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungo sa National Commission of Senior Citizens ang pangangasiwa sa pamamahagi ng pension allowance.

 

 

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na kulang na kulang ang P500 na kasalukuyang tinatanggap ng mga senior citizen.

 

 

Si Villanueva ang isa sa mga nagsusulong sa naturang panukalang batas.

 

 

“The amount of ₱500 monthly social pension for indigent senior citizens has remained unchanged for more than a decade since it has been first established in Republic Act No. 9994 or the ‘Expanded Senior Citizens Act of 2010’. Hindi na po magkasingtulad ang halaga ng limangdaan noon at limangdaan ngayon. Tumaas na po ang presyo ng bilihin, marapat lang na itaas rin ang monthly social pension ng mga indigent senior citizens from ₱500 to ₱1,000,” ani Villanueva.

 

 

“May mga seniors po na wala talagang maaasahan at hindi na kayang magtrabaho at hindi kayang suportahan ng mga kamag-anak o kaya walang kamag-anak… the P1,000 social pension is the least we can give them,” dagdag pa niya.

 

 

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng intensyon si Tulfo na bigyan naman ng P1,000 allowance ang mga persons with disabilities (PWDs).

 

 

“What I’m going to do siguro immediately kapag pinalad tayo, lumusot tayo sa Commission on Appointments, I will talk to my sister-in-law and my nephew and the ACT-CIS party-list to help me out siguro na humingi ng dagdag budget para sa PWDs na gawin na rin sigurong P1,000,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang kapatid naman ni Erwin Tulfo na si Senator-elect Raffy Tulfo, ay target ang 5% fixed allocation sa annual appropriations ng national at local government units para sa health at support care ng PWDs at maging sa mga “kids and adults na may special needs.”

 

 

Aniya, naghahanda na siya para sa isang landmark legislation na naglalayong “seeks to significantly improve upon the present support system for the individuals and families in need.”

 

 

 

Samantala, inihayag naman ni Erwin Tulfo ang mga pangalan ng dalawa sa kanyang mga colleagues na hinirang niya bilang mga bagong undersecretaries ng DSWD, aniya sanay na sanay na ang mga ito sa relief operations.

 

 

“They have been with me for the past 10 years. She was also a member of the media back then in 2010 and nakasama na namin sa mga distribution ng mga ayuda [we have worked together in providing aid], especially in pandemic, that’s Sally Navarro,” anito.

 

 

“I have Jericho Javier as my Undersecretary for Operations. He’s been with me, we’ve been covering a lot of calamities. Nakita niya rin ‘yung mga distribution natin during the pandemic,” dagdag na pahayag ni Erwin Tulfo.

 

 

Matatandaang, nabanggit na ni Tulfo na hihingi siya ng tulong mula sa social workers at mga esksperto bilang advisers para gabayan siya sa kung paano ang tamang pagpapatakbo ng ahensiya at tumulong na tugunan ang iba pang mahahalagang usapin katulad ng teenage pregnancy at universal healthcare law.

 

 

Nanawagan din ito sa publiko partikular na sa mga kritiko na husgahan siya base sa kanyang performance bilang DSWD chief matapos ang anim na buwan.

 

 

Aniya, hahayaan niyang mayroong ibang mamuno sa DSWD kung hindi niya magagawa ng maayos at tama ang kanyang trabaho sa loob ng nasabing timeframe.  (Daris Jose)

Kasama ang anim na hot and sexy stars ng Vivamax: SID, umaming isa sa pinakamahirap na ginawa ang orgy scene sa ‘Virgin Forest’

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPASABAK na naman ang versatile at award-winning actor na si Sid Lucero sa new version ng classic sex-drama Filipino film ni Peque Gallaga noong 1985, ang Virgin Forest.

 

 

Sa trailer ng newest offering ng Viva Films at Center Stage Productions na may parehong titulo, isa nga sa mga pasabog na eksena ay ang orgy scene ni Sid na kinunan sa isang waterfalls.

 

 

Kasama ng aktor ang anim na hot and sexy stars, na kung saan hubo’t-hubad sila, na tiyak na kaiinggitan siya ng mga kalalakihan.

 

 

Sa digital mediacon ng Virgin Forest na ipalalabas na sa June 24 sa VIVAMAX, inamin ni Sid na isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa niya.

 

 

“Honestly, it hurts,” tugon ng aktor.

 

 

“That’s the first thing you will realize, it’s painful. There’s nowhere to rest any part of your body. At the same time, there is something that the director wants to capture.

 

 

“The falls is so noisy, you don’t understand what’s happening because you can’t hear the direction.

 

 

“All of us, like three people, standing on a tiny rock because if you don’t stand there…it was not easy.”

 

 

Dagdag pa ni Sid na wala talagang kiyeme sa hubaran, “As an actor naman, the only thing that was going on my head was that we’re all in this together. We’re all naked and whatever, respetuhan na lang.”

 

 

Gaganap na isang photographer-journalist si Sid, na makadidiskubre ng isang gubat na hindi lang puno ng mga mauusbong na halaman at puno, kundi pati na rin ng mga taong puno ng kasakiman at pagnanasa.

 

 

Si Francis (Sid) ang naatasang kumuha ng mga litrato ng ng isang bulaklak mula sa genus Rafflesia, may scientific name na Rafflesia Schandenbergiana. Isa itong parasitic plant na tumutubo sa Bukidnon at mas kilala sa tawag na Bo-o para sa Bogobo tribe, at tinatawag namang Kolon-Busaw ng Higaonon tribe.

 

Bukod dito, makadidiskubre rin ng illegal logging operation at isang prostitution den. Dito niya makikilala ang magkapatid na sina Angela (Katrina Dovey) at Karla (Angeli Khang) na parehong pinagtatrabaho bilang mga prostitute.

 

Isusugal ni Francis ang kanyang trabaho at maging ang kanyang buhay upang mailigtas ang dalawang babae, bago maging huli ang lahat.

 

Ang Virgin Forest ang bagong pelikula ng award-winning director ng “Tirador” at “Kinatay” na si Brillante Mendoza. Ito na ang pang-apat niya sa Vivamax ngayong 2022, after ng “Palitan,” “Sisid,” at “Bahay na Pula”. Siya ang nag-produce ng at noong “Kaliwaan” at “Pusoy,” bilang pagsuporta sa mga young filmmakers.

 

Bukod kina Sid Lucero, Angeli Khang, at Katrina Dovey kasama din sa cast ang Asian Film Festival Best Actor na si Vince Rillon.

 

Mabighani sa kakaibang ganda ng kalikasan at alamin ang sukdulan ng pagnanasa at kasakiman ng mga tao sa Virgin Forest simula sa June 24, sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe. At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.
Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Zubiri, susunod na Senate President

Posted on: June 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pumili ng magiging katuwang niya sa mga komite sa Senado.

 

 

Kasunod ito ng lumilinaw nang Senate presidency, makaraang umatras na sa laban si Sen. Cynthia Villar.

 

 

Dahil sa naturang development, formality na lang ang kailangan para sa pag-upo niya bilang pinuno ng kapulungan sa pagpasok ng 19th Congress.

 

 

Kabilang sa mga pinangalanan na sina Sen. Loren Legarda bilang President Pro Tempore;

 

 

Sen. Sherwin Gatchalian — basic education and ways and means,

Sen. Nancy Binay — tourism and accounts,

Sen. Sonny Angara — finance

Sen. Robin Padilla – constitutional amendments and revision of codes

 

 

Habang si Sen. Chiz Escudero ay ikinokonsiderang chairman ng justice committee.

 

 

Tiniyak ni Zubiri na mananatili ang independence ng Senado sa pagpasok ng susunod na administrasyon. (Daris Jose)