ANG saya-saya ng mediacon sa Novotel, Cubao, Quezon City, na ipinag-imbita ng GTV para sa first sitcom nila na ‘TOLS’ na pinangungunahan ni actress-comedienne Rufa Mae Quinto.
Yes, back na muna for the meantime si Rufa Mae sa bansa, dahil nami-miss na rin niya ang pag-arte. Sa pagbalik nila ng anak na si Athena, pumirma na siya ng contract bilang isa sa Sparkada, ang Sparkle GMA Artist Center.
Pumayag ba naman ang husband niyang si Trevor Magallanes na mag-stay sila rito ng anak nila samantalang naroon siya sa Amerika?
“Pumayag naman siya dahil gusto ng anak namin na matutong magsalita ng Tagalog,” biro pa ni Rufa Mae, “nahihirapan ako at ‘dumurugo ang ilong ko tuwing nagsasalita ako roon ng English.”
Tamang-tama naman daw na tinanggap ng GMA Network ang pagbalik niya at bukod sa ilang shows nang nag-guest siya, ay kinuha nga siya sa ‘TOLS’ at mga anak niya sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador at Abdul Rahman,
Happy si Rufa Mae na gusto raw niya ang mga kasama niya sa cast, “Makukulit, pero masasaya at mababait silang lahat.”
Kasama rin sa cast sina Betong Sumaya, Arkin del Rosario, Raymund Mabute, Olive May, Rollie Concepcion, at Jojo Alejar. Director nila si Monti Parungao na kasamang nag-conceptualize ng story na mala-‘Palibhasa Lalake.’ Sa June 25 ang pilot episode nito, 7:05PM sa GTV.
***
LABIS naman ang pasasalamat ni StarStruck 7 finalist Abdul Rahman, na pagkatapos ng talent search, nagkasunud-sunod din ang projects niya sa GMA Network.
Una siya nabigyan ng first serye niya, ang Legal Wives, katambal ang Ultimate Female Artist na si Shayne Sava. Ongoing ang second series nila ni Shayne na Raising Mamay sa GMA Afternoon Prime.
At ngayon ay meron na siyang first sitcom, ang TOLS kaya natanong si Abdul kung papasok din ba si Shayne sa show?
“Abangan po ninyo ang paggi-guest ni Shayne sa sitcom. Naniniwala po ako na may bright future po ang loveteam namin,” sagot ni Abdul.
“Nagpapasalamt po ako na may bago akong project. Para po ito sa Mama ko na may sakit ngayon at kailangan ko ang pera for her medication para tuluyan na siyang gumaling.”
***
THANKFUL si Kapuso actress Kylie Padilla sa netizens and televiewers na kasisimula lamang mag-air ng first sports-serye ng GMA, ang Bolera ay tinutukan na agad.
Ayon kay Kylie, tiyak daw na naging interesado ang viewers dahil ibang sport naman ang napapanood nila, lalo pa at bago sila nagsimulang mapanood ay
naging gold medalists sa katatapos na 31st SEAGames ang mga naging coaches niya na nagturo sa kanya ng tamang gagawin sa paglalaro ng billiard.
“Nakakataba ng puso na gabi-gabi ay tumataas ang rating namin, kaya salamat po sa inyong pagsubaybay sa amin gabi-gabi,” sabi ni Kylie. “Salamat din sa mga leading men ko rito, sina Rayver Cruz at Jak Roberto, kina Al Tantay, Gardo Versoza, Joey Marquez, sa nanay ko rito, si Ms. Jaclyn Jose, na ang dami-dami kong natutunan sa kanya sa bawat eksenang gawin namin. Salamat po sa pagpanood ninyo sa amin gabi-gabi, 8:50PM sa GMA-7”
***
LAST June 2, longtime celebrity couple, Kapuso actor Jason Abalos and former beauty queen Vickie Rushton, shared photos from their dreamy outdoor pre-nuptial shoot sa Farm Ridge in Pantabangan, Nueva Ecija.
Engaged on December, 2021, ayon kay Vickie it was “one of the best things that happened in 2021.”
Sabi naman ni Jason, “una sa lahat salamat sa inyong mga pagbati. Our pre-nup happened last year in my hometown in Pantabangan, Nueva Ecija, here are some of the photos, more to come.”
The couple first met in 2010 sa isang ABS-CBN event in Bacolod, Vickie’s hometown. They ended dating the following year when Vickie was also crowned Mutya ng Pilipinas International in 2011
Vickie bid goodbye to the pageant world last year, si Jason naman ay kumandidatong Board Member ng Nueva Ecija, noong May elections, na nanalo siya. First time na nag-try pasukin ni Jason ang pulitika.
Congratulations, Jason and Vickie.
(NORA V. CALDERON)