• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 11th, 2022

DOLOMITE BEACH, MULING MAGBUBUKAS

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ang muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach sa mismong Araw ng Kalayaan sa  June 12,2022.

 

Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda  para sa muling pagbubukas kung saan tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa Dolomite beach.

 

 

Mapapansin din ang ilang mga tumpok ng white sand na inaasahang ilalatag dito

 

 

At bukod sa kontrobersyal na Dolomite Beach, may bagong atraksyon dito sa Roxas Boulevard.

 

 

Ito ay ang World War II Heritage Cannon sa bahagi ng Remedios Street, o tapat ng Rajah Sulayman Park. (Galing sa Fort Drum Island ang kanyon).

 

 

Pormal namang inilunsad ang kanyon sa  Independence Day.

 

 

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, sa pagbubukas muli ng Dolomite Beach ay mahigpit pa ring paiiralin ng health protocols kontra COVID-19.

 

 

Paalala sa publiko na magsuot pa rin ng face mask, at hangga’t maaari ay fully vaccinated na.

 

 

Aabot lamang sa 1,500 hanggang 3,500 na katao ang maaaring makapasok sa Dolomite beach sa tukoy na mga oras. (GENE ADSUARA)

LTFRB: Petisyon sa pagtataas ng TNVS fare sasailalim sa hearing

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang P1 provisional increase ng pamasahe ng mga jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magsasagawa naman ng hearing sa petisyon ng Transport Network Companies (TNC) sa pagtataas ng pamasahe sa mga ride-hailing apps.

 

Sa darating na June 29 na gagawin ang hearing sa nasabing petisyon ng TNVS ayon kay LTFRB executive director Kristina Cassion.

 

“For TNVS like Grab, Joyride, there’s a standard fare rate for that such as the flag-down rate, per kilometer rate and a P2 per minute and a surge rate. So, they also filed a petition for a fare hike,” wika ni Cassion.

 

Dagdag pa ni Cassion na kanilang masusing pag-aaralan ang petisyon sapagkat kailangan itong dumaan sa consultation at deliberations.

 

“It would really depend on the discussion. But we also don’t know because the provisional fare increase for jeepneys was also unexpected. But we see the difficulty that drivers and operators face, that’s why the board approved it. So let us just cross our fingers. Whatever the board discusses about this matter, we consult it with other sectors and the economic managers and what its effect will be, like inflation,” saad ni Cassion.

 

Kung papayagan ang pagtataas sa TNVS inaasahan na ng LTFRB na tiyak na susunod na ang mga petisyon ng mga public utility bus, taxis at UV Express sa pagtataas ng pamasahe na ayon sa LTFRB ay kanilang pinaghahandaan na ngayon.

 

Kamakailan lamang ay inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs).

 

Noong nakaraang March, ang grupo ng Pasang Masda, 1-UTAK, Altodap LTOP at ACTO ay naghain ng petisyon sa LTFRB upang humingi ng provisional na pagtataas ng P1. At noong March din ay nagdesisyon ang LTFRB na hindi payagan ang kanilang petisyon na itaas ang minimum fare ng P10.

 

Sa ilalim ng bagong order at desisyon, sinabi ng LTFRB na ang mga PUJ services ay maaari ng mag impose ng P10 minimum fare para sa unang apat (4) na kilometro subalit walang increase ang mangyayari para sa susunod na kilometro.

 

Ang desisyon ay ginawa ng LTFRB sa gitna ng threat ng mga drivers at operators ng PUJs na sila ay hihinto sa kanilang operasyon at hahanap na lang ng ibang paraan ng kanilang kabuhayan.\

 

Binigay din ang go-signal sa pagtataas ng minimum fare upang bigyan ng reprieve ang mga drivers at operators kung saan sila ay humihingi sa nakalipas na apat na buwan na dahil sa tumataas na presyo ng krudo.

 

Noong nakaraang Wednesay ay tumataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo – P2.70 kada litro ng gasoline,P6.55 sa diesel at P5.45 sa kerosene. Habang ang net increase ay naitalaga sa P23.85 kada litro sa gasoline, P30.30 sa diesel at P27.65 sa kerosene simula pa nitong taon.

 

Sinabi naman ni Fejodap president Ricardo Rebano na ang tanging solusyon sa tumataas ng presyo ng petrolyo ay ang magkaron ng pansamantalang suspension ng excise tax sa fuel.

 

Subalit hindi naman sangayon si incoming DOF secretary Benjamin Diokno kung saan niya sinabi na mas maganda pa rin ang pagbibigay ng cash assistance sa sektor ng transportasyon.

 

Si Senator Aquino Pimentel naman ay nagsabi na maaari naman suspendihin ang pagpapataw ng excise tax at value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng krudo at gasoline. LASACMAR

Celtics inangkin ang 2-1 bentahe

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASABOG  sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 53 points para banderahan ang Celtics sa 116-100 paggiba sa Golden State Warriors sa Game Three ng NBA Finals sa TD Garden.

 

 

Bumalikwas ang Boston mula sa kabiguan sa Game Two sa San Francisco para kunin ang 2-1 lead sa ka­nilang best-of-seven series ng Golden State.

 

 

Umiskor si Brown ng 27 points, habang may 26 mar­kers si Tatum para sa Celtics na nakahugot rin kay Marcus Smart ng 24 points.

 

 

Dalawang panalo pa ang kailangan nila para makamit ang NBA record na ika-18 korona.

 

 

Tinukoy ni coach Ime Udoka ang matigas na depen­sa nina big men Robert Williams III at Al Horford sa isa sa mga naging dahilan ng kanilang panalo.

 

 

“We want to try to impose our will and size in this series,” wika ni Udoka. “It’s going to be a back-and-forth battle as far as that, but when we get nights like this from (Williams and Horford), obviously it pays dividends for us.”

 

 

Nagtala si Williams, nagmula sa isang knee injury, ng 10 rebounds, 4 blocks at 3 steals.

 

 

Pinamunuan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanyang 31 points tampok ang anim na triples kasunod ang 25 markers ni Klay Thompson.

 

 

Sinabi ni Golden State coach Steve Kerr na maganda ang naging estratehiya ng Boston.

 

 

“They did a good job. They earned the win. They put a lot of pressure on us and felt like we were kind of swimming upstream most of the night,” ani Kerr.

 

 

Nagtayo ang Celtics ng 15-point lead sa first half ba­go ibigay ni Curry sa Warriors ang 83-82 abante sa third period mula sa kanyang triple.

 

 

Nakabawi naman ang Boston at tinangay ang four-point lead papasok ng fourth quarter.

 

 

Ang flagrant foul ni Horford kay Curry ang nagresulta sa four-point play ng NBA three-point king na sinundan ng tres ni forward Otto Porter Jr. para sa two-point deficit ng Golden State.

 

 

Kumonekta si Grant Williams ng tres para ila­yong muli ang Celtics sa 93-86.

Gilas Pilipinas tuloy ang paghahanda para sa FIBA World Cup

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinaghandaan ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na pagsabak nila sa dalawang window ng FIBA.

 

 

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ilang linggo ang gagawin nilang ensayo para matiyak na mangibabaw ang national basketball team ng bansa.

 

 

Pinag-aralan na rin aniya nila ang mga galaw ng mga makakaharap nila.

 

 

Magugunitang sasabak ang Gilas sa susunod na window ng FIBA World Cup Qualifiers sa New Zealand at Manila ganun din ang FIBA Asia Cup Championship sa Jakarta, Indonesia.

Deputy Speaker Pichay, 30 yrs jail term sa graft cases – Sandigangbayan

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINATULAN ng Sandiganbayan si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na makulong ng 30 taon matapos ideklara ng anti-graft court na guilty ito sa tatlong graft cases.

 

 

May kaugnayan ito sa umano’y mismanagement ng P780 million funds sa kaniyang panunungkulan bilang head ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

 

 

Sa 66-page decision promulgated noong June 7, sinintensyahan ng Sandiganbayan Fourth Division si Pichay, kasama si dating LWUA Deputy Administrator Wilfredo Feleo Jr. para sa kaparehong kaso.

 

 

Ang dalawang dating LWUA officials umano ang responsable sa paglalagay sa kanilang ahensya sa pagkalugi dahil sa pag-acquire noong 2009 ng 60 percent voting stock sa Laguna-based local thrift bank na Express Savings Bank Inc. (ESBI) na pag-aari naman ng WELLEX Group Inc. at Forum Pacific Inc.

 

 

Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Lorifel Pahimna ng Sandiganbayan.

 

 

Sa panig naman ni Pichay, tiniyak nitong gagamitin nila ang lahat ng maaaring legal na hakbang upang iapela ang nasabing hatol. (Ara Romero)

P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPAMAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.

 

 

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.

 

 

Nasa 12.4 milyong pamilya ang makatatanggap ng tulong.

 

 

Noon pang buwan ng Marso iniutos ni Pangulong Duterte na bigyang ayuda ang mga mahihirap na pa­milya para makaagapay sa pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

 

 

Sinabi pa ni Dumlao na ina-account na lamang ang mga mahihirap na pamilya na mayroon nang mga existing na cash cards para agad na mahatiran ng first tranche ng subsidy.

 

 

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management na matatanggap ang P500 ayuda sa loob ng tatlong buwan lamang. (Daris Jose)

After 18 years, legal na ang kanilang pagsasama: TROY at AUBREY, mas pinili ang ‘civil wedding’ kesa magpa-bongga

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LEGAL na ang pagsasama nina Troy Montero at Aubrey Miles.

 

 

 

Though meron na silang mga anak at labing-walong taon na silang magkarelasyon at magkasama, it was only last June 9 nang gawin na nga nilang legal ang kanilang pagiging partner.

 

 

 

Legally Mrs. Montero na si Aubrey. At sa halip na magpa-bongga o magpaka-engrandeng kasal, nagpakasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding sa tanggapan ng Mayor ng Mandaluyong na si Mayor Menchi Abalos.

 

 

 

Present sa civil wedding ang mga anak nila, ang kapatid ni Troy na si KC Montero, ang misis nito at ang kanilang anak. Gayundin ang ilan sa malalapit na kaibigan nila kabilang na si Ervic Vijandre.

 

 

 

Sabi nga ni Aubrey, “After 18 years together, it only takes 30 minutes to sealed it. We did it @troymontero.

 

 

 

“Shout out to our ninongs and ninangs @coraldeguzman @authentecite. Also to the Mayor of Mandaluyong, Mayor Carmelita Abalos. Maraming Salamat po.”

 

 

 

Binati naman sina Aubrey at Troy ng ilan sa mga kasamahan nilang artista tulad nina Candy Pangilinan, Meryll Ricks at iba pa.

 

 

 

***

 

 

 

SA lahat ng pagpapa-sexy na ginawa raw ni Albie Casiño, ang bago niyang movie sa Vivamax na Biyak at sa direksiyon ni Joel Lamangan ang pinakabago para kay Albie.

 

 

 

Ang dahilan, ngayon lang daw siya gumawa ng movie na ang sexscene niya ay sa labas.

 

 

 

Sey ni Albie, “Hindi na po ako bago sa mga love scenes. Pero first time ko pong mag-shoot ng love scene sa labas. Masasabi ko pong first time ko pong mag-shoot ng love scene na nasa labas ka.

 

 

 

“At medyo mahirap din maglakad ng naka-plaster na nasa labas ka,” natawang sabi niya.

 

 

 

Tinanong namin si Albie kung uncomfortable ang pakiramdam niya na nakahubad at plaster lang ang suot.

 

 

 

Pero sey niya, “Hindi naman po. Maganda naman ang katawan ko. Pakita na natin.”

 

 

 

Sa isang banda, tila isa sa favorite star ni Direk Joel si Albie na madalas ay nakakasama sa mga movies niya. Pinatotohanan ito ni Direk Joel at sabi nga niya, “Dahil siya ay si Albie. Professional na actor at nagagawa niya ang ano mang hingin sa kanya at mahusay niyang nagagawa.

 

 

 

“Naging paborito ko siya sa marami na naming pinagsamahan. Wala akong problema kung si Albie Casiño ang aking artista.”

 

 

 

Bukod kay Albie, kasama rin niya sa Biyak sina Angelica Servantes at Quinn Carillo at Vance Larena.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Jeff Goldblum Explains Grandmaster’s Role in the Upcoming MCU Sequel, ‘Thor: Love and Thunder’

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JEFF Goldblum recently explained the Grandmaster’s role in the upcoming MCU sequel, Thor: Love and Thunder.

 

 

The highly-anticipated film finds the titular character picking up the pieces of his life shortly after the events of Avengers: Endgame. With Thanos defeated and Asgard destroyed, Thor (Chris Hemsworth) travels with the Guardians of the Galaxy to find a new purpose in his life. With Gorr the God Butcher (Christian Bale) threatening gods within the universe, Thor must team up with King Valkyrie (Tessa Thompson), his friend Korg (Taika Waititi), and his former love interest Jane Foster (Natalie Portman) as the Mighty Thor to defeat the new villain.

 

 

In attempt to stop his older sister Hela from entering Asgard in Thor: Ragnarok, Thor and Loki (Tom Hiddleston) were thrown from Bifrost and land on a hostile garbage planet known as Sakaar. There he encounters its ruler, an eccentric colorful man known as the Grandmaster (Goldblum). In their attempt to escape the planet, Thor and Loki inadvertently cause an uprising against its ruler. The film’s post-credits scene shows the Grandmaster confronted by his former subjects, implying that he will soon be killed. However, it seems with Goldblum’s admission that the playful tyrant may have survived the insurrection.

 

 

In his recent interview with Esquire, Goldblum explained his role in the upcoming film, Thor: Love and Thunder. When asked if his character of the Grandmaster will make an appearance in the new MCU movie, the actor humorously responded that he will be in the film, but will not be seen or heard, but can only be “sensed.”

 

 

The actor’s coy response leaves much to be desired as he barely confirms his involvement in the upcoming movie. Many have speculated that Goldblum may return to the franchise in some way, due to the fact that he was seen in Australia last year with Jurassic World Dominion co-star Sam Neill who was reportedly filming scenes for his cameo in Thor: Love and Thunder at the time. Although Goldblum has said that he is in the new film, his explanation does not offer any concrete details as to what his role entails.

 

 

If Goldblum returns to the Thor franchise, he will most likely appear in a minor cameo appearance. As director Waititi previously explained that Thor will be going through a mid-life crisis at the beginning of the film. After he separates from the Guardians, he will depart on a journey in search for a new direction in his life. That quest might lead Thor back to Sakaar where he may find the Grandmaster back on the throne, or now working as a slave, perhaps as a gladiator in the planet’s famed arena. Audiences can only speculate if the Grandmaster will return until Thor: Love and Thunder premieres later this summer. (source: screenrant.com)

 

 

(ROHN ROMULO)

Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod.

 

 

Sa ulat, nakatanggap ang CIDG RGU NCR ng impormasyon na nagpapanggap ang suspek na aktibong tauhan ng AFP at nagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila na naging dahilan upang isailalim siya sa validation.

 

 

Dito, nalaman ng pulisya na hindi aktibong tauhan ng AFP ang suspek at positibo rin umano sa pagbebenta ng baril na naging dahilan upang isagawa ng mga operatiba ng CIDG SMMDFU at Army Intelligence Regiment ang buy bust operation sa kanyang bahay dakong alas-6 ng gabi.

 

 

Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng baril ang isang pulis umakto bilang poseur-buyer kung saan habang nagaganap umano ang transaksyon ay inalok din ni Lemana ang poseur-buyer ng isang granada.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 45 pistol na may limang bala, isang hand grenade, 2 pirasong IDs (AFP ID and membership ID), isang set ng AFP iniform at P1,000 bill dusted money at boodle money.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 in relation to Election Gun Ban, Article 177 (Usurpation of Official functions), Article 179 (Illegal Use Of Uniforms Or Insignia) at RA 9516 (Illegal Possesion of Explosives). (Richard Mesa)

Hindi na ‘pichi-pichi’ ang mga kalaban sa SEAG- Barrios

Posted on: June 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKITA sa nakaraang 31st Southeast Asian Games na hindi na basta-basta ang mga kalaban ng Gilas Pilipinas.

 

 

Yumukod ang mga Pinoy cagers sa Indonesia, 81-85, sa gold medal round ng Vietnam SEA Games kung saan nagwakas ang 13 sunod na paghahari ng Pilipinas at ang 33 taong pagdomina sa biennial event.

 

 

“Hindi na ganoon ka pichi-pichi iyong kalaban. Ngayon iyong mga kalaban natin sa men’s kailangang pagtuunan ng pansin,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios. “The value of scouting opposition is also a lesson learned.”

 

 

Tinapos ng Indonesia ang torneo bitbit ang 6-0 record kasunod ang 5-1 marka ng Gilas Pilipinas na minandohan ni coach Chot Reyes ng TNT Tropang Giga.

 

 

Si 6-foot-10 Marques Bolden, naglalaro para sa Salt Lake City Stars sa NBA G League at produkto ng Duke Blue Devils sa US NCAA Division 1, ang naturalized player ng Indonesia.

 

 

“The composition of our team, fielding the best that we can, is always of utmost importance para iyong cohesion and prepa-ring for extended period of time mas maganda,” ani Barrios.

 

 

Naglaro para sa Gilas sina six-time PBA MVP June Mar Fajardo at Mo Tautuaa ng San Miguel, Kiefer Ravena ng NLEX, Matthew Wright ng Phoenix, Troy Rosario, RR Pogoy at Kib Montalbo ng TNT.

 

 

Ngunit halos isang buwan lamang sila nakapag-ensayo bago sumabak sa Vietnam SEA Games.

 

 

“Mas matagal, mas maganda,” wika ni Barrios.