MAY grupo ng mga city bus companies ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang humingi ng fare hike dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang Mega Manila Consortium na naghain ng petisyon sa LTFRB ay humihingi ng provisional na P7 na taas ng pamasahe para sa unang limang kilometro ng mga air-conditioned utility buses (PUBs) at provisional fare na P15 para sa minimum ng ordinary buses.
Ayon kay internal affairs ng Mega Manila Consortium Julie de Jesus na ang hinihingi nilang provisional increase ay upang tulungan ang ang mga operators na patuloy nilang mabayaran ang mga sweldo ng mga drivers at conductors sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina.
“For EDSA Carousel alone, out trips are just same but the earnings are short because of how expensive diesel is. This is going to kill our operators if the increase continues,” wika ni de Jesus.
Umaasa ang grupo na bibigyan agad ng aksyon ng LTFRB ang kanilang petisyon dahil ang kanilang hiling lamang ay para sa provisional fare at kung hindi mabibigay ang kanilang petisyon ay mag reresulta ito sa kakulangan ng mga buses na magsasakay sa mga pasahero dahil mapipilitan silang huminto ng operasyon.
Sa ngayon ay mayron na lamang na 80 porsiento ng 550 na authorized na PUB units ang may operasyon sa EDSA Carousel route dahil ang iba ay huminto na sa pagpasada dahil nga sa taas ng presyo ng gasolina.
Dagdag naman ni de Jesus na ang consortium ay patuloy pa rin na may operasyon kahit na may mataas na presyo ng gasolina dahil na rin sa programa ng pamahalaan sa service contracting kung saan ang mga public transport operators at drivers ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero habang ang pamahalaan naman ay nagbibigay sa kanila ng compensation kada linggo.
Sa ilalim ng programa, ang pamahalaan ay nagbibigay ng pambayad para sa fuel expenses, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead expenses ng kanilang units.
Subalit ayon pa rin kay de Jesus ay matatapos na ang 3rd phase ng programang service contracting ngayon buwan.
“If the free rides program expires, I think, its going to be difficult for us. If maybe there’s still a budget under the general appropriations act that can be used for us, maybe the program would be extended until next month, but still, we’re not sure about that. It all depends on the LTFRB,” saad ni de Jesus.
Ang 3rd phase ng SCP ay inilungsad noong nakaraan April kung saan mayron 510 PUVs ang bumibiyahe sa EDSA Busway Carousel at iba pang routes sa Metro Manila. Ang 3rd phase ay may pondong P7 billion sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022. LASACMAR