ANG Department of Transportation (DOTr) ay nagsabing ang pagbubukas ng Philippine National Railways (PNR) Lucena-San Pablo line ay tamang-tama sa pagtatapos ng pamunuan ni President Duterte.
“The PNR Lucena-San Pablo line would be reopened in the coming days. The reopening of the line will usher in economic and tourism growth in the provinces of Laguna, Quezon and nearby areas,” wika ng DOTr.
Sa pamamagitan ng Lucena-San Pablo line, ang travel time ay magiging 30 na minuto na lamang kumpara sa dating isang oras ng paglalakbay.
Nakikita rin na ang pagbubukas ng Lucena-San Pablo line ay isang importanteng pagkakataon para sa restoration ng PNR Bicol Express na siyang magdudugtong sa Metro Manila papuntang Southern Luzon provinces, kasama ang Laguna, Quezon, Camarines Sur at Sorsogon.
“Under the leadership of Secretary Art Tugade, the revival of the PNR Lucena-San Pablo line is a testament of the DOTr’s goal of providing a more comfortable and convenient life to the Filipino people through enhanced mobility and connectivity across the archipelago,” dagdag ng DOTr.
Ang PNR San Pablo-Lucena route ay may 44 na kilometrong inter-provincial commuter railway na siyang bahagi ng commuter train service sa Bicol na may mga estasyon at flag stops para sa mga araw-araw na sumasakay na pasahero at mga maigsing paglalakbay.
Maaarin rin gamitain ang PNR Lucena-San Pablo line na isang commercial o cargo freight service maliban sa pagiging passenger commuter nito. Huminto ang operasyon nito noong taong 2013 ng masira ang abutment nito.
Sa kabilang dako naman, pinagbigay-alam din ng DOTr na marami ng elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 ang naayos at operasyonal na.
Mayroon ng 66 na escalators ang naayos mula sa 72 escalators na kabuohan nito at may 36 ng elevators ang umaandar na mula sa kabuohang 40 na elevators.
“Commuters can expect more convenience in their daily rides as more escalators and elevators have been restored at the LRT 2 stations,” saad ng DOTr.
Si DOTr Secretary Tugade ang nagutos upang ayusin ang lahat na sira at hindi umaandar na escalators at elevators sa LRT Line 2.
Ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na siyang operator ng LRT Line 2 ang nagsabing ang pag-aayos ng mga elevators at escalators ay naaayon sa kanilang pagsisikap na pagandahin ang accessibility ng rail service sa mga pasahero lalo na sa mga matatanda, buntis at PWDs.
Ito ay may habang 17.69 na kilometro at may 13 na estasyon mula Recto sa Manila hanggang sa lungsod ng Antipolo. Mayron tinatayang 300,000 na pasahero kada araw ang sumasakay dito. LASACMAR