NAI-LAUNCH na ang dream talk show ni Barbie Forteza sa kanyang YouTube channel na ‘Coffee Talk with Barbie Forteza’.
Ito raw ang gustong gawin na ni Barbie ngayon at every week ay may bago siyang mai-interview na sikat na celebrity.
“I’ve always wanted to have my own talk show where I can ask the people who inspire me how they do what they do and to get to know them personally. Of course, my talk show will not be complete without my favorite drink, COFFEE!!!
“I just want to share na I’m super excited because isa talaga ito sa dream vlog segments ko. Sana magtuloy tuloy. A talk show, with a personal touch,” sey ng Kapuso Drama Princess.
Unang guest ni Barbie sa pilot episode ng kanyang talk show ay si Bea Alonzo. Inalala pa ni Bea ang unang encounter niya with Barbie bago siya nag-transfer sa GMA noong 2021.
“Gusto ko rin i-share ‘yung unang beses na nagkita tayo, sa Shangri-La Mall. Tapos nasa gadget store ako. ‘Paglabas ko ng gadget store may babaeng maputi na lumalapit sa akin, sabi ‘Hi, Ms. Bea, ako po si Barbie, gusto ko po sana kayo makilala sa personal at gusto ko po magpa-picture.’ Sobrang na-appreciate ko ‘yun,” kuwento ni Bea na ikinatuwa ni Barbie.
Isa sa pinag-usapan nila ay ang pakikipagtrabaho sa kanilang ex-boyfriends. Naging honest si Bea sa pagsabi na isang ex lang daw niya ang hindi niya kayang makatrabaho ever. Si Barbie naman, as much as possible, hindi siya makikipagtrabaho sa mga naging ex niya.
Sey ni Barbie: “I tend to hold grudges na rin. Kasi parang, ‘O, eto ‘yung sinayang mo, hindi mo na ‘to makukuha ulit.’ Medyo immature, pero ibigay n’yo na sa’kin. Sobrang best foot forward nung umpisa, tapos nung naging kayo na… nasaan na ‘yung foot? Nawala yung foot e, umatras e!”
Ikinatutuwa rin ni Bea kay Barbie ay ang pagiging energetic nito tuwing nagkakasama sila sa taping ng show.
“Si Barbie, siya talaga ‘yung bumubuhay sa amin sa mga ‘All-Out Sundays’ at Lazada shows namin kahit late na natatapos. Iba ka, girl! Iba ang energy bank mo.”
***
HANGGANG ngayon ay may trauma pa rin si Awra Briguela dahil naging biktima siya ng magnanakaw noong manood siya ng UAAP women’s volleyball sa SM Mall of Asia Arena (MOA) noong nakaraang June 21.
Ninakaw ang kanyang cellphone at pera habang maraming nagpapa-selfie sa kanya. Pati raw ang mga kasama niya ay ninakawan din.
Sa Twitter naglabas ng kanyang galit si Awra at nakiusap sa kung sino ang nakakuha ng video ng magnanakaw ay ipadala sa kanya.
May nagsabi kay Awra na baka nabiktima sila ng modus na habang na-distract ang attention niya sa mga nagpapa-selfie, doon sumalakay ang magnanakaw.
Heto ang ilang tweets ni Awra…
“grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka-trauma. ang babastos na malikot pa kamay.”
“ayaw magsipagtrabaho ng maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa.”
“grabe ang modus nila sobrang daming nagpapa-picture tapos ‘pag nagkakagulo na galaw na ang mga kupal magnakaw”
Nag-offer ng pabuya si Awra sa taong makakapagbalik ng nanakaw na cellphone niya: “I will give you cash pa po ‘pag binalik nyo. yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. sobrang dami lang important files sa phone.”
Wala pang bagong post si Awra kung nabalik na ba ang nanenok na cellphone niya.
***
NAGING open ang aktres na si Sharon Stone na nagkaroon siya ng siyam na miscarriages.
Kinuwento ng Basic Instinct star ang pinagdaanan niyang ito pagkatapos niyang mapanood ang kuwento ng Dancing With The Stars pro na si Peta Murgatroyd na tatlong beses nang nakaranas ng miscarriage.
Post ni Sharon sa kanyang IG: “We, as females don’t have a forum to discuss the profundity of this loss. I lost nine children by miscarriage. It is no small thing, physically nor emotionally yet we are made to feel it is something to bear alone and secretly with some kind of sense of failure. Instead of receiving the much needed compassion and empathy and healing which we so need. Female health and wellness left to the care of the male ideology has become lax at best, ignorant in fact, and violently oppressive in effort.”
Ang tatlong anak ni Sharon na sina Roan (22), Laird (17) and Quinn (16) ay adopted lahat.
“Motherhood didn’t come easily, but it came lovingly to me by angels. We’re a happy and lucky family. That is the credo we stand for,” sey ni Sharon.
(RUEL J. MENDOZA)