EXCITED na ang ilang Sparkle artists para sa magaganap na GMA Thanksgiving Gala sa July 30.
May kanya-kanya paghahanda ang ilang Kapuso hunks tulad nina Jak Roberto, Nikki Co, Kristoffer Martin at Dion Ignacio.
Si Jak ay gusto munang magbawas ng timbang para raw mas maganda ang lapat ng isusuot niyang suit sa gala: “Actually si Barbs ang naghanap lahat. Ang concern ko na lang, magpapayat. Kailangan kong mag-lose ng weight para maganda ‘yung fit.”
Si Kristoffer naman ay white suit ang napiling isuot sa gala dahil naaalala niya ang kanyang high school prom: “Na-excite ako sa mga sayaw-sayaw, sa mga kaibigan kong siyempre nandoon din.
Si Nikki naman ay looking forward sa gala dahil ito raw ang first time na magkakasama silang lahat na Sparkle artists pagkaraang ng dalawang taon: “The last time was like two years ago bago magkaroon ng pandemic. It’s just nice na magkita-kita ulit kaming lahat kahit walang taping.”
Makapagsusuot ulit si Dion ng formal tuxedo dahil noong magkaroon daw ng pandemic, sa bahay lang daw siya parati: “Dalawang taon din tayong na-stuck sa bahay lang dahil sa pandemic. Mag-enjoy lang kaming lahat sa gabing iyon.”
***
MAY takot pala sa mga payaso si Andrea Torres. Isa ito sa ni-reveal niya sa kanyang ni-launch na YouTube vlog.
Sa kuwento ng Kapuso sexy actress, nagsimula raw ang takot niya sa mga payaso o clowns dahil sa character na si Pennywise, ang killer clown sa suspense novel ni Stephen King na ‘IT’.
Bago kasi ginawang pelikula ang ‘IT’ noong 2017, ginawa muna itong 2-part mini-series noong 1990.
“Kasi noong bata ako, natutulog ako noon tapos pagkagising ko, saktong-sakto ‘yung nakakatakot na eksena sa IT, so iyak ako nang iyak. So ever since talaga, hindi ko kayang lumapit sa mga clown kapag may pinapadala sa school or kapag may party, umiiyak talaga ako. Talagang hindi ko kayang lumapit,” sey ni Andrea.
Ang tawag sa phobia na ito ni Andrea ay Coulrophobia or the fear of clowns. Makararanas ng “extreme, irrational reactions when they see clowns in person or view pictures or videos of clowns.”
Through the years ay unti-unting nao-overcome ni Andrea ang takot niya sa payaso, pero hindi si Pennywise sa IT. Kakaibang takot pa rin daw ang dala ni Pennywise sa kanya.
“Kasi na-prove ko ‘yan noong nagkaroon ng remake ng movie at tinry ko panoorin ‘yung trailer, hindi ko talaga mabuksan ‘yung mata ko. As in, pinapawisan ako, kinakabahan ako, ‘yung dibdib ko talagang kumakabog. Tingin ko brave person ako pero pagdating kay IT, hindi talaga,” diin pa ng aktres.
***
MAG-TURN 30 na pala ang former Disney child star na si Selena Gomez ngayong July.
Thankful ang singer-actress na naging maganda ang takbo ng kanyang buhay at career kahit na marami siyang pinagdaanan tulad ng kanyang personal na pakikipagrelasyon at ang buwis-buhay na kalusugan niya. Wala na raw siyang mahihiling pa.
“I have no idea what to expect. Getting older is weird, but I love it. And I’m finding out new things about myself. It’s honestly… I enjoy getting older. Here’s to 30,” sey pa ni Gomez.
Kasalukuyang pino-promote ni Selena ang season ng Hulu murder-mystery comedy series na ‘Only Murders In The Building’ kunsaan co-stars niya sina Steve Martin at Martin Short.
Happy si Selena na nakasama siya sa isang well-written series na tungkol sa trio ng amateur investigators na pilit maka-solve ng crime pero hindi maiwasan ang mga kapalpakan.
Wish ni Selena na magkaroon ng reboot ang pinagbidahan niyang 2007 series noon sa Disney na ‘Wizards of Waverly Place’. This time daw ay adults na sila ng mga co-stars niyang sina David Henrie, Jake T. Austin, Lucy Hale, Jennifer Stone, Gregg Sulkin at Dan Benson.
(RUEL J. MENDOZA)