• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 9th, 2022

Magiging busy na uli sa paggawa ng movies at pag-awit… JANNO, nag-sorry sa mga followers dahil sa social at political postings

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SORRY si Janno Gibbs sa kanyang mga followers.

 

 

 

Ang dahilan, sa mga nakaraang buwan daw kasi, puro tungkol sa social at political ang mga postings niya.

 

 

 

Naging vocal din si Janno noong nakaraang election na ang sinuportahan niya ay si dating VP Leni Robredo. At tumanggap din si Janno ng mga pamba-bash at may mga nag-cancel din sa kanyang followers, though sabi nga niya, may mga nawala, pero marami rin daw ang nadagdag.

 

 

 

Pero sa recent post niya, nag-sorry ito at nagsabi rin na magsisimula na siyang maging busy dahil may bago siyang movie at kantang ginagawa.

 

 

 

“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately. Ito pong July ay magiging busy na po ako uli sa showbiz. May bago po akong movie at kanta.

 

 

 

“Gusto ko lang po maghayag ng gustong sabihin ng iba ngunit di masabi. Sadyang nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari sa bansa. Ibabalik ko din po ang posts ko na good vibes.”

 

 

 

Nagbiro pa si Janno sa caption niya na para raw sa limang followers niya, though, in fairness, meron naman siyang kulang 366k IG followers. At ilan sa mga ito, nag-comment sa post niya na wala raw itong dapat na i-apologize.

 

 

 

Sey ng isang netizen, “No need for paumanhin. Ang tama nga e, magpapasalamat pa nga kami sa ‘yo Mr. Janno, kaming mga hindi makapagpahayag ng gustong sabihin regarding mga pinagdadaanan ng bansa. Salamat po sa boses, sa tapang, sa pasensiya, sa wit, sa paninindigan, sa pananaw para sa aming hirap magpahayag ng same adhikain.”

 

 

 

***

 

 

 

ANG daming nagulat sa katawan ng Kapamilya actress na si Dimples Romana.

 

 

 

Eh kasi naman, hindi lang sa tipong parag kapapanganak niya, pero parang dalaga lang talaga. Aba, wala pa siyang dalawang linggo simula nang ipanganak niya ang ikatlong anak nila ng asawang si Boyet Ahmee na si Baby Eilo, hayun at nakikipag-sayaw na kasama ang second child niya na si Alonzo.

 

 

 

At ‘di lang ‘yon ang mas kapansin-pansin. As in, parang wala talagang bata na lumabas sa tummy niya at ang sexy na nito agad.

 

 

 

Pwedeng kainsekyuran si Dimples ng ibang mga single female celebrities na hirap magpapayat, huh!

 

 

 

Kaya naman mababasa sa comment ng Instagram ng actress, “Nanganak ka ba?!”

 

 

 

***

 

 

 

MAGSISIMULA na ng lock-in taping ng bagong pagbibidahang teleserye sa GMA-7 si Kelvin Miranda.

 

 

 

Ito ang “Unica Hija” na mapapanood sa GMA Afternoon Prime kunsaan, ang bago niyang makakatambal ay si Kate Valdez.

 

 

 

Natawa si Kelvin at natuwa nang sabihin namin sa kanya na napasa-kamay na niya ang dalawang anak ng mga Sang’gre ng “Encantadia” na sina Mikee Quintos at Kate.

 

 

 

Birong hirit niya, “Oo nga! Nasa akin na ngayon ang mga brilyantes!”

 

 

 

Looking forward daw si Kelvin ngayon na makatambal si Kate at maka-trabaho at sana raw, magustuhan din ng mga Kapuso ang loveteam nila, same way noong sila ni Mikee.

 

 

 

Nakausap namin si Kelvin nang i-launch siya bilang very first male endorser ng Aqua Skin for their newest product, ang Vitamin C na Kaizen C+.

 

 

 

Isa ito sa bagong blessing sa Kapuso actor dahil aminado si Kelvin na pinagdaanan niya ang ilang anxiety at depression.

 

 

 

“Natuwa talaga ako nang ako ang kuhanin nila na first male endorser nila. Unang-una, kailangan ko talaga siya for health at saka iba siyang Vitamin C dahil sa nga ibang components niya which is good also for mental health din.”

 

(ROSE GARCIA)

Tig-5K na ayuda bigay sa 674 students sa Maynila

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA 674 estudyante sa Maynila ang pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa pangunguna ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.

 

 

Pawang mga estud­yante mula sa mahihirap na pamilya ang inabutan ng tulong pinansyal ni Lacuna at ng mga opisyal ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa San Andres Sports Complex.

 

 

Nabatid na umaabot sa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ni Lacuna sa may 674 benepisyaryo na nagmula sa iba’t ibang distrito ng lungsod, sa ilalim ng kanilang Educational Assistance Program (EAP).

 

 

Ang EAP ay isang locally-funded regular program sa ilalim ng MSWD, na ang layunin ay magkaloob ng tig-P5,000 financial assistance para sa mga edukasyunal na pangangailangan ng mag-aaral na nabibilang sa marginalized families sa Maynila.

 

 

Ayon kay Lacuna, kabilang sa mga recipients na tumanggap ng ayuda ay 388 beneficiaries mula sa District 1 na umabot sa P1,940,000; District 4 na may 150 be­neficiaries na nabigyan ng kabuuang P750,000; at District 6 na may 136 beneficiaries o kabuuang P680,000 ayuda.

 

 

Samantala, pinaalalahan din ni Lacuna ang mga Manilenyo na mahigpit pa ring ipinatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar makaraang mapansin na marami na ang hindi sumusunod dito.

 

 

Sinabi ni Lacuna na ma­rami nang nasisita na taga-Maynila na lumalabas ng bahay na wala nang suot na face mask. Ipinaalala niya na mayroon pa ring COVID-19 at umiiral pa rin ang Ordinance No. 8627 (Mandatory Use of Face mask in Public places).

 

 

Sa mga lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P2,000 para sa second offense, at P5,000 o isang buwan na pagkakabilanggo o parehong parusa para sa ikatlo at magkakasunod na paglabag. (Gene Adsuara)

Ads July 9, 2022

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.

 

 

Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern District Field Unit (CIDG-NDFU) sa isang hideout ni Emmanuel Joseph Bendal, 31 sa Room 3 David Apartment, McArthur Highway, Dalakitan, Brgy. San Matias, Sto Tomas, Pampanga alas-10:30 ng gabi, nasamsam ang isang hindi lisensiyadong Norinco Cal. 45 pistol, dalawang magazine assembly na may anim na bala at isang MK-2 na granada.

 

 

Ayon kay P/Cpl. Ferdinand Yap, isa sa mga operatibang nagtungo sa naturang lalawigan, kusang inamin ni Bendal ang pag-iingat ng nasamsam na baril at granada at sa tulong ng kapatid ng suspek na si Angelica Bendal Razo, madali nilang natunton ang lugar, kasama ang ilang tauhan ng Pampanga Provincial Field Unit at  opisyal ng barangay ng San Matias na tumayong testigo sa isinagawang police operation.

 

 

Nauna rito, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng CIDG-NDFU at Northern Police District (NPD) sina Bendal at driver niyang si Jess Noriega, 41 sa isang buy-bust operation Martes ng hapon sa 7th Avenue, Caloocan City matapos pagbentahan ng hindi lisensiyadong kalibre .45 baril ang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Narekober sa mga nadakip ang shabu at marijuana na may kabuuang halagang P1,528,000.00, pati na ang ibinebentang baril, mga bala at buy bust money.

 

 

Nauna ng binanggit ni Lt. Col. Bautista na sangkot ang dalawa sa pagbebenta ng ilegal na droga at hindi lisensiyadong armas sa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA). (Richard Mesa)

Jabeur makakaharap si Rybakina sa finals ng womens singles ng Wimbledon

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa finals ng Wimbledon si Ons Jabeur.

 

 

Ito ay matapos na talunin si Tatjana Maria sa score na 6-2, 3-6, 6-1.

 

 

Dahil dito ay nagtala ang Tunisian player ng kasaysayan sa Wimbledon na siiyang unang Arab o North African woman na naglaro sa semifinals ng grand slam.

 

 

Inamin nito na kinabahan ito sa ikalawang set kaya nakuha ni Maria ang panalo subalit pagdating ng ikatlong set ay nahigitan nito ang naramdamang kaba.

 

 

Susunod na makakaharap nito sa finals Elena Rybakina ang Russian-Kazakhstani tennis player na tinalo si Simona Halep.

Educational assistance program ng Manila LGU, natanggap na ng unang batch

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa mahigit 600 benepisyaryo ang nabiyayaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng kanilang educational assistance program ngayong araw.

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, kasama si MDSW Director Ma. Asuncion “Re” Fugoso, ang paggawad ng tig-P5,000 educational assistance sa 674 benepisyaryo nito na ginanap sa San Andres Sports Complex.

 

Nasa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ng Manila LGU sa mga benepisyaryo na nagmula sa distrito 1, 4, at 6 ng nasabing lungsod.

 

“Makakaasa po kayo nga ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ay gagawin at mag-iisip ng mga paraan para lalong maibsan ang napakabigat na suliranin, dahil hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin po tayo ng state of health emergency,” ayon sa Alkalde.

 

Nabatid kay Fugoso na ito ang una sa apat na batch, kung saan mahigit 2,000 recipients mula sa Maynila ang inaasahang makakatanggap ng nasabing educational assistance. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Dahil special child ang bunsong anak na si Santino… MARTIN, may soft spot sa ‘Gift of Life’ na beneficiary ng concert niya

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG marami lang ako pera and I can afford, ipagpo-produce ko ng concert for a cause si Martin Nievera.

 

 

 

And why not? Sure fire crowd drawer ang one and only Concert King. His comeback concert sa The Theatre @ Solaire ay kumita ng P3.7 million para sa ‘Gift of Life’ project ng Rotary Club of Makati West kung saan ang immediate outgoing president ay brother-in-law ni Martin.

 

 

 

Sa turnover ceremony ng proceeds ng ‘Martin Nievera Live Again’ na ginawa sa Solaire last Wednesday, taus-pusong nagpasalamat ang president ng Rotary Club sa generosity ni Martin.

 

 

 

Hindi rin kasi naningil ng kanyang talent fee si Martin. On top, he cut short his trip sa US to come home and do the concert.

 

 

 

May soft spot kasi kay Martin ang ‘Gift of Life’ kasi mga bata na may congenital heart disease beneficiary ng concert.

 

 

 

Special child kasi ang bunso niyang anak na si Santino kaya basta concert for a cause ay game siyang gawin.

 

 

 

When asked kung bakit sa tingin niya ay sold out ang concert, “I think the people want to get out and watch a fun concert dahil nasabik sila dahil there was no live show for two years.”

 

 

 

Thankful din si Martin na siya ang pinili ng Solaire para maging featured artist sa unang live concert sa The Theatre after the pandemic.

 

 

 

Martin, who marked his 40th year sa showbiz last July 5, is preparing for another concert to be staged either November or December to celebrate the milestone.

 

 

 

***

 

 

 

MORE than a million views agad ang nakamit ng official trailer ng Darna na bida si Jane De Leon.

 

 

 

Impressive naman kasi ang trailer ng Darna under the direction of Chito S. Rono.

 

 

 

Hitik sa action at mataas sng production value. Siyempre kaabang-abang ang pagganap ni Ms. Iza Calzado as the first Darna.

 

 

 

Isa rin sa nakapukaw ng attention sa trailer ay ang topless scene ni Joshua Garcia.

 

 

 

Kaya abangan ang Darna sa paglipad nito sa ere sa August.

 

(RICKY CALDERON)

Rafael Nadal umatras na sa semis ng Wimbledon dahil sa injury

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN  nang  umatras si tennis star Rafael Nadal sa semifinals ng Wimbledon.

 

 

Ito ay dahil sa dinararanas niyang abdominal injury.

 

 

Dahil dito ay tiyak na ang pagpasok sa finals ng kanyang katunggali na si Nick Kyrgios na makakaharap sa sinumang manalo sa pagitan nina Novak Djokovic at Cameron Norrie ng Britanya.

 

 

Ang 22-time Grand Slamp Champion na si Nadal ay dumanas ng nasabing injury sa five-set win nito laban kay Taylor Fritz ng US.

 

 

Magugunitang nadiskubre ang seven-millimeter na sugat sa kaniyang tiyan matapos ang quarterfinals win kung saan tiniyak pa nito na makakalaro siya sa semifinals.

 

 

Pinayuhan siya ng kaniyang medical staff na huwag ng maglaro para hindi lumala pa ang injury.

PBBM, nakipagkita sa mga energy officials sa gitna ng tumataas na presyo ng langis

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGKITA at nagdaos ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga energy officials sa gitna ng sumisirit na presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ito rin ang dahilan kung bakit tumaas ang inflation sa bansa.

 

 

“Sa pandaigdigang krisis ng pagtaas ng presyo ng langis, isa sa magiging mahalagang kasama natin sa pagtugon ay ang Kagawaran ng Enerhiya,” ayon kay Pangulong Marcos, hanggang sa ngayon ay wala pa ring napipisil na Kalihim ng Department of Energy (DoE).

 

 

“Masusing tinalakay ang ating mga susunod na hakbang at ang magiging direksyon ng departamento,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbibigay ng iba pang detalye ang Malakanyang ukol sa nangyaring miting.

 

 

Samantala, bagama’t hindi pa nagbibigay ng pangalan si Pangulong Marcos ukol sa magiging Kalihim ng DoE ay sinabi naman ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na nasa  “final evaluation stage” na ang Pangulo sa pagkumpleto ng kanyang gabinete.

 

 

Maliban sa DoE ang iba pang bakanteng Cabinet posts ay Department of Health,  Department of Science and Technology, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Human Settlements and Urban Development. (Daris Jose)

TOM CRUISE COULD MAKE ANOTHER BILLION-DOLLAR MOVIE WITH ‘MISSION IMPOSSIBLE 7’

Posted on: July 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

With the long-awaited sequel Top Gun: Maverick making over a billion dollars at the box office, the odds are surprisingly high that Mission Impossible – Dead Reckoning Part One could make the actor another billion in 2023.

 

 

It took a long time for Tom Cruise to make a billion-dollar movie, and Top Gun: Maverick’s historic haul is the culmination of a career that has been defined by over a dozen movies that made it past $100 million, multiple movies that hit $500 million, and even one or two that almost reached the pivotal number.

 

 

However, it took until the much-delayed Top Gun sequel for Cruise to headline a billion-dollar movie, despite the Mission Impossible spy thriller franchise consistently pulling in impressive box office numbers. With Mission Impossible 7 finally arriving in 2023, it is fair to speculate whether lightning can strike twice for the actor. However, there is a confluence of factors to consider when weighing Cruise’s future chances at the box office.

 

 

Cruise crossing the line and finally netting himself a billion-dollar hit bodes well for the future of the Mission Impossible franchise. However, Top Gun: Maverick’s legacy sequel classification made the movie a chance for the older actor to pass the torch to a new generation, while Mission Impossible 7 is business as usual for its star. That said, the Mission Impossible movies have been gradually bigger and bigger box office hits, so the series could be poised to finally make a billion dollars with the next sequel since the franchise’s critical reception is as impressive as its financial performance. This forecast might be overly optimistic, though, since the five-year gap between Mission Impossible: Fall Out and Mission Impossible 7 can’t compare with Top Gun: Maverick’s multi-decade wait.

 

 

Mission Impossible 7 is making the risky decision to market the movie as the first installment of a two-part outing for the franchise, which could keep it from being another billion-dollar hit. Moviegoers going to see Top Gun: Maverick thought Cruise’s character could die in the highly hyped sequel, having not seen the character for almost four decades. While it was always unlikely that a Mission Impossible movie would kill off Tom Cruise’s Ethan Hunt, the fact that the sequel is being advertised as one half of a two-part story makes Ethan’s survival an inevitability and saps the story of its stakes as a result.

 

(ROHN ROMULO)