• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 12th, 2022

Public transpo sa ilang bahagi ng PH, hindi pa handa para sa full resumption ng F2F classes

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes.

 

 

Ito ang naging tugon ng isang grupo ng mga commuter sa planong pagbabalik ng bagong administrasyon sa in-person classes sa darating na pasukan.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni The Passenger Forum (TPF) Convener Primo Morillo na bago ang pagpapatupad nito ay dapat din na isaalang-alang ng pamahalaan ang dagdag problemang maaaring idulot nito sa public transport system sa bansa.

 

 

Dahil dito ay dapat aniyang magbigay ng agarang tulong sa mga pasaherong maaapektuhan nito ang gobyerno.

 

 

Dapat din aniyang tugunan muna ng gobyerno ang mga suliranin sa imprastraktura sa bansa upang matagumpay nitong maibalik ang normal classroom-based education sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang nagiging pahayag ang Department of Transportation (DOTr).

 

 

Magugunita na kamakailan lang ay isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang planong muling pagbabalik ni Vice President Sara Duterte sa face-to-face clases sa ilang paaralan sa pagsapit ng Setyembre, habang sa darating na Nobyembre naman ang target na full transition nito.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang nagiging pahayag ang Department of Transportation (DOTr).

 

 

Magugunita na kamakailan lang ay isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang planong muling pagbabalik ni Vice President Sara Duterte sa face-to-face clases sa ilang paaralan sa pagsapit ng Setyembre, habang sa darating na Nobyembre naman ang target na full transition nito.

VOTING AGE GAWING 16 YEARS OLD

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AYON sa batas maaari kang magparehistro bilang botante kapag 18 years old ka na – estudyante ka man o hindi, may trabaho man o wala.  Basta 18 years old.  Pero sa SK elections maaring bumoto at iboto ang 15 years old. Dati ang voting age ay 21 years old bago ito binaba ng 18 years old. Pero ngayon sa tingin ng inyong lingkod ay dapat bigyan na rin ng karapatan sa pagboto ang mas nakakaraming kabataan at gawin 16 years old ang voting age.

 

 

Kailangan ng amendment sa Saligang Batas dahil nakasaan nga sa Art. V sec 1 ay at least 18 years old dapat ang botante. Ang mga sumusunod ang pwedeng dahilan:

 

  1. Kahit sa ibang bansa iba-iba ang voting age. Halimbawa 21 sa Singapore, 19 sa South Korea 17 sa Indonesia, Greece at 16 sa Scotland at Brazil. Mas maraming bansa na 18 years old ang voting age katulad sa mga karamihan sa mga European Union States. Pero sa Pilipinas may pagkakaiba nga dahil pwede maging botante ang 15 years old pero Sanguniang Kabataan (SK) officials lang ang iboboto. Pero bakit hanggang SK lang? Hindi ba sya apektado ng mga batas na ipapasa ng Kongreso, mga polisiyang ipatutupad ni Mayor, o mga polisiya ni barangay captain? Kung dati na ibinaba ng 18 mula 21 ang voting age maraming dekada na ang nakalipas marahil ay panahon na rin bigyan ng karapatan ang 16 at 17 years old pumili ng lider nila.
  2. Mas malawak na ang kaisipan ng kabataan ngayon dahil sa teknolohiya at iba pa. In fact kahit AGE OF CONSENT ay itinaas na ng 16 years old. Pinirmahan ni dating Pangulong Duterte ang RA NO. 11648 raising the age of sexual consent to 16 years old. So kung may malay na ang isang 16 years old sa sex aba alam na rin niya ang iba pang alam ng isang 18 and above tulad ng pagboto .
  3. May mga nagsasabi na masyado pang bata ang 16 years old. Wala pang muwang sa politika, walang trabaho at hindi nakakapili ng “tamang” kandidato sa halalan? Ganyan din ang mga dahilan ng mga tumutol na pabotohin ang mga kababaihan noon pero ngayon mas marami pa nga tayong lider na babae. At di ba marami ngang mas nakatatanda na ang tingin sa eleksyon ay pagkakaperahan. Kahit nasa hustong edad ay nagbebenta ng boto. E bakit sa SK makakaboto ang 16? Dahil praktisan lang ba ng kabataan ang SK Election? Marahil ang mas mahalaga ay siguraduhin ng pamahalaan na well-educated ang ating kabataan para alam kung ano ang mga issues sa halalan.
  4. Ang kabataan ang pagasa ng bayan. Pero bigyan natin ang higit na nakakaraming kabataan ng karapatan pumili ng mga lider na gagabay sa kanilang kinabukasan. May malayang isipan ang kabataan at marahil mas mabibigyan nila ng halaga ang sagradong pagboto at hindi nila ipagpapalit sa konting halaga lamang.

 

Amyendahan ang Saligang batas. (Atty. Ariel Inton, Jr)

Mambabatas, itinutulak ang unemployment insurance kaysa ayuda

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ngayon ni Albay Representative Joey Salceda ang pagkakaroon ng mga manggagawa ng unemployment insurance.

 

 

Ito ay imbes na mamamahagi ang pamahalaan ng ayuda para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa bansa.

 

 

Punto ng ekonomistang mambabatas na ang pagtaas ng unemployment rate sa 6 percent na naitala sa buwan ng Mayo ay patuloy na nakakaapekto sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya.

 

 

Ayon kay Salceda, mayroong mga empleyado at manggagawa na kamakailan lang ay nawalan ng trabaho at papunta na sa paghihirap pero ang ating kasalukuyang social benefits system ay hindi sapat para makatugon sa kanilang pangangailangan.

 

 

Ikinabahala rin ng kongresista na nalagpasan pa ng bilang ng mga walang trabaho na nasa 770,000 ang bilang ng mga bagong miyembro ng labor force na nasa 550,000.

 

 

Hindi na rin aniya sapat ang pansamantalang ‘cash-for-work programs’ para tugunan ang mga isyung kinakaharap na humahadlang sa pagdami ng mga trabaho.

 

 

Dahil dito ay, nanawagan ang kinatawan sa pamahalaan na maging agresibo paglikha ng trabaho upang makaagapay at mabigyan ang mga nawalan ng hanapbuhay.  (Daris Jose)

Jersey na suot ni Curry sa Game 1 NBA Finals kontra Celtics nabili sa auction nang mahigit $203-K

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIBENTA sa halagang $203,300 sa auction ang jersey ni Golden State Warriors star Stephen Curry.

 

 

Ang nasabing jersey ay isinuot ni Curry sa Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Boston Celtics noong nakaraang buwan.

 

 

Sa nasabing laro ay natalo ang Warriors sa Celtics noong Hunyo 2.

 

 

Nakapagtala dito si Curry ng anim na 3-points sa unang quarter pa lamang.

 

 

Magugunitang tinanghal na champion ang Warriors ng talunin ang Celtics sa 4-2 best of seven series at nakuha ni Curry ang Finals Most Valuable Player.

Grupo ng community bakers, humirit sa govt’ na dagdagan ng P4 hanggang P8 ang presyo ng pandesal

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA PAGTATAYA ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, sa ngayon kasi ay nasa 20% hanggang 25% ang bilang ng mga panaderyang napipilitang magsara nang dahil sa pagkalugi at mataas na presyo ng bilihin

 

 

Paglilinaw ni Dir. Jam Mauleon mula sa naturang asosasyon, sapat ang supply ng harina at iba pang sangkap ng tinapay sa bansa ngunit nang dahil sa matumal na palitan ng piso kontra dulyar ay apektado rin aniya ang kanilang operational cost dahilan kung bakit nahihirapang makaraos ngayon ang mga panaderya kahit na marami ang supply ng kanilang raw materials.

 

 

Habang idinagdag naman ni Dir. Princess Lunar, isa rin sa kanilang mga suliranin ay ang bilang ng mga panadero sa bansa.

 

 

Dahil kasi aniya sa mababang bentahan ng tinapay at mataas na presyo ng mga ingredients ay nahihirapan ang mga may-ari ng bakery na magpasweldo sa kanilang mga tauhan na minsan ay umaabot pa sa puntong kinakailangan nilang magbawas ng tao para lamang makatipid.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay nanawagan din ang grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan silang magpaliwanag sa mga mamimili kung bakit kinakailangang dagdagan ang presyo ng pandesal habang pang-unawa naman ang hiling nila ating mga kababayan. (Ara Romero)

Middle class may bawas tax

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKAGINHAWA na sa susunod na taon mula sa pagbabayad ng buwis ang mga middle class.

 

 

Paliwanag ni Sen. Sonny Angara, na mananatiling chairman ng Senate committee on Finance, magbebenepisyo sa Tax Reform for Acce­leration and Inclusion Law (TRAIN Law) o Republic Act No. 10963 ang mga middle class tulad ng mga guro, ordinaryong mga empleyado na nakakatanggap ng suweldo at binabawasan ng withholding tax dahil mababawasan na ang buwis nito sa susunod na taon.

 

 

Umaasa rin ang mambabatas na ang tax deduction sa ilalim ng TRAIN law ay makakatulong, kasabay ng pangako na titingnan niya ang ibang posibleng me­kanismo na magpapagaan sa financial struggle ng nasa middle class sector.

 

 

Bukod dito, bukas din umano ang senador sa pagbibigay ng cash subsidies para sa middle class subalit dapat ay may sapat na pondo ang gobyerno para dito at prayoridad din ang mga mas mahihirap na Filipino.

 

 

Nauna nang ipinanawagan ng ilang mambabatas na bigyan din ng gobyerno ng ayuda ang nasa middle class dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Bukod pa rito, hirap na hirap na rin umano ang mga ordinaryong pamil­yang Filipino sa taas na presyo ng bilihin habang nasa kasagsagan pa rin ng pandemya. (Ara Romero)

Face to face classes, aprub sa PTA

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SANG-AYON pa rin ang National Parent-Teacher Association Philippines (PTA) na maipatupad na ang face-to-face classes sa susunod na pasukan, sa kabila nang patuloy na tumataas na mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon kay PTA president Willy Rodriguez, base sa resulta ng isinagawa nilang online survey, 100% ng mga respondents ang nais nang ibalik ang face-to-face classes sa pribado at pampublikong paaralan.

 

 

Sinabi ni Rodriguez na halos wala ring natututunan ang mga mag-aaral sa online classes at apektado ang kanilang social life dahil hindi sila nakakalabas ng bahay.

 

 

Marami na rin naman aniyang mga mag-aaral ang bakunado na laban sa COVID-19.

 

 

Sa ngayon, hindi naman requirement ang ­COVID-19 vaccination sa mga mag-aaral para makadalo sa face-to-face classes, ngunit mandatory ito sa mga school personnel upang makapagturo ng in-person classes sa public schools, ayon na rin mismo kay dating DepEd Secretary Leonor Briones.

 

 

Iminungkahi naman ni Rodriguez na kung matutuloy ang face-to-face classes ay ihiwalay na lamang ang mga hindi bakunado, sa mga bakunadong mag-aaral, habang ang mga hindi bakunadong guro ay maaari aniyang magturo sa hybrid setup.

 

 

Una nang sinabi ni Pang. Marcos Jr. na target ng DepEd na magkaroon ng full implementation ng in-person classes hanggang sa Nobyembre.

 

 

Ayon naman sa DepEd, nasa 38,000 paaralan na ang handa sa pagdaraos ng face-to-face classes para sa School Year 2022–2023, na inaasahang magsisimula sa Agosto 22. (Daris Jose)

Ads July 12, 2022

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inasahan ng San Mi­guel na mahihirapan si­lang iligpit ang Blackwater.

 

 

Kinailangan ng Beermen ng extra period para lu­sutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 points sa overtime para sa pang-limang sunod na ratsada ng San Miguel.

 

 

Pinalakas rin nila ang pag-asa sa isa sa dala­wang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

 

 

“I know this team will be tough to beat come the playoffs,” sabi ni coach Leo Austria na nakahugot rin ng 25 markers kay Jericho Cruz. “We’re lucky we’re able to pull off a win in overtime.”

 

 

Nagdagdag si CJ Pe­rez ng 23 points, habang may 17 markers si center Moala Tautuaa.

 

 

Nahinto naman ang apat na sunod na arangka­da ng Blackwater para sa 5-2 marka.

 

 

Humataw si Rashawn McCarthy ng 22 points pa­ra sa Bossing na nakaba­ngon mula sa 21-point deficit, 65-86, sa pagsisimula ng fourth period para agawin ang 95-92 abante sa 2:15 minuto nito.

 

 

Iginiya ni Cruz ang Beermen sa extension, 97-97, mula sa isialpak na floater.

 

 

Nagsanib-puwersa sa overtime sina Fajardo at Tautuaa para ilayong muli ang San Miguel sa 106-101 sa huling 54 segundo.

 

 

Ngunit hindi sumuko si­na Baser Amer at JVee Ca­sio matapos magsalpak ng magkasunod na triples para sa 107-108 agwat ng Blackwater sa nalalabing pitong segundo.

 

 

Tuluyan nang sinelyuhan ni Fajardo ang panalo ng Beermen sa kanyang da­­lawang free throws.

 

 

Tumipa si Rey Suerte ng 18 points para sa Bossing at may 17, 15 at 11 mar­­kers sina Amer, Casio at Brandon Ganuelas-Ros­ser, ayon sa pagkakasunod.

Higit 1 milyong 4Ps beneficiaries, aalisin mula sa listahan—DSWD Sec. Tulfo

Posted on: July 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AALISIN mula sa listahan ang kulang-kulang isang milyong  beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, bahagi Ito ng gagawing paglilinis ng departamento sa nasabing listahan.

 

 

Aniya, aabot ng tatlo hanggang apat na linggo ang gagawing paglilinis ng  DSWD sa nabanggit na listahan, na mayroon aniyang 4.4 million beneficiaries.

 

 

“Wala pa akong exact figure pero initially ang sabi sa akin ay halos isang milyon ang aalisin natin sa listahan,”ayon kay Tulfo.

 

 

Ani Tulfo, ang bakanteng  slots para sa  conditional cash transfer program ay ibibiigay sa mga bagong benepisaryo lalo pa’t maraming aplikante ang nasa  “waiting list.”

 

 

 

Tinukoy ang survey na ginawa ng DSWD, sinabi nito na may  15 milyong katao ang ” below the poverty line” sa bansa.

 

 

Sa kabilang dako, inatasan naman siya ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na linisin ang listahan ng mga benepisaryo sa gitna ng ulat na may ilang 4Ps beneficiaries ang “well-off” at ginagamit na lamang sa sugal ang cash assistance.

 

 

At para maipatupad ang kautusan ni Pangulong Marcos, sinabi ni Tulfo na magpapalabas siya ng “amnesty” call para sa mga unqualified beneficiaries na isuko ang kanilang accounts  sa loob ng 30 o 60 araw o ipaghaharap ng kaso.

 

 

“Kasi parang estafa ‘yan kasi niloloko mo ang gobyerno ,” anito. (Daris Jose)