• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 13th, 2022

2 RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang dalawang rider nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ang  mga biktima na si Jake Tiburania,nasa hustong gulang ng 14 San Vicente St., Pineda, Pasig City at backride na si Brix Deuna Urot, nasa hustong gulang at nakatira sa 0009 Sitio Udioncan Macabud Rodriguez, Rizal.

 

 

Base sa ulat ng MPD-Traffic Enforcemen Unit, alas 3:15 Martes ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng UN Avenue kanto ng San Marcelino St, sa Maynila.

 

 

Sakay ang biktima ng Honda motorcycle at binabagtas ang westbound ng UN Avenue  habang ang Tractor head na may trailer at may plakang DCQ6565 at minamaneho naman ni  Randy Layda Y Luzano ng B10 L7 Paradahan 2 Tanza, Cavite ay binabagtas ang southward ng San Marcelino St.

 

 

Pagsapit sa intersection ng UN Avenue at San Marcelino, ang harapang bahagi ng motorsiklo ay nabangga ng tractor head kung saan tumilapon pa ng ilang metro ang mga biktima na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.

 

 

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng tractor head at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN pa ang bilang ng bakunahan kontra COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

 

Sa datos ng kagawaran, mula noong buwan ng Marso ay tumaas pa hanggang 200,000 ang bilang ng mga indibidwal na nababakunahan sa bansa mula noong buwan ng Marso.

 

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot.

 

 

 

Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target population nito.

 

 

 

Bukod dito ay ibinalita rin ni Vergeire na inatasan din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DOH na lalo pang paigtingin ang bakunahan ng booster shot sa bansa.

 

 

 

Hihingi rin aniya sila ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Interior and Local Government (DILG), at marami pang iba.

 

 

 

Sa ngayon ay umaabot na sa 70.8 million na mga Pilipino ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa nakamamatay na sakit, habang 15.2 million naman sa mga ito ang naturukan na ng booster shot batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH.

DOTr naghahanap ng karagdagan pondo upang ipagpatuloy ang libreng sakay sa EDSA Carousel

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP ng karagdagan pondo ang Department of Transportation (DOTr) na nagkakahalaga ng P1.4 billion upang maipagpatuloy ang programang libreng sakay sa EDSA Carousel.

 

 

 

“The libreng sakay program demands a certain funding If we want to implement the free bus rides until December, we will need additional funding of around P1.4 billion, which is not available in our existing budget,” wika ng bagong talagang DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Inilungsad ang libreng sakay bilang isa sa mga solusyon ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong gasolina at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga tao.

 

 

 

Mismong si President Marcos ang nagbigay ng kautusan upang palawigin ang programa sa libreng sakay hanggang katapusan ng taon kasalukuyan. Kung kaya’t isang memorandum ang ginawa at inaprobahan naman ng ating pangulo.

 

 

 

Samantala, kasama rin sa memorandum ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines para sa mga estudyante na sasakay sa Metro Rail Transit (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2) at Philippine National Railways simula sa pagbubukas ng klase sa August 22 hanggang November 4,

 

 

 

Tinapos naman ng pamahalaan ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT 3 kung saan ay nabigyan ng benipesyo ang mahigit sa 29,000 na sumakay dito simula noong March 28 at natapos ng June 30.

 

 

 

Nagkaron ng P515.91 million revenues losses ang MRT 3 dahil sa programang libreng sakay dito.

 

 

 

Sa kabilang dako, pinagutos ni Bautista ang pagbibigay ng P1,000 fuel subsidies sa mga qualified na tricycle drivers na may bilang na 617,806.

 

 

 

Inutusan rin niya ang mga transport officials na madaliin ang deployment ng karagdagan 550 buses para sa EDSA Carousel lalo na kung rush hours. Magkakaron ng pagpupulong ang mga consortium na pumapasada sa EDSA kasama si Bautista at mga bus operators.

 

 

 

Sinabi rin ni Bautista na upang mabigyan ng solusyon ang problema sa kakulangan ng mga buses kapag nagsimula na ang klase, ang LTFRB ay dapat maging mabilis sa pagbibigay ng mga franchises sa mga buses na dumadaan sa mga paaralan.

 

 

 

“We are looking at accelerating the grant of franchises for buses on routes used by students such as the Katipunan Avenue, Commonwealth and Recto,” saad ni Bautista. LASACMAR

Bigtime rollback sa petrolyo, ipinatupad

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng mga lokal na kumpanya ng langis ang isa pang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo kahapon, Martes.

 

 

Sa hiwalay na advisories, kinumpirma ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at  Flying na ipatutupad pagsapit ng  alas- 6:00 ng umaga ng Hulyo 12 ang tapyas na presyong P6.10 sa kada litro sa diesel, P5.70 sa bawat litro ng gasoline at P6.30 sa bawat litro kerosene.

 

 

Una nang nag-anunsyo ang  Chevron Philippines Inc., sa parehong pump price adjustments na magsisimulang ipatupad alas-12:01 ng madaling araw ng Martes.

 

 

Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Jetti Oil ay nag-anunsyo rin ng parehong big-time price rollback sa kanilang mga produktong gasolina at diesel  na iiral alas-6:00  ng umaga ng Martes.

 

 

Alas- 8:01 pa ng umaga ng Martes sisimulan ng Clean Fuel ang pagpapatupad ng katulad na bawas sa presyo. (Daris Jose)

Junna Tsukii wagi ng gold medal sa world games

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI ng unang gold medal sa 12th World Games si Filipina-Japanese Junna Tsukii.

 

 

Inamin nito na muntik na siyang hindi ituloy ang laban na ginanap sa Birmingham, Alabama noong ito ay talunin ni Morales Gema ng Spain.

 

 

Sinabi ni Karate chief Ricky Lim na labis ang pagkadismaya ni Junna ng makakuha lamang siya ng bronze medal noong 2018 Asian Games.

 

 

Handa na aniya itong tapusin ang career dahil sa labis na pagkadismaya sa laban.

 

 

Naging malaking hamon sa kaniyang laban ng makaharap si Miyahara dahil ni minsan ay hindi siya nito tinalo.

 

 

Sa final match ay nakaharap nito si Yorgelis Salazar ng Venezuela na tinalo siya sa unang round.

Um-attend sa wedding ng sister na si Cloie sa Sweden… KC, puring-puri ng netizens at tinawag na ‘Pambansang Sister’

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PURING-PURI ng mga netizens si KC Concepcion na pagiging mabait at mapagmahal sa mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion.

 

Sa latest IG post niya, umattend siya ng wedding ng half-sister niya na si Cloie Syquia (anak ni Jenny Syquia) na kinasal kay Fredrik Hill na ginanap sa Stockholm, Sweden.

 

Ibinahagi niya ang mga photos at may caption na, “In Sweden for my sister’s wedding 🇸🇪 GRATTIS @cloiesyquia & @hillfredrik from my family to yours ✨

 

 

“Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so so gracious- and to the wonderful Skarnes for being so warm and welcoming me like family. Precious weekend! 🕊✨💒.”
Kaya naman halos puro positive comments ang natanggap ni KC:
“KC is so nice talaga to her sibs. Sana ganun din mga sis niya sa kanya. ❤”

 

 

“How time flies. Naalala ko pa si Chloe na baby nung dinala siya ni Jenny Syquia sa the Sharon Cuneta show. Grabe. 30 years ago na yata un. So nice to see KC spreading love and good vibes. Ito un good daughter talaga. Never disrespected nor bad mouthed either parent at mahal niya siblings niya.”

 

 

“KC is our pambansang sister!!! She loves her siblings so much and sya talaga ang reach out sa mga sibs nya.” ❤️❤️❤️.

 

 

“Parang ang sarap maging kapatid ni KC noh?”

 

 

“Huhu parang kelan lang baby pa si Cloie, ngayon kinasal na 😭”

 

 

“hays bye bye na pala sa beauty pageants si cloie :(”

 

 

“27 y/o na eh. Baka pwede naman sa Mrs pageants.”

 

 

“Is that the mother of the bride in pink? She’s beautiful 😍

 

 

“OMG! Jenny Syquia… di man lang tumanda ang itchura. Pretty pa din.”

 

 

Pansin pa netizens: “Hawig pala sila. Lakas ng dugo ni Gabby ha…”

 

 

“Para nga silang hindi half sister noh. Kala mo iisa nanay nila. Lakas ng dugo ni gabby.”

 

 

“Sa IG ni Cloie yung mga pics niya aakalain mong si KC hehe parang kambal sila.”

 

 

“Eto talaga ang ka-twinning ni KC. Congrats to the newly weds!”

 

 

“Chineck ko yung IG nya mas maganda sya sa IG nya kesa sa mga pinost ni KC hahahah baka naman nag e edit din ok lang naman yun hihihi.”

 

 

“Ganda ni KC pag minimal make up and Hindi naka pout. Just like the last picture.”

 

 

“Ang yaman ni kc she can go everywhere she wants, she stayed in USA for 8 months bago pa yung shooting ng movie nya and now she’s in Sweden bongga talaga.”

 

 

“Welp.. ganun talaga, lahat na yata meron si KC eh.”

 

 

“Mayaman talaga siya. She invested her earnings siguro plus may minana yan sa lola niya.”

 

 

“Even before she (anonymously) auditioned sa stage presentation ng Little Mermaid when she was a kid, may millions na cya already. She didn’t have to do it, she could’ve just lived a hedonistic lifestyle growing up, pero she worked, studied, and even put up her own business.”

 

 

Pati sinuot niya KC sa wedding ay pinag-usapan:

 

“Ako lang to but, why wear black to a wedding?”

 

 

“It actually looks cavy blue to me.”

 

 

“Depende kasi yan sa culture. May iba na pwedeng mag lack sa wedding. May iba na bawal. May iba na bawal ang red. May iba na pwede ang red.”

 

 

“Parang midnight blue yung suot nya and seems like kasama sa color coding ng bride cos others sa pic were also seen wearing the same color.”

 

 

“In foreign land black is ok to wear in a wedding. It’s the white color that’s a no no. Her dress looks blue though.”

 

 

“I attended a wedding where all the bridesmaids wore satin black. So classy and elegant.”

 

 

“As long as you don’t wear white, bakz. That is for the bride only.”

 

 

“Real class KC, salute to you.”

 

(ROHN ROMULO)

Joo Won is ‘Carter’, A Man with no Memory, but has one Mission

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THROWN into a mysterious operation, “Carter” must reclaim his identity and successfully complete his mission on time in this one-scene, one-cut action film.

 

 

Watch the teaser below:

 

 

About CARTER:

 

 

Carter is an action film directed by Jung Byung-Gil (The Villainess, Confession of Murder) starring Joo Won.

 

 

“Your name is Carter. Please trust me if you want to live.”

 

 

Two months into a deadly pandemic originating from the DMZ that has devastated the US and North Korea, “Carter” awakens, with no recollections of his past. In his head is a mysterious device, and in his mouth, a lethal bomb.

 

 

A strange voice in his ears gives him orders. The bomb may go off at any time — unless he rescues the girl who is the sole antidote to the virus. But the CIA and a North Korean coup are hot on his heels.

 

 

Thrown into a mysterious operation, “Carter” must reclaim his identity and successfully complete his mission on time in this one-scene, one-cut action film.

 

 

Logline: One-scene, one-cut action film. A man wakes up in a motel room with no recollection of who he is, except for a voice in his ear that calls him “Carter.”

 

 

Following the voice’s orders, Carter goes on an exhilarating mission to save a kidnapped girl.

 

(ROHN ROMULO)

Karagdagang P1.4B, kakailanganin para maipagpatuloy ang libreng sakay hanggang sa Disyembre – DOTr

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.

 

 

Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate sa Department of Budget and Management (DBM) para sa karagdagang pondo.

 

 

Ayon kay Bautista, hihingi sila ng tulong sa Pangulo para magkaroon ng karagdagang pondo para sa libreng sakay program ang DOTr.

 

 

Maaalala na pagkaupo sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos kaniyang pinalawig pa ang free ride program sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022 at ang libreng sakay para sa mga estudyante sa mga linya ng tren sa Metro Manila. (Ara Romero)

Danilo Gallinari nag-OK sa 2-year deal sa Boston Celtics sa halagang $13.3-M

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMAYAG na umano ang free agent forward na si Danilo Gallinari para sa dalawang taon na kontrata sa Boston Celtics.

 

 

Ito ang kinumpirma ng kanyang agent na si Michael Tellen kung saan nagkasundo ang magkabilang panig sa $13.3 million deal.

 

 

Kabilang sa kontrata ay ang player option pagsapit ng second year nya sa team.

 

 

Makakasama ni Gallinari sa pinalakas na Celtics ang guard na si Malcolm Brogdon na nakuha sa pamamagitan ng trade mula sa Indiana Pacers.

‘Pure online classes’ bawal simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na ng school calendar and activities para sa school year 2022-2023 ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng Order No. 34 s. 2022 nito — bagay na naglilinaw sa pagdating sa distance at blended learning maliban pa sa pagsisimula ng klase.

 

 

Ayon sa DepEd sa utos na pinetsahang ika-11 ng Hulyo, magbubukas ang School Year 2022-2023 sa ika-22 ng Agosto at magtatapos ito sa ika-7 ng Hulyo 2023.

 

 

Kabilang din sa nasabing order ang pisikal na pagbabalik ng mga estudyante sa paaralan gaya ng nakagawiang limang araw kada linggo. Ito’y kahit na nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas, na kasalukuyang “low-risk” sabi ng Department of Health.

 

 

Pwede pa rin gumamit ang mga paaralan ng blended learning modalities sa pagsisimula ng pasukan ngunit kinakailangan ding magtransition sa full capacity in person class simula Nobyembre.

 

 

“Starting November 2, 2022, all public and private schools shall have transitioned to 5 days in-person classes. After the said date, no school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning,” ayon pa sa DepEd order 34 na isinapubliko, Martes.

 

 

Ang tanging pwedeng magsagawa ng “purely distance” at “purely blended” learning ang mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na binabanggit sa DO 27, s. 2Ol9 na pinamagatang “Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program” at DO O1 s. 2022 o “Revised Policy Guidelines on Homeschooling program.”

 

 

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinaplano ni Bise Presidente Sara Duterte, na tumatayo ring DepEd secretary, na simulan ang face-to-face schooling sa Setyembre at ipatupad na ang 100% harapang attendance ng mga bata sa mga paaralan pagsapit ng Nobyembre.

 

 

Matatandaang hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition sa DepEd na iurong sa kalagitnaan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year.

 

 

Ayon sa grupo, ito ay upang bigyan ng sapat na pahinga ang mga guro na naaayon lamang sa mga umiiral na polisiya.

 

 

Samantala magsisinula na ang preparasyon sa nalalapit na school year sa July 25 para sa enrollment, August 1-26 naman para sa Brigada Eskwela at August 15 naman para sa oplan balik eskwela.

 

 

Linggo lang nang sabihin ng The Passenger Forum, transport advocacy network, na hindi pa handa ang pampublikong transportasyon ng Metro Manila sa demands ng mga mananakay ngayong napipinto ang pagbabalik ng pisikal na mga klase.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong aprubado na ang COVID-19 booster shots para sa mga batang 12 hanggang 17 taong gulang. (Daris Jose)