• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 2nd, 2022

FIBA World Cup mascot ipinakilala na

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang ipinakilala ang official mascot ng prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.

 

 

Pinangalanan ang mascot ng JIP na initials ng Japan, Indonesia at Pilipinas — ang tatlong host countries ng world meet.

 

 

Napili ang pangalang JIP mula sa mahigit 100,000 na sumali sa pa-contest ng FIBA noong nakaraang linggo para pangalanan ang official mascot.

 

 

“The name JIP is a perfect match for this beautifully designed mascot as it incorporates and unites all three host nations,” ani FIBA Basketball World Cup 2023 executive director David Crocker.

 

 

Pinangunahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpapakilala sa World Cup mascot.

 

 

Ginanap ang official announcement sa Pilipinas kasabay sa Japan at Indonesia.

 

 

Ayon kay SBP president Al S. Panlilio, ang mascot na si JIP ay nagsisimbolo ng magandang samahan ng tatlong bansa para kapit-kamay na maitaguyod ng matagumpay ang World Cup.

 

 

May kuwento kung paano nabuo si JIP.

 

 

Istorya ito ng ng tatlong fans na nagkakilala online na sina Caloy na mula sa Pilipinas, Kota mula sa Japan at Dewi mula sa Indonesia para mabuo ang basketball robot.

 

 

Pagkakaisa ang simbolo ng robot na kailangan na kailangan hindi lamang sa Japan, Indonesia at Pilipinas maging sa buong mundo na dumaranas ng pandemya sa kasalukuyan.

‘Di man nagwagi at itinanghal lang na First Runner-Up: HERLENE, humakot ng awards sa nakaraang ‘Binibining Pilipinas 2022’

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAMA nga ang mga naglalabasang chika na balik GMA-7 na si Billy Crawford.

 

 

Ngayong August na rin siya magsisimulang mapanood sa GMA via the thrilling game show na “The Wall Philippines.”

 

 

Ang “The Wall Philippines” ay co-production between GMA-7 and Viva Entertainment, Inc., at kunsaan, si Billy ang magsisilbing host.

 

 

Isa itong uri ng pachinko game with a twist. May chance na manalo ang mga player ng life-changing prize worth millions of pesos. Part knowledge and part luck.

 

 

Ang main goal ng game ay makapag-bank ng maraming pera sa pamamagitan ng pagsagot ng mga trivia questions and landing the balls on high-value bins. The mechanics are simple – get a correct answer to get a green ball, miss a question and get a red ball. Green adds, red subtracts.

 

 

Ang “The Wall Philippines” ay isang game show na created by LeBron James, Maverick Carter, and Andrew Glassman at distributed by Banijay Rights Limited.

 

 

Sa isang banda, bago sa GMA ang “The Wall Philippines”, pero hindi kay Billy dahil naging host na siya nito noong ang TV5 pa ang ka-collab ng VIVA na tumagal din ng anim na buwan last year.

 

 

Aabangan siguro ngayon kung ano ang magiging kaibahan ng atake ni Billy now that sa GMA na ito mapapanood.

 

 

***

 

 

HUMAKOT ng awards si Herlene Nicole Budol o nakilala bilang si ‘Hipon Girl’ sa nakaraang Binibining Pilipinas, bukod pa sa siya ang itinanghal na First Runner-Up.

 

 

Kitang-kita rin na maraming fan na sumisigaw at nagsi-cheer sa kanya. Pero marami ang napabilib nito sa naging sagot niya sa tanong kung ano ang naging transpormasyon niya habang nasa Binibini siya.

 

 

Pasok ang sagot niya na, “Binibining hindi inaasahan. Ang sarap mangarap. Walang imposible na ako po ay isang komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

 

 

Pinuri rin ang paggamit ni Herlene ng wikang Filipino, lalo na’t aminado itong hindi magaling sa wikang english. Isa si MJ Lastimosa sa nag-tweet na, “Ganyan nga Nicole Budol normalize using our language in Philippine beauty pageants, coz why not?!!!!”

 

 

Pinagdududahan naman ng iba na base raw sa kasi sa mga rumehistrong reaction ng ibang Binibining Pilipinas candidate, parang si Herlene ang ine-expect na tatawaging winner instead of first runner-up.

 

 

Pero sey rin ng ilang beauty pageant fans, unexpected na rin daw for a first timer sa national beauty contest na naka-first runner-up na ito at pwedeng-pwede pa rin na sumaling muli.

 

 

Pagkatapos ng Binibining Pilipinas, may plano na si Herlene.

 

 

Ayon dito, “Babalik po tayo sa showbiz and siyempre, gagampanan ko po ang mga trabaho ko na kailangan pong gawin ngayon sa Binibini.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Ads August 2, 2022

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PBBM nagtalaga ng bagong mga hepe ng AFP, PNP at NBI Director

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng  Armed Forces the Philippines – Southern Luzon Command bilang bagong AFP chief of staff.

 

 

“The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. Bacarro to wind down at the SOLCOM and provide him with the transition to his new position in Camp Aguinaldo,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Nagtapos sa Philippine Military Academy, si Bacarro ay ipinanganak noong Setyembre  18, 1966 sa San Fernando, La Union. Nagtapos siya sa upper quartile ng PMA “Maringal” Class of 1988.

 

 

Sinabi ni Cruz- Angeles na si outgoing CS-AFP Gen. Andres Centino, kaklase ni  Bacarro sa PMA, ay kandidato naman para sa isang bagong posisyon na akma sa kanya.

 

 

Ang Republic Act 11709, tinintahan ni dating Pangulong Duterte noong Abril 13 ngayong taon “sets a fixed three-year tour of duty for the AFP chief of staff, vice chief of staff, the deputy chief of staff, the major service commanders (Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy), unified command commanders, and inspector general “unless sooner terminated by the President.”

 

 

“Based on RA 11709, Gen. Bacarro will be the first CSAFP to be given a fixed three-year term,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Si Bacarro ay kabilang sa PMA Maringal Class of 1988.

 

 

Siya rin ang kauna-unahang hepe ng AFP na makakabenepisyo sa bagong fixed three-year term para sa mga AFP chief of staffs.

 

 

Sa kabilang dako, itinalaga naman  si Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong PNP chief.

 

 

Si Azurin ay ang hepe ng Area Police Command-Northern Luzon at mayroon pang isang taon sa serbisyo.

 

 

Sina Azurin at PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon ay kapwa kabilang sa PMA Class of 1989.

 

 

Samantala, itinalaga naman  bilang Director ng National Bureau of Investigation ang long-time asssitant director sa tanggapan na si Medardo de Lamos.

 

 

“Director De Lemos rose from the ranks and his appointment as NBI Director is a strong indication of President Marcos’ commitment in strengthening the system of ‘meritocracy’ in the promotion, placement and hiring of government personnel,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Si De Lamos ay ang kasalukuyang OIC na pumalit kay dating director Eric Distor na appointee naman ng dating administrasyon.

 

 

Siya rin ang itinuturing na pinaka-senior official sa NBI at nagsilbi sa tanggapan sa loob ng halos apat na dekada. (Daris Jose)

Kung understated si Ruffa bilang Madam Imelda Marcos: DIEGO at ELLA, naging mahusay ang pag-arte dahil kaeksena si CESAR

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG attendance lang ang basehan para masabing successful ang isang event, masasabing matagumpay ang red carpet premiere ng ‘Maid in Malacanang’ na ginanap noong Friday, July 29 sa SM The Block Cinemas 1, 2 and 3.

 

Maraming dumalo sa premiere ng movie. Hindi lang namin alam kung puno lahat ang tatlong sinehan kung saan nagana pang screening dahil nasa Cinema 2 lang kami. Pero maraming tao na dumating, kabilang ang ilang celebrities at cast ng pelikula.

 

Tungkol naman sa movie, pinakagusto namin ang eksena ni Cesar Montano kasama anak niyang si Diego Loyzaga at ‘yung eksena niya with Ella Cruz.

 

Siguro dahil si Cesar ang kanilang kaeksena kaya mahusay ang acting nina Diego at Ella.

 

Masyadong understated naman ang acting ni Ruffa Gutierrez as Madame Imelda Marcos.

 

Ang budget na P500,000 para sa catering noong red carpet premiere ay ibinigay sa mga biktima ng lindol sa Ilocos at Abra.

 

“We hope viewers will understand the simple opening night of our film. Enough for me and my family to show our side of the story and history. It is more important now that we help our countrymen affected by the earthquake,” pahayag ni Senator Imee Marcos sa kanyang statement.

 

***

 

MAY netizen na pinuna ang pagiging matambok ng pisngi ni Ms. Nora Aunor, ang bagong hirang na National Artist for Film and Broadcast Arts.

 

Nagtataka ang netizen kung bakit sobrang matambok ang pisngi ng ating Superstar. Dagdag niyang katanungan ay kung nasobrahan daw ba ito sa pagpapa-botox.

 

Sabi ng isang kaibigang reporter na malapit kay Ate Guy, dahil daw sa iniinom na medication ng aktres kaya tumaba ang pisngi nito.

 

May mga gamot kasi na may sangkap na nagiging sanhi para mag-bloat ang anumang parte ng ating katawan.
Samantala, nais namin i-congratulate si Ate Guy sa kanyang parangal na Natatanging Alagad ng Sining at Susan Roces Celebrity Award na iginawad sa kanya ng FAMAS sa ika-70th awards night nito last Saturday.

 

Wish namin na sana maipalabas na ang ‘Kontrabida’ movie na pinagbibidahan niya na dinirek ni Adolf Alix, Jr. para sa production ni Joed Serrano.

(RICKY CALDERON)

60-anyos retirement age sa DepEd employees, isinulong

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA masuportahan ang pamahalaan sa plano na i-streamline ang burukrasya, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero ang panukalang gawing mandatory ang ­pagreretiro ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa edad na 60-anyos mula sa kasalukuyang 65 taong gulang.

 

 

Sa Senate Bill no. 58 o ang New Department Retirement Act na inihain ni Escudero, sakop nito ang lahat ng regular na kawani ng DepEd kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan na umaabot na sa 800,000 sa kasalukuyan.

 

 

Sakaling maging ganap na batas, mabebenipisyuhan nito ang libu-libong retireable DepEd personnel na nasa teaching at non-teaching na gustong gamitin pa ang mga natitira nilang panahon sa ibang trabaho bukod sa kanilang nakagawian na trabaho sa gobyerno.

 

 

Idinagdag pa ng Senador na chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, mas dapat na bigyan ang mga kawani ng gobyerno na magkaroon ng mahaba-habang panahon para sa kanilang pamilya.

 

 

Nakasaad naman sa panukala na maaaring payagan ang mga kawani ng DepEd na ituloy ang kanilang serbisyo hanggang sa umabot ang kanilang edad sa 65 kung siya ay may 15 taon nang serbisyo sa departamento.

Babalik din ng France para sa isang dance competition: BILLY, certified Kapuso na uli at muling magho-host ng ‘The Wall PH’

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA pag-attend ni Billy Crawford kasama ang beautiful wife na si Coleen Garcia sa Thanksgiving Gala ng GMA Network na ginanap noong Sabado nang gabi sa Taguig City, nakumpirma na tuloy na tuloy na nga ang pagiging Kapuso niya.

 

 

Balik-GMA Network na nga ang dating Kapamilya star dahil siya pa rin ang napiling host ng “The Wall Philippines”, na kung saan nagsanib-pwersa ang TV station at Viva Communications Inc. para sa sikat na sikat na game show mula sa Amerika.

 

 

Makalipas ang halos dalawang dekada, muling mapapanood si Billy sa GMA bilang game master ng nasabing game show.

 

 

Huling napanood si Billy sa GMA-7 noong 2007 sa reality dance show na “Move! The Billy Crawford’s Search for Pinoy Dancers.”

 

 

Siguradong kaabang-abang na naman ang mga celebrities na makiki-“drop the balls” kasama si Billy na maglalaro tuwing Linggo na highlight ang state-of-the-art 40-foot wall, na magsisimula na ngayong Agosto.

 

 

Nag-advance taping na ang TV host para sa “The Wall Philippines” dahil aalis siya patungong Paris, France sa August 15, dahil isa si Billy sa contestants para sa Season 12 ng “Danse avex les Stars” (Dance with the Stars) at halos dalawang buwan siyang mawawala, para sa naturang kumpetisyon.

 

 

Dahil sa balitang ito, lumabas ang balitang baka tuluyan nang iwanan ni Billy ang “Tropang LOL” na ipinalalabas sa TV5, A2Z at Kapamilya Channel, na kung saan pansamantala siyang pinalitan ni Matteo Guidicelli.

 

 

Wala naman daw magiging problema sa paglabas ni Billy sa GMA, dahil sa noontime show lang siya may kontrata kaya hindi siya exclusive sa TV5.

 

 

Reaction naman ng netizens sa pagsali niya sa dance competition sa France at sa posibleng pagkawala ng ‘Tropang LOL’:

 

 

“Dancing with the Stars French edition. Sana manalo sya tapos ma-revive yun career nya sa France.”

 

 

“Ayaw niya kasi na kasunod na ng show nila yung Showtime kaya pupunta at sasali sa dance contest ng mga D-List has-been celebs doon sa France.”

 

 

“Magaling to si Billy sumayaw at ang galing din mag French kaya I’m sure he will do great! Good luck Billy!”

 

 

“Sana manalo si Billy.Magandang award yan sa kanyang careerIn fairness, before Billy came to the Philippines sikat sya sa Europe dati.”

 

 

“Mukhang matsutsugi na talaga yung LOL.”

 

 

“Oo nga pano na lang ang LOL eh sa kanya na nga lang kumakapit yung iba kahit nga yung may views nang milyones di na pa taas ang ratings ng LOL… Sana lang makabalik pa sya sa IST.”

 

 

“Yun nga eh. Sana isama nya na lang si Bayani dun malay mo dun pa sumikat si bayani.

 

 

“Malaki chance manalo ni Billy jan, magaling sya sumayaw.”

 

 

“Soooo sino na mag bubuhat sa LOL?”

 

 

“Edi si Bayani. Ito ang dapat na ipag pray mo ha Bayani,”

 

 

“i love his moves! galing sumayaw nito kaya hopefully manalo!! so glad he is back to dancing.”

 

 

“Isa sa pinakatalented na artista sa showbiz lahat kaya nya gawin.”

 

 

Good luck Billy!

 

(ROHN ROMULO)

‘Top Gun: Maverick’ Continues To Dominate At The Box Office, On Track To Surpass ‘Jurassic World’

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TOP Gun: Maverick continues to dominate at the box office and is now on track to surpass the domestic total of 2015’s Jurassic World.

 

 

Coming more than 35 years after the release of the original Top Gun, the Joseph Kosinski-directed sequel sees the return of Tom Cruise’s hotshot pilot Pete “Maverick” Mitchell. The film sees Maverick in a leadership role this time around, training a new batch of Top Gun recruits for a dangerous mission over enemy territory.

 

 

Top Gun: Maverick had a strong opening weekend box office haul when it hit theaters in May, but the film has continued to perform well even months later. The film quickly became Cruise’s highest-grossing film of all time and became only the second movie since Avengers: Endgame in 2019 to earn over $1 billion at the global box office.

 

 

The film has benefitted from strong reviews and positive word-of-mouth, helping the Top Gun sequel surpass Titanic’s opening run last month to become Paramount Pictures’ highest-grossing movie of all time. Top Gun: Maverick’s impressive box office performance is also set to give Cruise the biggest payday of his career, likely surpassing $100 million.

 

 

As per new report from Forbes, Top Gun: Maverick is set to potentially pass another box office milestone, surpassing the domestic haul of the original Jurassic World. The Top Gun sequel is expected to pull in $8.83 million in its tenth weekend, likely putting the film past $650 million domestic, which is well within reach of Jurassic World’s $652 million.

 

 

If Top Gun: Maverick does surpass Jurassic World, it will become the seventh-biggest domestic earner of all time. The film’s tenth-weekend performance is also impressive in its own right, only behind that of Avatar and Titanic.

 

 

Earning rave reviews right out of the gate, Top Gun: Maverick has seen very small weekend-to-weekend box office drops since its release, likely due both to the strong word-of-mouth from audiences and the film’s aggressive pre-release marketing campaign.

 

 

After several years of uncertainty regarding the future of movie theaters, Top Gun: Maverick is further proof after the success of Spider-Man: No Way Home last year that audiences are still more than willing to take a trip to the cinema for select films.

 

 

The Top Gun sequel was hit with numerous delays several years ago, both due to COVID-19 and reshoots, but the film’s most recent box office milestone is further proof that waiting to release it was the right move.

 

 

Earning rave reviews right out of the gate, Top Gun: Maverick has seen very small weekend-to-weekend box office drops since its release, likely due both to the strong word-of-mouth from audiences and the film’s aggressive pre-release marketing campaign. After several years of uncertainty regarding the future of movie theaters, Top Gun: Maverick is further proof after the success of Spider-Man: No Way Home last year that audiences are still more than willing to take a trip to the cinema for select films.

 

 

The Top Gun sequel was hit with numerous delays several years ago, both due to COVID-19 and reshoots, but the film’s most recent box office milestone is further proof that waiting to release it was the right move.

 

 

For those hoping to catch Top Gun: Maverick on digital platforms, there’s still no word yet on when the movie might be leaving theaters, but its performance would suggest that it still has legs, even 2 months after its release. It remains to be seen how the world of Top Gun will live on beyond Top Gun: Maverick, but the film’s box office performance demonstrates that there’s clearly an appetite among audiences for a third film in the franchise.

 

 

With the film performing as well as it is, it’s likely that Paramount will also be keen to revisit the iconic world of Top Gun: Maverick. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

 

 

Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya  Ramos.

 

 

“I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who passed away today, having lived a full life as a military officer and public servant,” ayon Kay Pangulong Marcos.

 

 

Si Ramos, second cousin ng ama ni Pangulong Marcos, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

“Our family shares the Filipino people’s grief on this sad day. We did not only lose a good leader but also a member of the family,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Nakiisa naman si Pangulong Marcos sa sambayanang Filipino sa pagdarasal sa kaluluwa ni FVR.

 

 

“The legacy of his presidency will always be cherished and will be forever enshrined in the hearts of our grateful nation,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, kinumpirma naman ng pamilya Ramos ang pagpanaw ni FVR.

 

 

“The Ramos family is profoundly saddened to announce the passing of former President Fidel Valdez Ramos.  We thank you all for respecting our privacy, as the family takes some time to grieve together,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng pamilya Ramos.

 

 

Nagpahayag naman ng matinding kalungkutan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpanaw ni FVR.

 

 

“I am one with his wife, Ming, his family, his friends, and the entire Filipino people in mourning the death of a great statesman, mentor, and friend,” ayon kay Duterte sabay sabing  “As we grieve his loss, let us honor his legacy of service and his significant contributions to the country. May God grant eternal repose on his soul and give strength and solace to all of his bereaved.” (Daris Jose)

Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

Posted on: August 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.

 

Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.

 

Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor Rodriguez na ang mga public managers ay “must enhance their strategic thinking skills, practice foresight, act with agility, behave with integrity, and “unite as one public servant with purpose”.

 

“The President yearns for a decent future for all Filipinos and nothing less,” ayon pa rin kay Rodriguez sa naging talumpati nito sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

 

Binigyang diin nito, hindi makakamit at mapagtatagunpayan ng administrasyon ang vision ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kung walang  tulong mula sa career executive service officers (CESO).

 

“You (the CESOs) will set the tone for the outcome of the President’s vision,” aniya pa rin.

 

Habang ang CESOs aniya ay  nakapag-navigate sa VUCAD (volatility, uncertainty, complexity, ambiguity, and diversity) world, sinabi ni Rodriguez na  “there are certain attributes and skills that public managers must still develop to thrive in the present context.”

 

Tinalakay sa  two-day summit “Leading Change: Focus on the Core” ang CESO functions para sa  good governance at maging ang kanilang “competencies, mindsets, and values,” na kailangan para i-navigate ang daan ng  public service.

 

“The career executive service community must use the present political transition to emerge not just to a new, but to a better normal. This is done by harnessing the innovative spirit of the civil service,” ayon kay Civil Service Commission Chairperson Karlo Alexei Nograles sa kanyang naging talumpati. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)