MINSAN lang gumawa ng pelikula ang tinaguriang Asia’s Fastest Woman noong dekada ’80 na si Lydia de Vega.
Ginawa niya ang pelikulang ‘Medalyang Ginto’ noong 1982 at kuwento ito kung paano siya noon nagkaroon ng simpleng pangarap, hinarap ang mga pagsubok sa buhay, ang kanyang mga sakripisyo sa pamilya hanggang sa maipanalo niya sa Pilipinas ang gintong medalya sa 1982 Asian Games.
Nakasama ni Lydia sa pelikula sina Tony Santos Sr., Perla Bautista, Joseph Sytangco at Dave Brodett. Dinirek ito ni Romy Suzara. Inalay pa ni Lydia ang pelikula sa lahat ng Pinoy na siyang naging inspirasyon niya para makapag-uwi ng medalyang ginto.
Kahit na maraming naging offers si Lydia noon na gumawa ng maraming pelikula, mas pinili niya ang mag-focus sa kanyang pagtakbo kaya muli siyang nakauwi ng gold medal sa 1986 Asian Games at nakapag-compete din siya sa 1984 at 1988 Olympic Games.
Nagretiro si Lydia noong 1994 na hawak pa rin ang fastest record sa 100-meter and 200-meter run for 30 years.
Noong Miyerkules ay pumanaw na ang Filipino athletic legend sa edad na 57 dahil sa kanyang sakit na breast cancer.
Noong nakaraang July 20 ay naging critical ang kondisyon ni Lydia sa kanyang sakit nilabanan niya simula pa noong 2018.
Maraming mga atleta ang nag-ambag-ambag ng tulong para sa medical expenses ni Lydia na naka-confine noon sa isang ospital sa Makati City.
Huling nakita sa publiko si Lydia ay noong 2019 nang isa siya sa maging flag bearers sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena.
Ang anak niyang si Stephanie, na isang volleyball player for De La Salle University, ang nagbalita ng pagpanaw ng kanyang ina.
***
TATLONG taong dumanas nang matinding depression ang aktor na si Ian de Leon.
Ang sakit daw niyang ito raw ang naging dahilan daw kung bakit siya lumayo sa mga taong gustong tumulong sa kanya, kasama na rito ang sarili niyang pamilya.
Kinuwento ng aktor ang tungkol sa pinagdaanang mental health condition sa podcast na ‘Surprise Guest with Pia Archangel.’
Sinara raw ng aktor ang kanyang sarili sa mga taong handang tulungan siya. Pati raw ang magdasal ay nakalimutan na rin niyang gawin.
Ayon kay Ian: “When I hit rock bottom talaga, I was searching for answers eh. I strayed away from family for a while. I didn’t want to see anyone, I didn’t want to talk to anyone. I didn’t want anyone asking me how I am. I just had that spiraling depression moment in my life where it took me three years to get over it, and it was a really dark and difficult time for me. I forgot about God, I forgot about people who cared for me, people who loved me and I just shut myself off from the world.”
Hindi rin daw maintindihan ni Ian kung bakit nangyari iyon sa kanya. Gustuhin man daw niyang humingi ng tulong, pero nahihiya raw siyang magkuwento nang pinagdaraanan niya.
“What was going on sa buhay ko during that time was I felt so empty and depressed that I couldn’t feel anymore. I woke up one night thinking ‘What is wrong with me? What is going on? What should I do? Who should I go to? Who should I talk to? I don’t want to talk to anyone, I don’t want to see anyone,” diin pa niya.
Pero kahit daw pilit na lumalayo si Ian, hindi raw siya sinukuan ng kanyang pamilya. Nanatili raw silang nasa tabi ng aktor dahil alam nilang kailangan nito ng tulong.
Nagpasalamat ang ‘Lolong’ star sa kanyang asawa na si Jennifer Orcine dahil sa pagmamahal at sa pagtiyaga nito sa kanyang pinagdaanang depression.
***
KABILANG ang aktor na si John Travolta sa nadurog ang puso sa pagpanaw ng singer-actress na si Olivia Newton-John sa edad na 73 noong nakaraang August 9 pagkatapos ng 30-year battle nito with cancer
Si Travolta ang naging leading man ni Olivia sa 1978 hit musical film na ‘Grease.’
Sa kanyang Instagram post, ramdam ang labis na kalungkutan ng aktor dahil sa pag-alala ng mga pinagsamahan nila ni Olivia noong ginawa nila ang pelikulang ‘Grease’ at noong magtambal ulit sila sa 1983 comedy na ‘Two of a Kind’.
“My dearest Olivia, you made all of our lives so much better. Your impact was incredible. I love you so much. I will see you down the road and we will all be together again. Yours from the first moment I saw you and forever! Your Danny, your John,” caption pa ng aktor.
Sa naging 40th anniversary ng ‘Grease’noong 2018, sinabi ni Travolta na na-in love siya kay Olivia noong ginagawa nila ang pelikula. Ginampanan nila ang characters na sina Danny Zuko and Sandy Olsson.
“She was my favorite thing about doing Grease. If you were a young man in the ’70s…, if you remember that album cover with Olivia with that blue shirt on, with those big blue eyes staring at you. Every boy’s, every man’s dream was: ‘Oh, I would love for that girl to be my girlfriend’.”
Noong 2020, pumanaw din sa sakit na breast cancer ang misis ni Travolta, ang aktres na si Kelly Preston sa edad na 57.
(RUEL J. MENDOZA)