MAGANDA ang naisip na concept ni Aiko Melendez sa kanyang Youtube channel.
Ang ininterview niya ay ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre Yllana.
May mga tanong na do’n lang daw naibato ni Aiko kay Andre. Isa na rito ‘yung tungkol sa damdamin ni Andre sa ama.
Sa tanong ni Aiko kung happy naman si Andre na nakaka-bond daw niya ang Daddy niya, sinagot ito ni Andre na, “Oo naman, siguro Dad, kung napapanood mo man ‘to, hindi ko pa nasasabi sa ‘yo, ‘to.
“Pero minsan kasi, may mga bagay na it’s too late na. Siguro ‘yung thirst ko for a father, hindi na rin gano’n ka—kumbaga dati, grabe akong maghabol kay Dad, ‘yung gano’n.
“So nasanay na rin ako na parang wala siya. Pasensiya na, Dad, kung may mga times na nakakalimutan kita.”
Inamin din ni Andre na may times na talagang na-depress siya at kinikimkim lang niya sa sarili ang lahat ng saloobin. Ito raw ‘yung panahon na sobra siyang nangayayat.
Kaya payo ni Andre sa lahat, ‘wag daw gumaya sa kanya na kinikimkim ang nararamdaman. Pero ayon din kay Aiko, isa sa nagustuhan niya sa anak, kahit na ano pa ang nangyari, hindi raw niya nakitaan si Andre na nagtanim ng galit sa ama niya.
At kung may message nga si Andre kay Jomari, natatawa ito pero mararamdaman ang concern niya sa physical well-being ng Daddy niya.
Sey kasi ni Andre, “Hi Dad, ano ba message ko kay Dad? Siguro ano lang, simple lang…mag-diet ka naman Dad. Medyo lumolobo tayo.”
At saka niya dinugtungan na, “Kahit ano naman ang mangyari, though, sinabi ko nga earlier, kahit anong mangyari, I’ll always still be here for you through thick and thin.
“Like I’ve said, may mga bagay na hindi na kasing-init dati.”
Positibo naman ang naging response ni Aiko sa mga tinuran ng anak. Sabi nga niya, wish daw niya na sana manumbalik ang dating relationship ng mag-ama. Dahil bilang ina, magiging pinaka-masaya raw siya dahil hangad niya lang din, ang kaligayahan ni Andre.
***
ILANG araw na rin simula nang mag-tweet si Alex Gonzaga na ina-assume ng karamihang netizens na may kinalaman sa nangyari sa noontime show nilang Lunch Out Loud, with Matteo Guidicelli.
Ang tweet niya na, “Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.”
Instead daw kasi na maging accountable si Alex, parang pinapangatawanan o dinidepensa pa niya ang sarili at mga hirit base sa naging tweet niya.
Hanggang ngayon marami pa rin ang nagko-comment kay Alex tungkol dito. Obvious sa mga comments na hindi lahat o mas maraming nega ang naging reply sa kanya.
Ilan sa mga comments, “It’s okay to disrespect other people and never take accountability. As long as you love yourelf.
“Okay, then let’s make jokes about your miscarriage, basta we love ourselves. Pasok sa logic, ‘di ba?”
“Akala niya nakakatawa sya… sa totoo lang kayo ng sister mo ang nakakairita.”
“This person doesn’t have any kind of intellect. She’s just good at making people laugh even at the cost of disrespecting couple’s marriage. Kasuka pagkatao mu natutunan sa magulang mu yan asal kalye mu.”
“Ang hihilig sa bible quotes pero kabaliktaran naman ang actions at sinasabi???”
“You are being called out of your bad behavior, tapos ikaw pa ang pavictim ngayon.”
In fairness naman kay Alex, kahit na halos lahat yata ng comments sa tweet niyang ‘yon ay negative sa kanya, hindi siya nag-delete ng post at wala rin siyang sinagot o pinatulan.
(ROSE GARCIA)