• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 18th, 2022

Ads August 18, 2022

Posted on: August 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Big challenge ang paggamit ng Danish language: GERALD, magbabalik bilang Thuy sa ‘Miss Saigon’ sa Denmark

Posted on: August 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK ‘Miss Saigon’ si Gerald Santos as Thuy pero this time sa Miss Saigon edition ng Denmark which goes onstage next year

 

Unang ginampanan ni Gerald ang role ni Thuy sa ‘Miss Saigon UK’ International Tour noong 2017 to 2019.

 

In fact, he has logged 553 performances as Thuy, pinakarami sa lahat ng nag-portray ng nasabing role sa Miss Saigon based sa mga recent productions ng pamosong award-winning musical.

 

Malaking bagay ang nagawa sa career ni Gerald sa pagganap niya as Thuy. Bihirang dumating ang pagkakataon tulad nito.

 

Masayang-masaya si Gerald na siya ay muling napili para gampanan ang role ni Thuy.

 

Pero takot daw siya dahil Danish ang language na gagamitin pero ito raw ang magbibigay ng challenge sa kanya.
Ang ‘Miss Saigon’ ay ipoprodyus ng Det Ny Teater, isang privately-owned theater na nagpoprodyus ng mga Broadway at West End titles mula pa noong 1994.

 

Congratulations, Gerald and continue to bring pride to the Philippines!

 

***

 

HUMIHINGI ng dasal si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pamangkin named Bam na may cancer.
Sa kanyang verified IG account (@reallysharoncuneta) ay nag-post si Sharon – “She is only 25 and I do not understand why she has cancer. She is loving, happy, good girl whom we all love so much. Please, please by our prayer warriors and help us pray for her healing too.”

 

Hindi pa nakaka-move on si Sharon sa pagkamatay ng kanyang mahal na si Cherie Gil which devastated her so much. Maraming mga dear friends si Sharon who died this year tulad ni Fanny Serrano.

 

We are sure sobrang lungkot na niya pero dapat pa rin siyang maging matatag sa harap mga malungkot na pangyayari.

 

Pero tiyak naman na sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano last week ay maraming masayang memories na baon si Ate Shawie.

 

First time niya kasi gumawa ang teleserye at curious kami kung willing ba si Ate Shawie na gumawang muli.

(RICKY CALDERON)

Kahit nagluluksa pa ang kanilang pamilya: Anak ni CHERIE na si BIANCA, ‘di nagpatinag sa mga kumwestiyon sa pag-attend sa party

Posted on: August 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagpatinag ang anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff sa mga bashers na kumwestiyon sa pag-attend sa isang party kahit kamamatay lang ng kanyang mommy.

 

 

Binatikos ang anak ng yumaong aktres sa dating asawang na si Rony Rogoff na kilalang Israeli violinist. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend niya ng party, habang nagluluksa pa ang kanilang pamilya.

 

 

Komento ng basher, “Your mom just passed away and your in a party now?”

 

 

Sinagot ito ni Bianca sa direct message na makikita rin sa kanyang IG Story.

 

 

Panimula niya, “Absolutely.

 

 

“Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived. And if you knew her, she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.”

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “I am grieving and that is similarly sacred—but it is not my job to show you that. I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me.”

 

 

Panghuling mensahe pa niya sa basher, “If you’d like to unfollow me, please feel free. I will keep enjoying the life my mother gave and granted me.”

 

 

Sa screenshot ng kanyang post, nilagyan niya ito ng caption na, “I will not be answering or justifying all the messages in my inbox so please consider this an overall statement for now.”

 

 

Kaya say naman ng mga marites sa entertainment blog na karamihan ay naiintindihan si Bianca:

 

“Baka gusto rin ni basher na palitan ng candle ang profile pic ni Bianca?”

 

“Mind ur own business, scratch ur own galis, BASHER!🙄🙄🙄”

 

“Pakialamera!”

 

“Mind your own business. Every person has his own ways of dealing with grief. So many holier than thou out there. Annoying.”

 

“Eh ano ngayon ke magparty siya o magwala buhay niya yan.”

 

“Maging Marites ka but never ever judge a person who is grieving. Maybe this is her way to cope or maybe not. Hayaan na lang natin sila.”

 

“Gandang mag ina. Admittedly, it comes off to see a daughter partying so soon when a parent just passed on. And i think it has nothing to do with culture.”

 

“Ako rin, won’t party if my mom or any family member just passed away. It’s kinda off.”

 

“Eh di wag kayong pumarty at magsaya! Jusko pati pag-grieve ng ibang tao pinapakialaman niyo. Kaloka.”

 

“Baka gusto ng basher, magmukmok nalang sa house and mamatay din sa depression. It doesn’t measure how much you love a person by showing off na malungkot ka nalang thats why may sinasabi tayo na cheer up sa mga malulungkot.”

 

“Maritess mentality. Baka gusto nung basher na magpa-interview pa ang mga anak na umiiyak. Sorry hindi sila kasing babaw niyo.”

 

“Anu ba yan! Some grieve in silence okay. Hinde ibig sabihin hinde ka umiyak sa libing ng asawa, kapatid, magulang Or sino man malapit sa puso ko wala kana pakialam hinde ka nag luluksa. Ako nga If that happened to Me sa anak ni Cherie i would rather Go far away lumabas para mabawasan ang lungkot.”

 

“Some people kasi need a sense of “normalcy” in order to cope with the pain. iba iba tayo ng way and we should respect that.”

 

“A little insensitive kasi makikita nasa party sya. Sana hindi nalang sya nag post and keep it to herself nalang muna.”

 

“Yuck. Lakas makialam. We all grieve differently. Ano ba batayan ng mga to, magpost ng kandila sa fb?”

 

“So sya pa talaga mag-aadjust para sa mga marites na tulad mo? Patawa ka. Mind your business na lang at wag mag dikta sa gusto nilang gawin. Duh!”

 

“Kanya kanya way yan on how to deal personal issues or problems or tragedies. Marami jan depressed pero gigising mag wo work kala mo wala problema yun pala meron. Pwede ka naman mag party then you can grieve in your personal time.”

 

“Pag namatayan ba dapat magpaka miserable? Malungkot? Humagulgol s kakaiyak? Tsaka she grew up sa ibang bansa, we also don’t know her religion, wala tayo alam about her, kung uso ba yan 40 days what ever.”

 

“That’s the true spirit of celebrating their lives and honoring them by still living but keeping hem in our thoughts and hearts always. We don’t have to. Be crippled by grief.”

 

“Jusmiyo mga walang preno! Kung magmamarites ka, don’t lose your humanity and be a marites with some degree of *mouth* control naman!”

 

“Her rules. Her life. The girl is not even showbiz, so why the heck she should mind what other people are saying. Mga Pinoy talaga, marites na, pakialamero pa.”

 

“Pala-desisyon sa ibang tao kaloka minsan ang ibang pinoy…. atribida..”

 

“Hindi ako magpa-party if a close family member passed away. But that’s me. Hindi ako magp-pm sa taong di ko naman kilala ng personal to impose my belief.”

 

Samantala, na-cremate na ang labi ni Cherie sa Amerika. Ayon sa kanyang pamilya ay iuuwi ito sa Pilipinas at dadalhin sa farm ng award-winning actress sa Bukidnon.

 

 

(ROHN ROMULO)

Ancajas may mga adjustments na binago para sa rematch niya kay Martinez

Posted on: August 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINAGO  ng kampo ni Jerwin Ancajas ang mga teknik na ipinapagana.

 

 

Sinabi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez, ang mga adjustments na kanilang ipinatupad ay para hindi na maulit ang nangyaring pagkatalo ng Filipino boxer kay Fernando Martinez ng Argentina.

 

 

Ang nasabing mga adjustments ay para mabawi nito ang kaniyang IBF junior bantamweight title mula kay Martinez.

 

 

Ilan sa mga pagbabago ay ang pagkuha nila ng bagong nutritiounist sa katauhan ni Bianca Estrella at isa mula sa Philippine Sports Commission.

 

 

Nakaranas kasi ng pagka-drain si Ancajas matapos na habulin nito ang kaniyang timbang.

 

 

Ilan din sa nakikita nitong dahilan ay ang nasobrahan na nila ang training kaya aayusin na nila ang mga schedule ng kaniyang training.

 

 

Magugunitang nakatakdang magsagawa ng rematch si Ancajas kay Martinez sa darating na Oktubre 18.

 

 

Sa kasalukuyan ay nasa Cavite si Ancajas at doon sila nagsasagawa ng training kung saan magtutungo sila sa US ng tatlong linggo bago ang laban.

Para nakamit ang pagbabago at kaunlaran: PBBM, hinikayat ang mga bise-gobernador na tulungan ang administrasyong Marcos

Posted on: August 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bise-gobernador na makiisa at tulungan ang administrasyon para nakamit ang pagbabago at kaunlaran ng bansa.

 

 

Ang panawagan ng Pangulo ay inihayag nito sa  oath-taking ceremony ng mga opisyal ng League of Vice Governors of the Philippines (LGVP) sa President’s Hall ng Malakanyang.

 

 

Sa kanyang official Facebook page, kinilala ni Pangulong Marcos ang gampanin ng mga bise-gobernador bilang “agents of change.”

 

 

“Dalangin ko na ang bawat isa ay makikipagtulungan sa ating administrasyon upang makamit ang pagbabagong hangad natin para sa bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng LGVP para sa pangako ng mga ito na magiging tapat na public servants.

 

 

“Lubos ang ating pasasalamat sa mga bise gobernador na kasapi ng League of Vice Governors of the Philippines na nanumpang sila’y magiging tapat na lingkod-bayan sa mga mamamayan ng kanilang mga probinsya,” anito.

 

 

Ibinahagi naman ng Chief Executive ang ilang larawan na kuha sa idinaos na oath-taking ceremony.

 

 

Ang  LGVP ay kinabibilangan ng mga bise-gobernador ng 81 lalawigan sa buong bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)