• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 19th, 2022

P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMISKOR  ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng  mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa.

 

 

Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga nasakoteng suspects na sina Jhon Lester Manipol, 24 at Jerome Labita, 20.

 

 

Sinabi ni Azurin na bago ang operasyon ay isinailalim muna sa masusing surveillance operations ang mga suspect matapos na makatanggap ng report sa aktibong pagtutulak ng mga ito ng shabu.

 

 

Inihayag ng opisyal na ang operasyon ay isinagawa ng iba’t-ibang police units sa Quezon City, National Capital Region Police Office (NCRPO) at National Headquarters sa Camp Crame katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa isang lugar sa Quezon City.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga target matapos ang mga itong kumagat sa anti-illegal drug operations ng mga awtoridad.

 

 

“The established connection among the operatives made it easier for them to work together. We aim to continue this smooth workflow in our future operations,” pahayag ni Azurin.

 

 

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-illegal drug operations ng pulisya sa iba’t ibang dako ng bansa.

Gusto munang mag-sitcom dahil sobrang nabugbog sa ‘Lolong’: PAUL, suportado ni MIKEE at kinikilig sa eksena nila ni SHAIRA

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO raw munang gumawa ng sitcom ng Kapuso hunk na si Paul Salas dahil sobra raw siyang nabugbog sa teleserye na ‘Lolong’.

 

Sa tatlong beses daw na nag-lock-in taping sila, puro mga mahihirap na action scenes ang ginawa niya kasama si Ruru Madrid. Sulit daw ang mga naging pagod nila dahil pataas nang pataas ang ratings ng ‘Lolong.’

 

“With Lolong, sobrang mabigat. After nito, I hope they will cast me sa isang sitcom. Gusto ko naman mag-comedy, yung light naman kasi sobrang tayong nabugbog physically sa Lolong.

 

“Pero no regrets playing Martin Banson dahil naipakita ko na kaya ko palang gawin ang gano’ng mga roles. Hindi lang tayo pang-boy-next-door or pagpapa-cute lang,” ngiti pa ni Paul.

 

Sa pakikipagtambal niya kay Shaira Diaz sa ‘Lolong’, kinikilig daw ang girlfriend niyang si Mikee Quintos sa mga eksena nila.

 

“Si Mikee, nanonood din siya ng ‘Lolong’. Sinasabi nga niya na kinikilig siya sa amin ni Shaira. Natuwa naman ako dahil hindi siya nagseselos. Very supportive si Mikee sa mga ginagawa ko.

 

“Ako rin naman, supportive din sa kanyang teleserye. May mga pakilig din sila ni Dave (Bornea) sa ‘Apoy Sa Langit’, di ba?” tawa pa ni Paul.

 

***

 

HANDA na rin magpakita ng kanyang katawan ang aktor na si Arron Villaflor.

 

Pero hindi raw siya handa pa na mag-frontal nudity tulad ng mga baguhang aktor ngayon.

 

“Sexy, yes, but I don’t think I can do frontal nudity. I already laid my cards. So, you can expect that my projects with Viva will be intense. I’m praying na maging smooth and sunod-sunod ang work. I’m not getting any younger. I’m 32. I’m excited with all the projects that will be lined up for me.”

 

Inamin ni Arron na two years siyang walang trabaho dahil sa nangyaring pandemic. Mabuti na lang at nasa pangangalaga na siya ng Viva Artists Agency (VAA) at may mga naka-lineup na trabaho sa kanya.

 

“I’ve been floating for two years. It was really hard for me. I was idle. So, I decided to transfer to Viva. To me, as long as it’s work, there’s no problem with that. As long as it’s a new opportunity for me, new door, I’m happy and excited to work with them.

 

“I hope everything will be put into place with everything we planned about. I guess let’s be thankful that we are alive. Let us be grateful everyday when we wake up. No one was ready for this trial that came into our life,” sey pa niya.

 

May real estate at salon business si Arron, pero pareho raw naapektuhan ang mga ito ng pandemya. Kaya mas hanap pa rin daw niya ang magtrabaho sa showbiz.

 

“Viva is very collaborative when it comes to brainstorming and stories for their new platform. I’m excited and at the same time nervous. For me, this is a new avenue when it comes to acting. I still have a job. I get to meet people who are able to help me and my career. I feel blessed. This pandemic became a real test for all of us. We should be always ready to fight.”

 

***

 

NAHAHARAP sa criminal charges for alleged assault ang boyfriend at baby daddy ni Rihanna na si A$AP Rocky.

 

The charges were announced by Los Angeles County District Attorney George Gascón: “Discharging a gun in a public place is a serious offense that could have ended with tragic consequences not only for the person targeted but also for innocent bystanders visiting Hollywood. My office conducted a thorough review of the evidence in this case and determined that the addition of a special firearm allegation was warranted.”

 

Rakim Mayers ang tunay na pangalan ni A$AP Rocky at kinasuhan ito ng two counts of assault with a semiautomatic firearm with allegations of personally using a firearm.

 

Sa report ng police, November 6, 2021 nang masangkot si Rocky sa “argument between two acquaintances occurred in the Hollywood area. The argument escalated and resulted in the suspect firing a handgun at the victim. The victim sustained a minor injury from the incident and later sought medical treatment. Following the shooting, the suspect and two additional males fled the area on foot.”

 

Inaresto si Rocky noong April sa Los Angeles International Airport pagkagaling nito sa bakasyon with Rihanna sa Barbados.

 

Hindi ito ang unang beses na na-involve si Rocky sa isang gulo. Noong 2019, nakasama itong maaresto sa Sweden pagkatapos na magkaroon ng gulo sa isang grupo ng lalake roon. Nakulong ito sa Swedish jail at noong makalaya at pinabalik na sa US.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

‘Paturok na kayo’: Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaturok ng kanyang “booster shot” laban sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng media ngayong Miyerkules, ito habang hinihikayat ang publiko na kumuha ng karagdagang shots para mapanatili ang proteksyon sa nakamamatay na sakit.

 

 

Ito mismo ang ginawa ni Bongbong sa gitna ng PinasLakas Vaccine Campaign ng Department of Health (DOH) sa isang vaccination site sa SM City Manila.

 

 

“That’s why I’m here… I asked my son [Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos] to join me dahil… even younger people… to demonstrate how important it is to us na everybody get their booster,” ayon kay Bongbong kanina.

 

 

“Sapat naman ang suplay natin ng mga doses, na meron pa rin tayong parating. At tinitignan nga natin ‘yung bagong vaccine na baka sakali ito ‘yung pinaka-effective kontra dito sa ating mga bagong variant na hinaharap.”

 

 

“That is the reason I have come here today to highlight the importance of having the booster shot.” (Daris Jose)