• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 7th, 2022

2nd day ni PBBM sa Indonesia, ‘very productive’- Sec. Cruz-Angeles

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“VERY PRODUCTIVE” ang pangalawang araw ng state visit ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa Indonesia.

 

 

Sa press briefing sa Harris Suites sa Jakarta, sinabi ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles na maraming na-accomplished ang Pangulo sa isang buong araw.

 

 

“It was very productive, extremely so because the President did not expect that the talks between him and [Indonesian] President [Joko] Widodo would progress so rapidly in such a short time,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Bago pa kasi magtanghalian, nagdaos na ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama ang Philippine delegation  sa kanyang  Indonesian counterpart at iba pang Indonesian officials sa  Bogor Presidential Palace sa West Java.

 

 

Sa nasabing pulong nilagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan gaya ng “defense cooperation, cultural cooperation, creative economy, at plan of action para sa  bilateral cooperation.”

 

 

Sa  kanyang official Facebook page, kumpiyansang  ipinahayag ni Pangulong Marcos na ang apat na kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ay mapakikinabangan hindi lamang ng dalawang bansa kundi maging ng buong  Association of Southeast Asian Nations (Asean) region.

 

 

“We are confident that the agreements signed between our countries will help build a peaceful and more united Asean region,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, nagbigay-galang naman si Pangulong Marcos sa Heroes Monument sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa  Kalibata National Heroes Memorial Park sa Jakarta.

 

 

Kasama ng Pangulo si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa idinaos na ceremonial event.

 

 

Samantala, nagkaroon din si Pangulong Marcos ng roundtable discussion kasama ang mga  business leaders sa Indonesia sa Fairmont Hotel, Jakarta.

 

 

Ani Cruz-Angeles, masaya ang Pangulo sa ipinakitang interest ng mga business leaders sa  ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“This is part of his vision for economic recovery and he also happily reported to them the general outcome of his agreements or his talks with President Widodo,” wika ni Cruz-Angeles.

 

 

Ang Pangulo (Marcos) ay kasalukuyang nasa Indonesia para sa  three-day state visit mula Setyembre 4 hanggang  6.

 

 

Matapos sa Indonesia ay lilipad naman ang Pangulo para naman sa kanyang state visit sa  Singapore sa Setyembre  6 at  7.  (Daris Jose)

Kim, napa-‘omg’ nang gayahin ang pose niya sa hallway: REGINE, dahilan kung bakit naka-survive kaya labis na pinasalamatan ng ‘Drag Racer’

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGDATING sa mga showbiz female icon na palaging ini-impersonate lalo na ng mga drag queenS, nangunguna sa list si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

 

At tulad nga sa naganap na ‘Rusical’ masuwerte si Precious Paula Nicole na napunta kanya ang kanyang idolo na si Regine para gayahin na kung saan siya nga ang nagwagi sa Episode 4 ng ‘Drag Race PH’.

 

Sa true lang, napakahirap na mag-impersonate na harap ng ginagaya at iniidolo dahil si Regine ang special judge sa naturang episode.

 

Pero nalampasan niya ito with flying colors sabi nga at ang bongga rin ng kanyang ‘pearls’ gown na nirampa kaya nga siya nag-win.

 

Anyway, ganun na lang ang pasasalamat ni Precious kay Songbird, dahil inamin niya sa IG post na si Regine ang dahilan kung bakit siya naka-survive sa kasagsagan ng pandemya.

 

Caption niya kasama ang mga photos niya bilan Regine:

“Ang paghanga at pagmamahal ko sayo ay hindi kayang tumbasan ng kahit anung premyo at papuri. Wala pa mang dragrace at bago pa man ako pumasok sa #DRAGRACEPH ay abot langit na ang paghanga ko sayo.

 

“Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakasurvive sa pandemic Ate. Hindi alam ng iba na halos ang mga kanta mo at ang mukhang ito ang bumuhay sakin nung nawalan ako ng stage na pagpeperforman.

 

“Kaya ang panalo kong ito ay inaalay ko sayo at sa lahat ng nagmamahal sayo at sa lahat ng nagmahal sakin ng dahil sayo Ate @reginevalcasid.”

 

Kaya tuwang-tuwa namang comment ng mga netizens at say nila:

“Ate Reg is definitely so proud of u dahil andami mong napapasaya sa pag iimpersonate mo sakanya. Napakahusay mo ate precious! Mahal ka namin ❤️”

 

“Songbird supreme!! Congratulations Queen @preciouspaulame!! My drag race Philippines season 1 champion! Reginians 4ever!!! 💗💗💗”

 

“Big fan of @reginevalcasid here too. Apir tayo! @preciouspaulame you did well in this challenge, congratulations!👏”
“SUPER DASURV AND RUBADGE! CONGRATS PPN.”

 

“My first drag race ph winner.”

 

***

 

TUWANG-TUWA naman si Kim Chiu sa twitter post ng @TheRVFriends na kung saan ginaya ni Songbird ang pose niya na naka-display sa hallway ng ABS-CBN.

Student financial aid, sapat lang para sa 20% ng 2 milyong aplikante

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ng mga estudyante na lumagda sa educational assistance program ay makatatanggap ng cash aid.

 

 

Ayon kay  DSWD spokesperson Romel Lopez, ang aplikasyon para sa programa ay umabot na sa dalawang milyon subalit 20% lamang ng dalawang milyon o 400,000 estudyante ang masasakop ng₱1.5-billion budget .

 

 

“‘Wag naman po ikasasama ng loob ng ating mga kababayan kung sila man po ay hindi maaabot ng ating programa,” ayon kay Lopez.

 

 

Aniya pa, ang aplikasyon para sa  aid program ay sasalain sa pamamagitan ng  mahigpit na  assessment sa mga dokumento na isasagawa ng mga social workers.

 

 

Tanging ang mga aplikante na mapatutunayan na mahirap at nahaharap sa matinding krisis ay tatanggapin at makapapasa bilang benepisaryo.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Lopez  na  nakapagpalabas na ang DSWD ng ₱649 milyong piso para sa 257,285 estudyante.

 

 

Ang programang ito ay tatakbo ng hanggang Setyembre 24.

 

 

“Mga almost ₱900 million pa po ang pondong nalalabi at naniniwala po tayong sapat po ito hanggang sa last payout natin sa Sept. 24,” ang wika ni Lopez.

 

 

Samantala, kaagad namang magpapatuloy ang payout sa mga lugar na apektado ng Tropical Depression Gardo at Typhoon Henry sa oras na naisaayos na ang mga field offices.

 

 

Ang mga  off-site assistance payout ay nagsimula sa lalawigan ng  Iloilo, Rizal, at Aurora, ang mga estudyante sa mga nasabing lalawigan ay walang access sa  internet.

Ads September 7, 2022

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Peso naitala ang bagong all-time low vs US dollar – BSP

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA ikatlong araw na trading day na sunud-sunod na sumadsad sa pinakamababang halaga ang piso laban sa dolyar.

 

 

Sinasabing nalugi sa 22.9 centavos ang piso mula noong Biyernes laban sa dolyar.

 

 

Ang paghina lalo ng piso ay kasunod umano ng mga pahayag ng mga opisyal ng Federal Reserve sa Amerika na kailangan pa ang mas mahigpit na monetary policy bago makontrol ang inflation.

 

 

Liban sa nasabing dahilan, nanghina rin ang piso matapos ang bagong record-high na pagkakautang ng Pilipinas.

 

 

Una nang napaulat na ang Philippine government running debt stock ay lomobo pa sa bagong all-time high ng P12.89 trillion.

 

 

Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) meron na silang mga nagawa upang ma-stabilize ang peso matapos ang serye ng rate hikes.

 

 

Sa ngayon wala naman daw problema sa peso kundi ang may problema ay ang dolyar.

 

 

Mula noong Disyembre ng nakalipas na taon, umaabot na sa 11.76% o halos P6.00 na ang ikinalugi ng peso mula sa dating P51-per-dollar close noong December 31, 2021.

 

 

Nitong Lunes naitala sa BSP rates ang isang dolyar na katumbas ng P56.79.

IPAPATAYONG COMELEC BUILDING, HINDI LUHO

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINEPENSA ng Comelec Chief  na hindi luho kundi necessity ang gusali ng Comelec na ipinapatayo.

 

 

“Hindi naman po ito luho itong pagpapagawa ng building. Ito po ay talagang necessity. Kailangang kailangan lang po talaga”,  ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa mahigit dalawang hektaryang site kung saan itatayo ang 9 storey building ng Comelec.

 

 

” Sa sobrang laki po nito, pati po warehouse  kakasya. Napaka-strategic po ng lugar na ito…katabi ng airport, malapit na rin po sa pier. Hopefully, doon po sa ipapatayo naming building ay meron na rin po kaming dormitory para po sa aming mga kawani na galing pa sa iba’t-ibang probinsya. Natatandaan po natin  ‘pag nagpa-file  tayo ng candidacy, nangungupahan pa tayo sa PICC. ‘Pag meron kaming random manual audit (RMA) ,nangungupahan kami sa ilang hotel para lang makapag-conduct…Samantalang, base po sa plano, sa gabay ni Comm. Rey Bulay at ng buong  Commission en banc ay may sarili na pong auditorium. Ibig sabihin po, kumpleto na, nandun na po lahat-lahat ‘yung kailangan po namin, ” sabi ni Garcia.

 

 

Binigyan diin ni Garcia na naiintindihan ng poll body ang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa at ang pangangailangan ang iba pang pambansang alalahanin, kabilang ang food security  at ang patuloy na pagpapatupad ng programa may ugnayan sa COVID-19 health protocols.

 

 

Ang mga istraktura ay “green buildings” o environment friendly.

 

 

“It has a water recycling facility wherein the rainwater can be converted and use to water the plants and also for flushing the toilet. We will be using materials that are environment-friendly. In fact, we will have solar panels so they can generate some savings on our electric consumption. Our windows, it’s slanted so it will deflect direct heat, sunlight so that the temperature inside the building will be lowered and the requirement on air conditioning will be much lower,” dagdag pa ng Comelec chair.

 

 

Umaasa si Garcia na ang inisyal na P500 milyong pondo na inilaan para sa Comelec sa 2023 ay madagdagan pa para masimulan na nila ang construction ng gusali.

 

 

Nakatakdang depensahan ng poll body sa kongreso ang kanilang budget sa Setyembre 9.

 

 

Sa ngayon ay patuloy na inuupahan ng Comelec ang ilang pasilidad kabilang ang 5th, 7th, at 8th floors ng gusali ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

 

 

Dahil dito, nagdesisyon  ang Comelec na pahabain ang konstruksyon ng gusali mula tatlong taon hanggang limang taon.

 

 

“This will result to a similar bite per annum on the government’s budget pie”, ayon pa sa Comelec. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.

 

 

Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng statements.

 

 

Kabilang sa apat ang Plan of Action sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia mula 2022 hanggang 2027; Memorandum of Understanding kaugnay sa kooperasyong pang­kultura; Agreement on Cooperative Activities sa larangan ng depensa ay seguridad sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia; at pang-apat ang Memorandum of Understanding for Cooperation in the Development and Promotion of Crea­tive Economy.

 

 

Sa kanyang paha­yag, pinasalamatan ni Marcos ang Indonesia para sa mga tulong at kanilang pakikilahok sa mga programang pang-imprastraktura noong panahon ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

 

 

Samantala, inilarawan nina Marcos at Widodo ang papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang “lead agent” sa pagdadala ng kapayapaan sa gitna ng mga nangyaya­ring pandaigdigang isyu.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na ang papel ng “regional bloc” ay mahalaga sa seguridad sa rehiyon at sa pagtatamo ng kapa­yapaan.

 

 

Sinabi naman ni Widodo na nais ng Indonesia na tiyakin na ang ASEAN ay mananatiling daan ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon. Dapat din aniya na ka­yang harapin ng ASEAN ang mga hamon sa hinaharap at palakasin ang paggalang sa ASEAN Charter.

 

 

Binigyang-diin ni Widodo ang kahalagahan ng pagpapatupad ng ASEAN Outlook sa Indo-Pacific sa pamamagitan ng kongkreto at inklusibong kooperasyon upang palakasin ang sentro ng ASEAN.

 

 

Idinagdag ni Marcos na ang kanyang pagbisita sa Jakarta ay “simula lamang” ng maraming mahahalagang partnership na nakatakdang isasagawa ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Pagtiyak ng DFA: New York hindi ‘dangerous city’ para sa mga Filipino

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinong naninirahan at bumibyahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod.

 

 

Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na walang dapat na ipangamba ang mga Filipino kung napabalita man na may isang matandang pinay ang pinakabagong inatake at sinapak sa New York City.

 

 

“There is, therefore, no cause for alarm, but Filipinos living in or traveling to New York must remain vigilant and exercise situational awareness, as in any other big city,” ani de Vega.

 

 

Araw ng Martes, sinabi ni Cato na ang sitwasyon sa New York City ay hindi “reached the point where it has actually become a dangerous place which Filipinos should avoid.”

 

 

“Incidents such as those that have been taking place in the past year and a half have been happening for the longest time and have involved not only Filipinos but also people of other races. Cases of violence and other criminal acts also take place in other cities around the world,” anito.

 

 

Bagama’t  hindi naman sadya na targetin ang  mga filipino, sinabi ni Cato na ang mga  isolated incidents laban sa mga  Filipino ay tumataas.

 

 

“As such, Filipinos need to be vigilant and situationally aware when in New York,” aniya pa rin.

 

 

Noong nakaraang linggo, napaulat na may isang matandang Pinay ang pinakabagong inatake sa New York City.

 

 

Sa isang pahayag ng Philippine Consulate General sa New York, naglalakad lamang ang 74 anyos na babae sa kahabaan ng Madison avenue ng bigla siyang sinuntok.

 

 

Tumakas naman ang suspek at hindi pa nahuhuli.

 

 

Sa ibinahaging video clip ni Gen. Elmer Cato, makikita na ang matandang ginang ay bumulagta sa lupa at nangyari ito sa kasikatan ng araw.

 

 

Matatandaan na ang pag- atake sa mga asyano, Asian-American at Pacific Islanders ay lumaganap noong magsimula ang pandemya.

 

 

Kaya naman nanawagan sa US government ang mga ganitong klaseng kaso dahil sa tumataas na bilang ng hate crime sa bansa. (Daris Jose)

Tiyak na isa siya sa mag-i-spoil sa unang apo: VILMA, excited na sa pagdating ni Baby Peanut at kung gaano kadalas mahihiram

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI mo masisisi si Ms. Vilma Santos-Recto na magiging first time lola. 

 

 

Excited na kasi siya sa nalalapit na pagsisilang ng manugang na si Jessy Mendiola sa Baby Peanut nila ng husband nitong si Luis Manzano.

 

 

At sabi nga niya sa kanyang vlog sa YouTube na may 400K followers na, “gaano ko kaya kadalas mahihiram ang aking apo?”

 

 

Ngayon pa lamang ay maitatanong mo na rin kay Vilma kung gaano kaya niya ii-spoil si Baby Peanut?  Hindi ba ang mga lola at lolo raw ang mas umi-spoil sa kanilang mga apo, lalo pa kung kasama mo sila sa bahay?

 

 

Good luck, Ate Vi!

 

 

***

 

 

ISA ba kayo sa unang nakapanood ng world premiere ng number one reality show ngayon sa bansa, ang Running Man Philippines

 

 

Pinuri at nag-trending agad ang show na players sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar.

 

 

Ilan sa mga comments ng mga netizens… @paulolim “Such a great show.  The Chinese version is fantastic and now the Philippine version on @GMANetwork is just as entertaining”, @EmpressKxxx  “Nakangiti lang ako the whole time while watching the activity of the runners” @noonrisie. “Watching the world premiere of Running Man Philippines was an opportunity for a lot of families to bond during Saturday and Sunday nights.  My mom and

 

 

Nag-post naman sa kanyang Instagram si GMA Network’s Senior Vice President for Entertainment Group Ms. Lilybeth G. Rasonable, na kasamang nag-shoot ng Running Man Philippines sa South Korea.

 

 

“I could not fully grasp why we could not shoot for more days in a week until I saw for myself the amount of energy, patience,  and discipline the show demanded from the runners.

 

 

“Matinding pagod, sa gitna ng ulan at sa ilalim ng araw, mabilisang meal breaks, may nasaktan at nasugatan, at sa loob ng isang buwan at kalahati, mag-isa sila, walang plus 1, malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.  Sa gitna ng lahat ng ito, di ako nakarinig ng reklamo ni minsan.

 

 

“They savoured every minute of this once-in-lifetime experience.  Kudos to all of you, our dear Runners! You are all pros!”

 

 

Dahil twice a week nga lamang napapanood ang Running Man PH, Saturday at 7:15PM, after Pepito Manaloto and on Sunday, 7:50PM, after Happy ToGetHer, excited ang mga viewers ng mga susunod pang gagawin ng mga players na mga pagsubok.

 

 

                                                            ***

 

 

KUNG si Ruru Madrid ang isa sa hinahangaan sa “Running Man PH,” mahal na mahal din ng mga netizens ang kanyang number one drama series sa GMA Telebabad na “Lolong.”

 

 

Sabi nga nila, tiyak daw na ang girlfriend niyang si Bianca Umali, ang tunay niyang inspiration para magampanan lahat ng mga roles na kanyang ginagawa.

 

 

Inamin naman ito ng Kapuso action-drama actor, nang mag-guest siya kay Toni Gonzaga sa YouTube channel nito.

 

 

Nalaman din ni Toni na sa pagmamahal ni Bianca kay Ruru, nagpa-convert pa siya bilang member ng Iglesia Ni Cristo.

 

 

“For a woman to convert her religion, it’s a big step and she’s really parang showing you her commitment.  That she wants to share the same faith na meron ka.  Kaya I would say at this point of our relationship, yes po, she’s the one.  Parang lahat po ng gusto ko sa isang babae, na kay Bianca na.”

 

 

Matatandaan na after ng shoot ni Ruru ng ‘Running Man PH’ sa South Korea, nag-stay pa siya ng another day, sila ni Mikael, at hinintay nila ni Ruru ang pagdating doon ni Bianca at ni Megan Young.

DOTr nagbabala sa mga opisyales ng rail lines sa nagbabantang “beep” cardshortage

Posted on: September 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY  ng babala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga opisyales ng rail lines na magkaroon ng alternatibong paraan dahil sa nagbabantang kakulangan ng mga  beep  cards sa Metro  Rail  Transit Line 3   (MRT3), Light Rail  Transit Line 1(LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 1).

 

 

Ito ay matapos hindi nakapag-deliver ang AF Payments Inc., na isang consortium sa pagitan ng Ayala Group at First Pacific Group, ng mga beep cards sa MRT 3 nanakalaan dapat noong July.

 

 

Sinabi naman ng consortium ang sitwasyon sa DOTr dahil sila rin ang nagbibigay ng supplies sa LRT 1 at LRT 2 bukod pa sa MRT 3. “We placed multiple orders with card makers abroad, only to be denied deliverydue to a global supply crunch for chips,” wika ng consortium.

 

 

Inaasahan ng DOTr na tataas ang demand ng beep cards dahil sa ngayon aymay face-to-face na klase na sa lahat ng paaralan, pribado man o pampubliko. Dadami rin ang mga pasahero dahil sa ang mga empleyado at manggagawa ay kailangan ng bumalik sa kanilang mga trabaho. Kaya  hiniling  ng  DOTr  sa   mga  opisyales  ng   rail   lines  na   humanap  ng  isang alternatibong paraan upang matakpan ang supply gap at isa sa mga nakitang paraan ay ang masagad ang paggamit ng single-journey tickets.

 

 

“However, commuters reeling from the impact of climbing inflation may find thisimpractical   given   the   fare   difference   between   using   single-journey   and   stored-valuecards,” wika ng DOTr.

 

 

Halimbawa na ang LRT 2- single  journey  fares  ay  mula   P15 hanggang P30,habang ang stored-value rates ay mula P12 hanggang P29.

 

 

Sa LRT 2 ang pamasahe sa single journey ay mula P15 hanggang P30 samantalang ang stored-value rates ay mula sa   P12   hanggang P28. Kaya  mas   pipiliin ng mga  pasahero ang paggamit ng stored-value cards kaysa sa single journey cards. Sa   nasabing   sulat   sa   mga   rail   managers,   sinabi   ng   DOTr   na   mayroong nagbabantang kakulangan ng mga beep cards dahil na rin sa kakulangan ng access sa special gases mula Russia na ginagamit sa paggawa ng NXP chips.

 

 

Sinisisi   rin   ng   ahensya   ang   shipping   slowing   down   na   nangyayari   sa   buong mundo dahil sa ginagawang lockdown sa China na ang sanhi ay ang pagtaas ng casesng COVID-19 sa China. Noong nakaraang buwan sinabi ng JP Morgan na ang kakulangan sa global chip ay dahil din sa paghinto ng manufacturing nito kung saan sanhi rin ang pandemya lalo na sa China kung saan ginagawa ito.

 

 

“Afterward, the general shift to digital transactions drove the demand for chips,especially by automation firms. Although, the current supply will fall short of providing for   everyone’s   needs   but   the   global   chip   crunch   would   end   soon.   More   chips   will become available in the second half of the year and the shortage is nearing its end, but available chips may not be the right type to satisfy the demand,” wika ng JP Morgan. LASACMAR